Download the book for free

Chapter 1
Bumagsak sa sahig ang mangkok at plato nang mabitiwan niya ang tray. Nagkalat ang mga piraso ng kanin at ulam na hinanda niya para sa lalaki.
Napahawak siya sa bibig at napasandal sa pader. Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita ng mga mata. Mariin siyang pumikit nang lumakad ang lalaki. Mabibigat ang yabag nito na papalapit sa direksyon niya.
"What did you do?" sigaw nito sa kaniya.
Pakiramdam niya ay nabasag na ang kaniyang eardrums dahil sa lakas ng boses ng lalaki. Galit na galit ito kaya lalong nanginig ang kaniyang mga tuhod. Unting-unti na lang ay babagsak na siya sa kinatatayuan.
Marahan niyang dinilat ang mga mata at tumingala sa lalaki. Hindi niya maunawaan ang tanong nito sa kaniya. Kakarating niya pa lang sa kuwarto nito at wala siyang ibang ginawa.
"Wala." Nanginginig ang kaniyang labi na sumagot sa lalaki.
"Get out!" sigaw muli nito.
Lalabas na sana siya subalit hindi naman niya maigalaw ang mga tuhod dahil patuloy pa rin iyon sa panginginig. Hinawakan nito ang braso niya at kinaladkad siya palabas.
"I told you to knock before you enter!" Napasalampak siya sa sahig nang bitiwan siya ng lalaki. Nanginginig man ay pinilit niya pa rin ang sarili na tumingin dito. Naging halimaw na ang lalaking kaharap dahil sa sobrang galit nito! Mayamaya lang ay binagsakan na siya nito ng pinto kaya tuluyan na itong nawala sa paningin niya.
'Iyon ba ang tinatago nito?'
Tumayo siya at pinahid ang luha sa pisngi. Ngayong alam na niya ang bagay na iyon, parang gusto niya nang umalis sa lugar.
Latest chapter
Enchanted in Hell There Is No Ending
Ang kulay kahel na araw na nagtatago sa likod ng mga ulap ay unti-unti nang lumalabas sa pinagtataguan nito. Ang mga ulap na kanina lamang ay parang isang bulak ay unti-unti na ring naghihiwalay para gawing maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman sa pagsapit ng alas sais ng umaga sa Taklong Island ng Nueva Valencia, Guimaras, tanging araw na lamang ang makikita sa asul na langit na nahahaluan ng dilaw at kahel na repleksyon ng araw.Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at ang mga alon ay patuloy sa paghampas patungo sa dalampasigan. Tanging tunog lamang ng kalikasan ang maririnig sa lugar dahil ang parteng iyon ng isla ay pribado o pag-aari ng Ledesma.Nakaupo si Rina sa pinong buhangin habang nakatingin sa kalangitan nang tabihan siya ni Theo at hawakan nito ang kanyang kamay."You like this place?""Oo naman, ang ganda kaya rito.""Maganda pa rin kaya rito kahit wala ako?" tanong ni Theo."Syempre hindi. Sabi ko nga, kahit nasaaang lugar tayo
Last Updated : 2020-11-11
Enchanted in Hell Looking For Theo
Kabababa pa lamang ni Rina sa tricycle na sinakyan niya papunta sa mansion ay natanaw na niya si Dr. Steve sa labas ng gate. Nang makita siya ng doktor ay lumapit din ito sa kanya."Dr. Steve, ba't nandito ka pa rin?""Nagbabakasakali lang ako na papapasukin na nila ako," sagot ni Dr. Steve saka nilingon ang mga guwardiya.Lumapit si Rina sa mga guwardiya. Sa ilang buwan niyang nagtatatrabaho sa mansion ay nakapagpalagayan na niya ang mga ito ng loob at ganoon din naman ang mga ito sa kanya. Siguro naman ay kung manghihingi siya ng pabor sa mga ito ay hindi siya matatanggihan dahil may pinagsamahan na rin naman silang lahat. Sa katunayan, siya rin ang nagluluto ng mga pagkain dito at madalas niya rin makakwentuhan ang mga bantay."Totoo bang wala na si Theo rito?" tanong niya sa mga guwardiya."Rina...nandito ka na..." Umiwas ng tingin sa kanya ang mga guwardiya. Mayroong nagtatanggal ng bara sa lalamunan at mayroon namang pinili na lang na ngumiti
Last Updated : 2020-11-10
Enchanted in Hell He Is Gone
Ilang araw rin ang lumipas nang iwan si Theo ni Rina kaya napuno na naman ng bangungot ang buhay niya.Katatapos pa lamang niyang harapin ang problema nang malamang pinagkaisahan siya ng buong pamilya subalit may nadagdag na naman. At katulad ng palagi niyang ginagawa, nagkulong na naman siya sa kuwarto niya, walang ganang kumain o uminom man lang ng tubig."Tito Eduardo, ikaw pala ang nagpadukot sa 'kin noon," bulong niya sa sarili nang magbukas siya ng phone noong tangka sana niyang tatawagan si Rina. Kaya lamang ay hindi na niya natuloy iyon nang sunod-sunod na may nag-notif sa kanyang phone. Maraming nagme-mention sa kanya at naka-tag sa kanya kaya naman nabalitaan niya rin ang tungkol kay Dominador habang sinisiwalat nito ang lahat sa pulisya.Napakabilis ng balita lalong-lalo na sa mga kilalang personalidad at pamilya sa lugar nila. Dahil nga kilala ang Ledesma, marami ring mga tao mula sa San Pascual ang nagnanais na manghimasok sa mga ganap sa pamilya. M
Last Updated : 2020-11-09
Enchanted in Hell Do You Really Love Him?
Pagkarating na pagkarating nina Theo at Rina sa mansion, agad na kinuha ni Theo ang kanyang laptop upang panoorin ang laman ng flashdrive na binigay sa kanila ni Dominador."Handa ka na bang malaman?" tanong ni Theo kay Rina na tumango-tango lamang sa kanya.Sinimulan na ni Theo i-play ang video at doon lumabas kung paano nabangga ang ama ni Rina. Tumatawid ang ama ni Rina noon nang dumating ang isang sasakyan. Pinindot ni Theo ang pause kaya huminto rin ang footage at na-focus naman sa screen ang likuran ng kotse na nakabangga sa ama ni Rina.Hindi man makita nang maayos ang plate number ng sasakyan, sigurado naman si Theo kung kanino ang sasakyan na iyon, kulay pa lang ay alam na niyang sa dad niya ang kotse."Theo? Bakit bigla kang natulala? Alam mo kung kanino ang sasakyan na 'yan?"Marahang napatango si Theo. Iyon ang dating kotse ng kanyang ama. Alam niya iyon dahil palagi niya iyong nasisilip mula sa kanyang silid sa tuwing darating ang kany
Last Updated : 2020-11-08
Enchanted in Hell I Know The Truth
Magkayakap sa kama sina Theo at Rina at parehong nakatakip ng kumot ang kani-kanilang hubad na katawan."Now, start telling something about yourself to me.""Hmm. Ano ba ang gusto mong malaman?""About you and your family.""Hmm...wala na si Papa. First year college ak
Enchanted in Hell Heaven
Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.Nag-message siya rito.
Enchanted in Hell Get-Together
Lunes sa mansion ng Ledesma.Alas onse ng tanghali ay nakahain na sa pahabang mesa ang sari-saring putahe. Mayroong lechong baboy na nakapatong sa dahon ng niyog, mayroong pansit na nakalagay sa bilao kung saan ang ibabaw nito ay nasasahugan ng malutong-lutong at mainit-init pang pinaghalo
Enchanted in Hell Accident
Nasa hotel sa Manila si Armando upang maayos ang gulo roon. Sinimulan na niyang kausapin ang mga employee nila upang ipaliwanag ang lahat ng nangyari. Nagpatawag siya ng meeting sa mga ito. Matagal na sana niyang ginawa ang bagay na iyon kung saan ay pinakilala niya si Theo sa lahat upang h
Reviews

Chapters
Read
Download
To Readers
Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2 FEI
