Download the book for free
Chapter 4
Author: berzacksChapter 4
"Thali!" I hissed nung muntikan na kami masubsub sa paglalakad.
"Need help?" rinig kong sabi sa likuran ko. Nakita ko si Hugo na nakapamulsa habang nakatingin sa paghihirap ko ngayon. Tatanggi ba ako? Pero, grr nahihirapan ako kay Thalia. Malikot at medyo mabigat.
"Sort of," sagot ko nang nahihiya. Agad naman siyang lumapit sa akin at siya na ang umalalay kay Thalia.
"You walk first, I don't know where's your car," natataranta naman akong kumilos papunta sa sasakyan namin. Agad kong binuksan ang pintuan nang nakarating na kami sa sasakyan. Ipinasok niya si Thalia sa likod para doon ihiga.
"Thank you," sabi ko sakanya. Tumango lamang siya. Agad naman akong umikot papuntang driver seat para makapag'maneho at makaalis na.
Nandito kami ngayon sa opisina at kanina pa kami nagtatalo sa nangyari kagabi. Ibugaw ba naman ako?
"Eh ano namang problema do'n? Ha, Tala? Single ka naman at tsaka, nagkaka'edad kana tigang ka parin,"
"Hoy hoy hoy! Ang problema do'n hindi ko kilala yung tao baka kung saan niya ako dalhin dahil dyan sa dare mo!" inis kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako.
I heard my phone beep. Tinignan ko ito at may nakita akong text galing sa unknown mumber.
Unknown number:
Nasa baba na ako.
Huh? Sino 'to? Hindi ko nalang ito pinansin. Binaba ko nalang ito at hinarap muli si Thalia.
"I'try mo lang naman, akalain natin siya na. Pag ganun, edi mabuti pero pag hindi kayo nag'work edi stop," aniya sabay galaw nang mga balikat niya.
Hindi ko namalayan ang oras, alas singko na pala. Dada parin ng dada si Thalia habang pababa kami. Kinakalkal ko yung bag ko dahil hindi ko mahanap yung susi nang kotse, habang ginagawa ko ito kinalabit ako ni Thalia.
"Tala,"
"Bakit?" tanong ko habang nasa bag parin iyong paningin ko.
"May sundo ka," aniya
"Anong sundo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nung malaman ko kung ano ang ibig sabihin niya, natigil ako.
His deep-rooted eyes and serious face were lazily staring at me habang nakasandal sa kanyang kotse. Wait, don't tell me siya iyong nagtext sa akin kanina? Hinarap ko si Thalia.
"Anong ginagawa niya dito? Pinapunta mo ba siya?" sabi ko habang pinaniningkitan ng mga mata si Thalia. Medyo malayo ang pwesto namin kay Hugo kaya alam kong hindi niya kami maririnig.
Napaatras siya at winagayway niya ang kanyang kamay bilang pag tanggi, "O-oy, wala akong kinalaman dyan."
"Eh bakit nandito siya?"
"Hindi ko nga alam. Baka mag da'date na kayo,"
"What-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong may narinig na boses baritono agad ko itong liningon, nagulat parin ako kahit alam kong nandito siya.
"Kanina pa ako dito," aniya habang nakatitig sa akin ng seryoso. Bakit ba siya ganyan kung tumitig? Nakaka-intimidate! Tumikhim ako bago nagsalita.
"T-talaga? H-hindi ko alam,"
"I texted you," nagulat ako sa sinabi niya. So siya nga iyong nag text sa akin. Narinig kong tumikhim si Thalia, nakalukot na mukha akong lumingon sa kanya.
"Sorry, I didn't check my phone eh," talaga lang Tala?
"Let's go," tatalikod na sana siya kung hindi ko siya pinigilan.
"Wait, wait, wait," natigil siya at muli niya akong tiningnan nang seryoso.
"What?"
"Saan tayo pupunta?"
"Later, you'll see," sinabi niya iyon nang malumanay at tsaka siyang nagpatuloy sa pagtalikod.
Nag-aalangan akong tumingin kay Thalia habang siya ay nagkibit-balikat lamang. Inilahad ko sakanya an susi nang sasakyan ko at saka ako sumunod kay Hugo patungo sa sarili nitong sasakyan.
Pinagbuksan niya ako nang pinto at agad kaming tumulak patungo sa lugar na siyang pagdadalhan niya sa akin. Wala kaming imik sa byahe kaya kahit paghinga naming dalawa ay dinig na dinig namin, at sa hindi inaasahan ay biglang kumalam ang aking tyan, hinawakan ko ito nagbabaka'sakaling huminto ito sa pagtunog, ngunit hindi ito nagpapigil. Lumingon si Hugo sa akin sandali at saka muling ibinaling ang paningin sa daan.
"Guess you're hungry," sinabi niya iyon nang seryoso ngunit malumanay.
"We'll eat first." dagdag niya. Napapahiya naman akong sumagot sa kanya.
"Yeah, sorry"
Agad naman siyang huminto nang may nakita kaming restaurant na kakainan. Umupo kami sa may gilid na kung saan kita ang labas at agad siyang nagtawag nang waiter para umorder pagka-upo namin. I ordered the food that I want and he also did.
"Uhm.." panimula ko sa gitna nang katahimikan naming dalawa habang naghihintay sa inorder namin.
"Bakit ka nga pala pumayag sa dare?" lumingon siya sa akin.
Binigyan niya ako nang nakaka'pagod na tingin saka sumagot. "Bored," napasinghap ako sa sagot niya.
What?
Bored?
What the fvck?!
Pumayag siya kasi bored siya? Anong trip niya sa buhay? Sasagot na sana ako kaya lang biglang dumating ang waiter at isa-isang inilagay yung order namin sa lamesa. Nagulat ako nang ibinaling ko ang paningin ko dito ay nakita ko kung gaano karaming pagkain ang nasa table namin gayong dalawa lang naman kami.
"Bakit ang dami nito?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Ito lang naman yung inorder ko," sabi ko sabay turo sa steak at shrimp na order ko. Nasa limang plato iyong kanya.
"Just stop talking and eat." masungit niyang sagot. Napaawang ang mga labi ko. Tss. Sungit! Hindi nalang ako sumagot pa.
Natapos kaming kumain nang walang kibuan sa isa't isa, hindi ko alam kung paano ko iyon nakayanan well siguro sobrang gutom na talaga ako kaya nasa pagkain lamang ang atensyon. At dahil sobra-sobra iyong binili niya kanina ay hindi namin iyon naubos, balak niyang ipatapon nalang iyon kaya imbis na iyon ang gawin ay pinabalot ko iyong iba at dadalhin sa pupuntahan namin.
"Wala ka bang music?" tanong ko sa gitna nang katahimikan naming dalawa. Kanina pa siya hindi umiimik at ganun din ako, hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Well, what to expect? We're totally strangers at nagde'date lamang kami dahil sa walang kwentang dare ni Thalia.
"You can connect your music," agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tsaka nagpatugtog ng kanta.
Pilit nating iniwasan,
Ganitong mga tanungan,
Pagsisimula nung kanta, hindi ko pa napakinggan lahat ng nasa playlist ko. Halos lahat ng kanta ko ay galing kay Thalia, and I don't usually listen to it.
Kahit di sigurado,
Tinuloy natin ang ating ugnayan,
Bakit ramdam ko ang sakit nung lyrics nang kanta, pinagpatuloy ko ang pakikinig.
Naubos nang kwentuhan,
Nang simula nang magsisihan,
Lahat ay parang lumabo,
'Di alam kung sa'n tutungo
Parang sa kantang 'to hindi maganda ang kinahantungan nang dalawang taong nagmamahalan. Nanunuot iyong sakit kahit nakikinig lamang ako, parang ibinuhos nang husto ng nagsulat nito ang kanyang nararamdaman.
Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala
Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating
pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede
Tila mas nanuot ang sakit pagdating nung chorus. Parang maiiyak ako na hindi maintindihan.
"Pinagtagpo pero 'di tinadhana," sambit ko sa aking isipan. Anong ibig sabihin no'n?
"Stop the music, we're here." rinig kong sabi ni Hugo.
Andito na kami, agad? Kakasimula palang nung music eh. Inikot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan kami ngayon at gano'n na lamang ang pagkamangha ko nang napagtanto kong nasa isang mataas na lugar kami at kita iyong mga ilaw na ng gagaling sa mga bahay.
"Wow," namamangha kong sambit habang tinitingnan ang mga ilaw sa ibaba. Hindi ko naisip na dito niya ako dadalhin, well i'm not expecting him to bring me somewhere luxurious but I thought people only do this for romantic situations.
I just shrugged my shoulders and erase the thoughts inside me.
Napansin kong nakatayo lang siya sa may bandag kanan ko at tinitingnan ako pero bigla niyang binaling ang kanyang paningin sa mga ilaw no'ng nilingon ko siya.
to be continued...
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
The Spot Is Yours, Forever (Tagalog) Chapter 11
Chapter 11 Hindi kami magkanda-ugaga ni Thali sa paghahanda ng mga gamit dahil sa lakad na pupuntahan namin na hindi sinasadyang makalimutan namin. Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa opisina ko kahapon ay inaya ko kaagad si Thalia na umuwi, kesa na ma-stress ay nakipag-movie marathon ako kay Thali na inabot kami nang madaling araw kaya heto kami ngayon at nababalisa at nasa labas narin sila Vince at naghihintay sa'min, nakakahiya nga at hindi ko na sila naaya pumasok nang bahay. Pagkatapos namin mag-ayos nang gamit ay mabilis kaming naglakad pababa para salubungin sila."Sorry Vince," salubong kong sabi sakanya saka tumingin sa mga kasama namin na barkada ni Vince. "Guys sorry," I apologetically said to them at ganun din si Thalia."Okay lang Tala, sanay naman kaming maghintay," madrama niyang sambit. Napa-labi naman ako dahil nahihiya at nakokonsensya parin ako-kami ni Thali."Sorry talaga," muli kong paumanhin sa kanila.
The Spot Is Yours, Forever (Tagalog) Chapter 10
Chapter 10 Pagkarating ko sa opisina nitong umaga ay nagulat ako sa dami nang papeles na nakatambak sa lamesa ko. Kaya heto ako ngayon at busy sa pang checheck ng mga files at sa kakadotdot sa laptop. Dahil sa sobrang busy ko ay hindi ko na napapansin si Thalia. Mabuti nalang nga at hindi siya nangungulit sa akin. "Hey ladies!" rinig ko sa nagsalita. Hindi ko ito tiningnan dahil nasa screen parin ng laptop ang paningin ko. "Hindi man lang ako pinansin," rinig kong uli sa nag-salita. "Hayaan mo na at marami ang ginagawa," saway sa kanya ni Thali. Napabuntong-hininga naman ako at saka ako tumingin kay Vince. "Oh, ba't nandito ka?" tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang at napapadalas na ang pag punta niya rito sa opisina ko. Hindi naman sa ayaw kong pumupunta siya rito. "Grab
The Spot Is Yours, Forever (Tagalog) Chapter 9
Chapter 9 Mugto ang mata ko nung gumising ako. Wala akong ganang pumasok sa opisina pero heto ako ngayon at nag-aayos papasok. Kita ko sa mga mata ni Thalia ang awa na nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko lubos maisip na ganito pala talaga kasakit sa unang pag-ibig. Hindi pa nga kami, pero kung masaktan ako parang malalim na ang pinagdaanan namin.Truely, label doesn't matter. If it hurts you, it hurts you."Uy Tala. Kaya mo ba talagang pumasok? Tingnan mo nga 'yang itsura mo oh?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.Tipid akomg ngumiti tsaka tinitigan ang mukha sa salamin. "Nasaktan lang naman ako pero hindi ibig sabihin no'n magmumukmok na ako," nilingon ko siya pagkatapos kong sabihin iyon."Ganito ba talaga kasakit magmahal?" Natawa ako sa sinabi ko.Magmahal... So inaamin kong mahal ko na siya? "Tala..." Tanging sambit niya."Okay lang ako. Kailangan ko lang mag stay nang
The Spot Is Yours, Forever (Tagalog) Chapter 8
Chapter 8 Dumating ako sa opisina ko na hindi maganda ang mood ko. Nasigawan ko pa si Tina. Nandito ako ngayon sa loob ng meeting room at nakikinig sa mga reports na ginagawa nila. May mga problema parin pero nakakaya namang solusyunan agad kaya walang ano man ang dapat ikabahala.The meeting was adjourned at exactly 12nn. I feel so stressed and exhausted from everything that's happening. Nung dumating ako sa office ko ay nandoon lamang si Thalia busy scrolling her phone. Lumapit ako at pagod na umupo katabi sa kanya."Ano girl, kaya pa?" Tanong niya pagka-upo ko habang nasa cellphone parin ang tingin niya.Humugot ako ng malalim na hininga tsaka siya nilingon. "Kelan kaya uuwi si Mommy. She knows better about this," pagod kong pagkaka sabi.Binaba niya ang phone niya tsaka niya ako nilingon. "Hindi pa ba kayo nagkaka-usap ulit?""Hindi pa eh. Subukan ko siyang tawagan mamaya, pipilitin ko siyang umuwi
The Spot Is Yours, Forever (Tagalog) Chapter 7
Chapter 7 Umaga na nung ihatid ako ni Hugo dito sa bahay at hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan iyong nangyari kagabi. At ito naman si Thalia ay hindi ako tinitigilan sa kadadada kung bakit umaga na ako umuwi at kung bakit si Hugo ang nag hatid sa akin."Hoy, ano na? Bakit ka nga inumaga ng uwi?" "Bakit ba?" Inis kong tanong sa kanya."Anong bakit ba? Hoy gaga inumaga ka ng uwi ng wala man lang pasabi tapos sasabihin mong bakit ba?" nakapamaymwang niyang sabi."Ganito kasi yun. Kahapon niyaya uli ako mag date ni Hugo," simula ko sa pag kwekwento. Nilahad ko lahat sa kanya ang nangyari, maliban sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan na mangyayari. "Sure? Walang ibang nangyari?" nag dududa niyang tanong.Napalunok ako bago ako tuluyang sumagot. "W-wala," napapimit ako ng mariin. Bakit ang usisera ng babaeng ito? "Wala pa ba talagang score sa inyong dalawa?" Parang naghihinayang niyang tano
The Spot Is Yours, Forever (Tagalog) Chapter 6
Chapter 6 Ilang araw narin ang nagdaan simula nung nag-date kami ni Hugo. Kung noong unang araw na pagde-date namn ay halos hindi kami mag-usap ngayon naman ganun na kami kadaldal sa isa't isa. Naging komportable narin ang tungo namin sa isa't isa "There are bright places, even in dark times... You can be that bright place." Hindi magkanda tigil-tigil ang pagtulo ng mga luha ko habang nanunuod ng movie na All The Bright Places. Ilang tissue ang naubos ko dahil dito. Hindi na naman ako makaka move-on agad nito.Nilingon ko ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Thalia na siyang tumatawag. Tumayo ako para maglakad papuntang veranda at doon na rin sagutin ang tawag ni Thalia ng bigla ay nahagip ko ang itsura ko sa salamin. Nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang itsura ko! Mugto ang mata, mapula ang ilong dahil sa kaka-singa ko at magulo ang buhok ko! Muli lamang akong natauhan ng muling mag ring
