loading
Home/ Lahat /SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||/CHAPTER 9

CHAPTER 9

Author: AiriiTheCoffeeCat
"Petsa ng paglalathala: " 2020-07-30 06:41:55

Suot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon.

''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo.

''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron.

''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang ng kan'yang labi ang kumurba. ''Eh, bakit parang faucet kung tumulo 'yang dugo sa balikat mo?''

Kinapa ni Maron ang balikat. Kasalanan ko nga pala kung bakit nagkaro'n siya ng malalim na sugat. Mabilis namang tumayo't napatakbo sa bunkhouse si Maron. Nang nasa loob na kaming tatlo ay si Indigo pa ang gumamot ng sugat nito.

''Sa'n mo nakuha 'to? Ang lalim ah.'' Sabay buhos niya sa sugat nito. Bumula ito ng kulay puti na kulang na lang ay umusok. Nagtakip ako ng ilong dahil sa amoy nitong 'di kanais-nais. Binasa ko ang nakasulat sa maliit na boteng kulay pula, Hydrogen Peroxide ayon dito.

''Pucha! Ang hapdi!'' Asik ni Maron. ''Hoo!'' Nakakatakot ang mga ugat niya sa leeg, akala mo'y puputok sa tuwing sisigaw siya.

''Kung saan-saan kasi kayo nagpupunta.'' Diniin pa niya na may halong panggigigil ang pagdutdot sa sugat ni Maron. ''Kung sumama sana pala ako baka...''

''Aray ko, moks! Nakakahalata na ako sa'yo ah!" Reklamo ni Maron. "Para kang girlfriend ko kung makakuda. May gusto ka ba sa 'kin?'' Natatawang sabi niya.

''The heck!'' Binitiwan niya ang hawak na gauze pad. ''Gamutin mo mag-isa 'yang sugat mo, sira ulo 'to.''

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa sa kanilang dalawa.

''Pero, Maron, hindi na 'ko papayag na isama mo uli si Melodia sa kung anong lakad meron ka, tandaan mo kargo ko siya, kaya kung anong mangyari sa kan'ya kargo de konsensiya ko.''

'''Wag kang umasa.'' saglit na nahinto si Maron na ngayo'y nakatingin sa hawak niyang gauze pad na may bahid ng dugo. Sumeryoso naman ang expresyon ng mukha ni Indigo.

''May mga bagay na hindi mo maiintindihan, isa na ro'n kung bakit ko siya kasama. Kailangan ko siya para bumalik ang pagkatao ko.''

▪

Napatingin ako sa pinto nang tumunog ang wind chime. Si Indigo at Maron, sabay na pumasok pero mukhang may pinagtatalunan.

Ngumiti ako. ''Magandang umaga sa inyo.'' Bati ko sa kanila pero para silang walang narinig.

''Look, kulang ako sa tao ngayon, don't worry mataas ang pasahod ko,'' sabi niya ng nakapameywang. ''Magse-serve, kukuha ng orders lang ang gagawin mo.''

''Tattoo artist ako, wala akong pasensya sa makukulit na customer. Sa pagta-tattoo, magdudutdot lang naman ako ng balat.'' Iritable niyang sagot pagkatapos ay humalukipkip.

''Subukan mo lang, kahit ngayong araw lang, bro.'' Tapik ni Indigo sa balikat ni Maron.

''Aah, alam ko na...'' Patangu-tangong sabi ni Maron. Naningkit ang mga mata niya sabay ngiti nang nakakaloko. ''Ayaw mo talaga akong sukuan kasi may gusto ka talaga sa 'kin kaya gustung-gusto mo kong makita.''

''The heck!'' Asik ni Indigo.

Hindi talaga nila ako napansin. Wala tuloy akong nagawa kundi ang huminga ng malalim, mapangiti at tingnan silang dalawa. Nakakatuwa kasi kahit na ilang araw pa lang silang magkakilala ay magkasundo na sila agad.

Tumunog uli ang wind chime, sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa pinto. May mga kababaihang papasok, ito na siguro ang simula ng pagtatrabaho ko bilang isang tao.

''Goodluck, bro!'' sabi ni Indigo. Iniyakap niya ang tray kay Maron saka natatawa-tawang lumapit sa 'kin. Ngayon ay napansin na niya ako.

''Aba, tingnan mo 'to, napakagaling!'' Tatawa-tawa sabi ni Maron. Isinuklay naman niya ang mga daliri  sa buhok na magulo pagkatapos.

Inakbayan ako ni Indigo, ang akbay niyang halos maipit ang leeg ko. Naamoy ko na naman kung gaano siya kabango ngayon, amoy tsokolate siya na may halong vanilla, hindi nakakasawang amoyin.

''Good morning, mo chuisle.'' sabi niya sabay halik sa aking noo. Hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ng kan'yang sinabi.

Unang beses niya pa akong mahalikan, hindi ko tuloy maiwasang mapanganga. Naramdaman ko na lang na nag-init ang tenga ko papunta sa mukha.

''O, tama na 'yang lambuchingan ninyo, nakakahiya sa mga langgam. Hoy, isda! alam mo mukha ka ng takure, malapit ka ng kumulo.'' Sinulyapan ko si Maron na noo'y kumakain na ng soya pudding na nay sago.

''Parang first time mong mahalikan ah, sa pagkakaalam ko ako ang-''

''Manahimik ka, syokoy!'' sabi ko at pinandilatan siya. Inirapan lang ako ng mga mata niyang matalim kung tumingin. Napangiti pa siya ng nakakaloko't ipinagpatuloy ang pagkain sa soya pudding. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko, kapag si Maron na ang nagsasalita, nagkakaro'n ako ng isa pang ugali. Ugaling hindi ko maintindihan. Parang panahon, paiba-iba.

▪

''Lagi na akong pupunta rito, ang guwapo niyo po kuya,'' sabi no'ng estudyanteng babae kay Maron. Hindi ko napigilang hindi titigan ang ekspresyon no'ng estudyante. Ang mga mata niya parang bituin kung kumislap.

''Uy, hindi naman sakto lang.'' sagot ni Maron. ''Ano nga palang order mo?''

''Ang pogi rin no'ng si Kuya Indigo noh? Dalawa na ang magandang tanawin, kaya palagi na talaga ako rito kakain, yeee.'' Dagdag pa no'ng isang estudyanteng babae na may maikling buhok.

''Pero mas may dating ako kaysa sa mokong na 'yon.'' Kindat pa niya sa mga babae. Napanguso tuloy ako. Ang landi ng lalaking 'to.

''Miss, 'yong order ko.'' Napapitlag ako nang marinig ang nagsalita. Tiningnan ko ang tray na hawak ko. Ang mango graham, seafood platter at mixed fruits shake.

''Pasensya na,'' sabi ko pagkatapos kong maihatid ang mga pagkain ay naglakad na ko pabalik sa counter. Napasandal na lang ako bigla sa may kanto nito, para akong nabunggo sa malaki at matigas na pader.

''Tsk, isda, tumingin ka nga sa dinaraanan mo.'' Iiling-iling na sabi ni Maron. Hindi ko na lang siya pinansin nang magpunta siya sa loob ng pantry.

Mayamaya ay bigla ko na lang natakpan ang aking tenga. Pakiramdam ko'y may kung anong hangin ang dumampi rito at sinasabing tingnan ko ang kalendaryo. Lumapit ako sa kalendaryong nakasabit sa pader. Naihahangin pa ang mga papel nito. Hindi ko maintindihan, 'di naman nito katapat ang aircon kaya walang dahilan para maihangin ang mga papel.

Ang araw ngayon ay Huwebes, may maliit na nakadrawing na bilog, para itong mukha ng tao dahil sa nakangiti pa't halos pumutok ang pisngi sa sobrang bilog.

''Anong ibig sabihin kaya niyan?'' Bulong ko. Ilang sandali pa'y naramdaman ko ang paglapit niya. Malayo pa lang ay naaamoy ka na siya. Ang amoy na gaya ng kay Indigo, ngunit mas matapang, manamis namis na mainit na tsokolate, amber at red peppercorn ang nangingibabaw na amoy nito.

''Full moon ngayong gabi.'' Si Maron na nga.

''F-Full moon? Kabilugan ng buwan?''

''Oo, may problema ba?''

''Hindi ko alam ang mangyayari sa sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan.''

''Dapat na ba 'kong mag-alala?''

''Mukhang gano'n na nga, lalo't hindi ka pa nagiging tao uli.''

Sabay kaming napalingon ni Maron nang tumunog uli ang wind chime sa may pinto. Si Pinky ang pumasok.

''Boss!'' Malakas at patili niyang tawag kay Indigo.

Natakpan ko pa ang tainga ko, parang may kung anong tumambol sa loob nito. Para pa akong nahilo sa ginawa niya. Hay. Napailing ako't tinaktak ang ulo na kunwari'y may lalabas na kung anong bagay sa loob ng tainga ko.

''O, Pinky? Bakit?'' Tanong ni Indigo na agad lumabas sa kanyang opisina. Nakasuot na siya ng salamin sa mata. Bahagya niya pa itong ibinaba para makita si Pinky.

''Boss, Miss Atargatis nga pala ngayon, 'di ba fiesta ngayong week, eh kasali ako sa pageant,'' sabi niya kay Indigo. Fiesta ngayon? Ah, kaya pala marami uling banderitas na nakasabit sa center town.

''Hindi ako makakasali, hindi pa nawawala 'yong mga peklat ng chicken pox ko, remember? Last week, nagkaro'n ako ng chicken pox.''

Hindi agad nakasagot si Indigo. Hindi ko na nga rin alam kung sino sa kanila ang titingnan ko. Maduduling na ata ako kakapalit ng tingin sa kanila.

''Eh, matatakpan naman 'yan ng make up.''

Nanlaki ang mga mata ni Pinky. ''Boss, sinong gustong mag-make up sa taong puro peklat ang legs at braso? Lalo na kung peklat ng chicken pox.'' Halos bumagsak pa ang balikat niya.

''So, you mean disqualified na ang Pic-A? Bakit kasi ngayon ka pa aatras, pwede namang no'ng last week.''

''Pwede, pero ang sabi ko hahanap ako ng kapalit. Kung may papalit sa 'kin, hindi tayo madi-disqualify. Sorry boss, nawala kasi sa isip ko.''

Nagkatinginan kami ni Maron. Lumabi lang siya sa 'kin.

''Boss!'' Ayan na naman ang pasigaw na sabi ni Pinky, ang sakit talaga sa tainga.

''Baka pwede si Melodia!'' Turo niya pa sa 'kin.

''Ako? Wala akong alam sa mga pageant na 'yan.'' Umiling-iling ako kasabay ang mga kamay ko. ''K-Kaya, 'wag na ako, meron namang iba d'yan, si Josie o kaya si Mara na lang.''

Matangkad itong si Pinky, maamo ang kan'yang mukha. Baka nga pumasa siang sirena eh. Ang kutis niya sa mukha'y  animo laging hinahalikan ng araw, morena siya't makinis. Napakaganda ng mga binti niyang balingkinitan. Maliit ang bewang pero malaki ang balakang. Mahilig siya sa mga pageant, ang kwento niya sa 'kin no'ng nakaraan ay sumasali siya sa mga pageant na pinapalabas sa tv.

''Sasamahan ka namin mamaya, konting practice lang 'yan, akong bahala sayo,'' sabi ni Indigo. Napakamot na lang tuloy ako ng ulo. Wala akong ideya sa pageant, wala namang gano'n sa ilalim ng dagat.

Wala akong nagawa, kahit ilang beses akong tumanggi ay balewala, lagi silang may dahilan. Eh ako, walang maibigay na dahilan. Si Maron naman, hindi man lang ako tinulungan kanina. Para siyang walang naririnig, sinasabayan lang niya 'yong kanta.

''I feel like a hero, and you are my heroine. Do you know that your love is the sweetest sin.''

▪

Pansamantala munang isinara ni Indigo ang Pic-A. Kaming apat ang naparito sa auditorium ng center town. Ako, si Indigo, si Maron at Pinky. Nasa backstage kami kasama ang ilan sa mga kalahok.

Maluwag ang lugar, ang kalahati'y natatakpan ng bubong. Marami na ang mga nakasalansang lugar sa ibaba ng entablado. Kung tuminhin naman ako sa malayo ay tanaw ko ang dagat.

Naghahalo ang malamig na simoy ng hangin galing sa dagat at ang singaw ng araw. Hinimas-himas ko ang aking braso, presko pa rin naman. Tumatango lang din ako sa mga sinasabi ni Pinky. Nakatingala pa ako sa kanya kasi napakatangkad niya at hanggang baba niya lang ako.

''Hi baby!'' Umangkla ang babae sa braso ni Indigo. Napalingon siya sa babaeng ipinatong pa ang ulo sa balikat niya.

''Kasali ka Peachy?'' tanong sa kan'ya ni Indigo. Ang nakakainis na babaeng si Peachy.

''Yup, representative ako ng Kraken's, remember, lola ko ang napakagandang Ursula.'' Himala ata, napakabait niya ngayon, walang kaarte-arte sa pananalita niya ngayon. ''Goodluck Pinky.'' Nginitian pa niya ng pagkatamis-tamis ang aming kasama.

''Si Melodia na ang kasali, hindi na nga pala ako, Peachy.'' Nagmamaasim na mukha ang ibinigay niya sa kausap.

''Seryoso ka? Hahaha!'' Nakakairitang tawa niya. '''Yang bansot na 'yan?'' Maarteng turo pa niya sa 'kin.

''Shut up, Peachy! Ang gulo mo.'' Nakasimangot na sabi ni Indigo. Inalis niya na rin ang kamay ng babaeng naka-angkla sa braso niya.

''Hep, makabansot ka ah. Sino ba 'tong mukhang dilis na 'to?'' sabat naman ni Maron. ''Makaarte ka kala mo ang ganda-ganda mo, pss.'' Natatawang sabi pa niya. "Nakakita ka na ba ng puffer fish na may lipstick at contact lens? Kasi ako, oo at nasa harap ko pa.''



''Akala mo kung sinong gwapo! Amp! Baby, 'yang mga kasama mo ha ang sasama ng ugali, nanggigigil ako!'' Tumalikod siya sa 'min saka lumayo.

''Nah, don't mind her, she's unwell.'' 

''Dapat d'yan kay Peachy tinatapon sa outer space eh.'' Si Pinky.

Inumpisahan namin ang maikling ensayo, suot ko ang napakataas na sapatos ni Pinky. Nagkanda tumba ako dahil sa suot kong sapatos na napakataas ng takong. Ang hirap! Bahala na talaga mamaya.

⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫

mo chuisle- my pulse (Irish translation)

Gustong malaman kung ano ang mangyayari?
Patuloy ang Pagbabasa
Nakaraang Kabanata
Sunod na kabanata

Ibahagi ang nobela sa

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Pinakabagong kabanata

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 9

Suot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon. ''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo. ''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron. ''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang ng kan'yang labi ang kumurba.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 8

Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin. Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan. ''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektah

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 7

Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate. Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?' ''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip. Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 6

Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw. ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat. ''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 5

Bigla na lang akong hinalikan ng mariin ng kung sino. Pagkatapos ay kumalas din siya agad. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng mga mata niyang hugis pusa, naniningkit at matalim. Wala siyang damit pang-itaas, may kaliskis ang kanyang balikat at may tengang palikpik. Napatingin ako sa kanya bandang ibaba. May mahaba siyang asul na buntot. Naibuka ko ang aking bibig at napabuga nang pasukin ng tubig ang lalamunan ko. ''Nagkita rin tayo, Melodia.'' sabi niya. ''Nagustuhan mo ba ang paraan ko para magkita tayo?'' Dagdag pa niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at parang walang balak na ako'y paalisin. Hanggang sa na

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 4

Inabot na ng gabi ang pagdiriwang ng kaarawan ni Indigo. Matagal ko ring nakasama ang nga kaoatid niya na akala ko'y masusungit, ngunit nagkamali ako. Palatawa sila at makuwento. Si Violet na laging bukang-bibig ang trabaho bilang isang photographer. Si Tangerine naman na laging bukang-bibig ang lalaking crush niya at ang trabaho niya bilang event organizer. Sa pagsapit nga ng gabi ay mayroon silang sinabit na malaking bola sa gitna ng kisame. Madilim ang paligid, tanging maliliit na ilaw lang ng bolang iyon ang umiikot sa paligid. Mayroon ring kumakantang banda sa maliit na entabldo. May mga bisitang nag-iinuman sa kabilang mesa, ang ilan naman ay sinasabayan ang indak ng musika. ? Can't swim so I took a boat, to an island so remoteOnly Johnny Depp has ever been to it beforeBeauty in the water, angel on the bea

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 3

Nakaupo kami ni Indigo sa harap ng munting entablado. Nanonood sa mga batang umaarte habang kumakain ng popcorn na binili niya kanina. Magkahalong matamis at maalat ito. Masarap naman siya kaso ay dumidikit sa dulo ng ngipin. Sinulyapan ko si Indigo

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 2

''HAPPY 718th FOUNDING ANNIVERSARY! ATARGATIS HARBOR" Ang nakasulat sa kulay puting telang nakasabit sa magkatabing poste na malapit sa arko kung saan may nakalagay ri

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 1

''Sirena... Ang tawag sa amin. Bakit ako nag-iisa? Ano ba ang papel ko sa mundong ito? Bakit ako isinilang na sirena? Wala akong maalala na kahit ano. Basta ang alam ko, pagmulat ng mata ko ay narito na ako sa ilalim nang madilim na dagat. Tangin

Higit pang Kabanata
I-download ang Libro
GoodNovel

Libreng I-download ang libro sa App

Download
Maghanap
Library
Maghanap
RomancefeiyHistoryUrbanMafiaSystemFantasyLGBTQ+arNoldMM Romancegenre22-菲语genre26-Pilipinoipinogenre27-请勿使用菲语genre28-Pilipinoipino
Maikling Kwento
KalangitanPagka-misteryo at panghihinalaMakabagong lungsodPag-survive sa katapusan ng mundoPelikulang aksyonPelikula ng agham-piksyonPelikulang romansaDugong na karahasanpag-asapangarapkaligayahanKapayapaanPagkakaibiganMatalinoMasayaMarahasMaamoMalakas红安Madugong pagpatayPagpatayKasaysayan ng digmaanPangarap na pakikipagsapalaranAgham-piksyonIstasyon ng tren
GumawaWriter BenefitCONTEST
Popular na Genre
RomancefeiyHistoryUrbanMafiaSystemFantasy
Makipag-Ugnayan
Tungkol sa AminHelp & SuggestionBusiness
Mapagkukunan
Download AppsWriter BenefitContent PolicyKeywordsMga Hot na PaghahanapMga Review ng AklatFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Komunidad
Facebook Group
Sundan Kami
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy