GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest

All Chapters of Enchanted in Hell: Chapter 1 - Chapter 10

Home /  All /  Enchanted in Hell /  Chapter 1 - Chapter 10
54 Chapters

Prologue

Bumagsak sa sahig ang mangkok at plato nang mabitiwan niya ang tray. Nagkalat ang mga piraso ng kanin at ulam na hinanda niya para sa lalaki.Napahawak siya sa bibig at napasandal sa pader. Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita ng mga mata. Mariin siyang pumikit nang lumakad ang lalaki. Mabibigat ang yabag nito na papalapit sa direksyon niya."What did you do?" sigaw nito sa kaniya.Pakiramdam niya ay nabasag na ang kaniyang eardrums dahil sa lakas ng boses ng lalaki. Galit na galit ito kaya lalong nanginig ang kaniyang mga tuhod. Unting-unti na lang ay babagsak na siya sa kinatatayuan.Marahan niyang dinilat ang mga mata at tumingala sa lalaki. Hindi niya maunawaan ang tanong nito sa kaniya. Kakarating niya pa lang sa kuwarto nito at wala siyang ibang ginawa."Wala." Nanginginig ang kaniyang labi na sumagot sa lalaki."Get out!" sigaw muli nito.Lalabas na sana siya subalit
Read more

Welcome to Ledesma's Mansion

"Miss, hindi nga kami basta-basta nagpapapasok sa loob!" sigaw ng guwardiya.Pinaglapat ni Rina ang dalawang palad habang nakikipag-usap sa dalawang guwardiya."Please po, pinapapunta po talaga ako rito ng amo n'yo."Maluha-luha na ang kaniyang mata dahil kanina pa siya nasa labas ng mansion ng Ledesma family. Ang Ledesma ang pinakamayamang pamilya sa kanilang lugar. Ang lawak ng lupain nila ay walang sinabi sa dikit-dikit na bahay ng mga mamamayan doon. Malaki ang mansion ng mga ito—Spanish Style. Matagal na iyong nakatayo sa San Pascual noong panahon pa ng mga Kastila."Ang kulit mo Miss! Kami mapapagalitan nito, e!" sigaw muli ng guwardiya sa kaniya. Kahit ilang beses niyang subukang pumasok ay paulit-ulit lang siyang hinaharangan ng mga ito gamit ang kani-kanilang mga kamay.Mahigpit sa seguridad ang mga Ledesma. Halos walang nakakapasok sa loob ng mansion na iyon. Tanging pamilya lang ang pinahihintulutang pumasok sa loob.
Read more

Beauty and the Beast

Kasalukuyang inaayos ni Theo ang puwesto ng mga alcoholic beverages sa estante nang dumating si Dr. Steve, ang personal psychiatrist niya. Huminto siya at binaba ang basahan na ginamit niya sa pagpupunas ng bote. Humarap siya kay Dr. Steve. Marami siyang gustong sabihin dito."Kumusta?" tanong nito."Ayos lang," sagot naman niya. Inabot niya muna sa doktor ang paborito nitong drinks bago naglagay ng sariling inumin sa baso."You know, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko..." Tumungga siya sa baso. "Alam kong hindi mo sasabihin sa iba ang kinukwento ko."Tumango si Dr. Steve kay Theo. Bago lang nang magkakilala sila ni Theo. Siya ang pumalit sa dating personal psychiatrist nito na si Dr. Cabrera."They are forcing me to go out in this house...malaki na raw ako. Dapat pag-aralan ko nang humarap sa mga tao."Hinawakan ni Theo nang mahigpit ang kaniyang glass. Kung alam lang ng mga magulang niya ang naranasan niya ay baka maunawaan siya ng mga ito
Read more

What is Love?

Maraming bata ang umiiyak sa paligid niya. Pare-pareho ng sinisigaw, hinahanap ang kanilang mga magulang. Umiyak na rin siya. Lumapit sa kaniya ang isang babae. Hinawakan siya nito sa buhok at kinaladkad papunta sa madilim na silid..."Theo!"Nagmulat si Theo ng mata at tumambad sa harap niya ang mukha ng isang babae. Napatayo siya at natulak ito sa kama. Huli na nang matauhan siya at makilala kung sino iyon dahil tuluyan nang natumba ang babae dahil sa ginawa niya."Ba't nandito ka?" tanong niya kay Rina saka mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga."Narinig kasi kita na sumisigaw kaya nag-alala ako," sagot naman nito habang tumatayo. Pinagpag at inayos din nito ang nagusot na damit.Kinusot niya ang bed sheet at yumuko. Napanaginipan niya na naman ang pangyayari noon. Gusto niya nang makalimutan ang bagay na iyon pero paulit-ulit iyong nagpapakita sa kaniyang panaginip.Lumapit siya sa pintuan."Labas," sabi niya bago binuksan nang
Read more

Oedipus Complex

Nagdidilig ng halaman si Rina sa labas. Maaga siyang nagising para gawin iyon. Napakalawak ng labas ng mansion kaya kakain siya ng mahabang oras para matapos. Hindi naman siya nahihirapan dahil may hose naman siyang gamit. Tumigil siya sandali at tumingala. Maaliwalas ang kalangitan. Asul na asul. Ang mga ibon sa himpapawid ay magkakasabay sa pagpagaspas ng kanilang mga pakpak—para bang sumasayaw. Papunta ang mga ito sa iisang direksyon.Huminga nang malalim si Rina. Pinunasan niya ang namumuong pawis sa noo. Umaga pa lang pero naliligo na siya sa pawis."Ang ganda talagang tingnan ng paglitaw ng araw," sabi niya.Mukha siyang baliw na kinakausap ang sarili. Kulay kahel ang araw at nakapuwesto sa gitna ng dalawang bundok. Mayamaya lang ay tuluyan na itong lalabas mula sa pinagtataguan."Malulunod ang halaman niyan."Nagbalik si Rina sa katinuan. Nakalimutan niya na umaagos pa pala ang tubig sa hose na hawak niya. Mabilis niyang sinara ang gri
Read more

Dinner Disaster

Maagang nagising si Theo. Lumabas siya sa kuwarto at nakita si Rina na nagwawalis malapit sa asotea. Huminto ang babae upang hawiin ang kurtina doon."Huwag mong bubuksan 'yan," utos niya.Humarap si Rina at kunot-noong tumitig sa kaniya."Bakit?""Basta," sagot niya. Hindi siya sanay na nakabukas iyon. Palagi kasi siyang mag-isa sa bahay nila at hindi iyon nagagalaw. Umupo siya sa sofa. Mas mabuti na ring nakasarado iyon palagi para maitago niya ang sarili sa labas. Ayaw niyang may nakakakita sa kaniya tulad na lamang ng mga guwardiya nila. Pili lang ang mga tao na pumapasok sa mansion nila. Kabilang doon si Dr. Steve, ang tito at ang pinsan niya."Anong niluto mo?" tanong niya.Tumingin siya kay Rina nang tuluyan nitong hawiin ang kurtina. Tumagos sa transparent glass door ang kaunting liwanag mula sa labas. Lumikha iyon ng Tyndall effect na nagpalitaw ng mga alikabok na lumilipad sa hangin. Ang kaninang madilim na loob ay unti-unti nang s
Read more

Incest

Nagising si Theo nang marinig ang bagay na nahulog sa sahig. Nakita niya sa tapat ng pintuan si Rina at ang basag na mangkok at plato sa sahig. Nagkalat din ang mga pagkain at ulam doon.Tumingin siya sa tabi. Nandoon ang kaniyang ina. Pareho silang mga hubad. Mabilis siyang nagsuot ng pang-ibaba. Wala siyang matandaan sa nangyari.'Ano ang ginawa niya?'Kinuha ni Caridad ang kumot at binalot iyon sa sariling katawan."Anak."Lumingon si Theo kay Rina. Nakatakip pa rin ang bibig nito habang nakatingin sa kanilang mag-ina. Lumapit siya rito at kinulong ito sa pader."What did you do?" tanong niya. Ang huling natatandaan niya ay ininom niya ang tubig na dinala nito kagabi. Nag-iba ang pakiramdam niya nang inumin niya iyon. Siguradong may hinalo ito sa tubig."Wala." Nanginginig na sumagot si Rina. Wala rin itong mapiling salita na sasabihin sa lalaki."Get out!" Marahas na hinawakan ni Theo sa braso si Rina. Pwersahan niya itong
Read more

Day Off

Maagang gumising si Theo. Kasalukuyan siyang nakaharap sa kaniyang laptop upang alamin ang status ng hotel na mina-manage ng kaniyang pinsan na si Cliff. Napapailing na lamang siya habang tinitingnan ang kinikita ng hotel buwan-buwan. Lumalaki ang expenses kumpara sa pumapasok na pera. Ano ba ang ginagawa ng pinsan niya? He's just playing around.Nag-ring ang phone niya kaya sinagot niya iyon agad."Insan." Bungad pa lang ng nagsalita sa kabilang linya ay alam na niya kung sino ang tumawag kahit hindi siya tumingin sa screen. Boses iyon ng loko-loko niyang pinsan."Balita ko nilagay ka ni Tito sa marketing and advertising ah?"Tumungga siya ng alak sa baso niya bago sinagot ang pinsan. "So what?""Insan, bali-balita na rito sa Hotel."Napahigpit ang hawak niya sa baso. Kahit kailan talaga ay napakabilis ng balita. Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas simula nang magdesisyon siyang tumulong sa negosyo subalit kalat na kalat na sa LED Hotel
Read more

Family Bonding

Maagang umalis si Rina sa mansion ng Ledesma. Hindi na siya makapaghintay na makita ang kaniyang pamilya. Isang buwan din silang hindi nagkita. Dahil nakasahod na rin siya ay balak niyang bumili ng pasalubong sa dalawang kapatid at sa kaniyang ina. Naalala niya na mahilig ang kaniyang bunsong kapatid na mag-drawing. Balak niyang bilhan ito ng mga materyales sa pagguhit katulad na lang ng pastel, color pencil, graphite pencil at sketch pad. Palagi niyang nakikita ang mga drawings ng kaniyang kapatid at manghang-mangha talaga siya rito.Tinawagan niya ang kaniyang kaibigan na si Lauren para magpasama rito na mamili. Pupunta rin siya sa market para makabili ng grocery items. Alam kasi ni Rina na abala rin ang mga kapatid sa pag-aaral kaya wala na itong oras pa para mamili."Hello Lauren, sa'n ka?" bungad niya sa kaibigan sa kabilang linya."Sis, nandito pa ako sa work pero pauwi na rin ako," sagot ni Lauren. Matagal nang kaibigan ni Rina si Lauren. Magkababata sila
Read more

Welcome Back to Hell

Lunes nang makabalik si Rina sa trabaho. Alas kuwatro nang umaga siya bumiyahe para makarating agad sa mansion ng Ledesma. Nasa asotea siya upang abangan ang paglitaw ng araw. Masarap pagmasdan ang pagsikat nito sa puwesto niya dahil nasa mataas siyang lugar. Bukod sa mga bundok at kalangitan ay natatanaw niya rin sa malayo ang mga maliliit na kabahayan na bukas ang mga ilaw. Parang maliliit na bituin sa lupa ang mga bahay na iyon na may mumunting liwanag. Hindi kalakihan ang Baranggay San Pascual. Halos maliliit na kabahayan lang ang makikita rito. May mga malalaking bahay rin subalit wala pang tatalo sa laki ng mansion ng Ledesma."You're here."Napalingon si Rina sa nagsalita sa likod niya. Si Theo iyon na naglalakad palapit sa direksyon niya subalit bigla na lamang itong huminto nang malapit na ito sa glass door. Umatras ito nang bahagya.Ngumiti si Rina at hinatak sa kamay si Theo palabas. Kailangan nitong subukan lumabas. Kung hindi nito gagawin iyon ay pa
Read more
Previous Page
Next Page
Download the Book
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy