loading
Home/ All /Enchanted in Hell/Oedipus Complex

Oedipus Complex

Author: Anny Pelly
"publish date: " 2020-07-29 15:07:48

Nagdidilig ng halaman si Rina sa labas. Maaga siyang nagising para gawin iyon. Napakalawak ng labas ng mansion kaya kakain siya ng mahabang oras para matapos. Hindi naman siya nahihirapan dahil may hose naman siyang gamit. Tumigil siya sandali at tumingala. Maaliwalas ang kalangitan. Asul na asul. Ang mga ibon sa himpapawid ay magkakasabay sa pagpagaspas ng kanilang mga pakpak—para bang sumasayaw. Papunta ang mga ito sa iisang direksyon.

Huminga nang malalim si Rina. Pinunasan niya ang namumuong pawis sa noo. Umaga pa lang pero naliligo na siya sa pawis.

"Ang ganda talagang tingnan ng paglitaw ng araw," sabi niya.

Mukha siyang baliw na kinakausap ang sarili. Kulay kahel ang araw at nakapuwesto sa gitna ng dalawang bundok. Mayamaya lang ay tuluyan na itong lalabas mula sa pinagtataguan.

"Malulunod ang halaman niyan."

Nagbalik si Rina sa katinuan. Nakalimutan niya na umaagos pa pala ang tubig sa hose na hawak niya. Mabilis niyang sinara ang gripo at lumingon sa lalaking nakabihis ng pormal—nakasuot ng long sleeves white polo, naka-tie at slacks.

"Sino ka?" tanong ni Rina. Mabuti at nakapasok ang lalaki dahil ang alam niya ay mahigpit ang guwardiya sa labas.

"Ako nga pala si Dr. Steve, personal psychiatrist ni Theo," pormal na pagpapakilala nito.

"Ano? Psychiatrist?" Tumango si Dr. Steve kay Rina. Galing siya sa hospital pero dumiretso na siya sa mansion para kumustahin ang pasyente niya.

"Ikaw na siguro ang tinutukoy ni Mr. and Mrs. Ledesma."

Hindi maunawaan ni Rina ang sinasabi ng doktor. Pamilyar sa kaniya ang kaharap. Sigurado siya na nakita na niya ito kung saan.

"Kumusta naman si Theo nang makita ka niya?" tanong ni Dr. Steve. Tumingala siya sa langit. Sa kaniyang ideya ang pagtanggap kay Rina sa mansion. Bilang personal psychiatrist ni Theo, responsibilidad niyang tulungan ito. Kung tumatanggi itong umalis ng mansion dahil takot itong harapin ang mundo sa labas, ang 'tao' na lang ang papupuntahin niya sa pinagtataguan nito.

"Hindi mo pa pala alam ang kondisyon niya."

"Bakit? Ano ba ang nangyari sa kaniya?" takang tanong ni Rina.

"He is suffering from agoraphobia." Nanatiling tikom si Rina. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya dahil unang beses pa lang niya narinig ang terminology na iyon. Ngumiti si Dr. Steve habang tinititigan si Rina. Alam niya ang dahilan kung bakit ito natahimik bigla.

"Others misunderstood it as simply fear of leaving home...but I believe that this is also his way of escaping."

Nanlaki ang mata ni Rina. Naalala niya ang pag-uusap ni Theo at ng ina nito.

"Kaya pala..."

"Pero hindi lang iyon ang problema. I'm afraid na mas lumala pa ang sitwasyon niya."

Lumunok si Rina. Kinakabahan siya sa sasabihin ng doktor.

"Alagaan mo siya. Iparamdam mo ang pagsuporta mo sa kaniya," bilin ni Dr. Steve. Pinigilan ni Dr. Steve ang sarili na magsalita pa. Hindi niya gustong masira ang tiwala ni Theo sa kaniya. Once na masira iyon, tiyak na mahihirapan siyang i-approach ito muli. Ilang buwan din niyang sinubukang kuhain ang loob ni Theo. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil nagtitiwala at nagsasabi na ito sa kaniya ng nararamdaman. Ililihim niya muna sa lahat ang nalaman niya base sa kuwento ni Theo.

"Alam mo ba ang kuwento ni Oedipus?" tanong ni Dr. Steve.

Tumango si Rina. Narinig na niya iyon noong nag-aaral pa siya sa first year ng nursing.

"Sa ibang bersyon ng story, bata pa lang si Oedipus ay nakatadhana na 'siya' ang papatay sa sariling ama na si Laius, ang hari ng Thebes. Pinapatay siya ng hari pero... naawa sa kaniya ang isang pastol. Napunta si Oedipus sa Corinth at pinalaki ni Haring Polybus at ng asawa nito..." Huminga si Dr. Steve bago nagpatuloy. "Nang lumaki ay bumalik si Oedipus sa Thebes, nalaman niya kasi ang kapalaran na 'siya' ang papatay sa hari doon. Wala siyang kaalam-alam na ang hari na iyon ang tunay niyang ama."

Inayos ni Dr. Steve ang necktie. "Nagkita sila ng amang si Laius at nakipagtalo ito sa kaniya kaya dumating siya sa punto na napatay niya ito. Napatay niya ang sariling ama..."

Lumunok si Rina ng laway. Titig na titig siya sa doktor habang nagkukwento. Para lang siyang nakikinig sa magaling na story teller.

"Tapos, anong nangyari?"

"Nagpatuloy siya at nakaharap ang Sphinx sa Thebes. Nasagutan niya ang bugtong nito kaya tuluyan siyang nakapasok sa kaharian. Naging hari siya ng Thebes at napangasawa..."

Lumunok ulit si Rina ng laway. Mas lalong nagiging kapana-panabik ang kuwento dahil sa paghinto ng doktor.

"Napangasawa niya ang sariling ina na si Jocasta at nagkaroon sila ng apat na anak."

"Hala—" Napahawak si Rina sa bibig. Kung mangyayari iyon sa panahon ngayon ay tiyak na imoral ang tingin ng lahat dito.

"Nalaman ba nila na mag-ina sila?"

"Nang malaman ng reyna na anak niya ang napangasawa, nagpakamatay ito."

"Ang lungkot naman ng nangyari sa buhay nila," komento ni Rina. Inikot niya ang hose at binalik iyon sa puwesto.

Naglakad na rin si Dr. Steve papunta sa front door. "Ikaw na bahala kay Theo."

Umaasa ang doktor na maliliwanagan ang pasyenteng si Theo sa totoo nitong nararamdaman. Nagpapasalamat na rin siya na babae ang nakuha ng mga magulang nito. Makakatulong si Rina nang malaki kay Theo. Sana nga lang ay makipagtulungan din ang babae.

"Teka," pigil ni Rina.

Huminto si Dr. Steve.

"Para kasing pamilyar ka sa akin." Nagpunas si Rina ng pawis sa noo.

"Parang nagkita na tayo."

Ngumiti si Dr. Steve.

"Oo, nagkita na talaga tayo."

Nanlaki ang mata niya, "Ha? Saan? Hindi nga?"

Tumikhim ang doktor.

"Nag-aral ka sa San Pascual Medical School diba?"

Tumango siya. "Oo, bakit?"

"I was once invited in your school. Don't you remember me?"

Umiling-iling si Rina. Alam niya na nakita niya na ang lalaki pero hindi niya alam kung saan at kailan.

"You were crying that time." Tumawa ang doktor. "I don't blame you kung bakit hindi mo na matandaan iyon." Pinatong ng doktor ang kamay sa ulo ni Rina.

Napatingala siya. Ngayon niya lang napansin na napaka-tangkad pala ng lalaki.

"Maaalala mo rin ako," sabi ni Dr. Steve at tumalikod na sa kaniya.

Sinundan ni Rina ng tingin ang likod ng doktor habang naglalakad. Mas matanda ang doktor sa kaniya—mas matured mag-isip at magsalita. Tantiya niya ay nasa dalawampu't siyam o tatlumpu na ang edad nito.

Umupo si Rina sa lupa nang tuluyan nang makapasok sa loob ang doktor. Sinusubukan niyang alalahanin kung saan at kailan niya nakita ang doktor. Binunot niya ang mga ligaw na damong malapit sa halaman na nakita niya. Maliit pa lang ang halaman na iyon kaya kailangang alagaan. Dapat matanggal ang damo sa paligid nito para hindi ito maagawan ng sustansya.

Isa pa, hindi makikita ang ganda ng halaman kung matatakpan at masasapawan lamang iyon ng makakapal at malalagong damo. Posible ring hindi masinagan ng araw ang halaman na iyon dahil sa nakaharang dito.

Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa maliit na halaman. Naalala niya si Theo sa halaman na iyon. Dapat habang bata pa o maliit pa ay maranasan na nito ang tamang pag-aalaga. Dapat natatanggap nito ang pangangailangan—sikat ng araw, tubig at pampataba para lumaki ito ng maganda, maayos, makulay at higit sa lahat ay may buhay.

Lihim siyang natawa.

'Halaman ba ang tinutukoy niya o si Theo mismo?'

Tumayo na siya at pumasok na rin sa loob. Marami pa siyang dapat gawin. Magluluto pa siya ng pagkain para sa tanghalian. Dadamihan na niya ang lulutuin kung saka-sakaling doon manananghalian ang doktor.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Enchanted in Hell   There Is No Ending

Ang kulay kahel na araw na nagtatago sa likod ng mga ulap ay unti-unti nang lumalabas sa pinagtataguan nito. Ang mga ulap na kanina lamang ay parang isang bulak ay unti-unti na ring naghihiwalay para gawing maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman sa pagsapit ng alas sais ng umaga sa Taklong Island ng Nueva Valencia, Guimaras, tanging araw na lamang ang makikita sa asul na langit na nahahaluan ng dilaw at kahel na repleksyon ng araw.Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at ang mga alon ay patuloy sa paghampas patungo sa dalampasigan. Tanging tunog lamang ng kalikasan ang maririnig sa lugar dahil ang parteng iyon ng isla ay pribado o pag-aari ng Ledesma.Nakaupo si Rina sa pinong buhangin habang nakatingin sa kalangitan nang tabihan siya ni Theo at hawakan nito ang kanyang kamay."You like this place?""Oo naman, ang ganda kaya rito.""Maganda pa rin kaya rito kahit wala ako?" tanong ni Theo."Syempre hindi. Sabi ko nga, kahit nasaaang lugar tayo

Enchanted in Hell   Looking For Theo

Kabababa pa lamang ni Rina sa tricycle na sinakyan niya papunta sa mansion ay natanaw na niya si Dr. Steve sa labas ng gate. Nang makita siya ng doktor ay lumapit din ito sa kanya."Dr. Steve, ba't nandito ka pa rin?""Nagbabakasakali lang ako na papapasukin na nila ako," sagot ni Dr. Steve saka nilingon ang mga guwardiya.Lumapit si Rina sa mga guwardiya. Sa ilang buwan niyang nagtatatrabaho sa mansion ay nakapagpalagayan na niya ang mga ito ng loob at ganoon din naman ang mga ito sa kanya. Siguro naman ay kung manghihingi siya ng pabor sa mga ito ay hindi siya matatanggihan dahil may pinagsamahan na rin naman silang lahat. Sa katunayan, siya rin ang nagluluto ng mga pagkain dito at madalas niya rin makakwentuhan ang mga bantay."Totoo bang wala na si Theo rito?" tanong niya sa mga guwardiya."Rina...nandito ka na..." Umiwas ng tingin sa kanya ang mga guwardiya. Mayroong nagtatanggal ng bara sa lalamunan at mayroon namang pinili na lang na ngumiti

Enchanted in Hell   He Is Gone

Ilang araw rin ang lumipas nang iwan si Theo ni Rina kaya napuno na naman ng bangungot ang buhay niya.Katatapos pa lamang niyang harapin ang problema nang malamang pinagkaisahan siya ng buong pamilya subalit may nadagdag na naman. At katulad ng palagi niyang ginagawa, nagkulong na naman siya sa kuwarto niya, walang ganang kumain o uminom man lang ng tubig."Tito Eduardo, ikaw pala ang nagpadukot sa 'kin noon," bulong niya sa sarili nang magbukas siya ng phone noong tangka sana niyang tatawagan si Rina. Kaya lamang ay hindi na niya natuloy iyon nang sunod-sunod na may nag-notif sa kanyang phone. Maraming nagme-mention sa kanya at naka-tag sa kanya kaya naman nabalitaan niya rin ang tungkol kay Dominador habang sinisiwalat nito ang lahat sa pulisya.Napakabilis ng balita lalong-lalo na sa mga kilalang personalidad at pamilya sa lugar nila. Dahil nga kilala ang Ledesma, marami ring mga tao mula sa San Pascual ang nagnanais na manghimasok sa mga ganap sa pamilya. M

Enchanted in Hell   Do You Really Love Him?

Pagkarating na pagkarating nina Theo at Rina sa mansion, agad na kinuha ni Theo ang kanyang laptop upang panoorin ang laman ng flashdrive na binigay sa kanila ni Dominador."Handa ka na bang malaman?" tanong ni Theo kay Rina na tumango-tango lamang sa kanya.Sinimulan na ni Theo i-play ang video at doon lumabas kung paano nabangga ang ama ni Rina. Tumatawid ang ama ni Rina noon nang dumating ang isang sasakyan. Pinindot ni Theo ang pause kaya huminto rin ang footage at na-focus naman sa screen ang likuran ng kotse na nakabangga sa ama ni Rina.Hindi man makita nang maayos ang plate number ng sasakyan, sigurado naman si Theo kung kanino ang sasakyan na iyon, kulay pa lang ay alam na niyang sa dad niya ang kotse."Theo? Bakit bigla kang natulala? Alam mo kung kanino ang sasakyan na 'yan?"Marahang napatango si Theo. Iyon ang dating kotse ng kanyang ama. Alam niya iyon dahil palagi niya iyong nasisilip mula sa kanyang silid sa tuwing darating ang kany

Enchanted in Hell   I Know The Truth

Magkayakap sa kama sina Theo at Rina at parehong nakatakip ng kumot ang kani-kanilang hubad na katawan."Now, start telling something about yourself to me.""Hmm. Ano ba ang gusto mong malaman?""About you and your family.""Hmm...wala na si Papa. First year college ako nang namatay siya. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang taong nakabangga sa kanya kaya mas lalo akong nagagalit sa taong iyon. Marahil kung dinala niya si Papa sa hospital at hindi tinakbuhan, baka buhay pa si Papa hanggang ngayon. Masyadong naduwag ang taong 'yon...kung nasaan man siya ngayon, bahala na ang tadhana ang magparusa sa kasalanan niya."Inamoy-amoy ni Theo ang buhok ni Rina. "What if dinala ng taong 'yon ang papa mo sa hospital? Ano ang gagawin mo sa nakabangga?""Syempre, kailangan niya pa rin pagbayaran ang kasalanan niya."Siniksik ni Rina lalo ang sarili kay Theo, "Tapos ayon, nang namatay si papa, natigil na rin ako sa pag-aaral. Tumulong na lang ako

Enchanted in Hell   Heaven

Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.Nag-message siya rito.'Sino ka?'Matapos ang ilang segundong paghihintay, na-received na niya ang reply mula rito.'Hindi mo ako kilala. Pero kilalang-kilala kita at ang lahat ng bahong tinatago mo.'Nag-reply siya rito.'Magpakilala ka! Sino ka! Hindi mo ako madadaan sa takot!''H'wag kang mag-alala, hindi kita tinatakot. Tototohanin ko ang sinabi ko kapag hindi mo pa rin kami tinigilan.''Hindi kita maintindihan. Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na naging atraso ko sa 'yo.'Matapos iyon ay hindi na muli nag-reply sa kanya ang kausap. Matapos tulungan nina Rosita, Jan at Julius si Rina sa paglilinis

Enchanted in Hell   Welcome Back to Hell

Lunes nang makabalik si Rina sa trabaho. Alas kuwatro nang umaga siya bumiyahe para makarating agad sa mansion ng Ledesma. Nasa asotea siya upang abangan ang paglitaw ng araw. Masarap pagmasdan ang pagsikat nito sa puwesto niya dahil nasa mataas siyang lugar. Bukod sa mga bundok at kalangitan ay

Enchanted in Hell   Family Bonding

Maagang umalis si Rina sa mansion ng Ledesma. Hindi na siya makapaghintay na makita ang kaniyang pamilya. Isang buwan din silang hindi nagkita. Dahil nakasahod na rin siya ay balak niyang bumili ng pasalubong sa dalawang kapatid at sa kaniyang ina. Naalala niya na mahilig ang kaniyang bunsong kap

Enchanted in Hell   Day Off

Maagang gumising si Theo. Kasalukuyan siyang nakaharap sa kaniyang laptop upang alamin ang status ng hotel na mina-manage ng kaniyang pinsan na si Cliff. Napapailing na lamang siya habang tinitingnan ang kinikita ng hotel buwan-buwan. Lumalaki ang expenses kumpara sa pumapasok na pera. Ano ba ang

Enchanted in Hell   Incest

Nagising si Theo nang marinig ang bagay na nahulog sa sahig. Nakita niya sa tapat ng pintuan si Rina at ang basag na mangkok at plato sa sahig. Nagkalat din ang mga pagkain at ulam doon.Tumingin siya sa tabi. Nandoon ang kaniyang ina. Pareho silang mga hubad. Mabilis siyang nagsuot ng pan

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy