loading
Home/ Lahat /SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||/CHAPTER 7

CHAPTER 7

Author: AiriiTheCoffeeCat
"Petsa ng paglalathala: " 2020-07-30 06:22:35

Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate.

Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?'

''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip.

Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya.

''Hindi na ako nakatira rito,'' sabi niya. Ano raw? Naguguluhan tuloy ako.

Nagkamot ako ng ulo. ''Sabi mo pupuntahan natin ang bahay mo, 'di ba ito 'yon? Kung hindi ka na nakatira rito eh sa'n pala kung gano'n? Nalilito ako.''

''Dito ako nakatira...'' Natigilan siya at lumingon sa 'kin. Iniwasan ko namang tingnan ang mga mata niya. ''noon, pero hindi na ngayon.''

''Umuwi na lang tayo baka-'' Natigilan ako nang bigla siyang magsalita.

''May kailangan akong tingnan sa loob, sana nga lang nandito pa 'yon.'' seryoso niyang sagot. ''Mauna ka ng umuwi kung iniisip mo si Indigo.'' Umiwas na siya ng tingin at itinuon uli ang mata sa nakauwang na gate.

Nakaramdam ako na parang may tumutusok sa puso ko. Parang maliliit na tinik na hindi ko maintindihan. Sa tono ng pagsasalita niya ay parang mayro'n siyang importanteng inaalala.

''Sasamahan kita, mukhang importante para sa'yo ang kung ano man ang nasa loob.'' Ngumiti ako kahit na hindi niya nakikita.

''Sige.'' Kinuha niya ang kamay ko't ipinahawak sa 'kin ang laylayan ng kan'yang sando. ''Kumapit ka lang, 'wag kang bibitiw.'' Nakatingin lang ako sa kamay kong nakahawak sa damit niya. Namalayan ko na lang na sumusunod na pala ako sa kan'ya papasok sa lugar na 'yon. Nakatalikod siya sa 'kin kaya nagawa kong tingnan ang likod niya. 

Nakapasok na kami sa maluwang na bakuran. Maraming mga tuyong dahon ang nakakalat sa sementadong daan. May mga maliliit na batong naapakan ko at iniiwasan ang malaki. Ang mga halamang nasa paso ay mangilan-ngilan na rin ang dahon, tuyo ang lupa at mga maliliit na sanga nito.

Namangha ako kahit na makalat ang paligid ay maganda pa rin ang bahay na nakatayo. Nakakasilaw lang ang salamin ng bintana dahil natatamaan ng sikat ng araw. Hindi ko tuloy maiwasang mapapikit ng marahan.

''Ang ganda ng bahay mo,'' sabi ko pero hindi siya sumagot.

Halos gawa sa makukulay na bato ang straktura ng bahay. Nagmukha naman itong malaking kabute dahil sa kawangis nitong hugis. Dumaan kami ni Maron sa gilid ng bahay.

''Bakit tayo rito dumaan?''

''Sshh, 'wag kang maingay baka may makarinig sa 'tin,'' sabi niya ng 'di ako nililingon. Lumabi na lang ako.

Pagkatapos ng mabatong sementong daan ay maliliit na damo naman ang aking naapakan. Nakatungo ako't tinitingnan ang mga damo, may maliliit na insekto kasing palipad-lipad dito. Muntik na naman akong mapasubsob nang hatakin ni Maron ang kamay ko.

Bigla niya akong isinandal sa pader at sabay na naupo sa damuhan. May sinisilip pa siya na kung ano. Bakit namin kailangan magtago kung kan'ya naman dati ang lugar na 'to?

''Pwede ba dahan-dahan naman sa paghila sa 'kin nakakarami ka na, muntik na naman akong-'' Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.

''Sshh, 'wag kang maingay isda.'' Halos magkalapit na kami ng mukha. Nakatingin na naman siya sa mga mata ko. Para na naman akong hinihigop ng mga 'yon. Napakakalmado ng mga mata niya, parang dagat.

Naramdanan ko na lang ang pagkurap-kurap ng mga mata ko habang tinitingnan din siya. Teka nga, anong tinawag niya sa 'kin? Isda?

Sinusundan lang siya ng mata ko habang pasilip-silip at tutungo, titingin sa 'kin at hihinga ng malalim. Ilang minuto rin kaming nasa ganitong pwesto.

''Okay na, halika na isda,'' sabi niya pagkatapos ay inalalayan naman niya ako para makatayo.

''Hindi ako isda!'' Apela ko. Nanlaki ang mata ni Maron, napalakas ata 'yong boses ko. '''Wag mo nga akong tawaging isda, sirena ako.'' Napatungo ako't nahiya ng kaunti.

''Woah, grabe siya pareho lang naman 'yon 'di ba, basta may buntot ng isda, isda. Gets mo? Kasi ako hindi, naguluhan na 'ko. Aist!'' Kinamot niya ang ulo habang nakapikit at nakapameywang. ''Halika na nga.''

Sinundan ko lang siya, dahan-dahan niyang binuksan ang pintong may salamin kaya kita namin ang loob. Sa likuran kami dumaan. May mga upos ng kung anong bagay na umuusok pa sa may sahig.

Pinigilan ko ang paghinga dahil sa 'di nito kaaya-ayang amoy. Yumuko si Maron kaya't napayuko rin ako. May namataan akong tatlong lalaking nakaupo sa sofa, nakatalikod sa 'min kaya't 'di nila napansin ang aming presensiya.

Malamig dito sa loob. Hindi gano'n kaaliwalas dahil maraming gamit. Mga muwebles sa loob ng mga cabinet. Iginala ko ang tingin ko habang sinusundan si Maron paakyat ng hagdan na nakadikit sa pader ang unang limang baitang. Tumingala ako dahil may malaking bagay na nakasabit sa kisame. Gawa sa maliliit na kabibe.

Binuksan isa-isa ni Maron ang apat na pinto ro'n.

''Reeta.'' Bulong niya.

''Sinong Reeta?'' Pang-uusisa ko.

''Bakit selos ka?''

''Anong selos? Pagkain ba 'yon?''

''Sorry, hindi nga pala alam ng isda ang magselos.'' Tatawa tawa pa niyang sabi. Hindi ko tuloy napigilan ang kamay kong hampasin ang braso niya.

May hinila namang tali si Maron sa may kisame. Namangha ako nang may lumabas na hagdan do'n.

''Mauna kang umakyat, aalalayan kita,'' sabi niya. Sinunod ko naman siya. May parteng madilim sa loob ng kisameng 'yon bukod sa maliit na bintanang nasisinagan ng araw. Tumabi ako nang makaakyat siya.

''Reeta.'' Tawag niya uli sa pangalang 'yon.

Nasa likod lang ako ni Maron habang siya ay paikot-ikot sa bawat sulok ng maluwang na espasyo. Tinatawag pa rin niya ang may ari ng pangalang 'yon. Reeta, sino ba siya at mukhang napaka importante niya kay Maron.

Sa isang madilim na sulok ay may napansin akong mabagay. Umiilaw ito tila ba gumagalaw. Pakiramdam ko'y umakyat hanggang sa aking ulo ang kilabot, ngayon lamang ako nakakita ng gano'ng bagay.

''M-Maron.'' Tawag ko sa aking kasama pero abala siya.

Lumalapit sa 'kin ang bagay na 'yon, kulay asul ito't may itim sa gitna. Lumalayo naman ako at lumalapit kay Maron.

''N-Nar'yan na siya!'' Bigla akong tumakbo't sumakay sa likod ni Maron. Ikinawit ko pa ang nga binti ko sa bewang niya.

''Oy! 'wag kang magulo, pss bakit ba bigla ka na lang sasabit sa likod ko!'' Nagpagewang-gewang si Maron habang mahigpit akong nakayakap at nakakapit sa likod niya.

''Ano ka ba isda! Hindi ako makahinga!'' Muntik pa kaming matuba dahil sa ginawa ko. Nagsitumbahan ang mga kahon sa sahig nang masagi namin ito.

''M-May halimaw sa banda ro'n.'' Tinuro ko ang sulok kung sa'n ko nakita ang pares na bolang kulay asul ngunit wala na 'yon do'n.

''Patay na tayo ngayon, baka narinig na tayo ng mga lalaki sa baba,'' sabi ni Maron na parang nauubusan ng hangin. ''Sabing hindi ako makahinga.'' Isinuot niya ang kanang kamay sa gitna ng nakayakap kong bisig sa leeg niya.

''Hoo! Ang sarap huminga, papatayin mo ba 'ko?'' Umiling ako sa tanong niya. ''Bumaba ka na nga.'' Naiinis na sabi niya pero umiling uli ako at hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

''Sinong nand'yan sa taas?'' Pasigaw na tanong ng isang lalaki. Napatingin si Maron sa nakabukas na maliit na pinto sa may kisame.

''Patay talaga, paakyat na. Tsk,'' sabi niya.

Naririnig ko yabag ng lalaing paakyat dito. Bumilis ang pintig ng puso ko, mabubuking na yata kaming dalawa.

''Bumaba ka na bilisan mo.'' Sinunod ko siya. Hinawakan niya ang bewang ko at binuhat, pagkatapos ay isinilid niya ako sa isang malaking kahon.

''Sssh,'' sabi niya habang nakadikit ang isang daliri sa kan'yang ilong. Matapos 'yon ay ibinaba niya ang dalawang takip ng kahon. Hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari.

Katahimikan, hindi ko na narinig pa si Maron maliban sa mga yabag ng kung sino.

''Amuro! Hindi mo na naman isinara 'tong pinto sa attic mapapagalitan na naman tayo ni doc!'' Sigaw no'ng lalaki. Pagkatapos no'n ay narinig ko na ang yabag niya pababa ng hagdan at ang pagsara no'ng pintong pinasukan namin kanina.

Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang kaba.

''Halika na isda.'' Tatlong katok sa kahon ang narinig ko. Tumayo ako at napagtantong hanggang dibdib ko 'yong kahon. Paano ako aalis dito?

''Naku, sorry ang liit mo pala hindi ka nga pala makakaalis d'yan.'' Tinitigan ko ang natatawa niyang mukha.

''Yakap na,'' sabi niya habang itinuturo ang leeg niya. Masyadong malapit ang mukha niya sa 'kin, bahagya siyang lumuhod. Nakatingin uli siya sa mga mata ko. Hilig niya sigurong tumingin ng direcho.

Hindi rin naiwasan ng mga mata kong maipako ro'n. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa mata niyang parang dagat.

''Yakap na, nangangawit na 'ko,'' sabi niya. Agad akong yumakap sa leeg niya. Niyakap niya ako sa bewang para maiangat niya. Tagumpay naman siyang maialis ako sa kahon.

Nagkakamot siya ng ulo at pumikit nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kan'ya.

''Meow.'' Narinig ko ang isang bagong tunog sa 'king pandinig. Anong nilalang kaya 'yon?

''Reeta?'' Nagpalinga-linga si Maron. Hinahanap kung sa'n galing ang tunog. Tinawag niya ba itong Reeta?

Mayamaya ay nakita ko uli ang pares na asul na nakalutang sa sulok.

''M-Maron.'' Itinuro ko ang madilim na sulok kung sa'n ko nakita ang nakalutang na bagay.

''Meow.'' Ulit ng nilalang na 'yon. Agad na nilapitan ni Maron ang itinuro kong bagay na nakalutang.

''Ikaw nga Reeta!'' May kinuha si Maron sa sulok na 'yon. Mukhang malaking kahon pero may maninipis na rehas. Sa loob nga no'n ay may nilalang na nakakulong. Maingat niyaaitong binitbit at itinapat sa may bintana.

Isang nilalang na kulay itim at puti. Sa mukha nito ay kulay itim na parang maskara. Puti ang maliit nitong bibig hanggang baba. Kulay itim din ang likod nito hanggang buntot. Ang apat na paa ay puti maging t'yan nito. Medyo mapayat din ito at mukhang matamlay.

''A-Anong nilalang 'yan? Siya na ba si Reeta?''

''Siya nga si Reeta, ang pinakamamahal kong alagang pusa.'' Kumurba ang labi ni Maron, nakangiti siya maging ang mga mata niya.

''Umalis na tayo rito.'' Bitbit ang kulungan ng kan'yang alaga ay itinulak niya pababa ang maliit na pinto pero.

''Ayaw bumukas Maron,'' sabi ko.

''Nalintikan na, mukhang magtatagal pa tayo rito.'' seryosong sabi niya.

⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫

Gustong malaman kung ano ang mangyayari?
Patuloy ang Pagbabasa
Nakaraang Kabanata
Sunod na kabanata

Ibahagi ang nobela sa

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Pinakabagong kabanata

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 9

Suot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon. ''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo. ''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron. ''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang ng kan'yang labi ang kumurba.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 8

Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin. Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan. ''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektah

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 7

Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate. Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?' ''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip. Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 6

Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw. ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat. ''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 5

Bigla na lang akong hinalikan ng mariin ng kung sino. Pagkatapos ay kumalas din siya agad. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng mga mata niyang hugis pusa, naniningkit at matalim. Wala siyang damit pang-itaas, may kaliskis ang kanyang balikat at may tengang palikpik. Napatingin ako sa kanya bandang ibaba. May mahaba siyang asul na buntot. Naibuka ko ang aking bibig at napabuga nang pasukin ng tubig ang lalamunan ko. ''Nagkita rin tayo, Melodia.'' sabi niya. ''Nagustuhan mo ba ang paraan ko para magkita tayo?'' Dagdag pa niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at parang walang balak na ako'y paalisin. Hanggang sa na

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 4

Inabot na ng gabi ang pagdiriwang ng kaarawan ni Indigo. Matagal ko ring nakasama ang nga kaoatid niya na akala ko'y masusungit, ngunit nagkamali ako. Palatawa sila at makuwento. Si Violet na laging bukang-bibig ang trabaho bilang isang photographer. Si Tangerine naman na laging bukang-bibig ang lalaking crush niya at ang trabaho niya bilang event organizer. Sa pagsapit nga ng gabi ay mayroon silang sinabit na malaking bola sa gitna ng kisame. Madilim ang paligid, tanging maliliit na ilaw lang ng bolang iyon ang umiikot sa paligid. Mayroon ring kumakantang banda sa maliit na entabldo. May mga bisitang nag-iinuman sa kabilang mesa, ang ilan naman ay sinasabayan ang indak ng musika. ? Can't swim so I took a boat, to an island so remoteOnly Johnny Depp has ever been to it beforeBeauty in the water, angel on the bea

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 1

''Sirena... Ang tawag sa amin. Bakit ako nag-iisa? Ano ba ang papel ko sa mundong ito? Bakit ako isinilang na sirena? Wala akong maalala na kahit ano. Basta ang alam ko, pagmulat ng mata ko ay narito na ako sa ilalim nang madilim na dagat. Tangin

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 3

Nakaupo kami ni Indigo sa harap ng munting entablado. Nanonood sa mga batang umaarte habang kumakain ng popcorn na binili niya kanina. Magkahalong matamis at maalat ito. Masarap naman siya kaso ay dumidikit sa dulo ng ngipin. Sinulyapan ko si Indigo

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 2

''HAPPY 718th FOUNDING ANNIVERSARY! ATARGATIS HARBOR" Ang nakasulat sa kulay puting telang nakasabit sa magkatabing poste na malapit sa arko kung saan may nakalagay ri

Higit pang Kabanata
I-download ang Libro
GoodNovel

Libreng I-download ang libro sa App

Download
Maghanap
Library
Maghanap
RomancefeiyHistoryUrbanMafiaSystemFantasyLGBTQ+arNoldMM Romancegenre22-菲语genre26-Pilipinoipinogenre27-请勿使用菲语genre28-Pilipinoipino
Maikling Kwento
KalangitanPagka-misteryo at panghihinalaMakabagong lungsodPag-survive sa katapusan ng mundoPelikulang aksyonPelikula ng agham-piksyonPelikulang romansaDugong na karahasanpag-asapangarapkaligayahanKapayapaanPagkakaibiganMatalinoMasayaMarahasMaamoMalakas红安Madugong pagpatayPagpatayKasaysayan ng digmaanPangarap na pakikipagsapalaranAgham-piksyonIstasyon ng tren
GumawaWriter BenefitCONTEST
Popular na Genre
RomancefeiyHistoryUrbanMafiaSystemFantasy
Makipag-Ugnayan
Tungkol sa AminHelp & SuggestionBusiness
Mapagkukunan
Download AppsWriter BenefitContent PolicyKeywordsMga Hot na PaghahanapMga Review ng AklatFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Komunidad
Facebook Group
Sundan Kami
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy