Download the book for free

Chapter 1
Simula
IBA-IBA naman ang itsura ng mga tao pero bakit iisa lang ang tingin ko sa kanila? Lahat sila ay parang nagpipigil ng tae. It's funny how I look them, but they are all weak. Weak on papers.
"Ten minutes left and you will passed your papers now!" sigaw ng prof namin. Dahil sa reminder na 'yon ay may mga lumabas na para mag CR.
Hanggang one hundred fifty questionnaire ang sasagutan namin. Maraming almost tapos, pero ako simulang maupo ay hindi ko man lang kinuha ang ballpen sa bag ko. Para saan pa kung hindi pa naman ako magsasagot. Ayoko kasing nasasayang ang pagod ko.
Tinaasan ko ng kilay yung katabi ko nang tumingin siya sa walang sulat kong papel ko. "Onalisa, mangopya ka na lang," aniya. Akala mo tuloy siya 'yong babagsak kapag hindi ako nakasagot. "Midterm exam 'to. Hindi puwedeng maka-zero ka." Bumaba ang tingin ko sa test paper niya na puno ng burado. Nagpapatawa ba siya?
Mabilis kong nilipat ang gawi ko sa blackboard. Bakit ba niya ako binibigyan ng sagot? Tiyak naman na mas mataas pa ang makukuha kong marka kapag nanghula kaysa mangopya. Hindi naman sa nangmamaliit ako, huh, pero pasok siya sa 'top 10 list ng mga bobo' kaya never akong hihingi ng tulong sa katulad niya.
Tumayo na ako at lumapit sa prof namin. "Toilet," one word but it has a sentence...well, if you're smart enough to understand it.
Hahakbang pa lang ako palabas ng harangin ako ng prof namin. Nakaramdam ako ng kaba ng mga ilang sekundo. Akala ko hindi na niya ako papalabasin. "After this exam can I talk to you regarding sa charity na ina-attenand ninyo?"
Nakahinga ako nang malalim. "Sure."
Marami pa siyang chinika about sa charity chuchu na 'yan. At talagang pinagpawisan ang noo ko dahil akala ko uubusin nito ang natitira kong minuto para makapag-sagot sa examination ko.
"Oo nga pala, sige mag CR kana at bilisan mo. Five minutes na lang pasahan na," pakikipagbiruan ni prof. Pilit na ngumiti ako. Ang sarap manapak.
Lumihis na ako ng lakad palabas ng classroom. Tumingin muna ako sa likuran ko bago tumakbo papunta sa locker area. Natataranta kong sinusian ang padlock ng locker ko. Kinuha ko ang isang pilas ng papel at minemorize lahat ng nakasulat doon within 60 seconds.
"A,A,C,B,B,B,E,D,A,A..." habang sinasarado ko yung locker ko ay kinakausap ko yung sarili ko. Lumalakad na ako pabalik ng room habang bumubuka ang bibig ko. Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan pero wala akong pakielam dahil grado ko ang nakasalalay dito.
Shit, ilang minutes na lang!
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtakbo ko pabalik ng classroom nang pumreno ang dalawa kong binti kaya muntikang masubsob ang aking mukha dahil sa pagka out-of-balance. Bumalik ulit ako sa locker area at sinabunutan ang buhok ko.
It's fucking 'C' and the next number was letter 'A' I memorize it again, for another 60 seconds!
Kailangan kasi perfect ang kalabasan ng exam ko, or else—ahh!
***
"ONALISA Gwen, got a perfect score!" Nagpalakpakan silang lahat. "And because of that you're exempted in my class for one week. Congratulations, darling!"
Yes, this is the reason kaya gusto kong maka-perfect score. Kaya naman humingi ako ng tulong sa SSG president namin para maka-perfect score. And hindi naman ako nabigo. Nauna kasi silang nag-exam kaya binigay niya sa 'kin 'yong sagot niya at 'yong error sa test paper niya ay inaral niya. Kaya naka perfect score ako!
"Paano mo nagawa 'yon?" tanong sa 'kin no'ng katabi ko. Siya yung nag-offer sa 'kin na mangopya. "Wala ka naman kasagot-sagot 'nong nag-exam tayo, 'di ba?"
Tumayo na lamang ako at lumabas na. Saktong tapos na rin ang klase namin. And it's time to go in bar. Excited na akong sumayaw sa disco!
"Hey!" Humarang si classmate sa dadaanan ko. "Puwede ba kita maging kaibigan?" diretsyahang tanong niya. "Ang tahimik mo kasi. Mukhang wala ka kasing ginagawa, pero sa totoo ang dami mong nagagawa."
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. May itsura naman siya dahil kaya kong tumititig sa kanya na hindi nauumay. At mukha naman siya 'yong tipong taong masasama ko kapag may galaan. Puwede rin ko siya yayain pumunta sa bar ngayon. Hmmm... lets see. "I have three questions if you're qualified to be my friend." Nag-cross arms ako.
"Ano 'yon?"
Nagsimula na akong humakbang at sinundan naman niya ako. Tuwid ang tingin ko sa nilalakaran, samantala siya ay nakatabingi ang ulo kakatitig sa 'kin. May nabunggo na nga siya at 'di man lang nagawang mag-sorry.
"How wealthy is your family?" my first question.
Biglang umiba ang ekspression ng mukha niya parang na-dissapoint. "They lived in Canada. We have businesses there like coffee shop and bakery—" I trailed off.
"How wealthy you are?" my second question.
"I have my two cars. And my own condo. And I get fifty thousand pesos a month. Actually we're not really rich like you. I'm just in the middle class. Pero kaya ko naman makipagsabayan sa mga outing mo."
"How wealthy you're if you don't get money from your parents?" my last question. Tumigil siya sa paglakad kaya tumigil din ako at tumingin sa kanya gamit ang mapaglarong ngiti ko.
"Istudyante pa lang tayo. Wala pa akong trabaho."
"Then, I don't want you to be my friend." Nagsimula na akong maglakad nang harangin niya ang daanan ko.
"Why you're so heartless. Ganyan ka ba talaga kasakim sa pera?"
Kumunot ang noo ko.
Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat at hinatak niya ang katawan ko palapit sa kanya. Para akong suman sa pagka-ipit na ginagawa niya sa 'kin. Isang kurap lang ng mga mata ko ay napaligaran na kami kaagad ng dalawang bodyguard. They are always five meters away from me, but whenever I got a threat ay bigla silang lilitaw.
"Bitawan mo ako kung ayaw mong kaladkarin ka nila palayo!"
Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang bodyguard ko at sa 'kin. Binitawan rin niya ako at nag-isang hakbang patalikod. Pero halatang hindi pa rin siya sumusuko dahil sa mga mata niyang lumalaban. "Hindi porket isa kayo sa pinaka mayaman sa buong Pilipinas e hindi na kayo puwedeng makisalamuha sa katulad namin. Pare-parehas lang naman tayong tao. Huwag mong gawing santo ang sarili mo."
Lalong dumami ang mga tao sa paligid namin. Kanya-kanya silang bulungan at may ibang naglabas ng camera. Walang araw na hindi ako napapasabak sa skandalo. Lagi akong hot topic. Hindi ko sila masisisi, dahil bukod sa pasok sa standard ng mga pilipino ang itsura ko, ay nagmula rin ako sa kilalang pamilya. Kaya halos lahat ay nangangarap na maging parte ng circle of friends ko.
"Bakit lahat ng gustong makipagkaibigan sayo ay mandatory na sagutin ang three questions mo?"
"It's none of your business," tipid ko.
"Kapag hindi mo sinabi ang totoo ay ipapakita ko 'to sa principal office." Itinaas niya ang hawak niyang papel. Nanliit ang mga mata ko nang ma-realize kung ano 'yon. "Nakalagay 'to sa locker mo. At hand-written ni SSG President. Ito ang dahilan kaya ka naka-perfect score, 'di ba?" bulong niya. "Then tell me... why... you... asked... me... that... three... fucking... questions?" paputol-putol niyang sabi.
"How much do you want?" Hinawakan ko ang kanyang kamay at unti-unti kinukuha ang papel. "I can pay you..." ngiti ko.
"Ikakamatay mo ba kapag nakipag-kaibigan ka sa katulad namin?"
Nagsi-taasan ang mga balahibo ko.
Paanong...
"May allergy kaba sa mga mahihirap? May masama kabang nakaraan? Did your parents warned you?"
Napapikit lamang ako at pinakiramdaman ang pagbagsak ng luha sa 'king nga mata.
Latest chapter
String of Marriage Kabanata 18
Mysterious DITO kami nagkita ni Liam sa bahay para less gastos at walang media na makasunod sa akin.
Last Updated : 2020-10-18
String of Marriage Kabanata 17
Industrial Espionage Nandito kami ngayon sa isang chapel home na may 20ft na taas at 75square meter. Gold ang naka-engrave sa pader at may mataas na kulay pulang kurtina ang nakasabit sa bawat silid. Mayroon din fountai
Last Updated : 2020-10-18
String of Marriage Kabanata 16
Kissed Pagkalabas ni Sandro sa pintuan ay agad ko 'tong ni-lock. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumingin sa likod kung sa'n umaakyat si Seth sa railings ng balcony. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa niya, paano kung bi
Last Updated : 2020-10-11
String of Marriage Kabanata 15
Unconditional love "MA'AM, pinapatanong po ni Seth kung nasa'n ka?" sabi ni Ugi habang nagda-drive.
Last Updated : 2020-10-11
String of Marriage Kabanata 14
Last Will a
String of Marriage Kabanata 13
The Battle
String of Marriage Kabanata 12
Vanilyn Oca
String of Marriage Kabanata 11
Truth
Reviews

Chapters
Read
Download
To Readers
Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2 FEI
