Download the book for free
Welcome to Ledesma's Mansion
Author: Anny Pelly"Miss, hindi nga kami basta-basta nagpapapasok sa loob!" sigaw ng guwardiya.
Pinaglapat ni Rina ang dalawang palad habang nakikipag-usap sa dalawang guwardiya.
"Please po, pinapapunta po talaga ako rito ng amo n'yo."
Maluha-luha na ang kaniyang mata dahil kanina pa siya nasa labas ng mansion ng Ledesma family.
Ang Ledesma ang pinakamayamang pamilya sa kanilang lugar. Ang lawak ng lupain nila ay walang sinabi sa dikit-dikit na bahay ng mga mamamayan doon. Malaki ang mansion ng mga ito—Spanish Style. Matagal na iyong nakatayo sa San Pascual noong panahon pa ng mga Kastila.
"Ang kulit mo Miss! Kami mapapagalitan nito, e!" sigaw muli ng guwardiya sa kaniya. Kahit ilang beses niyang subukang pumasok ay paulit-ulit lang siyang hinaharangan ng mga ito gamit ang kani-kanilang mga kamay.
Mahigpit sa seguridad ang mga Ledesma. Halos walang nakakapasok sa loob ng mansion na iyon. Tanging pamilya lang ang pinahihintulutang pumasok sa loob.
"Please po," pakiusap niya muli.
Huminto ang Mercedes-Benz sa tapat ng mataas na gate kung nasaan sila. Nilabas nito ang mag-asawang Armando at Caridad.
"Sir, nagpupumilit pumasok," sumbong ng guwardiya sa amo. Lumapit ito sa guard house at may pinindot doon kaya kusang bumukas ang gate.
"Hayaan n'yo siya. Kami ang nagpapunta sa kaniya," sabi ni Armando na ikinagulat din ng mga guwardiya na nagbabantay sa mansion. Walang nagawa ang isang guwardiya kundi ang tanggalin ang kamay nito na nakaharang sa kaniya. Mahigit kuwarenta anyos na si Armando. May mapuputing hibla ng buhok at may kulubot na balat sa pisngi. Subalit kahit may gulang na, makikita pa rin ang pagiging mestizo nito.
"Pumasok ka sa loob," utos ni Armando.
Pumasok si Rina sa loob ng kotse. Unang beses niyang makasakay sa magarang sasakyan kaya bahagya siyang napanganga.
"Sigurado ka na ba?" tanong ni Caridad.
Mas bata si Caridad sa kaniyang asawa. Lampas trenta anyos pa lang ito. Kahit purong Pilipina, maputi at makinis ang balat nito. Alaga sa mamahaling 'skin care products' ang kaniyang balat. Kung hindi ito kilala ng titingin, aakalain nilang bente anyos lamang ang babae.
"Opo." Nauutal na sumagot si Rina. Sigurado na siya sa trabahong papasukin niya. Minsan lang ang pagkakataon na iyon kaya tatanggapin niya na ang inaalok na trabaho ng mag-asawa.
Matagal na rin siyang naghahanap ng trabaho pero wala namang tumatanggap sa kaniya. Pumapasa naman siya sa interview. May abilidad din siya. Bumabagsak lang talaga siya sa tuwing tinitingnan na ang educational background niya. Binuksan ni Armando ang bintana sa kotse.
"Siguraduhin ninyong naka-lock lahat ng gate. Walang magpapapasok ng iba. Kilala niyo naman kung sino lang ang dapat ninyong papapasukin," utos nito sa mga guwardiya.
Hindi natapos ni Rina ang unang taon sa nursing. Tumigil siya dahil namatay ang kaniyang ama na sumusuporta sa kaniyang pag-aaral. Malapit na sana niya matapos ang unang taon sa nursing; ilang buwan na lang subalit biglaan ang pagkamatay ng ama—isang aksidente.
Tuluyan silang pumasok sa loob.
Napahawak si Rina sa bintana ng kotse. Sa unang pagkakataon ay nakapasok siya sa mansion ng pamilyang Ledesma. Hindi nga siya nagkamali, maganda at malawak doon. May mga mamahaling sculpture, mga bulaklak, bonsai at makukulay na bato. Bumaba sila sa tapat ng front door. Nakasarado iyon. Nilibot ni Rina ng tingin ang paligid. Manghang-mangha siya sa paligid. Pakiramdam niya ay nasa paraiso siya.
'Dumating na ang suwerte niya.'
Matagal niya na ring pinapangarap na makapasok sa mansion ng Ledesma at ang akala niya ay hanggang pangarap na lang iyon. Mali pala siya dahil natupad ang pangarap niya na iyon nang hindi sinasadya. Binuksan ni Caridad ang front door kaya napakibit-balikat na lamang siya. Umasa kasi siya na may mga maids na sasalubong sa kanila o kaya naman ay pagbubuksan sila ng pinto ng kung sino man, subalit wala. Napahinto siya sandali nang makita ang loob. Kabaliktaran ng tanawin sa labas ang loob ng mansion. Walang buhay, madilim at maalikabok.
"Nasa'n po ang mga maids niyo?" Naglakas loob na siyang magtanong. Parang wala kasing tao sa loob.
"Wala kami no'n." Ngumiti sa kaniya si Caridad at umupo sa maalikabok na sofa. Pinag-krus din ng ginang ang mga hita dahilan para lalong malantad ang makinis nitong balat.
"Rina, hindi kami basta-basta nagpapapasok dito," sabi nito.
"Bakit po?" takang tanong niya. Alam na niya na mahigpit talaga ang Ledesma sa mga pumapasok sa loob pero ang gusto niyang malaman ay ang dahilan sa likod noon. May tinatago ba ang mga ito sa loob ng mansion para hindi malaman ng iba o sadyang may iniingatan lang ang mga ito na mahahalagang gamit sa loob?
Mayamaya ay dumating na rin si Armando sa sala matapos nitong iparada ang kotse. Umupo ito sa tabi ng asawa.
"May patakaran kang dapat sundin habang nandito ka," simula ni Armando. Nilapag nito sa mesa ang papel at ballpen. "Narito ang kontrata."
Tumingin si Rina sa papel na nasa harap niya. Lumunok siya. Sa oras na pirmahan niya iyon ay hindi na siya puwedeng umatras pa.
"Fifty thousand ang magiging sahod mo sa isang buwan..."
Napalunok si Rina sa narinig. Napakalaking pera na iyon. Mahirap kuhain ang ganoong kalaking pera kaya mapalad siya sa naging offer sa kaniya ng magiging amo.
"Ikaw ang mamamahala sa mansion na ito. Ikaw ang magpapanatiling malinis dito."
Tumango siya. Hindi na siya lugi sa trabaho. Kung tutuusin ay sobra-sobra ang sahod niya kumpara sa magiging gawain niya. Bibihira ang makahanap ng ganoong trabaho na may malaking sahod lalo na sa isang tulad niya na hindi nakapagtapos sa kolehiyo.
"Rina, may isa pa," singit ni Caridad. "Ikaw na bahala sa anak ko. Alagaan mo siya."
Tumango siya muli. Kaya niya ring mag-alaga. Wala siyang inaatrasan na trabaho. Kapag alam niyang magkakaroon siya ng pera ay hindi siya magdadalawang-isip na tanggapin ang trabaho kahit gaano pa iyon kahirap.
Nakilala ni Rina ang mag-asawa dahil sa isang aksidente. Kasalukuyan siyang naghahanap ng trabaho para sa may sakit na ina. Lumalala na kasi ang pag-ubo nito kaya nag-aalala na siya. Wala naman siyang pera kaya hindi niya magawang ipatingin ito sa doktor. Sa oras na magkaroon siya ng pera ay agad-agad niyang dadalhin ang ina sa hospital. Kasalukuyan siyang tumatawid noon sa pedestrian lane nang mapansin ang mabilis na takbo ng kotseng lulan ang mag-asawa. Muntik na siyang mabangga, mabuti na lang ay nakaiwas siya. Subalit kahit nakaiwas ay may nakuha pa rin siyang sugat at pasa sa katawan nang matumba siya sa kalsada. Dinala siya ng mga ito sa hospital at nagkausap sandali. Nalaman ng mga ito ang kalagayan ng kaniyang pamilya. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya nang alukin siya ng mga ito ng trabaho.
"Ito ang anak ko." Nagbalik siya sa katinuan nang magsalita si Caridad. Tiningnan niya ang picture na pinakita nito sa kaniya.
"Ang bata niya pa po pala." Nagkatinginan ang mag-asawa subalit binalewa niya lang ang reaksiyon ng mga ito. Binalik niya na lamang ang tingin sa picture. Walong taong gulang na lalaki ang nasa larawan. Mala-anghel ang ngiti nito habang hawak-hawak ang isang story book.
"Kasama sa kontrata natin na mananatiling tikom ang bibig mo tungkol sa aming pamilya. Ano man ang matutuklasan at makikita mo rito, lahat ng iyon ay mananatiling sikreto," bilin ni Armando. Seryoso ito habang sinasabi iyon.
"Maliwanag po."
Pinirmahan niya ang kontrata. Buo na ang loob niya. Magtatrabaho siya sa loob ng mansion para sa kaniyang pamilya. Para sa may sakit na ina at para sa nag-aaral na dalawang kapatid. Bente uno pa lang siya pero napakabigat na ng responsibilidad niya sa buhay. Gusto niya rin sanang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral subalit wala pa siyang oras dito. Sa halip na mag-aral ay kumakayod siya para may makain sila. Saka na lang siguro niya iisipin iyon kapag nakapagtapos na ang dalawa niyang kapatid. Ang dami na niyang sinubukan trabaho—tindera, labandera at taga-hugas ng plato. Sinubukan niya ring magsimula ng negosyo na may maliit na puhunan. Nagtinda siya ng damit, peanut butter at naglako rin ng mga gulay at karne subalit hindi pa rin iyon sapat sa kanilang apat. Pambaon at pamasahe pa lang ng dalawa niyang kapatid na parehong nasa kolehiyo ay kulang na kulang na. Kaya pati pagkain nila ay kailangan nilang tipirin para mapagkasya lang ang maliit niyang kita sa lahat ng bayarin.
"Magsisimula ka na bukas. Nadala mo ba lahat ng kailangan mo? Isang beses sa isang buwan ka lang makakadalaw sa pamilya mo," paalala ni Caridad.
Marahan siyang tumango bago yumuko. Isang beses sa isang buwan niya na lang makikita ang pamilya. Kakayanin niya kaya ang ganoong katagal na araw? Hindi siya sanay na hindi kasama ang pamilya niya pero kailangan niyang magsakripisyo. Ginagawa niya naman iyon para rin sa mga ito.
"May isa pa pala," pahabol ni Armando, "Bawal gumamit ng cell phone habang nandito ka sa mansion."
Nanlaki ang mata niya. Paano niya makakausap ang pamilya? Paano kung may kailangan ang mga ito sa kaniya? Paano niya malalaman ang kondisyon ng mga ito? Hindi niya napaghandaan iyon. Kung alam niya lang ay sana nakapagpaalam muna siya nang maayos sa kaniyang ina at dalawang kapatid.
"Pero..."
"Wala ng pero-pero. Nakasulat 'yan sa kontrata. Binasa mo ba talaga?"
Mababakas ang iritasyon sa mukha ni Armando na tumitig sa kaniya.
Binalikan niya ang kontrata at tiningnan muli iyon. Tama nga si Armando dahil nakasulat iyon sa bandang likod. Wala na siyang nagawa kundi ang tumango.
"O, siya. Aalis na muna kami. Ikaw na ang bahala sa kaniya."
Tumayo na si Caridad at makahulugang tumingin kay Rina na para bang sinasabi nito na siya na ang bahala sa lahat.
"Remember our conditon," bilin muli ni Armando. Tumayo na rin ito at inakbayan ang asawa.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Enchanted in Hell There Is No Ending
Ang kulay kahel na araw na nagtatago sa likod ng mga ulap ay unti-unti nang lumalabas sa pinagtataguan nito. Ang mga ulap na kanina lamang ay parang isang bulak ay unti-unti na ring naghihiwalay para gawing maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman sa pagsapit ng alas sais ng umaga sa Taklong Island ng Nueva Valencia, Guimaras, tanging araw na lamang ang makikita sa asul na langit na nahahaluan ng dilaw at kahel na repleksyon ng araw.Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at ang mga alon ay patuloy sa paghampas patungo sa dalampasigan. Tanging tunog lamang ng kalikasan ang maririnig sa lugar dahil ang parteng iyon ng isla ay pribado o pag-aari ng Ledesma.Nakaupo si Rina sa pinong buhangin habang nakatingin sa kalangitan nang tabihan siya ni Theo at hawakan nito ang kanyang kamay."You like this place?""Oo naman, ang ganda kaya rito.""Maganda pa rin kaya rito kahit wala ako?" tanong ni Theo."Syempre hindi. Sabi ko nga, kahit nasaaang lugar tayo
Enchanted in Hell Looking For Theo
Kabababa pa lamang ni Rina sa tricycle na sinakyan niya papunta sa mansion ay natanaw na niya si Dr. Steve sa labas ng gate. Nang makita siya ng doktor ay lumapit din ito sa kanya."Dr. Steve, ba't nandito ka pa rin?""Nagbabakasakali lang ako na papapasukin na nila ako," sagot ni Dr. Steve saka nilingon ang mga guwardiya.Lumapit si Rina sa mga guwardiya. Sa ilang buwan niyang nagtatatrabaho sa mansion ay nakapagpalagayan na niya ang mga ito ng loob at ganoon din naman ang mga ito sa kanya. Siguro naman ay kung manghihingi siya ng pabor sa mga ito ay hindi siya matatanggihan dahil may pinagsamahan na rin naman silang lahat. Sa katunayan, siya rin ang nagluluto ng mga pagkain dito at madalas niya rin makakwentuhan ang mga bantay."Totoo bang wala na si Theo rito?" tanong niya sa mga guwardiya."Rina...nandito ka na..." Umiwas ng tingin sa kanya ang mga guwardiya. Mayroong nagtatanggal ng bara sa lalamunan at mayroon namang pinili na lang na ngumiti
Enchanted in Hell He Is Gone
Ilang araw rin ang lumipas nang iwan si Theo ni Rina kaya napuno na naman ng bangungot ang buhay niya.Katatapos pa lamang niyang harapin ang problema nang malamang pinagkaisahan siya ng buong pamilya subalit may nadagdag na naman. At katulad ng palagi niyang ginagawa, nagkulong na naman siya sa kuwarto niya, walang ganang kumain o uminom man lang ng tubig."Tito Eduardo, ikaw pala ang nagpadukot sa 'kin noon," bulong niya sa sarili nang magbukas siya ng phone noong tangka sana niyang tatawagan si Rina. Kaya lamang ay hindi na niya natuloy iyon nang sunod-sunod na may nag-notif sa kanyang phone. Maraming nagme-mention sa kanya at naka-tag sa kanya kaya naman nabalitaan niya rin ang tungkol kay Dominador habang sinisiwalat nito ang lahat sa pulisya.Napakabilis ng balita lalong-lalo na sa mga kilalang personalidad at pamilya sa lugar nila. Dahil nga kilala ang Ledesma, marami ring mga tao mula sa San Pascual ang nagnanais na manghimasok sa mga ganap sa pamilya. M
Enchanted in Hell Do You Really Love Him?
Pagkarating na pagkarating nina Theo at Rina sa mansion, agad na kinuha ni Theo ang kanyang laptop upang panoorin ang laman ng flashdrive na binigay sa kanila ni Dominador."Handa ka na bang malaman?" tanong ni Theo kay Rina na tumango-tango lamang sa kanya.Sinimulan na ni Theo i-play ang video at doon lumabas kung paano nabangga ang ama ni Rina. Tumatawid ang ama ni Rina noon nang dumating ang isang sasakyan. Pinindot ni Theo ang pause kaya huminto rin ang footage at na-focus naman sa screen ang likuran ng kotse na nakabangga sa ama ni Rina.Hindi man makita nang maayos ang plate number ng sasakyan, sigurado naman si Theo kung kanino ang sasakyan na iyon, kulay pa lang ay alam na niyang sa dad niya ang kotse."Theo? Bakit bigla kang natulala? Alam mo kung kanino ang sasakyan na 'yan?"Marahang napatango si Theo. Iyon ang dating kotse ng kanyang ama. Alam niya iyon dahil palagi niya iyong nasisilip mula sa kanyang silid sa tuwing darating ang kany
Enchanted in Hell I Know The Truth
Magkayakap sa kama sina Theo at Rina at parehong nakatakip ng kumot ang kani-kanilang hubad na katawan."Now, start telling something about yourself to me.""Hmm. Ano ba ang gusto mong malaman?""About you and your family.""Hmm...wala na si Papa. First year college ako nang namatay siya. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang taong nakabangga sa kanya kaya mas lalo akong nagagalit sa taong iyon. Marahil kung dinala niya si Papa sa hospital at hindi tinakbuhan, baka buhay pa si Papa hanggang ngayon. Masyadong naduwag ang taong 'yon...kung nasaan man siya ngayon, bahala na ang tadhana ang magparusa sa kasalanan niya."Inamoy-amoy ni Theo ang buhok ni Rina. "What if dinala ng taong 'yon ang papa mo sa hospital? Ano ang gagawin mo sa nakabangga?""Syempre, kailangan niya pa rin pagbayaran ang kasalanan niya."Siniksik ni Rina lalo ang sarili kay Theo, "Tapos ayon, nang namatay si papa, natigil na rin ako sa pag-aaral. Tumulong na lang ako
Enchanted in Hell Heaven
Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.Nag-message siya rito.'Sino ka?'Matapos ang ilang segundong paghihintay, na-received na niya ang reply mula rito.'Hindi mo ako kilala. Pero kilalang-kilala kita at ang lahat ng bahong tinatago mo.'Nag-reply siya rito.'Magpakilala ka! Sino ka! Hindi mo ako madadaan sa takot!''H'wag kang mag-alala, hindi kita tinatakot. Tototohanin ko ang sinabi ko kapag hindi mo pa rin kami tinigilan.''Hindi kita maintindihan. Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na naging atraso ko sa 'yo.'Matapos iyon ay hindi na muli nag-reply sa kanya ang kausap. Matapos tulungan nina Rosita, Jan at Julius si Rina sa paglilinis
Enchanted in Hell Like A Brother To Me
"Wait, Theo. Relax."Hinigit ni Theo palayo si Rina sa kanina lang ay kumakain na si Dr. Steve. Napatayo naman ang doktor kaagad at lumapit kay Theo."Ano'ng ginagawa ninyo?" tanong ni Theo kay Dr. Steve."Wala naman, Theo nag-uusap lang kami," sagot ni Dr. Steve."The
Enchanted in Hell How I Met, Rina?
"Hindi ka pa rin ba tinitigilan ng Eduardo na 'yan?" tanong ni Dominador sa anak na si Dr. Steve."Malaki ang utang na loob natin sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya baka wala rin tayo sa kalagayan natin ngayon. Baka hindi ako nakapag-aral at baka lugmok pa rin tayo sa hirap ngayon."
Enchanted in Hell You Are Not a Kid Anymore
Magkahawak-kamay na naglalakad sina Theo at Rina sa hardin ng mansion. Dapit-hapon na kung saan ay nakangiti nilang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang makausap ni Rina si Theo at sa oras na iyon, tingin naman ni Rina ay unti-unti nang nakaka-recover a
Enchanted in Hell History of His Condition
Walong taong gulang lamang noon si Theo kasa-kasama ang mga magulang nito na si Armando at Caridad. Habang kinukuhaan ng mag-asawang Caridad at Armando ang batang si Theo, nasa gilid lamang si Eduardo at tahimik na sinasaksihan ang eksena ng pamilya.'Happy Family,' aniya sa isip. Kung siy
