loading
Home/ All /The Spot Is Yours, Forever (Tagalog)/Chapter 6

Chapter 6

Author: berzacks
"publish date: " 2020-08-03 16:09:50

Chapter 6

Ilang araw narin ang nagdaan simula nung nag-date kami ni Hugo. Kung noong unang araw na pagde-date namn ay halos hindi kami mag-usap ngayon naman ganun na kami kadaldal sa isa't isa. Naging komportable narin ang tungo namin sa isa't isa

    "There are bright places, even in dark times... You can be that bright place." 

Hindi magkanda tigil-tigil ang pagtulo ng mga luha ko habang nanunuod ng movie na All The Bright Places. Ilang tissue ang naubos ko dahil dito. Hindi na naman ako makaka move-on agad nito.

Nilingon ko ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Thalia na siyang tumatawag. Tumayo ako para maglakad papuntang veranda at doon na rin sagutin ang tawag ni Thalia ng bigla ay nahagip ko ang itsura ko sa salamin. Nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang itsura ko! Mugto ang mata, mapula ang ilong dahil sa kaka-singa ko at magulo ang buhok ko! Muli lamang akong natauhan ng muling mag ring ang cellphone.

"Hello," agad kong sagot.

"Oh ba't ganyan ang boses mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Thalia. Hindi ko alam kung nasaan ang babaeng ito dahil wala siya kagabi no'ng umuwi ako.

"Oo okay lang ako. Katatapos ko lang kasi manood nung movie na ipinasa mo sa phone ko," suminghot ako pagkatapos ko iyon sabihin.

"Eh kung ganun hindi ka mukhang tao ngayon?" 

"Hindi be, mukha akong hayop ngayon," sarcastic kong sagot tsaka siya tumawa ng malakas.

"Tngina mo talaga. Bakit ka pala napatawag? Kahit hindi kana magsabi na hindi kana uuwi okay lang sa'kin," dagdag kong sagot sa kanya. Narinig ko naman siyang tumawa. 

"Gaga. Aayain sana kitang mag mall eh pero hindi ka pala tao ngayon kaya wag nalang," natatawa niyang sambit.

"Tss. Give me an hour, mag-aayos lang ako tsaka ako pupunta kung nasaan ka. Itext mo sa'kin kung saang mall," 

Pagkatapos naming mag-usap ay agad niyang sinend sa akin ang address. Nagsimula na akong mag-ayos dahil hindi talaga ako mukhang tao ngayon. Pagkatapos ng ilang minutong ligo ay naghanap na ako ng maisusuot. I took a simple dress, a flat sandals and a purse after that I put some light make-up to brighten up my face. 

I get my car keys and started heading to the address that Thalia sent me. Nakarating ako sa mall quarter to 6pm. Nagsimula na akong maglakad papasok sa mall habang nag ta-type para itext kung nasaan si Thalia.

To Thalia

Saan ka?

Ilang segundo lang ang ay agad siyang nag reply.

From Thalia

Nasa make up store ako. Second floor. I'll wait here.

Naabutan ko siyang nasa counter na kaya hindi na ako pumasok pa. Hinintay ko nalang siya sa labas hanggang sa matapos siya. 

"Ba't ba ang tagal mo," bungad niya paglapit niya sa akin.

"Sympre nag ayos pa ako para mag-mukha naman akong tao sa paningin mo," sabi ko tsaka ko iniikot ang mga mata ko.

Nagpa-sama muna ako sa mga clothing stall bago kami mag punta sa restaurant since maghahapunan narin naman. I buy dresses, croptops, shoes, sandals and everything na makita ko.

"Uy Tala bibilhin mo ba ang buong mall ha?" saway sa akin ni Thalia. Napatingin ako sa mga hawak kong paperbags at napagtantong naparami ako ng binili. Hindi ako mahilig sa mga make-up. Mas hilig ko iyong mamili ng mga damit at sapatos. Dahil sa dami na ng damit at sapatos ko ay nagpagawa ako ulit ng walk-in closet.

Habang naglalakad kami para maghanap ng makakainan ay bigla naming nakasalubong si Vince. 

"Hi Tala and Thalia, Kayo pala. Sa'n kayo papunta?" nakangiting tanong sa amin ni Vince.

"Hi Vince," bati rin namin ni Thalia.

"Maghahanap sana kami ng makakainan," nahihiya kong sambit. Hindi ko parin makalimutan iyong gabi na nakapag-confess ako dahil lang sa laro.

"Gano'n ba? Sama nalang ako sa inyo since doon din naman ako papunta," nakangiti niyang sagot.

"Sge,"

Pagkarating namin sa isang restaurant ay agad na nagtawag si Vince ng waiter para sa menu. Agad naman naming ibinigay ang napili naming pagkain. Naserve ang pagkain after 30 mins. Since pare-pareho kaming gutom ay agad naming nilantakan ito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may braso akong naramdaman sa balikat ko. Nilingon ko ito at nagulat ako ng makitang si Hugo ito. 

Anong ginagawa niya rito?

"You didn't told me you're here," panimula niya. Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. 

"Bakit kailangan ko bang sabihin sayo?" 

Hindi niya sinagot ang sinabi ko. "Bilisan mong kumain at aalis tayo,"

Anong trip ng taong 'to? Bigla-biglang dadating tapos uutusan niya akong magmadali?

"Don't stare at me like that woman," seryoso niyang sambit.

"Oo na, eto na,"

Nasa sasakyan na kami ngayon at tumutulak na papunta sa lugar na pupuntahan namin na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Later you'll see,"

"Alam mo. Iyan ang lagi mong sinasabi sakin sa tuwing may pupuntahan tayong lugar,"

"Nagugustuhan mo rin naman," sagot niya habang nakatingin sa dinadaanan namin.

Hininto niya ang sasakyan sa isang pamilyar na lugar. Bago kami bumaba ay tinakpan niya muna ang mga mata ko.

"Uy teka, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ko na medyo kinakabahan. Nahihiwagaan na ako sa mga ikinikilos niya.

"Mamaya makikita mo,"

Inalalayan niya akong makababa sa kotse at habang naglalakad kami. Muli siyang nagsalita ng huminto kami sa paglalakad.

"Take your blindfolds off," mahina niyang sambit.

Dahan-dahan ko itong tinanggal hanggang sa tuluyan kong mapagtanto kung nasaan kami.

Intramuros.

It wasn't my first time being here. But everytime i'm here, I can't stop myself from admiring the place. I always felt like I am living the past times.

"You like it?" rinig kong sabi ni Hugo sa likuran ko. Bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko sa ginawa niya. We are just doing this because of a dare but everytime na ginagawa niya ito, I feel like na totoo ang ginagawa namin. Napapikit ako sa naisip ko at pilit kong winaksi ito.

Hinarap ko siya, at dahil nga nasa likod ko siya ay ganun na lamang kalapit ang mukha namin. "Sobra," sincere kong sagot.

"You never fail to surprise me," dagdag kong sambit habang nakatingin ako sa mga mata niya habang sinasabi iyon.

"Because you deserve it," malumanay niyang pagkaka-sabi.

We started roaming around the Intramuros. Pinuntahan namin lahat kung ano ang nasa lugar. Ang Fort Santiago, Cathedral, Puerta de Santa Lucia, Museum, and our last stop was the Casa Manila. Nang makarating kami rito ay nanatili kaming nakatayo malapit sa fountain. Everything is perfect. All that i've seen was perfect.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napalingon kay Hugo nung sabihin ko iyon sa isipan ko. He looks so perfect with his perfectly sculpted face, thick eyebrows, hazel brown eyes, pointed nose and his red kissable lips. 

Napapikit ako at dahan-dahan na napailing sa mga naisip. Hindi dapat ako mag-padala sa mga iniisip ko, lalong-lalo na sa nararamdaman ko. Hindi pwede.

Nagulat ako ng biglang bumuhos ang ulan. 

"Sht!" I heard him cursed. "Kailangan na nating umalis masyado nang lumalakas ang ulan!" aniya. 

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko tsaka niya ito pinagsalikop, tsaka niya ako patakbong hinila malapit sa pwedeng masisilungan.

"Lumalakas na ang ulan!" pasigaw kong sabi dahil masyadong malakas ang patak ng ulan. "Umuwi nalang kaya tayo?" dagdag ko.

"Mababasa tayo," sagot niya habang pinapagpag ang basang damit. Ganun din ang ginagawa ko.

"Eh basa na naman tayo eh. Bakit di nalang tayo tumakbo sa sasakyan mo?" 

Napatigil siya sa ginagawa niya tsaka siya tumingin sa akin. 

"You sure?" tumango ako bilang tugon.

Muli kaming tumakbo sa ilalim ng malakas na ulan. Nakarating kami sa kotse niya na basang-basa.Nanginginig na ako sa lamig na nararamdaman ko. Nakita ko siyang may inaabot sa likod, nang makuha niya na ito ay iniabot niya ito sa akin.

"Here," aniya sabay patong sa balikat ko nung towel na nakita niya. 

Agad niyang pinaandar ang makina ng sasakyan tsaka niya ito pinatakbo ng mabilis. Ilang beses na akong bumabahing, sisipunin pa yata ako.

"Nasan tayo?" tanong ko nung mapansin kong hindi pamilyar ang lugar sa akin. 

"Sorry hindi ko sinabi sayo. Nandito tayo sa condo ko, dito na kita dinala dahil mas malayo ang sa inyo," 

"Okay," 

Sabay kaming bumaba ng kotse. Nakapulupot parin sa akin ang towalyang ibinigay niya. Nauunang maglakad sa akin si Hugo kaya napansin ko ang hubog ng katawan nito dahil narin sa dumidikit nitong damit sa katawan niya. Ano ka ba Tala! Ang lamig na nga ng panahon ang harot pa ng isipan mo! 

Nasa likod niya ako at sumusunod sa bawat hakbang niya. Hindi narin ganoon ang lamig na nararamdaman ko. Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya sa hindi inaasahan ay nabunggo ako sa may kaliwang braso niya dahil nakaharap na siya pintuan ng condo niya.

"Aray," sabi ko sabay sapo sa noo ko. 

"Bakit ba ang clumsy mo?" aniya sabay pasok sa loob.

"Hoy! Hindi ako clumsy, nagkataon lang na bigla kang--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla-bigla nalang siya maghubad ng pang itaas niyang damit. Agad akong tumalikod at pumikit ng mariin.

"Biglang ano?" Tanong niya nung mapansin niyang huminto ako sa pagsasalita. Humigit ako ng malalim na hininga bago ako humarap sa kanya. Ngunit natigil ako nung tumambad sa akin ang katawan niya. Kung kanina ay likod lamang niya ang nakita ko ngayon ay ang harap na. Bigla akong napalunok. Masyadong hulma ang nasa dibdib niya at ang walong pandesal na kumakaway sa akin. 

"Sa'kin ka tumingin, wag sa katawan ko," seryoso niyang sambit. Aligaga naman akong tumingin sa kanya.

"Hindi ko tinitingnan 'yang katawan mo," saway ko sa kanya.

"Talaga? Edi sa'n?"

"Sa baba," wala sa wisyo kong sabi.

"Ahh..." nakangisi niyang sabi. Biglang nanlalaki ang mga mata ko nung makita ko ang mukha niyang parang iba ang iniisip.

Tinuro ko siya, "H-hoy anong iniisip mo?" 

"Wala ako ng iniisip, baka ikaw meron," nakangisi niya paring sambit.

"Hoy wala akong iniisip no," defensive kong sabi.

"Talaga?" Ay ang bwesit nang iinis.

"Hindi nga!" Inis kong sagot sa kanya. 

Inis akong naglakad sa loob ng condo niya na hindi ko alam kung nasaan ng pupuntahan ko. Tumigil ako sa paglalakad tsaka siya muling hinarap na nakatingin din pala sa akin.

"Asan ang banyo?" Inis ko parin na tanong sa kanya. 

"Sa kwarto ko nalang ikaw magbihis, may sariling banyo doon. Ako nalang dito," aniya sabay turo sa banyo malapit sa kwarto niya.  

"O-okay," sagot ko sa kanya tsaka siya nag simulang maglakad. Nakakadalawang hakbang na ako nung maalala kong wala pala akong dalang extra na damit. Grr. No choice.

"Sandali Hugo," nahihiya kong sabi. Hinarap niya naman ako.

"Pwede ba akong humiram ng damit mo? Wala kasi akong dalang extra eh,"

"Kumuha ka nalang ng damit ko sa closet," aniya sabay pasok sa banyo. Nagsimula naman akong maglakad papunta sa loob ng kwarto niya at hinanap ang closet niya. Pagkabukas ko dito ay agad kong naamoy ang pang lalaki niyang pabango. Grabe, masyadong kumakapit ang pabango niya sa mga damit niya.

Bago ako magtungo sa banyo ay pumili ako ng pwede kong masuot. Kinuha ko ang itim niyang shirt. Mabuti nalang at may dala ako parati ng extra garment incase of emergency.

Pagkatapos ng ilang minutong paglilinis ko sa katawan ko ay lumabas na ako sa kwarto niya para mag tungo sa kitchen. Naabutan ko naman siyang nagluluto doon, na walang saplot pang itaas. Nagdadalawang isip tuloy ako kung tutuloy ako ro'n.

Humugot ako ng malalim na hininga tsaka nagpatuloy.

"Mag damit ka nga!" Saway ko sa kanya habang kumukuha ng tubig.

"Bakit?" 

Hinarap ko siya ng nakapameywang. "Anong bakit? Hoy Mr. may kasama ka ditong babae kaya mag damit ka!" 

"Hoy Mrs wag kang paranoid. Wala naman akong gagawing masama sayo!" Natatawa niyang sambit.

"Hindi ako paranoid at anong Mrs?!"

"Wag ka ngang maingay! Oh, ito sopas para naman maibsan na 'yang inis mo," sabay lahad niya sa'kin ng bowl of soup. 

"Ilagay mo sa mesa, mainit!" 

Tumalikod siya at lumakad kung saan. Pagbalik niya ay nakasuot na siya ng damit. Mabuti naman. 

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa sala. Gusto niyang manuod ng movie pero inawat ko siya. Ewan wala ako sa mood manuod ngayon, idadamay ko nalang siya. 

"Bakit ba ayaw mo?" asik niya.

"Eh ayoko nga! Wala ako sa mood manuod!"

"Kung ayaw mong manuod wag ka dito! Doon ka sa kitchen!" 

"Bakit ba? At ano bang panunuorin mo ha? At ganyan ka kamapilit?" nakapamaywang kong sabi habang nakaupo

"Spongebob," sagot niya. 

"Ano?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Manunuod ako ng spongebob," 

Bigla akong napahgalpak ng tawa dahil sa sinabi niya.

"Nanunuod ka ng Spongebob? Ka-damulag mo tapos nanunuod ka ng Spongebob?" Hindi makapaniwala kong sabi habang natatawa.

"Mag tigil ka nga," seryoso niyang sambit habang naka-cross ang mga braso sa may dibdib niya.

Kinontrol ko ang sarili kong hindi na matawa dahil hindi na maganda ang lasa ng mukha niya. Mamaya at mapalayas pa ako nito.

I pursed my lips para hindi na lumabas ang mga nagpipilit na kumawala kong tawa. Nilingon niya ako at talagang naiinis na na siya.

"Magtigil ka," aniya sa seryosong tinig. Magkasalubong na rin ang mga kilay niya.

I pouted my lips. "Oo na ito na," 

We remain silent for awhile bago ako mag simulang mag-salita.

"Wala ka bang girlfriend?" Curious kong tanong.

"Wala," 

"Talaga? Baka mamaya may bigla nalang sumugod sa akin at pag sasampalin ako sa kung saan tapos magpapakilalang girlfriend mo,"

"Ang paranoid mo," 

"Hindi ako paranoid. Masydo lang akong advance mag-isip," sabi ko sabay irap.

"Tss. Wala. Baka ikaw ang meron boyfriend," natawa ako sa sinabi niya.

"Mabuti sana kung ganun. Wala akong boyfriend, dakilang NBSB ako," bigla siyang napalingon sa'kin. Gulat pre? First time makasalamuha ng NBSB? Tss.

"Wag mo namang ipahalatang gulat ka," 

Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita. Hindi nag tagal, palit ng palapit ang mukha niya sa'kin.

"U-uy, anong g-ginagawa mo?" Pautal-utal kong sabi. Ngunit hindi niya ako pinapansin at patuloy parin siya sa paglapit sa akin. 

Hindi ako maka-galaw dahil konting kilos ko lang ay magtatama na ang mga labi namin. 

Parang biglang nag slow-mo ang lahat ng unti-unti kong maramdaman ang mga labi niya. 

to be continued...

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Spot Is Yours, Forever (Tagalog)   Chapter 11

Chapter 11 Hindi kami magkanda-ugaga ni Thali sa paghahanda ng mga gamit dahil sa lakad na pupuntahan namin na hindi sinasadyang makalimutan namin. Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa opisina ko kahapon ay inaya ko kaagad si Thalia na umuwi, kesa na ma-stress ay nakipag-movie marathon ako kay Thali na inabot kami nang madaling araw kaya heto kami ngayon at nababalisa at nasa labas narin sila Vince at naghihintay sa'min, nakakahiya nga at hindi ko na sila naaya pumasok nang bahay. Pagkatapos namin mag-ayos nang gamit ay mabilis kaming naglakad pababa para salubungin sila."Sorry Vince," salubong kong sabi sakanya saka tumingin sa mga kasama namin na barkada ni Vince. "Guys sorry," I apologetically said to them at ganun din si Thalia."Okay lang Tala, sanay naman kaming maghintay," madrama niyang sambit. Napa-labi naman ako dahil nahihiya at nakokonsensya parin ako-kami ni Thali."Sorry talaga," muli kong paumanhin sa kanila.

The Spot Is Yours, Forever (Tagalog)   Chapter 10

Chapter 10 Pagkarating ko sa opisina nitong umaga ay nagulat ako sa dami nang papeles na nakatambak sa lamesa ko. Kaya heto ako ngayon at busy sa pang checheck ng mga files at sa kakadotdot sa laptop. Dahil sa sobrang busy ko ay hindi ko na napapansin si Thalia. Mabuti nalang nga at hindi siya nangungulit sa akin. "Hey ladies!" rinig ko sa nagsalita. Hindi ko ito tiningnan dahil nasa screen parin ng laptop ang paningin ko. "Hindi man lang ako pinansin," rinig kong uli sa nag-salita. "Hayaan mo na at marami ang ginagawa," saway sa kanya ni Thali. Napabuntong-hininga naman ako at saka ako tumingin kay Vince. "Oh, ba't nandito ka?" tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang at napapadalas na ang pag punta niya rito sa opisina ko. Hindi naman sa ayaw kong pumupunta siya rito. "Grab

The Spot Is Yours, Forever (Tagalog)   Chapter 9

Chapter 9 Mugto ang mata ko nung gumising ako. Wala akong ganang pumasok sa opisina pero heto ako ngayon at nag-aayos papasok. Kita ko sa mga mata ni Thalia ang awa na nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko lubos maisip na ganito pala talaga kasakit sa unang pag-ibig. Hindi pa nga kami, pero kung masaktan ako parang malalim na ang pinagdaanan namin.Truely, label doesn't matter. If it hurts you, it hurts you."Uy Tala. Kaya mo ba talagang pumasok? Tingnan mo nga 'yang itsura mo oh?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.Tipid akomg ngumiti tsaka tinitigan ang mukha sa salamin. "Nasaktan lang naman ako pero hindi ibig sabihin no'n magmumukmok na ako," nilingon ko siya pagkatapos kong sabihin iyon."Ganito ba talaga kasakit magmahal?" Natawa ako sa sinabi ko.Magmahal... So inaamin kong mahal ko na siya? "Tala..." Tanging sambit niya."Okay lang ako. Kailangan ko lang mag stay nang

The Spot Is Yours, Forever (Tagalog)   Chapter 8

Chapter 8 Dumating ako sa opisina ko na hindi maganda ang mood ko. Nasigawan ko pa si Tina. Nandito ako ngayon sa loob ng meeting room at nakikinig sa mga reports na ginagawa nila. May mga problema parin pero nakakaya namang solusyunan agad kaya walang ano man ang dapat ikabahala.The meeting was adjourned at exactly 12nn. I feel so stressed and exhausted from everything that's happening. Nung dumating ako sa office ko ay nandoon lamang si Thalia busy scrolling her phone. Lumapit ako at pagod na umupo katabi sa kanya."Ano girl, kaya pa?" Tanong niya pagka-upo ko habang nasa cellphone parin ang tingin niya.Humugot ako ng malalim na hininga tsaka siya nilingon. "Kelan kaya uuwi si Mommy. She knows better about this," pagod kong pagkaka sabi.Binaba niya ang phone niya tsaka niya ako nilingon. "Hindi pa ba kayo nagkaka-usap ulit?""Hindi pa eh. Subukan ko siyang tawagan mamaya, pipilitin ko siyang umuwi

The Spot Is Yours, Forever (Tagalog)   Chapter 7

Chapter 7 Umaga na nung ihatid ako ni Hugo dito sa bahay at hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan iyong nangyari kagabi. At ito naman si Thalia ay hindi ako tinitigilan sa kadadada kung bakit umaga na ako umuwi at kung bakit si Hugo ang nag hatid sa akin."Hoy, ano na? Bakit ka nga inumaga ng uwi?" "Bakit ba?" Inis kong tanong sa kanya."Anong bakit ba? Hoy gaga inumaga ka ng uwi ng wala man lang pasabi tapos sasabihin mong bakit ba?" nakapamaymwang niyang sabi."Ganito kasi yun. Kahapon niyaya uli ako mag date ni Hugo," simula ko sa pag kwekwento. Nilahad ko lahat sa kanya ang nangyari, maliban sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan na mangyayari. "Sure? Walang ibang nangyari?" nag dududa niyang tanong.Napalunok ako bago ako tuluyang sumagot. "W-wala," napapimit ako ng mariin. Bakit ang usisera ng babaeng ito? "Wala pa ba talagang score sa inyong dalawa?" Parang naghihinayang niyang tano

The Spot Is Yours, Forever (Tagalog)   Chapter 6

Chapter 6 Ilang araw narin ang nagdaan simula nung nag-date kami ni Hugo. Kung noong unang araw na pagde-date namn ay halos hindi kami mag-usap ngayon naman ganun na kami kadaldal sa isa't isa. Naging komportable narin ang tungo namin sa isa't isa "There are bright places, even in dark times... You can be that bright place." Hindi magkanda tigil-tigil ang pagtulo ng mga luha ko habang nanunuod ng movie na All The Bright Places. Ilang tissue ang naubos ko dahil dito. Hindi na naman ako makaka move-on agad nito.Nilingon ko ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Thalia na siyang tumatawag. Tumayo ako para maglakad papuntang veranda at doon na rin sagutin ang tawag ni Thalia ng bigla ay nahagip ko ang itsura ko sa salamin. Nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang itsura ko! Mugto ang mata, mapula ang ilong dahil sa kaka-singa ko at magulo ang buhok ko! Muli lamang akong natauhan ng muling mag ring

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy