GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest

All Chapters of Enchanted in Hell: Chapter 11 - Chapter 20

Home /  All /  Enchanted in Hell /  Chapter 11 - Chapter 20
54 Chapters

What is this feeling?

Paulit-ulit na napapahawak sa pisngi si Rina. Kasalukuyan siyang nagpupunas ng pinggan na hinugasan niya ngunit hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa ni Theo. Pangalawang beses na siyang hinalikan nito subalit sa pangalawang beses na iyon ay hindi niya maipaliwanag ang kaniyang damdamin.Ang bilis ng tibok ng puso niya, kinakabahan at natutuliro siya. Pakiramdam niya kapag nagkaharap na naman sila ni Theo ay kakabog na naman nang malakas ang dibdib niya. Napahinto na naman siya sa ginagawa."Then help me to understand it." Nilayo na ni Theo ang labi nito sa labi niya at umayos ng upo. Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa lalaki. Dahan-dahan niyang hinawakan ang labi."What?" tanong nito. Hindi niya maibuka ang bibig dahil wala rin naman siyang maisip na sasabihin dito."Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya. Sa wakas ay nakakuha na siya ng lakas ng loob na magsalita."Why? You didn't like it?" nakangising sabi ni Theo. Halatang inaasar siya
Read more

LED Hotel

"Insan!"Nilingon ni Theo si Cliff sa pintuan na kararating-rating lang. Lumapit ito sa kaniya at akmang aakbayan siya pero agad naman niyang iniwas ang sarili at lumipat sa ibang direksyon."Lumayo ka," pigil niya rito."Ang sungit mo talaga, Insan," nakangusong sabi ni Cliff."Ito na pala ang pinapadala mo sa akin..." Inabot nito ang folder na may lamang files sa kaniya. "Kumusta na pala ang online business mo?" pag-iiba nito ng usapan.Umismid si Theo bago mapang-asar na ngumisi. "Ayos naman, mas maayos pa sa hotel na mina-manage mo.""Grabe ka talaga sa akin Insan. Bakit kasi ayaw mo pang lumabas dito nang mapalitan mo na ako. Sawang-sawa na ako sa pagmamando ni Dad sa akin. Mas malala pa siya sa manok kung pagsalitaan ako," pabirong sabi nito subalit hindi nito maitatago sa mukha ang pagrereklamo."If you really don't like to manage our family business, ba't hindi mo na lang sila diretsuhin?" nagtatakang tanong naman niya. Mataga
Read more

Enchanted

"Insan!"Nilingon ni Theo si Cliff sa pintuan na kararating-rating lang. Lumapit ito sa kaniya at akmang aakbayan siya pero agad naman niyang iniwas ang sarili at lumipat sa ibang direksyon."Lumayo ka," pigil niya rito."Ang sungit mo talaga, Insan," nakangusong sabi ni Cliff."Ito na pala ang pinapadala mo sa akin..." Inabot nito ang folder na may lamang files sa kaniya."Kumusta na pala ang online business mo?" pag-iiba nito ng usapan. Umismid si Theo bago mapang-asar na ngumisi."Ayos naman, mas maayos pa sa hotel na mina-manage mo.""Grabe ka talaga sa akin Insan. Bakit kasi ayaw mo pang lumabas dito nang mapalitan mo na ako. Sawang-sawa na ako sa pagmamando ni Dad sa akin. Mas malala pa siya sa manok kung pagsalitaan ako," pabirong sabi nito subalit hindi nito maitatago sa mukha ang pagrereklamo."If you really don't like to manage our family business, ba't hindi mo na lang sila diretsuhin?" nagtatakang tanong naman niya.
Read more

