loading
Home/ All /SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||/CHAPTER 8

CHAPTER 8

Author: AiriiTheCoffeeCat
"publish date: " 2020-07-30 06:31:32

Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin.

Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan.

''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.

''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektahan no'n ang bayang ito kung sakaling magkaron ng tsunami.'' sagot niya pagkatapos ay ibinaling na uli sa pusa ang atensyon.

''Ang sama nila, balak ka ba nilang patayin ha Reeta? Napakapayat mo na.'' Pumipikit-pikit pa 'yong pusa sa tuwing hinihimas ni Maron ang likod nito.

''Nakakatakot ang nilalang na 'yan,'' sabi ko pagkatapos ay kinamot ang mga braso ko. Sobrang kati.

''Kumakain siya ng isda.'' Natatawang sagot niya.

''Bakit ako lang? Sireno ka rin naman eh, di isda ka rin.'' Ganti ko.

''Excuse me, tao ako na naging sireno, eh ikaw, isda na sa simula pa. Mas amoy isda ka kesa sa 'kin.'' Ibinaba niya si Reeta at pumunta sa sulok na parang may hinahanap.

''Madilim na, anong hinahanap mo r'yan?''

''Mga gamit ko, hindi mo naitatanong bago ako maging sireno ay isa akong tattoo artist,'' sabi niya habang ibinababa ang mga maliliit na kahon at isa-isang binubuksan ito.

''T-Tattoo? Kakaiba sa pandinig.'' Mayamaya ay bigla na lang akong kinilabutan. May kung anong malambot sa binti ko na ikinukiskos ang katawan. ''Meow,'' sabi nito.

''M-Maron! Eee... Si Reeta! Ikinukuskos niya 'yong katawan niya sa 'kin! Baka kagatin ako ng matutulis niyang ngipin!'' Itinaas ko ang binti kong nilapitan niya. Sinubukan ko siyang bugawin.

'''Wag mong sisipain ang alaga ko lagot ka sa 'kin.'' Paano niya nalamang 'yon nga ang gagawin ko eh nakatalikod siya? May itinatago kaya siyang mata sa likod? Inaamoy naman ngayon ng pusa 'tong kaliwa kong binti. Nakikiliti 'yong binti ko dahil sa ilong niya.

''Maron.'' Malalaking paghakbang ang ginawa ko para makalapit sa kan'ya para maiwasan na rin si Reeta. Humawak ako sa laylayan ng damit niya.

''Ano ka ba, masasanay ka rin sa kan'ya. Saka 'wag mong hilahin 'tong damit ko.'' Hinila naman niya 'yong laylayan kaya nabitawan ko. ''Naminihasa ka ng humahawak sa 'kin ah.''

''O, ito na pala 'yong gamit ko.'' Tiningan ko 'yong binuhat niyang maliit na kahon. Binuksan niya 'yon at tumambad sa 'min ang maliit na bag na may nakasulat na Mauve.

''Tingnan mo 'to.'' Itinaas niya ang damit saka may itinuro sa bandang pusod. '''Yan ang sample ng tattoo,'' sabi niya. Yumukod ako para makita 'yon.

''S-Sup... per,'' sabi ko. Hindi ko masyadong mabasa dahil maliliit 'yon.

''Superman, paikot sa pusod ang pagkakatattoo ko r'yan.'' Ibinaba niya na ang damit. ''Next time lalagyan kita ng tattoo gusto mo?'' sabi niya habang itinatali sa bewang ang maliit na bag.

''Sige, mukha namang maganda eh.'' Pagkasabi ko no'n ay bigla na lang akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo.

''Argh!'' Daing ko. Napahawak tuloy ako sa aking ulo. Halos naririnig ko na ang bawat pintig nito sa may sentido. Pakiramdam ko ay unti-unting binibiyak 'to. Napahawak ako ng mahigpit sa aking dibdib na bigla na lang nanikip.  Pakiramdam ko'y nauubusan ako ng hangin. Kasabay pa ang pangangati ng braso ko't binti.

''Melodia! Anong nangyayari sa'yo?'' Hinawakan niya ang balikat ko pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang malamig na sahig. Bumagsak na pala ako dahil sa tindi ng nararamdaman ko.

''T-Tubig,'' sabi ko.

''Ang bilis ng paghinga mo Melo! Tubig? Wala tayong tubig dito, teka.'' Aligaga si Maron. Nakikita ko pa na pabalik-balik siyang naglalakad. Lalapit sa 'kin tapos ay lalayo. Nakakunot ang noo niya't tila malalim ang iniisip.

Lumuhod siya't hinawakan ang braso ko. ''Kaliskis, tinutubuan ka na ng kaliskis. Tuyung-tuyo ang balat mo't nahuhulog ang mga piraso ng kaliskis, pero bakit?''

''Argh!'' Daing ko uli kaya naitulak ko siya ng bahagya. Hindi ko na mapigilang hindi indahin ang sakit ng ulo't dibdib ko.

Narinig ko nalang ang pagpadyak ni Maron. Nakikita ko siyang pumapadyak nang malakas sa maliit na pintong pinasukan namin kanina. Nanggigigil siya. Halos mayanig ang bawat sulok nitong silid.

''Wala na 'kong pakialam kung marinig nila tayo! Ugh!'' Padyak niya uli. ''Basta makalabas lang tayo rito! Tiis lang isda.''

Nanlalabo na ang paningin ko. Para na ring may mga bumabang ulap sa paligid. Dumodoble na rin sila sa paningin ko. Naramdaman ko na ang pagkatuyo ng lalamunan ko. Kahit tiisin ko pa... parang... ito na ang katapisan ko. Bigla na lang humaba ang mga kuko ko't naitusok ko sa kahoy na sahig.

Hindi ko na rin namalayan ang pagtulo ng laway ko sa sahig. Sinubukan kong tumayo pero nanginging ang tuhod ko.

''M-Maron...''

''Yah!'' sabi niya sabay padyak. Narinig ko na lang na may biglang nahulog, may liwanag na nanggagaling sa baba. Hinubad niya ang sandong suot niya pagkatapos ay buong lakas na pinunit 'yon. Ipinantakip niya ang kalahati no'n sa mukha niya. Lumapit siya sa 'kin at ipinantakip niya rin sa mukha ko 'yon.

''Para hindi tayo makilala. May mga mata sa bawat sulok ng bahay.'' Dagdag niya pa.

Naramdaman ko na lang ang paglagay niya ng mga braso ko sa leeg niya. ''Yumakap ka lang ng mahigpit.'' Bulong niya sabay buhat niya sa 'kin ng walang kahiraphirap.

Kahit may takip ang kalahati ng mukha ko ay nakabuka pa rin ang bibig ko, sinusubukan kong huminga. Para akong isdang nawala sa tubig na naghihintay na lang na mawalan ng hininga.

''Reeta.'' Tawag niya sa kan'yang alaga. Hindi ko na alam kung sumunod ba ang pusa sa 'min.

Nagmamadali siyang bumaba sa hagdan.

''Sino kayo?!'' Sigaw ng isang lalaking nakasumbrero. Tiningnan ko si Maron.

''Peste.'' Bulong niya. ''Tatlo na sila, bahala na si superman!'' Halos umalog ako nang tumakbo siya. Sinipa niya 'yong isang lalaking nakasuot ng maluwag na sandong may numerong pito. Tumilapon ito sa may pader na halos ikabutas na no'n.

''Ayos! Ang lakas kong sumipa! Paano nangyari 'yon? Adrenaline rush?'' Nagtatakang sabi ni Maron. Mabilis siyang bumaba sa isa pang hagdan. Nakasunod sa amin ang dalawa pa. Kung gano'n, sing lakas ng buntot namin ang aming mga binti.

''Pumikit ka,'' utos niya na sinunod ko naman.

Sa oras na 'to, tanging ang pagtakbo lang niya ang nararamdaman ko. Naririnig ko na rin ang paghinga niya. Hinihingal na siya.

''Kala niyo makakatakas kayo!'' Narinig kong sigaw no'ng mga humahabol sa min.

Parang hinalikan ng hangin ang noo ko. Malamig.

''Malapit na tayo isda, sandali na lang.'' Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kan'ya. Bumaon sa malambot na laman ng kan'yang balikat ang ilan sa aking mga kuko. ''Aray!'' Inda niya.

''Tatalon tayo humanda ka, malapit na tayo sa seawall. Isa...'' Sinimulan niya ang pagbilang. ''Dalawa... Tatlo!''

Halos umangat ang sikmura ko. Pakiramdam ko ay huminto kami saglit, slow motion ayon sa termino nila. Pagkatapos ay naramdaman na lang ng aking balat ang malamig na tubig ng dagat.

Nagmulat ako, namalayan ko na lang na hindi na pala ako nakayakap sa kan'ya. Inalis niya na ang takip sa mukha. Sampung segundo bago kami bumalik sa pagiging nilalang ng dagat.

Nilapitan ako ni Maron at siya na ang nag-alis ng takip sa mukha ko. Halos sabay lang kaming nagkaro'n ng buntot. Napunit naman ang likod ng suot kong bestida dahil sa paglabas ng palikpik ko sa likod.

Ang suot ko kaninang sapatos ay unti-unti ng lumulubog. Dali-dali kong kinuha 'yon. Mahalaga sa 'kin 'yon dahil bigay ni Indigo.

''Maron, salamat sa'yo.''

''Sus, wala 'yon.'' Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok niyang sinasayaw ng tubig. ''Isipin mo na lang ako si Superman, superman na may buntot.'' Nakangiti naman siya pero ang mga mata niya matalim pa rin kung tumingin. Walang dudang alaga nga niya si Reeta, pareho sila ng hugis ng mata.

Sabay kaming tumingala ni Maron nang makarinig kami ng mga boses.

''Nasa'n na ang mga 'yon?! Patay tayo kay doc dahil may nakasalisi!''

''Sinong doc kaya 'yong tinutukoy nila?'' Napatingin ako kay Maron. ''Pagkakataon mo na, nakikita ko ang mga bituin at bulaklak sa kanila. Sakim na puso ang kailangan niyong mga sirena 'di ba?'' Tumango ako.

Tiningnan ko uli mula sa taas ang mga lalaking 'yon. Nakikita ko na uli ang mga amoy ng puso nila. Kung gano'n ay makikita ko itong muli kapag naka-anyong sirena pero kapag may binti ay hindi.

🎶Ocean was you lovers name

You had loved her all the same

Now you'll always be together

Sirens are so very clever

Hear my voice beneath the sea

Sleeping now so peacefully

At the bottom of the sea

Sleep for all eternity🎶

Pagkatapos kong kumanta ay nagsipagtalunan ang mga lalaking 'yon. Nakangiti naman sila ngunit blanko ang mga mata. Nilapitan ko ang isa sa kanila.

Ibinuka ko ang aking bibig gano'n din siya. Ang kaluluwa't puso niya ay akin na. Ayan na uli 'yong kulay asul na enerhiyang lumalabas sa kan'yang bibig.

Hinihintay ko lang lumabas ang kailagan ko. Mayamaya ay ayan na nga ang kumikinang na kulay puti at hugis bolang kinalalagyan ng kan'yang kaluluwa't puso. Dahan-dahan itong pumasok sa aking bibig sabay lunok.

Binitiwan ko na ang lalaking unti-unting nagiging abo. Sa kailaliman ng dagat na ngayon siya'y tutungo. Gano'n din naman ang ginawa ko sa dalawa pang kasama no'ng nauna.

Kuminang nang kuminang ang asul kong buntot. Halos bumalik na ang lakas ko simula no'ng tumalon kami rito ni Maron.

''Hindi ako marunong kumanta pero no'ng kinanta ko 'yan, pakiramdam ko ang ganda ganda ng boses ko. Requirement ba talaga 'yan sa isang sirena?'' Tanong ni Maron na kasalukuyang kinukuha ang ilang damit no'ng mga lalaki.

''Hindi ko rin alam, siguro ay gano'n nga para magawa namin ang kailangan naming gawin para mabuhay.'' Parang may kung anong pumitik sa ulo ko. Napaisip ako sa tanong ni Maron. Mukhang unti-unti na akong naguguluhan sa buhay ko.

Nilangoy nalang namin ang dagat papunta sa bunkhouse. Sinikap naming hindi mahalata dahil mahirap na. Sa ilalim ng tulay malapit sa seafood house ni Indigo do'n kami nanatili.

Gumagawa ng ingay ang bawat galaw namin sa ilalim maski ang pagtulo ng tubig mula sa aming katawan. Kumapit ako sa mga kahoy na nagsisilbing suporta ng tulay pagkatapos ay iniangat ako ni Maron. Nakaupo naman ako ro'n habang siya'y tinulungan ko ring makaakyat.

Sabay naming itinapat ang aming palad sa sarili naming buntot. Ginamit namin ang kapangyarihan naming magpatuyo para matuyo ang aming buntot at maging paa uli. Umuusok na ngayon sa paligid namin. Sampung segundo rin ang hihintayin para bumalik ang aming mga binti.

''Maayos na na ba ang pakiramdam mo?'' Magkasalubong ang kilay niyang tanong sa 'kin.

''Oo, ngayon ko nga lang din naranasan ang gano'n. Maraming mga tanong tuloy ang nagsusulputan sa utak ko ngayon.'' Napatingin ako sa kan'ya naag tapikin niya ang likod ko. Nakatingin lang siya sa madilim na bahagi ng tubig.

''Siya nga pala Maron, paano si Reeta?'' Tanong ko.

''Bukas babalikan ko siya, wala na 'yong tatlong bantay kaya siguradong wala pang tao ro'n bukas.'' Sumeryoso na naman siya, balik sa dati no'ng una kaming magkita.

''Bakit kayo basang-basa? Anong ginawa niyong dalawa?'' Sabay kaming napalingon sa kung sino ang nagsalita.

"Indigo.'' Bulong ko.

Naniningkit ang mga mata niya. Nakataas ang isang kilay at nakasimangot. Nag-aalala tuloy ako sa kung anong iniisip niya.

⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 9

Suot ko ngayong araw ang unipormeng kinuha namin sa Kraken's Tailoring. Kahit na kumakabog ng malakas ang puso ko ay kailangan ko pa ring humarap sa mga taong mamaya lang ay pupunta rito. Nakaupo man ako rito sa harap ng counter at may hawak na tray ay pasulpot-sulpot sa isip ko ang nangyari no'ng gabing 'yon. ''Bakit basang-basa kayo? Anong ginawa n'yong dalawa?'' Napalingon kami nang magtanong si Indigo. ''Nag-night swimming?'' Patanong na sagot naman ni Maron. ''Talaga?'' Nakakaloko namang sabi ni Indigo. Namulsa siya at ngumiti. Ang ngiti niyang isang side lang ng kan'yang labi ang kumurba.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 8

Gabi na, madilim na rin dito sa attic na sabi nga no'ng lalaki kanina. Nakadungaw naman ako sa bintanang maliit, nakatungtong ako sa upuan para makita ko ang labas. Meron namang ilaw sa tapat nitong bintana pero hindi gano'n kaliwanag. Sumasayaw ang mga sanga ng puno sa labas dahil sa ihip ng hangin. Paisa-isa na ring nagpapakita ang mga bituin sa kalangitan. Ang buwan, oo ang buwan. Muntik ko ng makalimutan ang kabilugan nito. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Nag-aalala ako kung anong mangyayari sa isang sirenang nasa lupa kapag bilog ang buwan. ''Maron, ano 'yong mahabang pader do'n? Nakikita ko kasi ang hampas ng dagat.'' Napalingon ako sa kan'ya na karga ang alaga niyang pusa.''Seawall ang tawag do'n, pang-harang sa dagat. Pinoprotektah

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 7

Nakatayo kami ni Maron sa harap ng kulay berdeng gate. May kaunting sanga at halamang nakapulupot dito. Hindi ko matanaw ang loob dahil sa mataas ito pero nakauwang naman ang maliit na pinto sa gate. Matataas ang mga puno sa paligid sa loob na may mgailang ibon na nagsisiliparan. Hindi ko makita ang langit dahil sa mayabong na mga sanga noto. Hindi ko man alam ang pangalan ng mga puno pero hitik sa bungang prutas na kulay dilaw. 'Ano kaya 'yon?' ''Bakit hindi pa tayo pumasok sa loob?'' tanong ko kay Maron na nakapamulsa lang at walang imik. Nakatingin lang siya sa gate na parang may malalim na iniisip. Kinalabit ko siya. ''Maron,'' tawag ko uli sa kan'ya.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 6

Natigilan ako sa sinabi ng lalaki sa harap ko na nagkaroon muli ng buntot. Maging ako ay walang maintindihan sa mga nangyayari, ang gulo... sobrang gulo. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko habang pinagmamasdan ang buntot niyang gumagalaw. ''Hindi sinabi ni Sachiel na tutubuan pa rin ako ng buntot kapag nabasa ang mga paa ko, lintek na buhay 'to!'' Nasuntok niya ang tubig, pero dahil sa hindi naman iyon matigas na bagay ay lumikha iyon ng malakas na tunog. Halos umangat ang balikat ko dahil sa gulat. ''Ako si Maron, Maron Mauve.'' Natigilan ako't napatingin sa kan'ya. Nagpakilala siya sa akin nang hindi ko inaasahan at sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, may kung anong kumukurot sa puso ko dahil sa kan'ya.

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 5

Bigla na lang akong hinalikan ng mariin ng kung sino. Pagkatapos ay kumalas din siya agad. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng mga mata niyang hugis pusa, naniningkit at matalim. Wala siyang damit pang-itaas, may kaliskis ang kanyang balikat at may tengang palikpik. Napatingin ako sa kanya bandang ibaba. May mahaba siyang asul na buntot. Naibuka ko ang aking bibig at napabuga nang pasukin ng tubig ang lalamunan ko. ''Nagkita rin tayo, Melodia.'' sabi niya. ''Nagustuhan mo ba ang paraan ko para magkita tayo?'' Dagdag pa niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at parang walang balak na ako'y paalisin. Hanggang sa na

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 4

Inabot na ng gabi ang pagdiriwang ng kaarawan ni Indigo. Matagal ko ring nakasama ang nga kaoatid niya na akala ko'y masusungit, ngunit nagkamali ako. Palatawa sila at makuwento. Si Violet na laging bukang-bibig ang trabaho bilang isang photographer. Si Tangerine naman na laging bukang-bibig ang lalaking crush niya at ang trabaho niya bilang event organizer. Sa pagsapit nga ng gabi ay mayroon silang sinabit na malaking bola sa gitna ng kisame. Madilim ang paligid, tanging maliliit na ilaw lang ng bolang iyon ang umiikot sa paligid. Mayroon ring kumakantang banda sa maliit na entabldo. May mga bisitang nag-iinuman sa kabilang mesa, ang ilan naman ay sinasabayan ang indak ng musika. ? Can't swim so I took a boat, to an island so remoteOnly Johnny Depp has ever been to it beforeBeauty in the water, angel on the bea

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 3

Nakaupo kami ni Indigo sa harap ng munting entablado. Nanonood sa mga batang umaarte habang kumakain ng popcorn na binili niya kanina. Magkahalong matamis at maalat ito. Masarap naman siya kaso ay dumidikit sa dulo ng ngipin. Sinulyapan ko si Indigo

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 2

''HAPPY 718th FOUNDING ANNIVERSARY! ATARGATIS HARBOR" Ang nakasulat sa kulay puting telang nakasabit sa magkatabing poste na malapit sa arko kung saan may nakalagay ri

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫|| WIP ||   CHAPTER 1

''Sirena... Ang tawag sa amin. Bakit ako nag-iisa? Ano ba ang papel ko sa mundong ito? Bakit ako isinilang na sirena? Wala akong maalala na kahit ano. Basta ang alam ko, pagmulat ng mata ko ay narito na ako sa ilalim nang madilim na dagat. Tangin

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy