Baixe o livro gratuitamente
CHAPTER 6
Autor: JelaiCHAPTER 6
Quinn
EN FUEGO is breathtakingly beautiful. Sariwang hangin, malinis at kulay asul na asul ang dagat, halos malaglag ang panga ko nang dumaan kami sa man made forest at isa sa mga nagustuhan ko ay kahit gaano kadaming sasakyan ay wala man lang traffic. Idagdag pa iyong sobrang babait at approachable na mga taong pinapakilala sa akin ni Zaire.
Ang sarap ng buhay dito. Simple lang pero masaya unlike sa Manila, complicated na nga hindi pa masaya.
It’s already five in the afternoon, pabalik na kami sa mansion. Medyo pagod na rin kasi ako sa dami ng lugar na pinuntahan namin. Who would have thought na mayaman din pala itong si Zaire? Habang pauwi kami ay tinuro niya sa akin iyong mga business na pagmamay ari nila at isa na doon iyong napakalaking mall, mayroon din silang mga restaurants at iba pang businesses kagaya ng family namin. Nadaanan rin namin ang company building ng family niya na ang CEO na daw ay iyong kapatid niyang lalaki na friend nina Kuya Riggs na si―okay, ano nga ulit ang pangalan ʻnun? I forgot. Nevermind!
“Single ka ba?”
Kunot noo kong nilingon si Zaire na kinakalikot ang cellphone ko. Ano bang klaseng tanong ʻyun? Oh my gosh don’t tell me― “Zaire hindi tayo talo so if may gusto ka sa akin, sorry na lang.” Seryosong saad ko habang patuloy pa rin sa pagmamaneho. Alam kong maganda ako kaya hindi na ako magtataka kung pati babae ay mahuhumaling sa kagandahan ko.
Her lips parted at bahagya pang tumagilid sa gawi ko, “W-what?” She asked and laughed. Kung pwede nga lang sigurong gumulong kakatawa dito sa loob ng sasakyan ay malamang ginawa na niya.
Sumimangot ako. Sinasabi ko na nga bang mali ang isinama ko itong babaeng ito eh.
“Quinn grabe hindi ko ineexpect na may pagkaassuming ka rin pala!” At tumawa na naman siya ng napakalakas.
Humigpit ang hawak ko sa manibela at mas binilisan ang patakbo sa kotse. Tumigil siya sa pagtawa at kinakabahang humanap ng makakapitan. “Huy! Dahan dahan naman dyan sizmars! Papatayin mo ba ako? Tsaka lagot ka kay Rehan kapag nagasgasan itong precious car niya!”
Binagalan ko ang patakbo sa kotse. Madali lang naman ako kausap eh. Bakit ba kasi kailangang itanong pa ʻyun? Obvious naman na wala.
“So wala kang boyfriend.” Aniya.
“May sinabi ba akong wala?”
“So meron?”
“Wala.”
“Edi wala nga!”
“May sinabi ba akong wala?”
“Meron!”
“Yun naman pala―aray bakit mo ko hinampas!” Taenang babaeng ʻto! Kung makahampas sa braso ko ah! Di naman kami close!
Pinagkrus niya ang mga braso niya sa dibdib. “Ang gulo mo kasi! Gusto lang naman kitang ireto sa kuya Zyair ko!”
“Ano ka bugaw?” Nakangising tanong ko na mas lalo niyang ikinasimangot.
“Hindi noh! Ano ka ba, Quinn! Bagay kasi kayo! Gago siya, gaga ka. Oh diba? Maggaguhan kayo!” She laughed at umismid lang ako.
Grabe ngalay na ang braso ko! Inaantok na rin ako at gusto ko ng magpahinga.
“Bakit nga pala wala kang boyfriend, Quinn? Maganda ka naman.”
Oh, I know.
“Sexy ka naman.”
I know.
“So bakit nga wala?”
I rolled my eyes. Bakit ba ang kulit ng babaeng ito?
“Wala pa kasi akong nahahanap na papantay sa kagandahan ko.”
She snapped her fingers, “Ngayon meron na! Sumama ka sa akin mamayang gabi sa opening ng bar ni Kalen, ipapakilala ko sayo friends ng kuya mo!”
Kumislap ang mga mata ko nang marinig ang salitang bar, damn! I miss my night life! The last time na nagbar ako ay iyong dinala rin ako sa presinto dahil binugbog ko iyong lalaking nambastos sa akin. Ugh, at nasabi ko na ba sa inyo na sa halip ipagtanggol ako ng mga so-called-friends ko doon sa lalaki ay pinilit nila akong sumama at huwag na daw akong mag inarte. Nakakadissapoint right?
Mga ungas kasi sila.
“So silence means yes ha? Sasama ka sa akin at ipapakilala kita sa Kuya Zyair ko.” She giggled.
Tumango na lang ako. Kanina pa niya bini-build up sa akin iyang Kuya Zyair niya. Nacu-curious tuloy ako sa itsura nung lalaking iyon. Ang nai-imagine ko kasi ay isang matabang lalaki na may makapal at malaking salamin, ʻyung tipong nerd na weird? Gets niyo ba ako?
“Bakit ba nirereto mo ako dyan sa Kuya mo? Ilang taon na ba ʻyan?”
“Ah kasi… kasi hindi ko gusto ʻyung girlfriend niya… And he’s 23 years old and turning 24 sa December.”
“ANO?! MAY GIRLFRIEND NA PALA EH BAKIT NIRERETO MO PA SA AKIN?! HOY SALAMAT NA LANG, ZAIRE! AAMIN KONG MAHILIG AKO SA PARTY PERO KUNG GAGAWIN MO AKONG THIRD PARTY, HINDI AKO PAPAYAG!” Singhal ko at panaka-nakang sumusulyap sa kaniya. At jusko, 24 na? Eh parang kuya ko na lang din iyon eh! Eighteen pa lang kaya ako! Still young and fresh like gulay!
Malapit na kami sa mansion.
Ngumiwi siya at kinalikot ang kaniyang tenga, “My gosh! Ang ingay mo sismarz! Patapusin mo muna ako pwede ba?”
Mas lalo akong sumimangot.
“Ganito kasi ʻyan, hindi ko gusto ang ugali nang girlfriend niyang si Brittany. Palibhasa kasi only child kaya ayun, spoiled brat! Mabait naman siya noon kaso habang tumatagal, lumalabas na ang tunay niyang attitude. Napakademanding niya, gusto niya sa kaniya lang ang oras ni Kuya Zyair tapos sobrang clingy, parang linta! Ay basta, hindi ko trip ang ugali! Kanina nga, nakipagbreak siya kay Kuya pero alam kong hindi niya matitiis at babalik din siya. Ugggh! Araw araw akong nagdadasal na sana hiwalayan na ʻyun ni Kuya! Kahit ang parents namin, ayaw din kay Brittany eh!”
Ang daldal naman neto. Pakialam ko ba diyan? Lovelife ko nga hindi ko pinapakialaman, ʻyung sa Kuya niya pa kaya?
“Mamayang gabi ha! Pupunta tayo sa bar ni Kalen, huwag mong kakalimutan!” Excited na sabi niya, parang siyang bula na bigla na lang nawala at hindi na ako binigyan ng pagkakataong sumagot.
Bumuntong hininga na lang ako at dumiretso sa kwarto para magpahinga.
Siguro naman hindi pipitsuging bar ang pupuntahan namin diba? Huwag lang sana malaman ng mga kapatid ko dahil tiyak na malilintikan ako sa mga iyon.
Nang sumapit ang gabi ay sinundo nga ako ni Zaire. Nagshower ako at nag ayos. Medyo natagalan pa ako sa pagpili ng damit na susuotin. Konti lang kasi ang nadala ko at karamihan sa damit kong panggimik ay naiwan ko sa mansion sa Manila. So I ended up wearing a black dress above the knee at ine-emphasize nito ang kurba ng aking katawan. It was also slightly revealing dahil kita ang cleavage ko. Duh kapag malaki ang boobs, dapat ipagmalaki. Pinasadahan ko ng kamay ang mahaba at kulot kong buhok. Nag last look pa ako sa full length mirror, kinuha ko ang pouch ko at lumabas na ng kwarto.
“Ang tagal mo―wow! Ang ganda!” Zaire exclaimed. Awang ang labi niyang lumapit sa akin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumigil ang mga mata niya sa aking dibdib tapos sinulyapan ang kaniya. “Ang laki! Tunay ba ʻyan?” Bigla niyang dinakma iyon at gulat kong tinampal ang kamay niya.
“Don’t touch it! Para sa future husband ko ʻyan noh! And yes, it’s real. So let’s go?” I flipped my hair at nauna nang lumabas ng mansion.
I am dying to meet Zaire’s brother. And malay niyo diba? Siya na pala iyong lalaking papantay sa kagandahan ko. Kapag nagustuhan ko siya, ako na mismo ang maghahabol sa kaniya.
Well ʻyun ay kung magugustuhan ko siya. Choosy kaya ako.
Compartilhar o livro para
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Último capítulo
In Another Life CHAPTER 13
CHAPTER 13Quinn “Memorize the vision, mission and quality policy of Gauni and recite it tomorrow. It will be recorded as your quiz. You may go home now.” Zyair announced before leaving the classroom. Kinuha ko ang aking bag at mabilis na sinundan si Zyair. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya tinakbo ang distansya namin. “Zyair!” I called him. Kunot noo niya naman akong nilingon. His face remain expressionless.
In Another Life CHAPTER 12
CHAPTER 12Quinn “Enjoy your first day bebe.” Kuya Reh reminded me while driving. “Of course!” Kahit na ang totoo ay tinatamad ako at gusto kong matulog na lang maghapon. First day naman so maybe I can ditch the class later. “And please behave.” Kuya Riggs added, nakatingin siya sa akin mula sa rear mirror. Kanina ko pa rin napapansin na panay ang pagsusuklay ng kaniyang buhok gamit ang mga
In Another Life CHAPTER 11
CHAPTER 11QuinnThe house was not that big, enough lang para sa aming dalawa ni Zai. Kompleto ang mga appliances at mukhang bago pa rin naman. Dalawang kwarto sa baba at sa taas naman ay tatlo. Mas pinili ko ang pinakadulo sa taas. Dating kwarto ni Kuya Reh. “Ako na ang bahala mag ayos ng mga gamit mo at sina Kalen naman ang maglilinis, Quinn. Samahan mo na lang si Kuya maggrocery. Pwede ba?” Awtomatiko akong napatingin kay Kalen na nagwa
In Another Life CHAPTER 10
CHAPTER 10 QuinnI took up my dream course, which is BS Entrepreneurship habang si Zaire naman ay BS Business Administration. Same department kami but medyo magkalayo ang building.
In Another Life CHAPTER 9
CHAPTER 9QuinnI pouted my lips, pinipigilan ang matawa sa kaniyang sinabi."Alam mo bang ka
In Another Life CHAPTER 8
CHAPTER 8Quinn Can you believe it? I'm so stupid. Binigay ko ang first kiss ko sa isang gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita. I am mesmerized by his charms and looks. Hindi niya yat