Rina, I Need You

Hawak ni Theo ang kaniyang baso habang patuloy na binabasa ang profile ng negosyanteng magtatayo ng park at zoo malapit sa Landtelho. Uminom siya sa baso at binasa ang pangalan ng lalaki.'Frederick Ellasar'Base sa nabasa niya, nakatira ang negosyanteng iyon sa Bicol pero madalas itong laman ng resort sa Marikina na isa rin sa negosyong pagmamay-ari nito. Kailangan niya itong makumbinsi at makausap subalit hindi niya magagawa iyon kung nasa loob lang siya ng mansion.Tumingin siya sa bintana bago huminga nang malalim. Kailangan niyang subukan.Tumayo siya at naglakad papunta sa asotea. Nakabukas na ang kurtina doon kaya lumiwanag sa loob ng mansion at matapos ang sandaling pagtitig sa loob na ginapangan ng liwanag ay marahan niyang hinakbang ang mga paa hanggang sa makarating siya sa hawakan ng asotea. Tumingin siya sa kaniyang harap at huminga nang malalim dahil sa tensyon na nararamdaman. Iyon kasi ang unang pagkakataon na sinubukan niyang lumabas kaya
Read more

Business Proposal

Hindi mapakali si Rina sa paraan nang pagtitig sa kaniya ni Theo. Sinusuyod siya nito mulo ulo hanggang paa at pakiramdam niya ay hinuhubaran siya ng mga mata Theo. Binaba niya ang suot na dress na hanggang kalahati ng mga hita niya lamang ang haba. Hindi talaga siya sanay na nagsusuot ng ganoong uri ng damit. Binigay lang sa kaniya iyon ng kaibigan na si Lauren pero hindi niya pa iyon nasusuot. Iyon pa lang talaga ang unang beses na nagamit niya ang damit.Hindi siya mahilig sa mga dress. Hindi kasi siya makagalaw nang maayos. Ang mga tipo niyang damit ay iyong malaya siyang makakakilos lalo pa't ang uri ng gawain niya o trabaho niya ay mabilisan dapat sa paggalaw."Okay na ba 'tong ganitong damit?" nag-aalinlangang tanong niya. Mabuti na lang talaga at naisama niya ang damit na iyon sa maleta niya nang dumating sa mansion. Iyon lang kasi ang damit na mayroon siya na naaayon sa pupuntahan nila ni Theo."You look great," sabi nito na ikinapanlumo niya dahil hind
Read more

I Love My Mom

Nasa sariling silid si Rina ng mansion at katatapos lamang maligo. Natapos niya na kasi lahat ng mga gawain at nakakain na rin sila ng hapunan ni Theo. Kapag natapos na siya sa kanyang evening routines ay matutulog na siya dahil maaga na naman siya gigising kinabukasan.Kasalukuyan niyang tinutuyo ng tuwalya ang buhok habang naglalakad palabas ng banyo. Dahil sa sobrang dami niyang ginawa kanina ay pakiramdam niya ay nanlalagkit na rin siya sa pawis. Hindi siya makakatulog kung hindi siya nakakapaglinis ng sariling katawan. Naging routine na niya iyon palagi hindi lang simula nang nagpunta siya sa mansion kundi simula nang magdalaga siya at maging conscious sa sariling katawan.Paulit-ulit niyang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Masama rin kasi kung matutulog siya nang basa ang buhok."Ganito mo ba akitin ang isang Ledesma?"Napadilat siya ng mata at napatingin sa nagsalita. Nakapikit kasi siya kanina dahil damang-dama niya ang ginagawang pagpupun
Read more

Accident

Napalabas muli ng kuwarto si Rina dahil sa pagdating ng mommy at daddy ni Theo. Nagbihis siya muli ng leggings at t-shirt bago nagpakita sa mga amo. Alas onse pa lang ng gabi, mabuti na lang at gising pa siya nang dumating ang mga amo.Pagkalabas ay hinandaan niya agad ng maiinom ang dalawa."Magandang gabi po," bati niya sa dalawa. Pansin niya ang pagod sa mukha ng mommy at daddy ni Theo.Tinanggap naman ni Caridad ang inalok na kape sa kaniya ni Rina. "Magandang gabi rin, mabuti gising ka pa?" tanong nito sa kaniya habang ginagalaw-galaw ang leeg upang mawala ang sakit noon mula sa pagtatrabaho."Oho." Tumango si Rina at binigyan din ng kape si Armando. Sumandal ito sa sofa at huminga nang malalim. Galing pa ang mga amo sa Baguio kaya tiyak siyang pagod na pagod ang mga ito."Kumusta naman si Theo?" tanong ni Armando."Ayos naman ho," maikling sagot niya."Hindi naman ba kayo nag-aaway? Pagpasensyahan mo na si Theo. Magagalitin tala
Read more

New Hope

Napatingin ang lahat sa kakalabas lang na doktor mula sa emergency room. Sinalubong nila ito lahat habang naghihintay ng ibabalita nito sa kanila."Dok, kumusta ho ang asawa ko?" bungad ni Caridad."Hindi naging maganda ang pagkakatama ng ulo niya, mabuti na lang at walang naging internal bleeding. Under observation pa siya hanggang sa magising siya. We will observe kung may epekto ba ang pagkakahulog niya sa psychological and even physical health niya.""Okay Dok, puwede na po ba namin siyang makita?" tanong muli Caridad."Yes, puwede na kapag nalipat na siya sa private room niya."Nang malipat na si Armando sa private room nito, nagsipasukan na silang lahat. Wala pa ring malay si Armando kaya nag-aalala pa rin sila. Sobrang nag-aalala si Caridad sa asawa dahil napalakas talaga ang tama ng ulo nito sa sahig. Kung kaya niya lang sana lumipad ay gagawin niya huwag lang ito tuluyang mahulog sa hagdan subalit wala siyang kakayahan, ang tanging nagawa
Read more

Armando Ledesma

Nagkamalay na si Armando at nang nagdilat siya ng mga mata, ang asawa niyang nakayukyok sa kanyang kama ang bumungad sa kanya. Hinawakan niya ang buhok nito at hinimas iyon bago siya napangiti. Napakasuwerte niya sa asawa dahil kahit kulang na ang oras na ibinibigay niya para dito, ramdam na ramdam niya pa rin ang pagsuporta nito at kahit pa nga pansin niyang pagod na ito, hindi man lang niya narinig ang pagrereklamo rito.Hindi lingid kay Caridad ang sakit na nararamdaman niya. Tunay ngang tumatanda na siya at malapit nang paglipasan ng panahon. Nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Hindi niya na nagagawa ang mga bagay na nagagawa niya noong kabataan niya. Kaya naman nag-aalala na siya nang malaki sa negosyo.Mahabang panahon na ang nilaan niya sa negosyo. Binuhos niya na ang buong oras upang palaguin iyon. Ngayong may kinahaharap na problema ang hotel branch nila sa Manila ay mas lalong nadagdagan  ang kaniyang pag-aalala. Lubha niyang kailangan ang tulong ng anak
Read more

Better and Bitter

Lumabas si Rina at nagpakita kay Theo sa silid kung saan nakalagay ang minamahal nitong collection. Kasalukuyang naghahalo ng alcoholic drinks si Theo subalit napahinto ito nang makita siya. "For real? Wala ka bang ibang damit?" tanong nito sa kaniya.  Nakaramdam naman siya ng pagkapahiya dahil inulit niya na naman ang damit na sinuot niya noong nagpunta sila sa Marikina. Iyon lang kasi talaga ang matino niyang damit na semi-formal. Kung mayroon lang siyang ibang damit, hindi na niya isusuot iyon. Nabigla rin siya sa plano nina Theo. Ni hindi man lang nito sinabi sa kaniya nang maaga na aalis pala sila para magpunta sa LED hotel sa Manila. Mabuti na lang talaga at nakapaglaba siya agad ng damit kung hindi ay baka mas lalo siyang walang masuot. "Ito lang kasi ang maayos kong damit," sagot niya. Tinungga ni Theo ang laman ng kaniyang baso at lumabas na sa silid. Eksakto namang
Read more
Previous Page
Next Page
Download the Book
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy