loading
Home/ All /Enchanted in Hell/What is Love?

What is Love?

Author: Anny Pelly
"publish date: " 2020-07-29 13:04:10

Maraming bata ang umiiyak sa paligid niya. Pare-pareho ng sinisigaw, hinahanap ang kanilang mga magulang. Umiyak na rin siya. Lumapit sa kaniya ang isang babae. Hinawakan siya nito sa buhok at kinaladkad papunta sa madilim na silid...

"Theo!"

Nagmulat si Theo ng mata at tumambad sa harap niya ang mukha ng isang babae. Napatayo siya at natulak ito sa kama. Huli na nang matauhan siya at makilala kung sino iyon dahil tuluyan nang natumba ang babae dahil sa ginawa niya.

"Ba't nandito ka?" tanong niya kay Rina saka mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga.

"Narinig kasi kita na sumisigaw kaya nag-alala ako," sagot naman nito habang tumatayo. Pinagpag at inayos din nito ang nagusot na damit.

Kinusot niya ang bed sheet at yumuko. Napanaginipan niya na naman ang pangyayari noon. Gusto niya nang makalimutan ang bagay na iyon pero paulit-ulit iyong nagpapakita sa kaniyang panaginip.

Lumapit siya sa pintuan.

"Labas," sabi niya bago binuksan nang malaki ang pinto.

"Do not enter my room without my permission. Don't forget to knock," bilin niya na tinanguan naman ni Rina.

Nang tuluyan na itong makalabas ay padabog niyang sinara ang pinto. Umupo siya at napatingin sa salamin sa gilid niya kaya hindi sinasadyang mapansin na naman niya ang pilat sa kaliwang pisngi.

Nakuha niya ang peklat na iyon labing pitong taon na ang nakalipas. Ilang beses na siyang pinilit ng mga magulang na magpa-surgery pero siya ang tumatanggi. Ayaw niyang lumabas ng bahay. Ayaw niyang pumunta sa hospital o sa ibang bansa para maalis ang peklat dahil takot siya! Takot siyang harapin ang mundo sa labas ng mansion!

"Theo, kung nagugutom ka na...nakapagluto na ako ng pagkain."

Kahit pinagtabuyan na si Rina ni Theo sa kuwarto nito ay nanatili pa rin ito sa labas. Sa hindi malamang dahilan, may parte sa puso niya na naaawa siya sa lalaki.

Magkapareho silang nakasandal sa pinto at hinihintay ang sasabihin ng bawat isa.

"Sige," sagot ni Theo mula sa loob. Humawak si Theo sa sintido. Naalala niya ang ina na dating nagluluto sa kaniya ng pagkain.

Ang ina niya kasi ang madalas na nag-aasikaso sa kanya noong nangyari ang nakakatakot niyang nakaraan. Ito ang palagi niyang nakakasama noong bata pa siya pero simula nang maglabing walong taon siya ay bibihira na rin itong dumalaw sa kaniya.

"Rina?" tanong niya. Nagbabakasakali na nasa labas pa ang babae.

"Do you know the meaning of love?" Lumunok siya. Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang itanong iyon sa babae. Gusto niya lang kasi talagang maunawaan kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa ina.

Naghintay siya sa sagot nito ngunit walang nagsasalita, marahil nakaalis na ito. Babalik na sana siya sa kama pero napahinto siya nang narinig muli ang boses ni Rina.

"Love is something to be treasured. Being loved and to love is a special gift from God. Hindi ka tao kung hindi ka marunong magmahal."

Bahagya siyang napangiti nang narinig si Rina. Nangangahulugan lang iyon na normal siya, dahil marunong siyang magmahal. He love his mother dahil sabik siyang makasama ito. Gusto niyang nasa piling niya lang ito palagi. Araw-araw niyang hinahanap ang pag-aasikaso nito sa kaniya dati. There is no doubt sa nararamdaman niya.

Alas dos na ng hapon nang nagpasyang lumabas si Theo sa kuwarto. Napansin niyang may nabago sa bahay nila. Naging maaliwalas iyon sa paningin niya. Wala na ang mga alikabok at mga agiw na dati ay nandodoon.

Matapos kumain ay nagpunta siya sa silid kung saan niya iniipon ang mga mamahaling alak na pinapadala sa kaniya. Bukod sa pangongolekta ng iba't ibang uri ng alak ay nagbebenta rin siya sa online nito. Katulong niya ang pinsan sa online business na iyon. Ito ang nakikipagkita o kaya nagpapadala ng mga alak sa customer niya.

Naglagay siya ng lemonade sa baso na may lamang white wine. Naglagay din siya ng ice cubes at ng iba pang sangkap. Dumating si Rina. May hawak itong walis at dustpan.

"Ba't nandito ka?" tanong niya. Tinitigan niya ang babae nang masama.

"Ah eh..." Nagpunas si Rina ng pawis sa noo. "Maglilinis lang sana ako rito."

"Go ahead. Basta wala ka lang babasagin na kahit ano."

Mahalaga para kay Theo ang mga alcoholic beverages na iniipon niya. Iyon na lang ang pinaka-libangan niya dahil palagi siyang nag-iisa sa loob ng bahay.

Marami siyang mga collections. Undistilled drinks—Beer, Wine, Sake. Distilled drinks—Gin, Whiskey, Brandy, Tequila, Vodka at marami pang iba. Mas marami ang collection niya ng mga high alcohol content katulad na lamang ng Liquor at Spirits.

Dahil nag-iisa lang siya, ang paghahalo ng mga drinks ang kaniyang pinagkakaabalahan.

"May alam ka pala sa bartending," sabi ni Rina. Sinimulan na niyang magsalita dahil ang tahimik nilang dalawa.

"Yeah."

"Anong favorite mong drinks?" tanong muli ni Rina para humaba lang ang usapan nilang dalawa.

"White Wine Mojito, I guess." Tinungga ni Theo ang nasa baso niya. "And you?" balik na tanong niya sa babae.

Tumawa si Rina sabay kamot sa ulo. Wala siyang alam sa mga ganoong uri ng inumin. Ang alam niya lang siguro ay ang simpleng beer at wine. Wala siyang alam sa mga cocktail drinks o ano pa mang mixture ng iba't ibang alkohol.

"Wala akong alam diyan eh. Sa'n mo naman natutunan 'yan?" tanong muli ni Rina at nagpatuloy sa pagwawalis. Ayaw kasi niyang mawala sa momentum ang usapan nila. Tiyak na kapag naputol iyon ay mahihirapan na naman siyang magsimula ng topic.

"I enrolled in online bartending class. I also searched it and tried my own mixture."

"Ang galing mo naman."

Napatingin si Theo kay Rina. Unang beses niyang nakarinig ng papuri mula sa ibang babae. Simula kasi noong bata siya, tanging ang ina lang niya ang pumupuri sa kaniya. He was satisfied and overwhelmed every time na makakarinig siya ng praises dito.

"Here, try this one." Inabot ni Theo ang ginawa niyang drinks.

Kinuha ni Rina ang baso na inabot ni Theo. Kulay puti ang kulay nito at punong-puno ng yelo.

"Ano ang tawag dito?"

"Margarita."

Tinikman ni Rina ang nasa wine glass. Ibang-iba iyon sa mga natikman niyang alcoholic beverages. Balanse ang lasa—tamis, pait, alat at asim. Hindi niya maitatangging masarap ang pagkakagawa ni Theo.

"Masarap," papuri ni Rina. "Puwede kang magtayo ng sarili mong bar."

Binaba niya ang baso sa bar top pagkatapos ay nilibot ng tingin ang silid. Sabagay, mukha namang maliit na bar ang kuwarto kung nasaan sila. Mukhang pinag-isipan at pinasadya para magmukha talaga iyong bar.

Pumasok siya sa loob kung nasaan nakapuwesto si Theo at saka maingat na nagwalis dahil malapit siya sa bar wall kung nasaan nakalagay ang mga bote ng alcoholic drinks.

"Anak." Dumating ang ina ni Theo sa loob, si Caridad. Nagulat si Rina sa pagdating nito kaya hindi niya namalayan na sumagi na pala ang hawak niyang walis sa hilera ng mga bote. Sunod-sunod ang pagtumba ng mga bote sa pinakababa ng cabinet. Sunod-sunod din ang pagbagsak ng mga ito sa sahig.

Napakuyom si Theo habang nakatingin sa mga basag na bote sa sahig. Si Caridad naman ay napatakip sa bibig dahil sa nangyari.

"Alis!" sigaw ni Theo.

"Sorry," nanginginig na sabi ni Rina. Sinimulan niyang pulutin ang mga bubog pero nabitiwan niya iyon nang sumigaw muli si Theo.

"Sabi ko, umalis ka!" Nagdugo ang daliri ni Rina nang dumulas ang bubog sa kamay niya.

"Sorry talaga."

"Theo, tama na. Mapapalitan 'yan." Lumapit si Caridad sa anak at hinawakan ito sa kamay. Kumalma naman si Theo at saka yumakap sa ina. Niyakap din nang mahigpit ni Caridad ang anak. Masakit para sa kaniya na nakikita ang anak sa ganoong sitwasyon. Miserable. Ginawa na niya ang lahat para maka-recover ang anak mula sa trahedyang nangyari rito noon pero mukhang hindi pa rin iyon sapat.

Sinunod niya rin ang payo ng dati nitong psychiatrist na si Dr. Cabrera. Pinakita niya sa anak ang pagmamahal at pagsuporta niya rito pero walang nagbago. Tumatanggi pa rin itong lumabas sa mansion.

"Mom, bakit bihira ka na lang pumunta rito?" tanong ni Theo sa ina.

Nag-iwas ng tingin si Rina sa hita ng ina ni Theo. Tumaas kasi nang bahagya ang damit nito nang yakapin ang anak. Kung titingnan ay parang magkasintahan lang ang dalawa. Maliit lang ang ina ni Theo, mukhang bata, makinis at maputi pa. Lalo itong nagmukhang bagets dahil sa style ng pananamit nito. Sleeveless dress na maiksi kasi ang suot nito.

"Sorry anak, tinutulungan ko kasi ang daddy mo sa negosyo natin," sagot naman ni Caridad.

Naramdaman ni Caridad ang lalong paghigpit ng yakap ng anak. Gustuhin man niyang dalawin ito palagi ay hindi niya magawa dahil nahihirapan na ang daddy nito sa negosyo.

Masiyado nang matanda ang asawa niya, hindi na nito kayang gawin ang mga bagay na nagagawa noon. May kung ano-anong sakit na rin itong iniinda sa katawan.

Pinahid ni Rina sa damit ang dugo sa daliri pagkataos ay sinimulang pulutin ang mga bubog sa sahig. Sasamantalahin niya na ang pagkakataon habang kalmado pa si Theo.

Lalabas na sana siya para kumuha ng mop pero napahinto siya nang magsalita muli ang ina ni Theo.

"'Nak, hanggang kailan ka magkukulong dito?" Tumigil sandali si Rina sa gilid ng pintuan, curious siya sa tanong ng ina ni Theo. Nais niya ring marinig ang isasagot ni Theo rito.

"Forever." Inalis ni Theo ang pagkakayakap sa ina at tumalikod dito.

"Pero anak, paano kami? Ang negosyo natin?"

Hinampas ni Theo ang bar top na ikinagulat ni Rina. "I knew it! Sa una pa lang ay negosyo lang talaga ang iniisip ni Dad!"

"Pero Theo, matanda na ang Dad mo...kailangan niya ng makakatulong sa kaniya sa negosyo natin."

Malakas na hampas na naman ang narinig ni Rina kaya nagkibit-balikat na lamang siya. Tuluyan na siyang umalis para kumuha ng mop. Wala siyang maintindihan sa pinag-uusapan ng dalawa ngunit sigurado siyang parehong nasasaktan ang mag-ina.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Enchanted in Hell   There Is No Ending

Ang kulay kahel na araw na nagtatago sa likod ng mga ulap ay unti-unti nang lumalabas sa pinagtataguan nito. Ang mga ulap na kanina lamang ay parang isang bulak ay unti-unti na ring naghihiwalay para gawing maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman sa pagsapit ng alas sais ng umaga sa Taklong Island ng Nueva Valencia, Guimaras, tanging araw na lamang ang makikita sa asul na langit na nahahaluan ng dilaw at kahel na repleksyon ng araw.Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at ang mga alon ay patuloy sa paghampas patungo sa dalampasigan. Tanging tunog lamang ng kalikasan ang maririnig sa lugar dahil ang parteng iyon ng isla ay pribado o pag-aari ng Ledesma.Nakaupo si Rina sa pinong buhangin habang nakatingin sa kalangitan nang tabihan siya ni Theo at hawakan nito ang kanyang kamay."You like this place?""Oo naman, ang ganda kaya rito.""Maganda pa rin kaya rito kahit wala ako?" tanong ni Theo."Syempre hindi. Sabi ko nga, kahit nasaaang lugar tayo

Enchanted in Hell   Looking For Theo

Kabababa pa lamang ni Rina sa tricycle na sinakyan niya papunta sa mansion ay natanaw na niya si Dr. Steve sa labas ng gate. Nang makita siya ng doktor ay lumapit din ito sa kanya."Dr. Steve, ba't nandito ka pa rin?""Nagbabakasakali lang ako na papapasukin na nila ako," sagot ni Dr. Steve saka nilingon ang mga guwardiya.Lumapit si Rina sa mga guwardiya. Sa ilang buwan niyang nagtatatrabaho sa mansion ay nakapagpalagayan na niya ang mga ito ng loob at ganoon din naman ang mga ito sa kanya. Siguro naman ay kung manghihingi siya ng pabor sa mga ito ay hindi siya matatanggihan dahil may pinagsamahan na rin naman silang lahat. Sa katunayan, siya rin ang nagluluto ng mga pagkain dito at madalas niya rin makakwentuhan ang mga bantay."Totoo bang wala na si Theo rito?" tanong niya sa mga guwardiya."Rina...nandito ka na..." Umiwas ng tingin sa kanya ang mga guwardiya. Mayroong nagtatanggal ng bara sa lalamunan at mayroon namang pinili na lang na ngumiti

Enchanted in Hell   He Is Gone

Ilang araw rin ang lumipas nang iwan si Theo ni Rina kaya napuno na naman ng bangungot ang buhay niya.Katatapos pa lamang niyang harapin ang problema nang malamang pinagkaisahan siya ng buong pamilya subalit may nadagdag na naman. At katulad ng palagi niyang ginagawa, nagkulong na naman siya sa kuwarto niya, walang ganang kumain o uminom man lang ng tubig."Tito Eduardo, ikaw pala ang nagpadukot sa 'kin noon," bulong niya sa sarili nang magbukas siya ng phone noong tangka sana niyang tatawagan si Rina. Kaya lamang ay hindi na niya natuloy iyon nang sunod-sunod na may nag-notif sa kanyang phone. Maraming nagme-mention sa kanya at naka-tag sa kanya kaya naman nabalitaan niya rin ang tungkol kay Dominador habang sinisiwalat nito ang lahat sa pulisya.Napakabilis ng balita lalong-lalo na sa mga kilalang personalidad at pamilya sa lugar nila. Dahil nga kilala ang Ledesma, marami ring mga tao mula sa San Pascual ang nagnanais na manghimasok sa mga ganap sa pamilya. M

Enchanted in Hell   Do You Really Love Him?

Pagkarating na pagkarating nina Theo at Rina sa mansion, agad na kinuha ni Theo ang kanyang laptop upang panoorin ang laman ng flashdrive na binigay sa kanila ni Dominador."Handa ka na bang malaman?" tanong ni Theo kay Rina na tumango-tango lamang sa kanya.Sinimulan na ni Theo i-play ang video at doon lumabas kung paano nabangga ang ama ni Rina. Tumatawid ang ama ni Rina noon nang dumating ang isang sasakyan. Pinindot ni Theo ang pause kaya huminto rin ang footage at na-focus naman sa screen ang likuran ng kotse na nakabangga sa ama ni Rina.Hindi man makita nang maayos ang plate number ng sasakyan, sigurado naman si Theo kung kanino ang sasakyan na iyon, kulay pa lang ay alam na niyang sa dad niya ang kotse."Theo? Bakit bigla kang natulala? Alam mo kung kanino ang sasakyan na 'yan?"Marahang napatango si Theo. Iyon ang dating kotse ng kanyang ama. Alam niya iyon dahil palagi niya iyong nasisilip mula sa kanyang silid sa tuwing darating ang kany

Enchanted in Hell   I Know The Truth

Magkayakap sa kama sina Theo at Rina at parehong nakatakip ng kumot ang kani-kanilang hubad na katawan."Now, start telling something about yourself to me.""Hmm. Ano ba ang gusto mong malaman?""About you and your family.""Hmm...wala na si Papa. First year college ako nang namatay siya. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang taong nakabangga sa kanya kaya mas lalo akong nagagalit sa taong iyon. Marahil kung dinala niya si Papa sa hospital at hindi tinakbuhan, baka buhay pa si Papa hanggang ngayon. Masyadong naduwag ang taong 'yon...kung nasaan man siya ngayon, bahala na ang tadhana ang magparusa sa kasalanan niya."Inamoy-amoy ni Theo ang buhok ni Rina. "What if dinala ng taong 'yon ang papa mo sa hospital? Ano ang gagawin mo sa nakabangga?""Syempre, kailangan niya pa rin pagbayaran ang kasalanan niya."Siniksik ni Rina lalo ang sarili kay Theo, "Tapos ayon, nang namatay si papa, natigil na rin ako sa pag-aaral. Tumulong na lang ako

Enchanted in Hell   Heaven

Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.Nag-message siya rito.'Sino ka?'Matapos ang ilang segundong paghihintay, na-received na niya ang reply mula rito.'Hindi mo ako kilala. Pero kilalang-kilala kita at ang lahat ng bahong tinatago mo.'Nag-reply siya rito.'Magpakilala ka! Sino ka! Hindi mo ako madadaan sa takot!''H'wag kang mag-alala, hindi kita tinatakot. Tototohanin ko ang sinabi ko kapag hindi mo pa rin kami tinigilan.''Hindi kita maintindihan. Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na naging atraso ko sa 'yo.'Matapos iyon ay hindi na muli nag-reply sa kanya ang kausap. Matapos tulungan nina Rosita, Jan at Julius si Rina sa paglilinis

Enchanted in Hell   We Need Your Help

Sarado ang pinto, patay ang mga ilaw at mga basag na gamit. Iyan ang matatagpuan sa silid ni Theo na ngayon ay nakahiga sa kama at nakatalukbong ng kumot. Dalawang araw na itong nagkukulong sa silid, walang kain at iniinom na tubig. Kapag pumapasok naman sina Caridad, Armando, at Dr. Steve ay pag

Enchanted in Hell   Alone Again

Mula sa hotel ay matagal nang nasa main door si Theo kaya naman lahat ng napag-usapan ng mga tao sa sala ay malinaw niyang narinig. Alam na niya ang tungkol sa tinutukoy nilang plano upang mapapayag siyang lumabas ng mansion."Ano'ng malalaman ko?" aniya na nagpanggap na kararating pa lama

Enchanted in Hell   Luisiana

Habang nagpapahinga ang lahat ay palihim na nagtungo si Eduardo sa silid ni Theo noon upang kuhaan ito ng larawan kasama ng kanyang ina. Nagtagumpay naman siyang kuhaan ang dalawa na kapwa walang saplot sa kama.Napangiti siya dahil sa wakas ay magagantihan niya na rin ang kapatid na si Ar

Enchanted in Hell   Behind the Crime

Napagpasyahan nina Armando at Caridad na manatili muna sa mansion. Kasalukuyan silang nasa sala nang biglang dumating sina Dr. Steve at Eduardo, kasunod ng pagdating nila ay ang pagpasok naman ni Cliff na humahangos pa dahil mukhang galing pa ito sa biyahe."Napabalik ako rito dahil sa nak

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy