Download the book for free
Incest
Author: Anny PellyNagising si Theo nang marinig ang bagay na nahulog sa sahig. Nakita niya sa tapat ng pintuan si Rina at ang basag na mangkok at plato sa sahig. Nagkalat din ang mga pagkain at ulam doon.
Tumingin siya sa tabi. Nandoon ang kaniyang ina. Pareho silang mga hubad. Mabilis siyang nagsuot ng pang-ibaba. Wala siyang matandaan sa nangyari.
'Ano ang ginawa niya?'
Kinuha ni Caridad ang kumot at binalot iyon sa sariling katawan.
"Anak."
Lumingon si Theo kay Rina. Nakatakip pa rin ang bibig nito habang nakatingin sa kanilang mag-ina. Lumapit siya rito at kinulong ito sa pader.
"What did you do?" tanong niya. Ang huling natatandaan niya ay ininom niya ang tubig na dinala nito kagabi. Nag-iba ang pakiramdam niya nang inumin niya iyon. Siguradong may hinalo ito sa tubig.
"Wala." Nanginginig na sumagot si Rina. Wala rin itong mapiling salita na sasabihin sa lalaki.
"Get out!" Marahas na hinawakan ni Theo sa braso si Rina. Pwersahan niya itong pinalabas sa kuwarto niya.
"I told you to knock before you enter!"
Sumalampak si Rina na sahig pero tulala pa rin na nakatingin sa loob ng kuwarto.
Binagsakan ni Theo ng pinto ang babae pagkatapos ay lumuhod.
"Mom, wala akong matandaan sa nangyari."
Narinig niya ang paghagulgol ng ina kaya nahampas niya ang sahig.
"Theo! Buksan mo 'to!" Boses iyon ng kaniyang ama na kumakatok sa pinto. Napahawak siya sa sintido. Hindi niya alam ang gagawin.
Bumukas ang pinto. Humampas iyon nang malakas sa pader.
Pumasok si Armando kasunod si Dr. Steve.
"Anong nangyari?" Palipat-lipat ang tingin ni Armando sa hubad na asawa at topless na anak. Nagngingitngit nitong hinawakan sa leeg ang anak at tinayo.
"Walang hiya ka! Baliw ka na talaga!"
Sinalo lahat ni Theo ang suntok at sipa ng kaniyang ama. Hindi rin siya maka-react dahil maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyari. Parang bato niyang tinanggap ang lahat ng suntok. Gusto niyang magsalita kaso walang lumalabas na boses sa bibig niya.
Pinigilan ni Dr. Steve si Armando. Nilayo niya ito sa anak. "Mr. Ledesma, kumalma kayo."
"Wala akong alam sa nangyari!" Sa wakas ay nakahugot din ng boses si Theo.
"Halimaw ka! Dapat hindi na lang kita pinalaki. Kung alam ko lang ay sana hindi na kita binuhay pa. Wala kang kuwenta! Hinayaan na lang sana kita sa..."
Hindi natapos ni Armando ang sasabihin. Humawak ito sa kaniyang noo bago napaupo.
"Dad!"
"Mr. Ledesma!"
Lumapit si Theo sa ama subalit tinabig lang nito ang kaniyang kamay.
"Wala akong anak na baliw! Wala akong anak na halimaw!" hirap na hirap na sigaw ni Armando. Galit na galit ito at nanggigigil sa kaniyang anak.
Inalalayan ni Dr. Steve si Armando papunta sa kuwarto nito samantalang naiwan naman si Theo na nakasalampak sa sahig, may dugo sa labi at may pasa sa pisngi.
Sumunod sina Rina at Caridad sa kuwarto ni Armando. Nag-aalala ang mga ito na mapasama ang matandang lalaki sa sobrang galit sa anak na si Theo.
Napahawak si Theo ng sintido. Wala siyang matandaan. Wala siyang alam sa nangyari. Basta ang natatandaan niya lang ng gabing iyon ay magkayakap sila ng ina. Mahal niya ang ina pero kahit na ganoon ang nararamdaman niya ay alam niyang mali na gawin iyon. Alam niyang hindi maaari iyon.
Hindi niya na mapigilan ang sarili. Maging siya ay naiinis sa sarili niya. Bakit wala siyang matandaan? Ano ba talaga ang nangyari? Nagising siya nang marinig ang nahulog na plato na nabitiwan ni Rina at doon niya napagtanto na magkatabi sila ng ina at kapwa sila hubad. Pilit niyang inaalala ang nangyari subalit wala talagang pumapasok sa utak niya.
Pumasok si Rina sa loob ng kuwarto ni Theo upang linisin ang mga kalat na naiwan niya. Natagpuan niya si Theo na nakayuko at halos halikan na ang sahig. Gumagalaw ang balikat nito habang patuloy sa paghampas sa tiles.
Tumingin si Theo sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito?" Bakas ang mga luha sa mata ni Theo na nakatitig kay Rina.
"Lilinisin ko lang sana 'to," sagot ni Rina sabay turo sa mga bubog at nagkalat na kanin sa sahig. Napaatras siya nang tumayo si Theo at sinara ang pinto. Nanlilisik ang mata nito at dahan-dahang lumapit sa kaniya.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Rina.
Hinawakan ni Theo ang damit ng babae at tinulak ito pahiga sa kama.
"Tutal, hindi niyo naman ako pinaniniwalaan. Gagawin ko na lang ang iniisip niyo tungkol sa 'kin." Pumatong siya kay Rina at inangat ang damit nito. Tinakpan niya ang bibig ng babae para hindi ito makasigaw.
"This is me. A beast hiding in this hell."
Pumapalag si Rina pero hindi niya kaya ang lakas ng lalaki. "The—"
Hinalikan ni Theo ang labi ng babae. Nasa tiyan ng babae ang kamay niya. Papagapangin niya na sana ang kamay sa dibdib ng babae pero napansin niya ang luha ni Rina.
Tumayo siya.
"Labas!"
Lumakad siya papunta sa salamin at paulit-ulit na sinuntok iyon. Nagbagsakan ang mga sirang piraso ng basag na salamin sa sahig dahil sa ginawa niya. Nagdudugo na rin ang kaniyang mga kamay pero wala siyang nararamdaman na sakit. Wala siyang pakialam kahit masugatan pa siya! Ang nais niya lang sa mga oras na iyon ay ang ilabas lahat ng galit niya!
Nang magsawa siya sa pagsuntok ay sumigaw siya nang malakas. Bakit ganito ang buhay niya? Bakit? Pinili niyang itago ang sarili sa mansion para hindi niya na maranasan muli ang naranasan noon sa labas pero bakit hindi pa rin maganda ang nangyayari sa kaniya sa loob?
Napansin niya na nakaupo pa rin si Rina sa kama. Nakatingin ito sa kaniya.
"Lumabas ka na!" sigaw niya muli rito.
Natatarantang tumakbo si Rina palabas sa silid. Naiwan na nito ang walis at dustpan sa pagmamadaling makaalis sa kuwarto ni Theo.
Matapos ihatid ni Dr. Steve si Armando sa silid nito ay nagpasya siyang balikan si Theo. Mula sa malayo ay nakita niya na tumakbo si Rina galing sa kuwarto ni Theo.
Pumasok siya sa loob.
Nagkalat ang bubog sa sahig, basag na plato at salamin, mga butil ng kanin at ulam. Magulo rin ang kama at nasa sahig ang kumot at unan. Binalik ni Dr. Steve ang tingin kay Theo. Tulala ito at nagdudugo ang kamao.
Umiling siya. Sobra na ang nangyari sa pasyente niya. Marami na itong pinagdaanan mula pagkabata.
Kinuha niya ang first aid kit sa cabinet ni Theo. "Pati ba ikaw? Huhusgahan mo rin ako?"
"Maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo," pagsisinungaling niya bago ngumiti ng peke. Ang totoo ay hindi malabong gawin iyon ni Theo lalo pa at nabanggit nito na attracted ito sa ina.
"Anong gagawin ko?" tanong nito.
Huminga siya nang malalim.
"Gawin mo ang dapat na matagal mo ng gawin."
Kinuha niya ang kamay ng pasyente. Nilinis niya ang sugat nito at binalutan iyon ng bandage.
Tumayo si Theo.
"Salamat, alam ko na ang gagawin."
Blangko ang isip ni Dr. Steve nang lumabas si Theo sa kuwarto. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng kaniyang pasyente.
Nagkibit-balikat na lamang siya at nagsimulang iligpit ang kalat sa kuwarto nito.
Nagmadaling pumunta si Theo sa silid ng ama. Matapos kumatok ay dumiretso ito sa loob. Nakahiga ang ama niya sa kama at nakahawak sa ulo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito nang makita siyang pumasok.
"Hayaan mo na tumulong ako sa negosyo natin," sabi niya habang nakatindig nang tuwid.
"Sa tingin mo ba kapag ginawa mo 'yon ay makakalimutan ko na ang kasalanan mo?" tanong ni Armando.
"Let me try it." Lumuhod si Theo sa harap ng ama. Sa una pa lang ay hindi na sila magkasundo ng ama. Palagi itong abala sa business nila. Hindi rin sila nakakapag-usap dahil wala naman ito palagi sa mansion.
Iyon ang kinaiinis niya sa ama minsan. Mas mahalaga pa rito ang negosyo kaysa sa sariling anak at pamilya. Mas pinapahalagahan pa nito ang mga sasabihin ng ibang tao o ang tingin ng tao kaysa sa anak niya.
"Paano mo gagawin iyon samantalang hindi ka nga makalabas ng bahay na 'to?"
"Let me try. Habang nandito ako sa bahay ay nag-o-online business na rin ako. Mayroon na akong experience sa business management."
Umupo si Armando sa kama niya at huminga nang malalim. Nagbaba ito ng tingin sa nakaluhod na anak sa sahig. "Bibigyan kita ng pagkakataon na patunayan ang sarili mo...hahayaan kitang tumulong sa business natin sa Manila."
May tatlong branches ang LED hotel na business ng Ledesma—sa Manila, Cebu at Baguio. Ang main brach ay sa Baguio kung saan naglalagi si Armando. Malayo iyon sa San Pascual kaya naman bibihira na makauwi ang mag-asawa sa mansion. Sa halip na umuwi ay nananatili na lang sila sa hotel. Sa bawat branch ay mayroong manager. Aminado si Armando na hindi lahat ng branch ay lumalago. May umaangat at mayroon ding naiiwan.
Ang branch sa Baguio kung nasaan siya ang mas malaki ang kita, pangalawa sa Cebu na pinamamahalaan ng kuya niya na si Eduardo at panghuli o ang pinakamababa ay ang sa Manila na kasalukuyang pinamamahalan ni Cliff, ang pinsan ni Theo. Unti-unti nang bumabagsak ang hotel branch nila sa Manila dahil na rin sa kakulangan ng kakayahan ni Theo kaya nag-aalala rin si Armando rito.
"Pero huwag kang umasa na ilalagay kita sa mataas na posisyon. Si Cliff pa rin ang hotel manager doon. Tutulungan mo lamang siya. Ilalagay kita sa Administrative—Marketing and advertising."
Tumayo na si Theo. Buo na ang loob niya na tumulong sa negosyo. Ipapakita niya sa ama na mayroon itong maipagmamalaking anak. Ipapakita niya rito na mali ito ng tingin sa kaniya. Ipapamukha niya sa ama na maling isipin nito na isa siyang walang kuwenta anak.
Tutulong siya hindi para sa negosyo ng pamilya kundi para sa sarili niya. Gusto niyang iangat ang sarili niya. Nais niyang ipakita sa mga ito ang kakayahan niya. Isasalba niya ang negosyo sa Manila para makakuha ng papuri sa mga taong nasa paligid niya.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Enchanted in Hell There Is No Ending
Ang kulay kahel na araw na nagtatago sa likod ng mga ulap ay unti-unti nang lumalabas sa pinagtataguan nito. Ang mga ulap na kanina lamang ay parang isang bulak ay unti-unti na ring naghihiwalay para gawing maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman sa pagsapit ng alas sais ng umaga sa Taklong Island ng Nueva Valencia, Guimaras, tanging araw na lamang ang makikita sa asul na langit na nahahaluan ng dilaw at kahel na repleksyon ng araw.Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at ang mga alon ay patuloy sa paghampas patungo sa dalampasigan. Tanging tunog lamang ng kalikasan ang maririnig sa lugar dahil ang parteng iyon ng isla ay pribado o pag-aari ng Ledesma.Nakaupo si Rina sa pinong buhangin habang nakatingin sa kalangitan nang tabihan siya ni Theo at hawakan nito ang kanyang kamay."You like this place?""Oo naman, ang ganda kaya rito.""Maganda pa rin kaya rito kahit wala ako?" tanong ni Theo."Syempre hindi. Sabi ko nga, kahit nasaaang lugar tayo
Enchanted in Hell Looking For Theo
Kabababa pa lamang ni Rina sa tricycle na sinakyan niya papunta sa mansion ay natanaw na niya si Dr. Steve sa labas ng gate. Nang makita siya ng doktor ay lumapit din ito sa kanya."Dr. Steve, ba't nandito ka pa rin?""Nagbabakasakali lang ako na papapasukin na nila ako," sagot ni Dr. Steve saka nilingon ang mga guwardiya.Lumapit si Rina sa mga guwardiya. Sa ilang buwan niyang nagtatatrabaho sa mansion ay nakapagpalagayan na niya ang mga ito ng loob at ganoon din naman ang mga ito sa kanya. Siguro naman ay kung manghihingi siya ng pabor sa mga ito ay hindi siya matatanggihan dahil may pinagsamahan na rin naman silang lahat. Sa katunayan, siya rin ang nagluluto ng mga pagkain dito at madalas niya rin makakwentuhan ang mga bantay."Totoo bang wala na si Theo rito?" tanong niya sa mga guwardiya."Rina...nandito ka na..." Umiwas ng tingin sa kanya ang mga guwardiya. Mayroong nagtatanggal ng bara sa lalamunan at mayroon namang pinili na lang na ngumiti
Enchanted in Hell He Is Gone
Ilang araw rin ang lumipas nang iwan si Theo ni Rina kaya napuno na naman ng bangungot ang buhay niya.Katatapos pa lamang niyang harapin ang problema nang malamang pinagkaisahan siya ng buong pamilya subalit may nadagdag na naman. At katulad ng palagi niyang ginagawa, nagkulong na naman siya sa kuwarto niya, walang ganang kumain o uminom man lang ng tubig."Tito Eduardo, ikaw pala ang nagpadukot sa 'kin noon," bulong niya sa sarili nang magbukas siya ng phone noong tangka sana niyang tatawagan si Rina. Kaya lamang ay hindi na niya natuloy iyon nang sunod-sunod na may nag-notif sa kanyang phone. Maraming nagme-mention sa kanya at naka-tag sa kanya kaya naman nabalitaan niya rin ang tungkol kay Dominador habang sinisiwalat nito ang lahat sa pulisya.Napakabilis ng balita lalong-lalo na sa mga kilalang personalidad at pamilya sa lugar nila. Dahil nga kilala ang Ledesma, marami ring mga tao mula sa San Pascual ang nagnanais na manghimasok sa mga ganap sa pamilya. M
Enchanted in Hell Do You Really Love Him?
Pagkarating na pagkarating nina Theo at Rina sa mansion, agad na kinuha ni Theo ang kanyang laptop upang panoorin ang laman ng flashdrive na binigay sa kanila ni Dominador."Handa ka na bang malaman?" tanong ni Theo kay Rina na tumango-tango lamang sa kanya.Sinimulan na ni Theo i-play ang video at doon lumabas kung paano nabangga ang ama ni Rina. Tumatawid ang ama ni Rina noon nang dumating ang isang sasakyan. Pinindot ni Theo ang pause kaya huminto rin ang footage at na-focus naman sa screen ang likuran ng kotse na nakabangga sa ama ni Rina.Hindi man makita nang maayos ang plate number ng sasakyan, sigurado naman si Theo kung kanino ang sasakyan na iyon, kulay pa lang ay alam na niyang sa dad niya ang kotse."Theo? Bakit bigla kang natulala? Alam mo kung kanino ang sasakyan na 'yan?"Marahang napatango si Theo. Iyon ang dating kotse ng kanyang ama. Alam niya iyon dahil palagi niya iyong nasisilip mula sa kanyang silid sa tuwing darating ang kany
Enchanted in Hell I Know The Truth
Magkayakap sa kama sina Theo at Rina at parehong nakatakip ng kumot ang kani-kanilang hubad na katawan."Now, start telling something about yourself to me.""Hmm. Ano ba ang gusto mong malaman?""About you and your family.""Hmm...wala na si Papa. First year college ako nang namatay siya. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang taong nakabangga sa kanya kaya mas lalo akong nagagalit sa taong iyon. Marahil kung dinala niya si Papa sa hospital at hindi tinakbuhan, baka buhay pa si Papa hanggang ngayon. Masyadong naduwag ang taong 'yon...kung nasaan man siya ngayon, bahala na ang tadhana ang magparusa sa kasalanan niya."Inamoy-amoy ni Theo ang buhok ni Rina. "What if dinala ng taong 'yon ang papa mo sa hospital? Ano ang gagawin mo sa nakabangga?""Syempre, kailangan niya pa rin pagbayaran ang kasalanan niya."Siniksik ni Rina lalo ang sarili kay Theo, "Tapos ayon, nang namatay si papa, natigil na rin ako sa pag-aaral. Tumulong na lang ako
Enchanted in Hell Heaven
Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.Nag-message siya rito.'Sino ka?'Matapos ang ilang segundong paghihintay, na-received na niya ang reply mula rito.'Hindi mo ako kilala. Pero kilalang-kilala kita at ang lahat ng bahong tinatago mo.'Nag-reply siya rito.'Magpakilala ka! Sino ka! Hindi mo ako madadaan sa takot!''H'wag kang mag-alala, hindi kita tinatakot. Tototohanin ko ang sinabi ko kapag hindi mo pa rin kami tinigilan.''Hindi kita maintindihan. Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na naging atraso ko sa 'yo.'Matapos iyon ay hindi na muli nag-reply sa kanya ang kausap. Matapos tulungan nina Rosita, Jan at Julius si Rina sa paglilinis
Enchanted in Hell Issue
Matapos bumaba ni Theo sa kotse ay sandali muna siyang tumitig sa gusaling nasa harapan niya. Tumingala siya upang makita ang kabuuhan ng hotel sa Manila.Iyon ang araw at oras ng meeting kaya ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba at takot sa kung ano man ang maaarin
Enchanted in Hell You May Leave, Rina
Matapos ang salo-salo sa kaarawan ni Armando, nagsimula nang magligpit ng pinagkainan si Rina. Nasa sala ang iba pa samantalang mag-isa siyang nasa kusina upang maghugas ng plato.Noong sumilip siya kanina sa sala ay nakita naman niyang nakikipag-usap na si Theo sa lahat. Dala-dala na pala
Enchanted in Hell How They Met?
Matapos ang sandaling pag-uusap ay katahimikan na naman ang bumalot sa hapag. Ang mga nagkikiskisang kutsara, tinidor at plato lamang ang maririnig sa buong paligid. Maging ang bawat pagnguya rin ng mga nakaupo ay pigil pa o nag-iingat na hindi makalikha ng ano mang tunog.Nilunok ni Arman
Enchanted in Hell Eduardo Ledesma
Tunog ng mga kutsara at tinidor ang unang namagitan sa hapag. Kung hindi pa sisimulan ni Armando ang pagsasalita, marahil ay nakabibinging katahimikan na lamang ang mananaig sa espasyong iyon."Cliff, kumusta naman sa Baguio?""Ayos naman po, Tito. Kinakaya ho." Alangan ang pagsagot
