loading
Home/ All /String of Marriage /Kabanata 1

Kabanata 1

Author: C.K
"publish date: " 2020-08-12 09:26:06

Future Teller

ISANG matandang babae na kasing edaran lang ni grandfather ang bisita namin ngayon. Ang kulay gray niyang buhok ay may haba na hanggang tenga. Naka-sout siya ng turtleneck sweater na may white blazer. Sophisticated siyang kumilos at 'yong mata niya ay parang isang striktong teacher. May magara siyang limousine at mga bodyguard. Ang pagkakarinig ko ay nanggaling pa sila sa Europe. Pero pure pilipino ang matandang 'to kaya puweng-puwede magtagalog.

"Ito si Maximo ang bunso ko," pakilala ni Dad sa kapatid ko na naglalaro ng robot sa lapag. "At 'to naman si Onalisa ang aking panganay," sabay yakap sa 'kin. Tumingin siya sa 'kin at biglang tumaas ang balahibo ko. May multo 'atang dumaan? I want to cry na.

Sunod naman na nagsalita ay si Tito Sibal na kapatid ni Daddy. Pinakilala niya ang kambal niya na may parehong kulay na damit na black and yellow. "Allesandra and Jonas my seven years old twin."

Pinaalis muna kaming apat na magpi-pinsan dahil may pribado daw silang pag-uusapan. Pero bago ko masarado ang pinto ay may narinig ako... 

"Musmos ka pa lang nakita ko na ang red string sa pagitan ninyo ni Susane. Hindi mo na dapat sinubukang magmahal ng iba, nagbunga tuloy kayo na hindi dapat." Sabi ni matandang babae kay Daddy. 

"Ang taong iibigin at mamahalin mo ng lubos ay nasa pagpa-pasya mo. Pero mapapakasalan mo lang ang itinadhana sa'yo. Hindi mo dapat kinalaban ang tadhana dahil ikaw lang din ang mahihirapan."

Umalis na ako habang gulong-gulo sa narinig ko. Kaya siguro hindi puwedeng magsama ang bata at matanda kapag may seryosong pag-uusap dahil mahihirapan silang magkaintindihan. Tulad ngayon, kahit anong pukpok ko sa ulo ko ay wala pa rin lumalabas.

"Ate, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Maximo habang may hawak na bagong laruan. Nandito kami sa playground . Umupo ako sa duyan at ini-swing paitaas ang sarili habang naka-angat ang mga paa ko. 

                                                                              ***

MAKALIPAS ang ilang oras ay nasa small room sina grandfather at yung matandang babae. at isa-isa kaming pinapapasok doon na hindi kasama ang magulang. Kakalabas lang ni Jonas at sunod na pumasok si Maximo. 

Hindi naman 'to yung pila sa dentist, ewan ko ba bakit ako kinakabahan. 

"Anak, anong sabi?" salubong ni Tito Sibal kay Jonas. "Sino ang nakita sa'yo?"

May binulong si Jonas kaya hindi ko na narinig. Pero hindi naging maganda ang reaksyon ni Tito Sibal. Para silang nakatanggap ng masamang balita. 

"Daddy, sino po ba yung visitor natin? Bakit parang hilig niya magpa-iyak ng tao," nguso ko. 

"Siya si Lola Lou Wisesun." Tumango ako kahit 'di ko naman na-gets, para kasing nabulol. "At hindi siya nagpapa-iyak, baby," halakhak nito. 

"Ano pong meron sa kanya bakit isa-isa kaming kakausapin? Wala naman po kaming ginawang masama," inosente kong pagkatanong. 

"Meron siyang third vision. May kakayahan siyang makita ang red string ng isang tao." 

"Red string?" 

"Lahat tayo ay may invisible string sa daliri." Hinawakan niya ang isa kong hintuturo. "Nakatali ang red string mo rito. At yung kabilang tali nito ay naka-konekta sa taong mapapangasawa mo balang araw." 

"Dad, paano makikita 'yong red string natin?" 

"May gift si Lola Lou na makita ang red string ng kahit sino. Kaya niyang malaman ang buong pangalan ng mapapangasawa mo at taon kung kailan kayo maikakasal."

Kasal? Iyon ba yung madalas na ending story ng mga disney movie? Mukhang masaya ngang ikasal. Kasi magsosout ka ng white gown tapos may giant cake at sasakay ka rin sa white horse na gawa sa kalabasa. Nakakaexcite nga 'yon!

Sino kaya ang ka-red string ko? 

"'Di ba makikilala ko rin naman balang araw 'yong prince charming ko, bakit kailangan pa magpahula kay Lola Lou?" 

"Dahil ito ang gustong mangyari ni Chairman. Batayan niya ang red string kung kaninong pamilya mapupunta ang malaking parte ng kayamanan. At ako naman, aalamin ko para maihanda ko kayo ni Maximo." 

Lumabas na sa kwarto si Maximo, mukha siyang robot dahil walang emosyon ang mukha. Nilapitan naman kaagad siya ni Tita Susane ang step mother ko, and true mommy niya. 

"Anong sabi sayo?" tanong ni Tita Susane habang nakaluhod para magka-height lang sila ni Maximo.  

"She is my crush, Mommy," mabilis na pumula ang pisngi nito. Wait, parehas naman kaming eight years old... 'di ba bawal pa magka-crush ng gano'n? Sa edad kasi namin dapat ay toys or pets lang daw muna ang maging crush. Kaya loyal lang ako kay Ken, name no'ng barbie ko.

"Nalaman mo ba kung anong trabaho ng magulang niya?"

Kumunot ang noo ko. 

"Parents po niya ang nagmamay-ari ng school namin ni Ate Ona! Kaya lagi ko siyang nakikita!" 

Naging bilog ang mga mata ni Tita Susane at binuhat ang anak sa sobrang saya. Lumapit na rin si Daddy at sabay nilang in-interview si Maximo. Lahat sila ay halatang masaya. Ano kaya magiging reaction nila kapag ako naman nagkuwento?  

Ako naman ang next na pumasok. Nalungkot ako kasi walang toys sa paligid. Kulay red ang pintura na may design ng iba't ibang shapes. At pangpatulog naman 'yong kulay ng ilaw, at amoy coffee rin ang paligid. Ang boring ng paligid, hindi mag-eenjoy ang mga bata rito. 

Umupo ako sa tabi ni Lolo at umakbay naman kaagad siya sa 'kin. Tumingala ako at tinitigan ang mahabang balbas niya na parang kay Santa Claus, nilaro ko ito at nilagay sa tuktok ng buhok ko.

"Grandfather, para kang si Santa Claus." Humalakhak lamang siya. Parehas sila ni Daddy, mabilis tumawa. 

"What can you see Lou? I'm expecting more from her dahil siya lang naman ang kamukha ni Christopher. Nakakuha rin siya ng highest rank sa buong batch school nila!" exaggerated ni grandfather. 

Lumapit sa 'kin si Lola Lou Wisesun at hinawakan niya ang magkabilaang kamay ko at marahan itong pinisil-pisil. "Ano nararamadaman mo ngayon, hija?" 

"Ang init po."

Ngumiti siya. "Tumitig ka lang sa mata ko. Huwag mo munang tignan ang Lolo mo. Maglalakbay lang ako sa future mo, okay?"

Ayoko...

"Hayaan mo akong pumasok, Ona. Huwag pigilan ang sarili mo." 

Nakakakilabot ang pag titig niya, parang manika. Magkaiba rin ang kulay ng mga mata niya, isang brown at isang gray. Satingin ko yung gray eyes niya yung ginagamit niya para makakita ng invisible string. 

"Tumitig ka lang sa mata ko, at huwag mong aalisin 'yon hanggang hindi ko sinasabi," malamig niyang sabi.

Tumango ako. Malamig ang boses niya pero mainit ang mga titig niya. Para akong dinadala sa ibang dimension dahil may kakaiba akong nararamdaman. Baka naman sa isip ko lang 'to? Or epekto ng scented oil sa paligid namin? Kung wala lang dito si Lolo ay tatakbo na ako. Ayoko na talaga makita si Lola Lou! 

"Sa edad na twenty-three years old ay ikakasal kana. Malaki ang posibilidad na hindi ka na magka-anak, dahil isa sainyo ang may ayaw. Pero kung ipipilit, may mapapahamak." 

Huh?

"Sorry Alfonso, pero hindi 'to maganda." Binitawan na ni Lola Lou ang kamay ko at tumingin na kay grandfather. "Isang farmer ang makakatuluyan niya."

Anong pinagsasabi nito?

"Baka naman may ari ng hacienda?" 

Malungkot na umiling si Lola. 

"Lima silang magkakapatid at lahat ng 'to ay nagtatanim ng palay. Walang nag-aaral sa kanila dahil hindi naniniwala roon ang kanilang magulang. Province of Sinan ang lugar nila. Ang pangalan ng mapapangasawa ni Onalisa ay si—"

Tumayo si Lolo kaya bigla akong nahulog sa kinauupuan ko. "Stop it!"

Napanguso ako. Hindi 'ata napansin ni Lolo na nasa lapag na ako.

"May mabubuong galit sayo ang batang 'yon. Magiging sanhi ng pagka-bankrupt ng business mo. At magbubunyag lahat ng sekretong nagawa mo noon. That farmer boy will be your greatest threat." Nakayukong sabi ni Lola Lou "Kailangan maagapan 'to, kundi ikakabagsak mo 'to." 

Tinignan ako ng masama ni Lolo gamit ang mala-monster niyang mukha. Nakakatakot, kamukha niya yung prince charming sa Beauty and the Beast.  Para niya akong papatayin. Hindi ko aakalain na mas nakakatakot pala siyang tumitig kaysa kay Lola Lou. Bakit nakakatakot lahat ng matatanda? "Lumabas kana," diin nito. 

"Pero, Lolo..." nagsimula na akong umiyak. "Ayoko po lumabas, please..." 

"Onalisa, out!" Pagkasigaw niya ay agad na pumasok ang isang bodyguard at hinawakan ako nito sa kamay papalabas. 

"Sino ang farmer na 'yon?" tanong ni Grandfather kay Lola Lou. 

Bago ko pa marinig ang pangalan ay nasaraduhan na ako ng pintuan. 

End of flashback

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

String of Marriage    Kabanata 18

Mysterious DITO kami nagkita ni Liam sa bahay para less gastos at walang media na makasunod sa akin.

String of Marriage    Kabanata 17

Industrial Espionage Nandito kami ngayon sa isang chapel home na may 20ft na taas at 75square meter. Gold ang naka-engrave sa pader at may mataas na kulay pulang kurtina ang nakasabit sa bawat silid. Mayroon din fountai

String of Marriage    Kabanata 16

Kissed Pagkalabas ni Sandro sa pintuan ay agad ko 'tong ni-lock. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumingin sa likod kung sa'n umaakyat si Seth sa railings ng balcony. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa niya, paano kung bi

String of Marriage    Kabanata 15

Unconditional love "MA'AM, pinapatanong po ni Seth kung nasa'n ka?" sabi ni Ugi habang nagda-drive.

String of Marriage    Kabanata 14

Last Will and Testament KA-VIDEO call ko si Vanilyn. Na sa airport siya at mamaya na 'yong flight nila pauwi ng Pilipinas.

String of Marriage    Kabanata 13

The Battle of Presentation NAKASUOT ako ng long sleeve see through polka dots at puting bra. Kitang-kita ang katawan ko at para lang naka bra dahil nga transparent ang long sleeve

String of Marriage    Kabanata 12

Vanilyn Oca

String of Marriage    Kabanata 11

Truth

String of Marriage    Kabanata 10

String of Marriage    Kabanata 9

Review

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy