Descarga el libro gratis
Kabanata 5
Autor: C.KLike Before
NAKASOUT ako ng pink belted blazer dress with white wedge na may 4 inch na taas. Naka-pusod ang aking buhok at simpleng red lipstick na foundation sa mukha. First day ko ngayon sa kompanya kaya kailangan ko magpa-good impression... kundi ay baka maging last day ko na.
Pagka-apak pa lang ng paa ko sa entrace door ay tumagilid na ang ulo ng mga staff namin. Puno ang respeto nila kay Maximo dahil awtomatik ang pagyuko nila. Pero kapag sa 'kin naman ay awtomatik ang pagbukas ng mga bibig na tila ba ay nakakita ng isang diwata. I can't blame them, I'm one of the prettiest in this Universe.
"Pumasok na kayo rito," sabi ni Max dahil lumabas 'yong mga tao sa elevator nang pumasok kami. Halatang gulat sila na may kasamang kaba.
Siniko ko naman yung kapatid ko, masyado kasing mabait. Paano siya titignang CEO n'yan kung wala man lang kasungitan na taglay? Minsan kailangan din magpa-cold para cool tignan. Tulad ko, hihi. "Hayaan mo na sila...remember kakatapos lang ng covid19, kaya social distancing muna tayo. Right guys?" Nag-ngitian naman 'yong mga staff namin bago tuluyang magsara ang pinto at umahon na kami paitaas ng floor.
They are really funny to look...I swear.
Nandito kami sa department ng Research and Sales team. Mahigit sampu ang cubicles, na may taas na six feet. Lahat ay merong desktop at pa-letter L naman ang shape ng mga table. Lumapit sa 'min ang HR at pinakilala ang buong team.
"This Ameria Wills ang sales specialist." Tumingin ako sa isang babaeng mukhang hyper at bata tignan. Hanggang balikat lamang ang umaalon niyang buhok. Pinunasan muna niya ang kamay sa coat bago nilahad sa 'kin na inismiran ko lang.
"I'm happy to finally meet you Ma'am and Sir... ang ganda po talaga ng lahi ninyo," parang kinikilig nitong sabi. Sinikuhan naman siya ng katabi kaya natauhan sa pagiging unprofessional. "Hindi mo mapigilan. Mas mukha kasi silang artista kaysa boss natin," bulong niya sa sumiko na narinig naman naming lahat.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Again, I can't blame them kung bakit gumagawa sila ng unintentional moves.
Marami pang pinakilala na hindi ko naman binigyan interest. Actually naka-focus lang ako sa isang guy. He is my prospect right now. At kahit sa ibang department pa siya o sa ibang companya pa nag-trabaho ay hahanapin ko pa rin. It's been two years since the last time we talked.
"And this Liam Sand our Sales Manager."
Tumingala ako para makita ang kabuuan niya. Malinis at healthy tignan dahil sa flawless skin niya. Magandang din ang hubog ng katawan, parang sa mga korean lang mapayat but yummy. Meron siyang broad-shoulders at may katiting na muscles. Naka contact lense rin siya na may grado. Paano ko nasabing may grado 'yon? Well, Malabo kasi talaga ang mata niya kakabasa ng mga libro.
"Nice seeing you again Mr. Sand," saad ko. Nagsimula naman ang bulong-bulungan sa paligid na parang bang bubuwit.
"I'm glad to see you, Ma'am Ona," yuko nito.
Unti-unti nawala ang ngiti ko dahil sa naisip. Kung hindi lang ako na-drop-out no'ng 2nd year college ay baka kami pa rin hanggang ngayon. At kapag kami pa rin, ay hindi kami magtatagpo ni Sandro...at kapag hindi kami nagtagpo ay hindi mamamatay si Daddy. Kung mabibigyan man ako ng supernatural gift, gusto ko malaman 'yong future ko. Para hindi ako kaagad magpadalos-dalos sa desisyon. Para hindi ako magkamali at masaktan.
Shit, I'm being emotional na naman. Si Daddy kasi, e. May kakayahan pa bang maligtas siya kung gayon wala na siya?
***
"KUMUSTA ang first day of work?" tanong ni Vanilyn na ngayon ay magka-video call kami. Halatang bagong gising siya dahil sout pa rin niya 'yong pangtulog at may kaunting laway sa gilid ng labi.
"One handsome over five boys."
"Naku haha! Kawawa ka naman. 'Dibale kapag naging CEO ka ang unang requirements sa employee ay 'yong may class A na itsura!" she said while clapping. She is very energetic and noisy, kahit bagong gising.
"Siraulo ka talaga." As if namang magiging CEO ako rito—pero kung paglalaruan ako ni tadhana edi itotodo ko na. Gagawa ako ng Onalisa's formula:
Skills + neat x sparkling eyes = passed the final interview
Puwede kaya 'yan?
"Nag-meet na ba kayo ng ex mo?" out of nowhere niyang tanong kaya nagising ako sa realidad. Iniimagine ko kasi kung anong mangyayari sa kompanya kung lahat ng tao rito ay pogi.
"Yes, we met."
Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair at agad na tumigil nang mapansin kong may nakasilip sa window. Kinabahan ako kasi akala ko may multo, 'yon naman pala ay si Liam lang. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumalikod na muli.
Hanggang ngayon dead na dead pa rin siya sa 'kin. Magiging madali lang sa 'kin 'tong mission ko ngayon. Mukhang tinutulungan ako ng kalangitan, huh.
"Oo nga pala pupunta raw d'yan yung isa naming bodyguard. Nagluto kasi si mommy and gusto niya ipatikim sayo yung bagong recipe. Ikaw daw mag-decide kung puwedeng gawing new dish sa restaurant namin...hmmm, alam mo na magaling ang pang-lasa mo mapa-damit man o sa pagkain," out of nowhere na topic na naman ni Vanilyn.
"Okay fine."
Matapos naming mag-usap ay lumabas na ako para tignan ang ginagawa ng mga staff namin. Lahat sila ay naka focus sa computer. Nakaka-distract lang 'yong kumakain na mataba sa dulo. Matapos niyang lawayan ang mga daliri ay agad namang magta-type sa keyboard. It's really gross. Mukhang magki-create pa siya ng bacteria sa kompanya namin. Naglakad na ako paalis habang hinawi ko ang buhok ko.
Isa-isa kong chineck ang bawat cubicles. May nahuli pa akong mabilis na nilipat ang windows sa isang application matapos kong makitang nagfi-facebook. Wala bang IT dito para ma-detect kung sino 'yong nag-o-open ng personal account sa computer namin at mabigyan ng warning. Ang pagkakaalam ko kasi bawal 'yong ganyan sa trabaho, dahil baka magbigay sila ng private infomation sa competitors namin. Oh, 'di ba kahit first day of class ko ay may alam ako sa basic rules.
Ang huli kong nilapitan ay si Liam Sand na agad naman akong napansin. Tumayo siya at minuwestra ang upuan sa tapat ko. "Do you want to check my work?" he offer. Hindi ako nagdalawang isip na umupo sa upuan niya. Minimize ko yung apps at nilagay sa Facebook para tignan ang messenger niya.
Gusto ko muna malaman kung may girlfriend siya. Dahil kung meron, edi hindi siya ang gagamitin ko. Ayoko kasi talaga 'yong naninira ng may relasyon. Pero kung wala naman edi sisimulan ko na ang plano ko.
"In-unfriend ko lahat ng kaibigan kong babae after ng break up natin. I don't feel like to entertain other girls since you came to me," aniya.
Napahawak ako banda sa puso ko. Aww, this is so sweet.
Tumayo na ako para makahiwalay sa kanya. "Done checking," ngiti ko. Nakipagtitigan ako maigi sa kanyang mata at pilit 'tong hinahamon na sumabay sa 'kin. Isa sa paraan para malaman mo kung may gusto sa'yo ang isang tao kapag kumislap ang mata nito sa'yo.
And I noticed his sparking eyes.
"Ikaw t-tapos kana sa ginagawa mo? Gusto mong tulungan kita pagtapos ko rito?" nauutal nito na agad namang bumitaw sa titig ko. Nakakatawa lang dahil obvious ang reaction niya.
"I will think about it. Mukhang kaya ko pa naman," sabay nguso ko.
"Ah, gano'n ba. Hmmm, can I invite you for lunch?" offer niya.
Napahawak ako dulo ng buhok ko at inikot-ikot 'to ng daliri. "Fine."
Napa-aja siya na para bang sinagot ko sa panliligaw. Napatingin din sa 'min 'yong mga katabing cubicles. Kaya naman ay mabilis pumula ang pisngi niya dahil sa hiya at nagpaalam lang na magc-cr. Pero habang lumalakad siya palayo ay agad naman 'tong nadapa na parang lampa.
Unti-unti na naman naglaho ang ngiti ko. Ako ang dahilan kaya nawala siya sa pagiging SSG president no'ng college kami dahil sa pagbibigay niya ng kodigo. Muntikan na rin siyang mapatalsik sa University kung hindi ko lang kinausap 'yong dead namin.
At ngayon, mukhang uulitin ko na naman 'yong dati. Gagamitin ko na naman siya. Pero malayo 'to sa pandaraya na nagawa ko noon dahil hindi 'to para sa sarili ko.. kundi para kay Daddy. Para sa kompanya.
Tulala lamang ako rito sa table ko, kunwari gumagawa ng database pero nanonood lamang ng Netflix. Nagpapalipas lang din ako ng oras para sa lunch date namin ni Liam. Nakarating na rin pala 'yong niluto ng mama ni Vanilyn. Nakalagay ito sa isang cute na lunch box. I will eat it later.
Pumasok na si Liam kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Nag-unat pa ako at kunwari pagod na pagod sa trabaho.
"Okay ka lang? Gusto mo ng body massage?" offer niya.
Oh, this is so sweet. Kahit kailan hindi minassage ni Sandro. Siguro gano'n talaga kapag nakipagbalikan kay ex ay mas nagiging better na tao. Wait, bakit ko nga ba sila pinagkukumpara? Damn.
Lumapit siya sa likuran ako at minasahe nga ako. Napatingala at napakagat sa ibabang labi. Akala ko sa tagiliran lang ako may kiliti hindi ko alam na pati rin pala buong likod ko. What's wrong in my body bakit parang ayaw niya magpahawak?
"Tama na! Nakikiliti na ako," I surrender at tumawa na ng malakas.
"Sorry, babagalan ko na lang."
Napanguso ako. Ayaw talaga niya magpatalo. This is Liam Sand, hindi siya magpapatalo kapag may gusto siya.
***
NANDITO na kami sa canteen at kusa namang naputol ang mahabang pila ng dumaan ako, kaya nakapag-order kami kaagad na walang kahirap-hirap. Umupo kami sa pagdalawahang upuan. Bumaba ang tingin ko sa binili niyang food. Isang roast chicken and side dish pasta. Meron din appetizer na crackers. Gusto ko rin sana mag alcohol, kaso bawal ang liquor dito.
Susubo pa lang ako sa spoon ko nang may mag-ring na call. Tinignan ko si Liam.
"Yes po, Sir? Hmmm, sige po." Binaba na niya 'yong tawag at malungkot na tumingin sa 'kin. "10 minutes lang. Babalik din ako kaagad," aniya.
I rolled my eyes. "Fine."
Tumakbo siya na naging dahilan ng pagkabagsak sa isang upuan. Agad naman siyang tinulungan no'ng isang lalaki na dumaan. "Salamat, bro," tapik nito sa balikat.
Nanliit ang mata ko at nag zoom-in ang tingin doon sa lalaking tumulong kay Liam. Naka-side view lang siya pero ang lakas maka-sex appeal. Matangkad, kayumanggi, at straight body ang kilos. Para bang siya model o nagta-trabaho sa isang army dahil sa tindig ng pangangatawan.
Umupo siya sa kabilang table sa tapat ko kaya saktong nagtama ang mata namin na agad ding natakpan dahil sa dalawang babaeng humarang. Katulad dati ay lapitin pa rin siya ng kung sino-sino. I was wondering kung sikat ba siya o sadyang nakaka-love at first sight lang siya sa marami.
"Hi, I'm Tina and this Jess. Mukhang bago ka lang dito kasi ngayon lang namin nakita 'yong mukha mo. By the way, puwede bang maki-upo?"
Hindi pa nakakapagsalita si stranger guy ay may isang bakla na naman na lumapit.
"Uyy, anong ginagawa ninyo? Isumbong kita sa boyfriend mo. Lahat na lang ng gwapo gusto mong landiin."
"Friend lang naman. Ano bang big deal doon?" Nagtawanan lamang sila.
Tumayo na ako at taas noo na lumakad papunta sa pwesto nila. Napatingin silang lahat sa 'kin, at 'yong tawanan ay biglang naglaho.
"Ma'am Ona!" sigaw no'ng bakla.
"Good afternoon po!" sabay-sabay nilang bati.
I rolled my eyes. "Kunin ninyo 'yong food ko roon at dalhin dito," utos ko habang nakaturo ang isang kamay sa kabilang table.
"Eh? Okay po!" Agad namang umalis 'yong tatlong linta. Tinignan ko 'yong lalaking nasa harapan ko ngayon na naka-sout ng black coat. Obvious na isa siya sa staff namin, pero wala siyang ID kaya hindi ko masabi kung anong department siya. Pero siguradong hindi naman siya security guard or janitor, hindi bagay sa itsura niya... overqualified kung sakali.
Umupo ako sa katabing upuan at tinignan ang hawak niyang sandwich. Halatang may diet lifestyle kaya napapanatili ang magandang katawan. Dapat lahat ng lalaki ganyan para magustuhan sila ng mga crush nila. Dapat talaga nag-iinvest sa katawan, kasi sobrang halaga niyan sa babae.
What the hell I'm thinking?
"Remember me? No'ng birthday ni Vanilyn," ngiti ko.
"Ma'am Gwen...it's my job to know you," puno ng respeto ang boses niya.
Napanganga ako. Job talaga? Omg!
Nilagay na no'ng dalawang girls 'yong foods sa gitna namin. "You may now go," sabi ko dahil dakilang istorbo lang naman sila. 'Yong mga mukha nila ay inawagan ng candy dahil lumukot 'to. Umalis din agad sila.
"So, in-order ko 'to para sa 'tin. And let's have a little chit-chat," offer ko.
Tinignan lamang niya 'yong food. Mabuti na lang 'di pa namin 'to nagagalaw ni Liam kaya presentable tignan. "I have three question before we start." Itatanong ko lang sa kanya 'yong three mandatory questions ko. Kahit naman type na type ko siya ay kailangan ko pa rin mag-ingat.
Kumunot ang noo niya. "Start saan?"
"Before we start our friendship---"
"Hindi po ako nakikipag-kaibigan sayo, Ma'am."
"Pero gusto kong makipagkaibigan," sabay nguso ko. Please charm, umepekto ka sa lalaking 'to. Walang tumatatanggi sa ganda ko, noh.
Umiling siya at inurong palayo ang plato. Hindi man siya magsalita ay alam ko na nag ibig niyang iparating. Ayaw niya makipag-kaibigan sa 'kin. Ni-reject niya ang offer ko! Nakaramdam ako ng kaunting kahiyaan pero ayoko naman ipahalata. "Do you know who I'm here?" medyo tumaas na ang boses ko. Para makilala niya kung sino ang boss.
"Kakamatay lang po ng tatay mo no'ng nakaraang linggo," aniya.
"At sino ang tatay ko?" taas kilay ko.
"Ang former CEO ng kompanya na 'to."
"Exactly!" Pinatong ko ang siko sa lamesa at humalumbaba. "Amo mo ako, kaya lahat ng empleyado ay dapat kong kilalanin at kaibiganin. Kaya hindi mo ako puwedeng i-reject. Okay?" ngiti ko na may kasamang twinkle eyes. 'Yan ginamit ko na ang level 2 ng charms ko. Level 1 ay kapag ngumuso ako, level 3 kapag kumurap-kurap na. Tignan lang natin kung 'di tumalab.
"Mukhang hindi ka po namatayan ng magulang, Ma'am. Wala sa mga kinikilos mo. Hindi ko makita na malungkot ka," aniya. Kumunot ang noo ko. "Ginagamit mo po ang kapangyarihan mo sa maling paraan."
Napanganga ako. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na 'yan, pero sisiguraduhin kong last day na niya rito. I give up. Oo gwapo siya, pero hindi ko trip attitude niya. Piling niya superior siya sa 'kin, kitang kami nga nagpapasuweldo sa pamilya niya. "Ano bang pangalan mo na ma-banned ka?" ngisi ko.
"And you flirt with other guys...kahit may boyfriend kana. Siguradong hindi matutuwa ang Daddy mo dahil sa mga pinaggagawa mo, Ma'am."
"Oh, really? Ako nagfi-flirt? Ha-ha-ha," sarcasm ko. Akala 'ata niya nilalandi ko siya. Dakilang assumero naman pala. "Akin na ID mo."
Kinuha niya 'yong isang plato at sinimulan kainin. Loading nang ilang sekundo ang utak ko. Akala ko ba ayaw niyang kainin 'yong food? Bakit bigla 'ata nagbago ang ihip ng hangin? Oh, baka naman nagsisisi na siya at gusto na makipagkaibigan sa takot na mawalan ng trabaho.
"Ona, nasa'n na 'yong order ko?" Sabay sulpot ni Liam sa gilid ko.
Napalunok ako ng ilang beses bago sumagot. "Mag-order ka na lang ulit, lumamig na kaya binigay ko sa iba." Ano ba kasing ginagawa niya rito? Akala ko ba may kausap siya sa cell phone.
"Gano'n ba. Ah, sino pala 'yong kasama mo?" tukoy niya kay stranger man.
Wrong timing kainis.
Pinunasan ni stranger guy ang bibig niya gamit ang tissue. "Boyfriend niya ako. Ikaw ba?"
Lumaki ang dalawang mata ko. Boyfriend ko siya? Teka, nabingi 'ata ako.
"Boyfriend? Paanong? Ah---ka-department niya ako. Liam Sand pala." Nilahad nito ang kamay niya na tinignan lang naman ni stranger guy.
Tumayo siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "Kung gano'n huwag kang magyayang kumain sa taong may boyfriend na. Toxic kasi sa relasyon 'yon."
Namilog ang eyeball ko. Seriously? Piling ko ay lumulutang ako sa ere at sumasayaw sa saya. Damn. Nababaliw na ako!
"Sorry. H-hindi ko alam," paumanhin ni Liam.
Nakauwang lamang ang bibig ko at 'di ko man lang namalayan na umalis na siya at iniwan akong paralisado. Masyado na 'ata akong baliw. Hindi na ako makakibo. Dapat magalit ako dahil sa mga pinagsasabi niya sa 'kin at panghuhusga. Pero t*ngina ang cool tignan! Iba talaga ang dating kapag isang hot guy na nagpakilala as boyfriend mo. Para bang nanonood lang ng teleserye.
Wait, ano bang name ng boyfriend ko?
Compartir el libro a
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Último capítulo
String of Marriage Kabanata 18
Mysterious DITO kami nagkita ni Liam sa bahay para less gastos at walang media na makasunod sa akin.
String of Marriage Kabanata 17
Industrial Espionage Nandito kami ngayon sa isang chapel home na may 20ft na taas at 75square meter. Gold ang naka-engrave sa pader at may mataas na kulay pulang kurtina ang nakasabit sa bawat silid. Mayroon din fountai
String of Marriage Kabanata 16
Kissed Pagkalabas ni Sandro sa pintuan ay agad ko 'tong ni-lock. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumingin sa likod kung sa'n umaakyat si Seth sa railings ng balcony. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa niya, paano kung bi
String of Marriage Kabanata 15
Unconditional love "MA'AM, pinapatanong po ni Seth kung nasa'n ka?" sabi ni Ugi habang nagda-drive.
String of Marriage Kabanata 14
Last Will and Testament KA-VIDEO call ko si Vanilyn. Na sa airport siya at mamaya na 'yong flight nila pauwi ng Pilipinas.
String of Marriage Kabanata 13
The Battle of Presentation NAKASUOT ako ng long sleeve see through polka dots at puting bra. Kitang-kita ang katawan ko at para lang naka bra dahil nga transparent ang long sleeve
