Téléchargez gratuitement le livre sur l'APP
Kabanata 2
Auteur: C.KThe One
NAKAUPO ako sa isang circle table with six chairs na may nakasulat na VIP. Pinapanood ko na lamang sa malayo ang isang lalaking pinalilibutan ng mga babae. He is wearing a white bottom-up shirt with trouser pants and sunglasses. Kahit natatago ang mga mata niya sa ilalim ng salamin ay malakas pa rin ang karismang taglay.
"Onalisa!" sigaw ni Vanilyn ang bestfriend ko. Lumalim ang ngiti ko ng mapansin na sout niya ang rejected gown na ginawa ko. It's a blue gown na may nakapaikot na chrismat lights. It's funny to wear, I swear.
"Ikaw lang mag-isa? Nasa'n yung boyfriend mo?" tanong niya.
Ngumuso ako patungo roon sa lalaking pinapanood ko kanina. "Busy sa pag po-promote ng new business niya sa Eastwood."
"Oh? Anong bago niyang business?"
"Restobar," saad ko. Lumingon sa direksyon namin si Sandro at kumaway siya kay Vanilyn. Nag-paalam siya sa mga kausap niyang girls at lumapit na sa 'min. Tinanggal niya ang salamin niya at tumigil saglit sa isang puno na may string lights at umusbong ang mga mata niyang mala buwan sa ningning.
"Sandro was my ideal man, but there's something off about him," I confessed.
"He is perfect!" singhal ni Van.
Nagkibit-balikat ako. "Sobrang focus niya sa career. Formal siyang kumilos sa lahat ng bagay. Hindi siya marunong mag-joke o lumambing. Mas bagay pa nga akong maging kapatid niya kaysa girlfriend."
Minsan napapaisip ako kung gusto ba talaga niya ako...o sadyang matured lang siya at bata pa ako. Pero twenty-four years old pa lang siya, mukha na siyang trenta kung mag-desisyon.
Tumawa si Van kaya tumingin ako sa kanya gamit ang not-in-mood-expression ko. "There's nothing wrong about him. Sadyang hindi lang kayo matched by heaven, kaya walang strong bond na namamagitan," aniya na halatang nasobrahan sa panonood ng kdrama. "Hindi kasi siya si Farmer boy. Kaya hindi mo pa talaga mararanasan ang greatest love mo."
Gusto kong mag-agree.
Pero mas gugustuhin ko na lang ipaputol ang isang daliri ko kaysa makatuluyan ang farmer na 'yon. Kumukulo ang dugo ko kada naiisip na makakatuluyan ko ang ganoong kahirap na lalaki.
"Oo nga pala, lahat ng staff namin dito ay lumuwas pa sa province nila. Baka isa rito si The One mo," hagikhik niya. "And ako ang magiging number one fan ninyo kapag nagtagpo na kayo!" pumalakpak pa siya na parang bata.
Tinakpan ko ang bibig niya nang nasa harapan na namin si Sandro. Nakakunot ang noo nito na parang nagtatanong kung anong pinag-uusapan namin. But I just awkwardly smile. Tumango lamang siya at umupo sa tabi ko.
"Happy 20th birthday Vanilyn. You're always stunning," aniya.
"Thanks!"
"Yung present pala namin pina-diretsyo ko na sa kwarto mo. Baka kasi pagka-guluhan kapag dinisplay dito."
Napangisi ako. Sure akong pagkakaguluhan talaga 'yon. Pinaka gwapo. Pinaka-hot. Pinaka-sikat. Basta lahat ng may pinaka ay matatagpuan mo sa regalong yon.
Nilagay ni Van ang isang kamay niya sa kanyang labi at nanlalaki ang mga mata. "Tumatahol ba 'yan? Iyan ba 'yong favorite dog ko!"
Nagkapalitan kami ng tingin ni Sandro at siniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Paano ba naman kasi 'tong si Vanilyn desperadang magkaroon ng aso na may lahing nagmula sa grand champion dog sa isang National Dog Show no'ng 2019. And it's quite expensive. Mas madali pang bilhin si crush kaysa sa asong gusto niya!
"Onalisa, please tell me the truth...mahirap umasa," puppy eyes nito.
'Di ko naman siya pinapaasa?
Kinalabit ako ni Sandro sa braso kaya natauhan ako at umayos ng pagka-upo. Naalala ko, ayaw pala niya ang pagiging clingy ko. Tsk.
"Sorry, Van. But it's just a wax figures of your favorite Korean star," saad ko bago pa tuluyang umiyak 'tong kaibigan ko.
"Omg! Seriously? 'Yon pa yung katulad doon sa Madame Tussauds?"
Tumango ako. Agad siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you sainyo." Hindi ko aakalain na magiging ganito siya kasaya.
"Sorry kung 'di ako nakabili ng dog na gusto mo. It's one of my impossible mission."
"Damn! Pumunta ka lang sa party ko ay isang regalo na!" overreacting nito.
***
MARAMI rin nangyari sa loob ng isang oras. Pumunta kami ni Van sa kwarto niya para tignan ang wax figure ni Lee Min Ho. Nagpicturan kami kasama ang idol niya. Ilang beses pa niya 'tong niyakap at hinalikan na parang totoong tao.
"Puwede kayang hubaran 'to?" tanong niya.
Ngumisi lamang ako. Pumunta ako sa balcony at tinanaw ang kabuuan ng party. Mahigit fifty na ka-tao ang bisita. May mini stage sa unahan at katapat nun ay swimming pool at sa kasunod naman ng pool ay may mga round table with umbrella. Maraming fiesta lights na nakasabit sa mga magkabilaang puno. May ilang celebrity din na invited. Isa na rito sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao, they are really sweet.
Biglang nagkagulo ang mga tao nang umakyat sa stage ang SB19. Sila ang kauna-unahang pinoy na tinrained under korean company. Kaya naman napaka husay nila at talagang tinitingala. Bumilis din ang kalabog ng puso ko. Wala pa silang ginagawa ay nagkakagulo na. Paano kaya kapag kumanta na sila?
Mukhang mayayanig ang lugar na 'to.
"Yeah, we gonna go up
Yeah, yeah, we gonna go up"
Tulad nang inaasahan ko, parang lasing na lahat ng tao rito. We're all dancing in fire, dahil sa mala-apoy nilang stage presence.
"Tanging liwanag ang nakikita
Sa tuwing ipipikit aking mata
Bituin ko'y lalong nagniningning sa dilim
Walang makakapigil"
My eyes widened nang mahulog ang isang babae sa pool. She was asking for help dahil hindi siya marunong lumangoy. And there's a man who jumped in pool. Binuhat niya ang babae na parang bagong kasal.
Tumaas ang balahibo ko nang makita kung gaano ka good-looking ang lalaking sumagib. He was just like a knight and shining armor. Someone who can save your life and who can also kill from heart attack.
"Ibibigay ko ang aking puso
Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto
Handa akong harapin ang lahat, yeah
Kahit pa imposible"
Nanliit ang mga mata ko dahil parang hindi naman nalunod 'yong babae. Nakangiti pa nga siya at todo ang yakap habang buhat-buhat siya no'ng lalaki. May ilang teenagers din na kumukuha ng larawan sa kanila. Nagkakatuwaan silang lahat halatang scripted lamang ang pagkalunod 'nung babae para magpapansin.
Hayss, people nowadays.
"Nangarap nang bukas mga mata, yeah!
Lumakad nang may bubog sa paa, yeah!
Lahat ng iyong pagdududa (Duda)
Pakpak ko parang kay Garuda (Ruda)
'Cos I'm gonna go up! (Brrah)"
Simulang mangyari ang scripted-accident na 'yon ay hindi na humiwalay pa ang tingin ko sa kanila. Pinagkakaguluhan siya, pero halatang pagod na siya o sadyang hindi lang niya gusto ang atensyon ng marami.
Pinipilit siyang sumayaw but he was just smiling habang umiiling. Pilit siyang kumakawala sa crowd. Hanggang sa pumunta siya sa isang sulok at tinago ang sarili kung saan wala masyadong dumadaan.
Mabuti na lang ay kahit siya siya pumunta ay nagagawa ko pa rin siyang sundan dahil nga nasa tuktok ako at nasa ibaba lang siya. Maganda rin pala itong puwesto ko. I can watched everyone. But mostly, I can stalked someone without his knowledge.
"Kahit anong mangyari ako ay tatakbo
Patungo sa liwanag na tanging ninanais ko
Bawat sandali, turing ko ay parang huli
Yeah, yeah!"
Kampanteng umupo ako sa wood railings habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa gilid. Pinapanood ko lamang siya habang nakangiti. Para siyang isang butuin na gusto kong maabot. Literal na gusto ko siyang mahawakan...
ini-stretch ko ang isa kong kamay na para bang kinukuha ko siya.
As I closed my hands, biglang umapoy ang pisngi ko sa kahiyaan nang tumingala siya at nagtama ang mga mata namin.
Nakaramdaman ako ng pang-iinit banda sa puso ko. Tila ba ay magkakaroon ako ng heart attack.
"Itong galawang saliwa sa ilog na brr-rumaragasa, uh
'Di ko na kailangan bumangga
Tutal naman kayo'y diretso pababa na
Delikado sa entablado
90 porsyento, de-de-desperado, uh
Yeah, we goin' nowhere but up
Nowhere but up"
Muntikan na akong mahulog sa pagkakaupo ko. Mabuti na lang ay mabilis kong naibalik ang isang kamay ko sa pagkakahawak sa railings. Napansin ko rin na nakatayo na siya at puno ng pag-aalala ang mga mata. Para bang plano niya akong salohin kaagad kung sakaling mahulog man.
Siya 'yong tipong tao na kapag nahulog ko ay agad ka niyang sasalohin, para hindi masaktan.
"I'm fine!" sigaw ko na natatawa.
Hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Seryoso ang mga mata niya na halatang hindi siya natutuwa sa posisyon ko ngayon. Malalim ang mga niyang nangungusap sa 'kin. Para bang matagal na kaming magkakilala. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng short at pirming nakatingala para panoorin ako.
Naramdaman ko ang isang blanket sa katawan ko. At isang mainit nayakap ang natanggap ko mula sa 'king likuran. "Gusto mo bang patayin ang sarili mo, Onalisa?" It was Sandro's voice.
Bakit ba bigla siyang sumipot?
Inalalayan niya ako pagkababa sa balcony. "Umuwi na tayo."
"Mauna k-kana," nauutal ko.
"Tinext na ako ni CEO, pinapauwi kana." Tinutukoy niya si Daddy. Hinawakan niya ang kamay ko at lumihis na kami paalis. Bumaba na kami. At hinanap ng mga mata ko kung saan nakaupo kanina si Stranger man. Wala na siya roon.
Nakakalungkot isipin na...ito na ang una at huling beses kaming magkikita. Hindi ko man siya nakausap o narinig ang boses, pero nagawa niyang buuin ang isang fiction character sa isipan ko. He saved the girl. He don't like attention. And our eyes met.
This is odd.
I want to see him, again.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
String of Marriage Kabanata 18
Mysterious DITO kami nagkita ni Liam sa bahay para less gastos at walang media na makasunod sa akin.
String of Marriage Kabanata 17
Industrial Espionage Nandito kami ngayon sa isang chapel home na may 20ft na taas at 75square meter. Gold ang naka-engrave sa pader at may mataas na kulay pulang kurtina ang nakasabit sa bawat silid. Mayroon din fountai
String of Marriage Kabanata 16
Kissed Pagkalabas ni Sandro sa pintuan ay agad ko 'tong ni-lock. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumingin sa likod kung sa'n umaakyat si Seth sa railings ng balcony. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa niya, paano kung bi
String of Marriage Kabanata 15
Unconditional love "MA'AM, pinapatanong po ni Seth kung nasa'n ka?" sabi ni Ugi habang nagda-drive.
String of Marriage Kabanata 14
Last Will and Testament KA-VIDEO call ko si Vanilyn. Na sa airport siya at mamaya na 'yong flight nila pauwi ng Pilipinas.
String of Marriage Kabanata 13
The Battle of Presentation NAKASUOT ako ng long sleeve see through polka dots at puting bra. Kitang-kita ang katawan ko at para lang naka bra dahil nga transparent ang long sleeve
String of Marriage Kabanata 12
Vanilyn Oca
