Download the book for free
Beauty and the Beast
Author: Anny PellyKasalukuyang inaayos ni Theo ang puwesto ng mga alcoholic beverages sa estante nang dumating si Dr. Steve, ang personal psychiatrist niya. Huminto siya at binaba ang basahan na ginamit niya sa pagpupunas ng bote. Humarap siya kay Dr. Steve. Marami siyang gustong sabihin dito.
"Kumusta?" tanong nito.
"Ayos lang," sagot naman niya. Inabot niya muna sa doktor ang paborito nitong drinks bago naglagay ng sariling inumin sa baso.
"You know, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko..." Tumungga siya sa baso. "Alam kong hindi mo sasabihin sa iba ang kinukwento ko."
Tumango si Dr. Steve kay Theo. Bago lang nang magkakilala sila ni Theo. Siya ang pumalit sa dating personal psychiatrist nito na si Dr. Cabrera.
"They are forcing me to go out in this house...malaki na raw ako. Dapat pag-aralan ko nang humarap sa mga tao."
Hinawakan ni Theo nang mahigpit ang kaniyang glass. Kung alam lang ng mga magulang niya ang naranasan niya ay baka maunawaan siya ng mga ito kung bakit takot siyang lumabas ng mansion.
"After what happened seventeen years ago, ayoko nang lumabas pa..."
Tumango-tango lang si Dr. Steve. Nauunawaan niya ang lalaki. Normal lang na ma-trauma ito at tumangging lumabas pa matapos ang nangyari.
Tumungga muli si Theo ng wine. "Pero hindi lang 'yon ang problema..."
"Ano 'yon?"
"I think I'm attracted to my mom..."
Pinagmasdan ni Theo ang psychiatrist. Hinihintay niya ang response nito. Akala niya magugulat ito sa inamin niya pero nanatili lang itong tahimik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Kaya unang kita niya pa lang sa doktor ay palagay na ang loob niya rito.
"I started to realize it nitong nakaraan lang..." Umiling-iling si Theo at napahawak sa sintido. Ang doktor pa lang ang nakakaalam ng bagay na iyon. Sigurado siya na kapag kinuwento niya iyon sa mga magulang ay magugulat ang mga ito.
"Normal lang na maramdaman mo iyan." Pinatong ni Dr. Steve ang kamay sa balikat ng pasyente.
"That's why I really recommend na subukan mong lumabas dito." Tumungga ulit siya.
"I have no plan na gawin iyan. Nabuhay ako ng ilang taon sa loob lang ng bahay na 'to. Kaya ko pang mabuhay nang mas matagal dito."
Tumawa si Dr. Steve at tinapik-tapik ang balikat ng kausap. "Okay, I understand. But what if...what if mawala na ang daddy at mommy mo? Sinong mamamahala sa negosyo niyo?"
Nagbaba si Theo ng tingin at iniwasan ang mata ng doktor.
"Andyan naman ang tito at pinsan ko..." Nais niyang tumulong sa negosyo nila pero paano? Hindi nga niya magawang iapak ang mga paa sa labas nila. Paano siya makakatulong kung hindi siya makalabas dito? Puwede siyang tumulong sa pamamagitan ng internet at computer pero hindi sapat iyon. Lalong humigpit ang hawak niya sa kaniyang baso. 'How worthless and useless he is!'
"At isa pa, I have my online business so I can live." Pinilit niyang ngumiti habang sinasabi iyon sa doktor. Ayaw niyang ipahalata rito ang totoo niyang nararamdaman. Tumango-tango lang si Dr. Steve kahit na gusto niyang ipamukha sa kaharap na hindi nito kakayaning mabuhay ng mag-isa, kailangan nito ng tulong mula sa ibang tao. Pilit niyang iniintindi si Theo dahil sigurado kasi siyang hindi nito magugustuhan kung kokontrahin niya ang bawat sinasabi nito.
"How about your mom?" tanong ni Dr. Steve.
Naalala ni Theo ang kaniyang ina. Ang ina niya lang ang nag-alaga sa kaniya noong panahon na iyon. Inintindi siya nito—pinakain, pinaliguan at binihisan. Naalala niya pa noong bata siya na tinataboy niya ito sa kaniyang kuwarto pero hindi ito sumuko. Pinaramdam nito ang pagmamahal sa kaniya. Kaya naman noong bumisita ito sa kaniya noong nakaraang araw, na-realized niya ang nararamdaman. Mahal niya ang ina. Iyon ang sigurado siya. Masasaktan siya kapag nalaman niyang may nangyaring masama rito.
"I'll continue to love her," sagot niya. Hindi niya naman mapipigilan ang sariling damdamin. Wala namang masama na mahalin niya ang ina basta wala siyang masamang gagawin. Huminga si Theo nang malalim. Paano kaya kung malaman ng papa niya ang nararamdaman niya para sa ina? Siguradong bubuhos ang galit nito kapag nalaman na ang sarili nitong anak ang karibal sa asawa.
Palihim siyang tumawa. Ayaw pa naman ng ama niya na masira ang reputasyon ng pamilya. Kaya nga mukhang mas pabor dito na ikulong na lang sa mansyon ang sariling anak kumpara sa malaman ng iba na may anak itong may sira sa ulo.
Hindi na nagtagal si Dr. Steve. Nagpaalam na rin ito kay Theo. Babalik na sana si Theo sa kuwarto nang makita niya ang isang babae sa sala nila. Nakayuko ito at abala sa pagpupunas ng mesa. Mayamaya ay tumayo ang babae. Nagpunas ng pawis sa noo at huminga nang malalim. Tumingala ito at tumingin sa direksyon niya. Nakapuwesto siya sa taas ng hagdan at nakakapit sa hawakan.
"Sino ka?" nauutal na tanong nito.
"That should be my line. Sino ka?" balik na tanong niya rito bago tuluyang bumaba.
"Rina."
Tumango-tango si Theo. Marahil ito na ang babaeng tinutukoy ng mga magulang. Sinabi kasi ng mga magulang niya na kukuha ang mga ito ng tauhan para panatilihing malinis ang mansion at para na rin may magluto ng pagkain para sa kaniya. Hindi siya pumayag noong una dahil hindi na niya kailangan ng magluluto para sa kaniya.
Matagal na siyang nag-iisa sa mansion kaya natutunan niya nang asikasuhin ang sarili. Kaya kahit pagluluto ay siya na rin ang gumagawa. Subalit dahil sa pakiusap ng ina niya, pumayag na rin siya na may pumasok pa sa mansion. Basta isa lang. Kaya nga lang ay hindi niya inaasahan na babae pala ang nakuha ng mga ito.
"Anak ako ng tumanggap sa 'yo rito," sabi niya sa babae. Napansin niya ang paglaki ng mata ng babae. Napaturo ito sa kaniya.
"Ikaw?"
"Yup."
"Akala ko bata ang tinutukoy nila, bata kasi ang nasa picture." Pautal-utal pa rin ang pagsasalita nito.
"Maybe they showed you a picture of me when I was eight," paliwanag niya rito. Ang picture na iyon ang huling larawan na nakuha sa kaniya. Matapos kuhain iyon ay hindi na iyon nasundan pa. Tinatanggihan niya na kasing magpakuha ng litrato simula nang mangyari ang bagay na iyon sa kaniya.
"'Yong batang may hawak ng story book?" paniniguro nito.
Tumango ulit siya, "Yes, 'yong story book na pambata. Beauty and the Beast."
Tumawa ang babae. Napatingin siya sa mga mata nito. Iyon ang unang pagkakataon na naka-encounter siya ng babae bukod sa ina niya. Balingkinitan ang babae, one-sided braid ang hairstyle at morena ang balat. Nakasuot ito ng maluwang at mahabang blazer kapares ang leggings.
Pinasok niya ang kamay sa bulsa ng kaniyang short. 'The woman is nothing compared to her mother. She is really unattractive.'
"Nga pala, ano'ng pangalan mo?" tanong nito at unti-unting lumapit sa kaniya. Umatras siya at napalunok.
"I'm Theo..." Nilayo pa niya lalo ang sarili sa babae. "Huwag ka masiyadong lumapit sa akin."
Tinuro ng babae ang mukha niya. Napahawak din siya sa kaniyang pisngi. Alam niya kung ano ang tinitingnan nito. Ang mahabang hiwa niya sa kaliwang pisngi. Hindi niya gustong may pumapansin sa peklat niya. Naiirita siya lalo kapag tinatanong ng mga ito kung ano ang nangyari doon. Kapag may nagtatanong kasi ng ganoon sa kaniya ay hindi niya maiwasan na hindi alalahanin ang nangyari.
"Bakit may peklat ka sa pisngi?"
Sabi na nga ba niya. Alam na niya ang nasa isip ng babae. Alam na niya na tatanungin nito iyon.
"Huwag mo nang alamin," sagot niya at tinalikuran na ito.
Naiwan sa sala si Rina. Bigla na lamang nagalit sa kaniya si Theo. Tinanong lang naman niya kung ano ang nangyari sa mukha nito pero bigla na lamang siya nitong inalisan. Nagpatuloy siya sa pagpupunas. Buong akala niya talaga ay bata ang aalagaan niya. Nagulat siya na isa na pala itong binata. Sabagay, maganda na rin iyon dahil hindi na siya masyadong mahihirapan. Malaki na ito at kaya na nitong maligo at kumain sa sarili lang. Maliban na lang kung hindi pa nito kayang paliguan ang sarili.
Napailing siya sa naisip. Hindi naman siguro darating ang panahon na siya ang magpapaligo sa lalaking iyon. Hindi niya kakayanin iyon.
'Huwag naman sana.'
Matatanggap niya pa kung susubuan niya lang ang lalaki sa pagkain pero ang magpaligo rito ay isang malaking iling. Hindi niya gustong makita ang malaking tutubi nito.
Paulit-ulit niyang sinampal ang sarili. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak niya.
Tumayo siya at huminga nang malalim. Habang kausap niya si Theo ay napansin niya ang malamlam nitong mata. Kung walang buhay ang loob ng mansion, mas walang buhay ang mga mata nito.
Tumingin siya sa kurtinang nakatakip sa bintana para manatiling madilim ang loob. Malawak at maganda sana ang mansion na iyon pero parang wala namang nakatirang tao. Para bang sa halip na tao ay mga nagtatagong halimaw ang nakatira roon. Mukhang matagal na rin ng huling nakatikim ng linis ang lugar sa dami ng dumi. Kanina pa kasi siya nagpupunas ng alikabok sa loob pero hindi pa rin siya nangangalahati. Sa sala pa lang ay kumain na siya ng mahabang oras. Marami pang alikabok ang naghihintay sa kaniya.
Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang likod ng kaniyang kamay. Mabuti pa ang bahay nila, kahit maliit lang ay masaya—may buhay. Nagsisiksikan man sila sa maliit na bubong pero marami naman silang masasayang alaala doon.
May mga malalaking frame ang nakadikit sa pader. Larawan ng kasal nina Armando at Caridad. Halos larawan lang ng mag-asawa ang nakikita niya. Wala ang larawan doon ni Theo.
'Nasa'n ang kay Theo?' Umiling-iling siya at inalis ang tingin sa mga frame. Marami pa siyang dapat gawin. Tama na muna ang pahinga at pagtulala. Sa tuwing mapapatingin kasi siya sa mga gamit sa loob ay napapahinto na lang siya palagi. Kanina pa niya tinitingnan ang loob, hindi pa siya nagsawa! Hindi siya matatapos agad kung patuloy siyang matutulala sa mga magaganda at mamahaling mga bagay na nakikita niya sa loob.
Papunta na sana siya sa kusina nang may marinig siyang malakas na sigaw. Boses iyon ni Theo! Nabitawan niya ang hawak na walis at dustpan. Umakyat siya sa hagdan at hinahap ang pinanggalingan ng sigaw.
Hindi lang pagsigaw ang narinig niya, may kasama rin iyong pag-iyak.
"Help me! Mom!"
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Enchanted in Hell There Is No Ending
Ang kulay kahel na araw na nagtatago sa likod ng mga ulap ay unti-unti nang lumalabas sa pinagtataguan nito. Ang mga ulap na kanina lamang ay parang isang bulak ay unti-unti na ring naghihiwalay para gawing maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman sa pagsapit ng alas sais ng umaga sa Taklong Island ng Nueva Valencia, Guimaras, tanging araw na lamang ang makikita sa asul na langit na nahahaluan ng dilaw at kahel na repleksyon ng araw.Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at ang mga alon ay patuloy sa paghampas patungo sa dalampasigan. Tanging tunog lamang ng kalikasan ang maririnig sa lugar dahil ang parteng iyon ng isla ay pribado o pag-aari ng Ledesma.Nakaupo si Rina sa pinong buhangin habang nakatingin sa kalangitan nang tabihan siya ni Theo at hawakan nito ang kanyang kamay."You like this place?""Oo naman, ang ganda kaya rito.""Maganda pa rin kaya rito kahit wala ako?" tanong ni Theo."Syempre hindi. Sabi ko nga, kahit nasaaang lugar tayo
Enchanted in Hell Looking For Theo
Kabababa pa lamang ni Rina sa tricycle na sinakyan niya papunta sa mansion ay natanaw na niya si Dr. Steve sa labas ng gate. Nang makita siya ng doktor ay lumapit din ito sa kanya."Dr. Steve, ba't nandito ka pa rin?""Nagbabakasakali lang ako na papapasukin na nila ako," sagot ni Dr. Steve saka nilingon ang mga guwardiya.Lumapit si Rina sa mga guwardiya. Sa ilang buwan niyang nagtatatrabaho sa mansion ay nakapagpalagayan na niya ang mga ito ng loob at ganoon din naman ang mga ito sa kanya. Siguro naman ay kung manghihingi siya ng pabor sa mga ito ay hindi siya matatanggihan dahil may pinagsamahan na rin naman silang lahat. Sa katunayan, siya rin ang nagluluto ng mga pagkain dito at madalas niya rin makakwentuhan ang mga bantay."Totoo bang wala na si Theo rito?" tanong niya sa mga guwardiya."Rina...nandito ka na..." Umiwas ng tingin sa kanya ang mga guwardiya. Mayroong nagtatanggal ng bara sa lalamunan at mayroon namang pinili na lang na ngumiti
Enchanted in Hell He Is Gone
Ilang araw rin ang lumipas nang iwan si Theo ni Rina kaya napuno na naman ng bangungot ang buhay niya.Katatapos pa lamang niyang harapin ang problema nang malamang pinagkaisahan siya ng buong pamilya subalit may nadagdag na naman. At katulad ng palagi niyang ginagawa, nagkulong na naman siya sa kuwarto niya, walang ganang kumain o uminom man lang ng tubig."Tito Eduardo, ikaw pala ang nagpadukot sa 'kin noon," bulong niya sa sarili nang magbukas siya ng phone noong tangka sana niyang tatawagan si Rina. Kaya lamang ay hindi na niya natuloy iyon nang sunod-sunod na may nag-notif sa kanyang phone. Maraming nagme-mention sa kanya at naka-tag sa kanya kaya naman nabalitaan niya rin ang tungkol kay Dominador habang sinisiwalat nito ang lahat sa pulisya.Napakabilis ng balita lalong-lalo na sa mga kilalang personalidad at pamilya sa lugar nila. Dahil nga kilala ang Ledesma, marami ring mga tao mula sa San Pascual ang nagnanais na manghimasok sa mga ganap sa pamilya. M
Enchanted in Hell Do You Really Love Him?
Pagkarating na pagkarating nina Theo at Rina sa mansion, agad na kinuha ni Theo ang kanyang laptop upang panoorin ang laman ng flashdrive na binigay sa kanila ni Dominador."Handa ka na bang malaman?" tanong ni Theo kay Rina na tumango-tango lamang sa kanya.Sinimulan na ni Theo i-play ang video at doon lumabas kung paano nabangga ang ama ni Rina. Tumatawid ang ama ni Rina noon nang dumating ang isang sasakyan. Pinindot ni Theo ang pause kaya huminto rin ang footage at na-focus naman sa screen ang likuran ng kotse na nakabangga sa ama ni Rina.Hindi man makita nang maayos ang plate number ng sasakyan, sigurado naman si Theo kung kanino ang sasakyan na iyon, kulay pa lang ay alam na niyang sa dad niya ang kotse."Theo? Bakit bigla kang natulala? Alam mo kung kanino ang sasakyan na 'yan?"Marahang napatango si Theo. Iyon ang dating kotse ng kanyang ama. Alam niya iyon dahil palagi niya iyong nasisilip mula sa kanyang silid sa tuwing darating ang kany
Enchanted in Hell I Know The Truth
Magkayakap sa kama sina Theo at Rina at parehong nakatakip ng kumot ang kani-kanilang hubad na katawan."Now, start telling something about yourself to me.""Hmm. Ano ba ang gusto mong malaman?""About you and your family.""Hmm...wala na si Papa. First year college ako nang namatay siya. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang taong nakabangga sa kanya kaya mas lalo akong nagagalit sa taong iyon. Marahil kung dinala niya si Papa sa hospital at hindi tinakbuhan, baka buhay pa si Papa hanggang ngayon. Masyadong naduwag ang taong 'yon...kung nasaan man siya ngayon, bahala na ang tadhana ang magparusa sa kasalanan niya."Inamoy-amoy ni Theo ang buhok ni Rina. "What if dinala ng taong 'yon ang papa mo sa hospital? Ano ang gagawin mo sa nakabangga?""Syempre, kailangan niya pa rin pagbayaran ang kasalanan niya."Siniksik ni Rina lalo ang sarili kay Theo, "Tapos ayon, nang namatay si papa, natigil na rin ako sa pag-aaral. Tumulong na lang ako
Enchanted in Hell Heaven
Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.Nag-message siya rito.'Sino ka?'Matapos ang ilang segundong paghihintay, na-received na niya ang reply mula rito.'Hindi mo ako kilala. Pero kilalang-kilala kita at ang lahat ng bahong tinatago mo.'Nag-reply siya rito.'Magpakilala ka! Sino ka! Hindi mo ako madadaan sa takot!''H'wag kang mag-alala, hindi kita tinatakot. Tototohanin ko ang sinabi ko kapag hindi mo pa rin kami tinigilan.''Hindi kita maintindihan. Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na naging atraso ko sa 'yo.'Matapos iyon ay hindi na muli nag-reply sa kanya ang kausap. Matapos tulungan nina Rosita, Jan at Julius si Rina sa paglilinis
Enchanted in Hell Day Off
Maagang gumising si Theo. Kasalukuyan siyang nakaharap sa kaniyang laptop upang alamin ang status ng hotel na mina-manage ng kaniyang pinsan na si Cliff. Napapailing na lamang siya habang tinitingnan ang kinikita ng hotel buwan-buwan. Lumalaki ang expenses kumpara sa pumapasok na pera. Ano ba ang
Enchanted in Hell Get-Together
Lunes sa mansion ng Ledesma.Alas onse ng tanghali ay nakahain na sa pahabang mesa ang sari-saring putahe. Mayroong lechong baboy na nakapatong sa dahon ng niyog, mayroong pansit na nakalagay sa bilao kung saan ang ibabaw nito ay nasasahugan ng malutong-lutong at mainit-init pang pinaghalo
Enchanted in Hell Accident
Nasa hotel sa Manila si Armando upang maayos ang gulo roon. Sinimulan na niyang kausapin ang mga employee nila upang ipaliwanag ang lahat ng nangyari. Nagpatawag siya ng meeting sa mga ito. Matagal na sana niyang ginawa ang bagay na iyon kung saan ay pinakilala niya si Theo sa lahat upang h
Enchanted in Hell Incest
Nagising si Theo nang marinig ang bagay na nahulog sa sahig. Nakita niya sa tapat ng pintuan si Rina at ang basag na mangkok at plato sa sahig. Nagkalat din ang mga pagkain at ulam doon.Tumingin siya sa tabi. Nandoon ang kaniyang ina. Pareho silang mga hubad. Mabilis siyang nagsuot ng pan
