GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest

All Chapters of SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||: Chapter 1 - Chapter 9

Home /  All /  SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP || /  Chapter 1 - Chapter 9
9 Chapters

CHAPTER 1

 ''Sirena... Ang tawag sa amin. Bakit ako nag-iisa? Ano ba ang papel ko sa mundong ito? Bakit ako isinilang na sirena? Wala akong maalala na kahit ano. Basta ang alam ko, pagmulat ng mata ko ay narito na ako sa ilalim nang madilim na dagat. Tanging naririnig lang ang awit ng mga katulad ko. Gaano na ba katagal akong narito? Hindi ko rin alam. Ano ba ang pangalan ko? Ah, alam ko na... para itong musika sa aking isipan na lagi kong naririnig. Melodia... tama, ang pangalan ko'y Melodia. '' ⚫ Kakaiba ang aming itsura sa ibang sirena. Ang mga sirenang ipinanganak na may pagmamahal sa dagat. Mas maikli ang kanilang buntot, wala silang palikpik sa likod ng buntot at likuran. Ang hasang nila'y sa leeg at hindi rin sila marunong kumanta. Malaya sila sa dagat walang kailangang makuha para mabuhay. Ang pagkain ng halamang dagat, maliliit na isda ay sapat na para s
Read more

CHAPTER 2

''HAPPY 718th FOUNDING ANNIVERSARY! ATARGATIS HARBOR" Ang nakasulat sa kulay puting telang nakasabit sa magkatabing poste na malapit sa arko kung saan may nakalagay ring Welcome to Atargatis. Maingay at makulay ang paligid. Mga banderitas na nakasabit sa bawat bubong ng mga bahay. Napangiti ako kasi ang mga damit na nakasampay rin ay mukhang mga banderitas. Naglalakad ako ngayon sa bayan. Nakasuot ng isang mahaba at maluwag na damit. Mainit rin ngayong hapon kaya naman nanunuyo na naman at natutuklap ang aking balat. Kaya naman meron na akong dala-dalang bote ng tubig. Mahirap na baka maramdaman ko naman ang simptomas na iyon. Habang tumitingin ako sa paligid ay hindi ko maiwasang maalala kung paano ako napunta rito.
Read more

CHAPTER 3

Nakaupo kami ni Indigo sa harap ng munting entablado. Nanonood sa mga batang umaarte habang kumakain ng popcorn na binili niya kanina. Magkahalong matamis at maalat ito. Masarap naman siya kaso ay dumidikit sa dulo ng ngipin. Sinulyapan ko si Indigo na seryosong nanonood.  ''Ganoon na ba ako kagwapo?'' Natulala ako sa sinabi niya. Humarap na lang uli ako sa entablado at sumubo ng popcorn na matamis. Nakita ko ang ginawa niyang pag-ngiti. Nakakahiya tuloy.  Namangha naman ako sa mga batang umaarte lalo na sa batang babae na nakasuot ng kunwaring buntot ng sirena.  Kung ganoon ay naiintindihan ko na kung sino at kung bakit naging Atargatis ang naging pangalan nitong lugar. Base sa ginawang pagtatanghal ng mga bata, si
Read more

CHAPTER 4

Inabot na ng gabi ang pagdiriwang ng kaarawan ni Indigo. Matagal ko ring nakasama ang nga kaoatid niya na akala ko'y masusungit, ngunit nagkamali ako. Palatawa sila at makuwento. Si Violet na laging bukang-bibig ang trabaho bilang isang photographer. Si Tangerine naman na laging bukang-bibig ang lalaking crush niya at ang trabaho niya bilang event organizer. Sa pagsapit nga ng gabi ay mayroon silang sinabit na malaking bola sa gitna ng kisame. Madilim ang paligid, tanging maliliit na ilaw lang ng bolang iyon ang umiikot sa paligid. Mayroon ring kumakantang banda sa maliit na entabldo. May mga bisitang nag-iinuman sa kabilang mesa, ang ilan naman ay sinasabayan ang indak ng musika. ? Can't swim so I took a boat, to an island so remoteOnly Johnny Depp has ever been to it beforeBeauty in the water, angel on the bea
Read more

CHAPTER 5

 Bigla na lang akong hinalikan ng mariin ng kung sino. Pagkatapos ay kumalas din siya agad. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng mga mata niyang hugis pusa, naniningkit at matalim. Wala siyang damit pang-itaas, may kaliskis ang kanyang balikat at may tengang palikpik.  Napatingin ako sa kanya bandang ibaba. May mahaba siyang asul na buntot. Naibuka ko ang aking bibig at napabuga nang pasukin ng tubig ang lalamunan ko.  ''Nagkita rin tayo, Melodia.'' sabi niya. ''Nagustuhan mo ba ang paraan ko para magkita tayo?'' Dagdag pa niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at parang walang balak na ako'y paalisin. Hanggang sa na
Read more

CHAPTER 6

 Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw.  ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat. ''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya.
Read more

CHAPTER 7

Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate.  Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?' ''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip. Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya. 
Read more

CHAPTER 8

Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin.  Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan.  ''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektah
Read more

CHAPTER 9

Suot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon.  ''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo. ''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron. ''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang ng kan'yang labi ang kumurba.
Read more
Previous Page
Next Page
Download the Book
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy