loading
Home/ All /In Another Life/CHAPTER 5

CHAPTER 5

Author: Jelai
"publish date: " 2020-08-16 21:29:30

CHAPTER 5

Quinn

Dala na rin siguro ng sobrang pagod sa byahe ay mabilis akong nakatulog kagabi. For the meantime, sa kwarto muna ako ni Kuya Rehan matutulog dahil under renovation pa ʻyung kwarto na para talaga sa akin. Marami kasi akong gustong ipabago. Masyadong plain naman kasi! Ang boring sa paningin!

It’s already lunch ng bumangon ako. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko. Ang plano ko sana sa hapon na ito ay libutin ang En Fuego. Ano kayang magagandang tanawin ang mayroon dito?

Pagkadating ko sa dining area ay may narinig ako ng boses ng isang babae. Ang ingay! Ang lakas tumawa ah!

“Hi!” Bati sa akin nang isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Maganda siya, maputi at halatang nagmula rin sa isang mayamang pamilya. Maiksi ang kaniyang buhok na aabot lang hanggang balikat, medyo may katangkaran siya na sa tingin ko ay nasa 5’7”. Maganda talaga siya kahit simpleng white tshirt at pants lang ang soot niya.

Edi siya na ang maganda. Mas maganda naman ako at sexy kaysa sa kaniya noh. Psh duh! Si Quinn kaya ʻto!

“Sino ka?” Diretsahang tanong ko. Aba malay ko ba kung sino ʻto! Bigla na lang susulpot sa harapan ko.

She chuckled, namula ang pisngi niya na parang nahihiya. “I’m Zaire.” Inabot niya ang kaniyang kamay sa akin at kahit napipilitan ay inabot ko iyon para makipagshake hands.

“And I’m―”

“You’re Quinn. I know you.” Nakangiting aniya at parang kumikislap pa ang mga mata.

Ngumisi ako at nagkibit balikat. Akalain mo nga naman talaga oh. Hanggang dito ba naman ay sikat ako? I wonder may fans club din kaya ako dito? Sa Manila kasi may Quinnatics eh but mas marami yata ang haters ko karamihan sa mga iyon ay mga brineak ng boyfriend dahil sa akin o di kaya naman ay isa sila sa mga nasabunutan at naupakan ko noon.

“Sorry ha. I am just checking on you. Dapat kasi si Kuya talaga ang nandito kasi siya naman ang inutusan ni Riggs kaso ayun, tinopak at ako na lang ang inutusan pumunta rito.”

Ang daldal naman ng babaitang ito.

Nilampasan ko siya. Umupo ako at nagsimula ng kumain. Gutom na gutom na ako eh.

“Yung mga Kuya mo na si Riggs at Rehan ay friend ng Kuya Zyair ko tapos mayroon pa rin silang dalawang kaibigan na si Cree at Kalen.”

Ang sarap naman nitong caldereta. Sino kayang nagluto nito? Naku! Namimiss ko tuloy si Manang Fe. Favorite ko ang kalderetang baka ʻnun eh tsaka ʻyung bulalo. Hay nako, kwalipaks talaga mga sis!

“Matagal na silang magkakaibigan eh. Noon mga bata pa kami, madalas magbakasyon dito sina Riggs at Rehan. Tapos mas lalo pa silang tumibay noong nagcollege na dahil dito na nag aral ang mga kapatid mo.”

Para tuloy gusto ko ng bumalik ng Manila dahil namimiss ko na mga luto ni Manang Fe. Bumalik na lang kaya ako? Mukha namang mas boring ang buhay sa probinsyang ito? Nah! Titiisin ko na lang. Mas okay na dito kaysa doon sa mansion kung nasaan ang ungas kong tatay at ang hunghang niyang soon to be wife!

“Kung sumasama ka kina Riggs noon tuwing bakasyon edi sana friends na din tayo.”

Natigilan ako sa pagkain at kunot noong nilingon si Zaire na nakahalumbaba sa harapan ko at pinapanood akong kumain.

Luh! Kanina pa ba siya dyan?

“Anong sabi mo?” Tanong ko. Hindi ko talaga siya naintindihan promise. Nawala siya sa isip ko dahil sa calderetang ito.

Ngumiti siya, “Ang sabi ko kung sumasama ka lang kina Riggs at Rehan noon edi sana friends na rin tayo.”

Awang ang labi kong tumitig sa kaniya. Tang ina, seryoso ba siya? Friends? Friends na sana kami? Oh well, sorry siya dahil hindi na ako interesado makipagkaibigan kahit kanino.

Sarkastiko akong ngumiti at hindi na lang nagsalita.

Friends huh? Friend ka lang kapag masaya. Friend ka lang kapag may kailangan sila. Friend ka lang kapag may pakinabang ka pero kapag ikaw na ang nangailangan ng tulong, kapag nasa kadiliman ang buhay mo at dumating sa pagkakataon na hindi ka masaya at wala ka ng pakinabang, iiwan ka na nila. Mga ungas! I’ve been there noh. Sobrang dami ko ng naging kaibigan pero lahat sila pare-pareho lang. Ang paniniwala ko nga noon ay mas madaming kaibigan, mas masaya. But no dahil ang totoo niyan, mas madaming kaibigan, mas magulo. At sobrang dami mong kaibigan, hindi mo na alam kung sino ang totoo. Ang sabi ni Mommy sa akin noon, kahit 100 pa ang friends ko, may isang tao lang na magsta-stay sa akin kapag nagkaroon ako ng problema pero mukha namang scam ʻyun eh. Kung totoo man ʻyun, bakit noong nagkaroon ako ng problema wala man lang nagstay sa akin? Tss.

May trust issues na ako pagdating sa pagkakaibigan.

“Maraming magagandang lugar dito sa En Fuego. Gusto mo samahan kita? Wala naman akong gagawin.”

Bumuntong hininga ako. Nakakainis naman! Para naman ʻtong aso na sunod na sunod.

Umiling ako habang hindi inaalis ang mga mata sa mga kotseng nakaparada dito sa malawak na grahe. Ano kayang gagamitin ko dito?

“Sige na, sasamahan kita. Baka kasi maligaw ka pa eh.” She laughed.

Ano bang akala niya sa akin, tanga? Pero nakaka-tempt iyong offer niya ah. Baka nga kasi maligaw ako eh malay ko ba sa pasikot sikot dito? Baka mamaya kung ano pang mangyari sa akin at mamatay pa ako.

Sayang naman ʻtong ganda na binigay sa akin ni Lord kung papanaw kaagad ako. Hindi lahat biniyayaan ni Lord ng ganitong klaseng ganda ha!

“Pumayag ka na Quinn. Mabait naman itong si Zaire.” Pangungumbinsi ni Momshie Linda.

Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pareho silang may nakaplaster na ngiti sa kanilang labi. I heaved a sigh at pumasok na sa driver’s seat ng Wrangler.

“Tara na.”

Suminghap si Zaire at pumalakpak sa tuwa. “Yes!” Sigaw niya at pumasok na sa front seat.

Napailing na lang ako at nagsimula ng magmaneho palabas ng mansion. Sana huwag ko lang pagsisihan na sinama ko ang babaeng ito. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan so why―oh no! Ayaw ko ngang makipagfriends! Hindi rin naman ako magtatagal dito eh.

I sighed.

Fine! Kapag natuwa ako sa babaeng ito, kakaibiganin ko siya pero I swear, last na talaga siya! 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

In Another Life   CHAPTER 13

CHAPTER 13Quinn “Memorize the vision, mission and quality policy of Gauni and recite it tomorrow. It will be recorded as your quiz. You may go home now.” Zyair announced before leaving the classroom. Kinuha ko ang aking bag at mabilis na sinundan si Zyair. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya tinakbo ang distansya namin. “Zyair!” I called him. Kunot noo niya naman akong nilingon. His face remain expressionless.

In Another Life   CHAPTER 12

CHAPTER 12Quinn “Enjoy your first day bebe.” Kuya Reh reminded me while driving. “Of course!” Kahit na ang totoo ay tinatamad ako at gusto kong matulog na lang maghapon. First day naman so maybe I can ditch the class later. “And please behave.” Kuya Riggs added, nakatingin siya sa akin mula sa rear mirror. Kanina ko pa rin napapansin na panay ang pagsusuklay ng kaniyang buhok gamit ang mga

In Another Life   CHAPTER 11

CHAPTER 11QuinnThe house was not that big, enough lang para sa aming dalawa ni Zai. Kompleto ang mga appliances at mukhang bago pa rin naman. Dalawang kwarto sa baba at sa taas naman ay tatlo. Mas pinili ko ang pinakadulo sa taas. Dating kwarto ni Kuya Reh. “Ako na ang bahala mag ayos ng mga gamit mo at sina Kalen naman ang maglilinis, Quinn. Samahan mo na lang si Kuya maggrocery. Pwede ba?” Awtomatiko akong napatingin kay Kalen na nagwa

In Another Life   CHAPTER 10

CHAPTER 10 QuinnI took up my dream course, which is BS Entrepreneurship habang si Zaire naman ay BS Business Administration. Same department kami but medyo magkalayo ang building.

In Another Life   CHAPTER 9

CHAPTER 9QuinnI pouted my lips, pinipigilan ang matawa sa kaniyang sinabi."Alam mo bang ka

In Another Life   CHAPTER 8

CHAPTER 8Quinn Can you believe it? I'm so stupid. Binigay ko ang first kiss ko sa isang gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita. I am mesmerized by his charms and looks. Hindi niya yat

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy