Download the book for free
You Are Not a Kid Anymore
Author: Anny PellyMagkahawak-kamay na naglalakad sina Theo at Rina sa hardin ng mansion. Dapit-hapon na kung saan ay nakangiti nilang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang makausap ni Rina si Theo at sa oras na iyon, tingin naman ni Rina ay unti-unti nang nakaka-recover ang lalaki.
"Darating mga magulang mo ngayon, dito sila kakain."
Napansin ni Rina ang paglalaho ng ngiti sa labi ni Theo.
"Then, I'll stay in my room."
"Ha? Bakit naman? Aya
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Enchanted in Hell There Is No Ending
Ang kulay kahel na araw na nagtatago sa likod ng mga ulap ay unti-unti nang lumalabas sa pinagtataguan nito. Ang mga ulap na kanina lamang ay parang isang bulak ay unti-unti na ring naghihiwalay para gawing maaliwalas ang kalangitan. Kaya naman sa pagsapit ng alas sais ng umaga sa Taklong Island ng Nueva Valencia, Guimaras, tanging araw na lamang ang makikita sa asul na langit na nahahaluan ng dilaw at kahel na repleksyon ng araw.Ang mga ibon ay patuloy sa paglipad at ang mga alon ay patuloy sa paghampas patungo sa dalampasigan. Tanging tunog lamang ng kalikasan ang maririnig sa lugar dahil ang parteng iyon ng isla ay pribado o pag-aari ng Ledesma.Nakaupo si Rina sa pinong buhangin habang nakatingin sa kalangitan nang tabihan siya ni Theo at hawakan nito ang kanyang kamay."You like this place?""Oo naman, ang ganda kaya rito.""Maganda pa rin kaya rito kahit wala ako?" tanong ni Theo."Syempre hindi. Sabi ko nga, kahit nasaaang lugar tayo
Enchanted in Hell Looking For Theo
Kabababa pa lamang ni Rina sa tricycle na sinakyan niya papunta sa mansion ay natanaw na niya si Dr. Steve sa labas ng gate. Nang makita siya ng doktor ay lumapit din ito sa kanya."Dr. Steve, ba't nandito ka pa rin?""Nagbabakasakali lang ako na papapasukin na nila ako," sagot ni Dr. Steve saka nilingon ang mga guwardiya.Lumapit si Rina sa mga guwardiya. Sa ilang buwan niyang nagtatatrabaho sa mansion ay nakapagpalagayan na niya ang mga ito ng loob at ganoon din naman ang mga ito sa kanya. Siguro naman ay kung manghihingi siya ng pabor sa mga ito ay hindi siya matatanggihan dahil may pinagsamahan na rin naman silang lahat. Sa katunayan, siya rin ang nagluluto ng mga pagkain dito at madalas niya rin makakwentuhan ang mga bantay."Totoo bang wala na si Theo rito?" tanong niya sa mga guwardiya."Rina...nandito ka na..." Umiwas ng tingin sa kanya ang mga guwardiya. Mayroong nagtatanggal ng bara sa lalamunan at mayroon namang pinili na lang na ngumiti
Enchanted in Hell He Is Gone
Ilang araw rin ang lumipas nang iwan si Theo ni Rina kaya napuno na naman ng bangungot ang buhay niya.Katatapos pa lamang niyang harapin ang problema nang malamang pinagkaisahan siya ng buong pamilya subalit may nadagdag na naman. At katulad ng palagi niyang ginagawa, nagkulong na naman siya sa kuwarto niya, walang ganang kumain o uminom man lang ng tubig."Tito Eduardo, ikaw pala ang nagpadukot sa 'kin noon," bulong niya sa sarili nang magbukas siya ng phone noong tangka sana niyang tatawagan si Rina. Kaya lamang ay hindi na niya natuloy iyon nang sunod-sunod na may nag-notif sa kanyang phone. Maraming nagme-mention sa kanya at naka-tag sa kanya kaya naman nabalitaan niya rin ang tungkol kay Dominador habang sinisiwalat nito ang lahat sa pulisya.Napakabilis ng balita lalong-lalo na sa mga kilalang personalidad at pamilya sa lugar nila. Dahil nga kilala ang Ledesma, marami ring mga tao mula sa San Pascual ang nagnanais na manghimasok sa mga ganap sa pamilya. M
Enchanted in Hell Do You Really Love Him?
Pagkarating na pagkarating nina Theo at Rina sa mansion, agad na kinuha ni Theo ang kanyang laptop upang panoorin ang laman ng flashdrive na binigay sa kanila ni Dominador."Handa ka na bang malaman?" tanong ni Theo kay Rina na tumango-tango lamang sa kanya.Sinimulan na ni Theo i-play ang video at doon lumabas kung paano nabangga ang ama ni Rina. Tumatawid ang ama ni Rina noon nang dumating ang isang sasakyan. Pinindot ni Theo ang pause kaya huminto rin ang footage at na-focus naman sa screen ang likuran ng kotse na nakabangga sa ama ni Rina.Hindi man makita nang maayos ang plate number ng sasakyan, sigurado naman si Theo kung kanino ang sasakyan na iyon, kulay pa lang ay alam na niyang sa dad niya ang kotse."Theo? Bakit bigla kang natulala? Alam mo kung kanino ang sasakyan na 'yan?"Marahang napatango si Theo. Iyon ang dating kotse ng kanyang ama. Alam niya iyon dahil palagi niya iyong nasisilip mula sa kanyang silid sa tuwing darating ang kany
Enchanted in Hell I Know The Truth
Magkayakap sa kama sina Theo at Rina at parehong nakatakip ng kumot ang kani-kanilang hubad na katawan."Now, start telling something about yourself to me.""Hmm. Ano ba ang gusto mong malaman?""About you and your family.""Hmm...wala na si Papa. First year college ako nang namatay siya. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang taong nakabangga sa kanya kaya mas lalo akong nagagalit sa taong iyon. Marahil kung dinala niya si Papa sa hospital at hindi tinakbuhan, baka buhay pa si Papa hanggang ngayon. Masyadong naduwag ang taong 'yon...kung nasaan man siya ngayon, bahala na ang tadhana ang magparusa sa kasalanan niya."Inamoy-amoy ni Theo ang buhok ni Rina. "What if dinala ng taong 'yon ang papa mo sa hospital? Ano ang gagawin mo sa nakabangga?""Syempre, kailangan niya pa rin pagbayaran ang kasalanan niya."Siniksik ni Rina lalo ang sarili kay Theo, "Tapos ayon, nang namatay si papa, natigil na rin ako sa pag-aaral. Tumulong na lang ako
Enchanted in Hell Heaven
Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.Nag-message siya rito.'Sino ka?'Matapos ang ilang segundong paghihintay, na-received na niya ang reply mula rito.'Hindi mo ako kilala. Pero kilalang-kilala kita at ang lahat ng bahong tinatago mo.'Nag-reply siya rito.'Magpakilala ka! Sino ka! Hindi mo ako madadaan sa takot!''H'wag kang mag-alala, hindi kita tinatakot. Tototohanin ko ang sinabi ko kapag hindi mo pa rin kami tinigilan.''Hindi kita maintindihan. Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na naging atraso ko sa 'yo.'Matapos iyon ay hindi na muli nag-reply sa kanya ang kausap. Matapos tulungan nina Rosita, Jan at Julius si Rina sa paglilinis
Enchanted in Hell Dr. Steve, Who Are You?
Humuhuni ang mga ibon, sumasayaw ang mga puno at halaman sa hardin ng Ledesma kung saan sumusunod iyon sa indayog din ng hangin na naglalakbay mula sa silangan papunta sa kanluran, base sa pwesto nang nagdidilig na si Rina. Nangingintab ang mga bulaklak na may bahid ng tubig na waring pinagpapawi
Enchanted in Hell Sweet Moment
Alas nuwebe ng umaga nang magising si Theo. Pagkabangon niya ay agad siyang dumiretso sa kusina at doon ay naabutan niya si Rina na naghahain na ng almusal. Umupo siya at nangalumbaba at walang buhay na tiningnan ang mga pagkaing nakahain doon. Ganoon palagi ang set up nilang dalawa sa umaga. Did
Enchanted in Hell Theo's Feelings
Halos mabali na ang ballpen na hawak ni Eduardo nang narinig ang ibinalita sa kanya ni Cliff at nang nakita ang tungkol sa successful event sa Manila."Ikaw rin, Cliff. Huwag kang papayag na si Theo lang ang makakuha ang papuri. Galingan mo rin ang pamamahala sa Baguio habang nariyan ka pa
Enchanted in Hell Lust
Kamuntik nang matumba si Rina sa biglaang pagsulpot ni Theo sa kanyang silid.Sabado ng umaga kaya nasa mansion lamang sila. Napahawak si Rina sa kanyang dibdib at nilingon ang lalaki."Tingnan mo 'to. Kalat na kalat na sa social media ang hotel. Magaganda ang comments nila. Mabuti
