Download the book for free
CHAPTER 9
Author: JelaiCHAPTER 9
Quinn
I pouted my lips, pinipigilan ang matawa sa kaniyang sinabi.
"Alam mo bang kapag sinusungitan mo 'ko ay mas lalo lamang kitang nagugustuhan?"
He did not speak. Parang wala siyang narinig at pinagpatuloy lamang ang pagmamaneho. Nakangisi naman akong umiling at tumingin na lang sa bintana.
Ano bang dapat kong gawin upang mapansin ako ni Zyair? Sa dinami-rami ng mga lalaking nakilala ko ay sa kaniya lang ako naging interesado ng ganito. If he thinks that I am just fooling around with him, well he is wrong. I am so damn serious when I told him that I like him.
I smirked and shooked my head.
I will do everything just to make him mine.
Mahigit isang oras at kalahati din ang tinagal ng byahe bago kami makarating sa Gauni. Matapos niyang ipark ang kaniyang Wrangler ay dire-diretso siyang lumabas at take note, padabog pa! Mabilis naman akong sumunod sa kaniya at tinakbo ang aming distansya. Sinalubong siya ng mga faculty members, they bowed their head as a sign of respect pero as usual, suplado mode on itong si Zyair na para bang walang pakialam sa kaniyang paligid.
"Uy Zyair wait lang..." Hinihingal kong pigil sa kaniya. I held his callous hand, grabe ang laki naman ha.
He stopped walking at matalim ang mga matang nilingon ang kamay kong nakahawak sa kaniyang kamay bago ako balingan. Binitawan ko iyon at binigyan siya ng isang cute na ngiti.
"What do you want Paisley?!" He snorted.
Napaatras naman ako at tinaas ang aking dalawang kamay na para bang sumusuko. "Whoooa! Easy there babe, itatanong ko lang kung saan ko matatagpuan si Zai. Ang hot mo naman masyado." I laughed.
Tangina! Bakit ba ang sungit nito? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong atraso sa kaniya ah!
He cleared his throat and looked away. "Contact her. You have a phone right? Then use it, use your commonsense, Paisley."
Wala sa sarili akong tumango at kinagat ang aking labi, "I like it."
"Like what?"
"I like it when you're calling me by my second name but I like it more if you call me babe."
Nanlaki ang mga mata niya sa aking sinabi. Ilang beses pa niyang sinubukang ibuka ang kaniyang bibig ngunit wala namang lumalabas na salita kaya natawa ako. Ginulo niya ang kaniyang buhok at walang paalam na naglakad palayo sa akin.
Tsk, Zyair! Ang gwapo mo talaga!
Naiiling kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng aking pants. I texted Zaire, sana lang ay mabasa niya. Inilibot ko ang aking paningin at hindi ko maiwasang hindi mamangha. Malayong malayo ito sa mga school na napasukan ko noon. This place is very relaxing! Malawak at napapalibutan ng mga matatayog na puno ang buong paligid.
Ang sarap siguro matulog dito?
I checked my phone again pero wala pa akong nare-receive na reply from Zaire kaya nagdesisyon akong maglibot libot muna. In fairness, maganda nga talaga itong Gauni. Simula sa malawak na field at mayroong malaking stage sa left side, ang kulay ng mga building ay nakaayon sa kung anong assigned color ng course mo kaya hindi ka mahihirapang hanapin ang nais mong puntahan, maganda at malawak din ang cafeteria. Mukhang ang sasarap pa ng mga pagkain. Mayroon ding coffee shop at bilihan ng mga school supplies. Wow, just wow! Tapos hindi pa doon natatapos ang lahat, may mga food stalls pa na ang tinitinda ay mga street foods.
As in grabe talaga! Ibang klase naman itong school na ito!
My phone rang. I pressed the answer button at bumungad sa akin ang maingay na bunganga ni Zaire.
"Nasaan ka na? Kailangan mong magtake ng entrance exam bago ka makapag enroll. Hihintayin kita dito sa Dean's Office ng CBMA. See yah sis bilisan mo!" Then she ended the call.
I scratched my head. Hindi man lang ako binigyan ng chance magsalita. Grrr Zaire manang mana ka sa pinagmanahan mo!
So I guess I have no choice, magtatanong tanong na lang ako. Hindi ko nga alam kung nasaan na ako eh. Wala masyadong mga tao sa parteng ito eh. Habang tinatahak ang tahimik na pasilyo ay marinig akong malakas na sigaw.
"TAMA NA! AYOKO NA!"
Natigilan ako sa paglalakad. Kumunot ang aking noo at tumaas ang balahibo ko sa braso. Ano 'yon, multo?!
"Hanggang dito ba naman makikita namin 'yang pagmumukha mo ha?!"
"Pigilan niyo 'ko! Nanggigigil ako sa pagmumukhang 'yan!"
Then they laughed. Mas lalong kumunot ang aking noo. Ang aangas naman ng mga 'yun.
"T-TAMA N-NA! W-WALA NAMAN AKONG GINAGAWA SA INYO! TIGILAN NIYO NA AK— "
Kumalabog ng malakas at kasunod niyon ay ang impit na sigaw ng lalaki. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Sinundan ko ang pinagmumulan ng ingay. Pinaputok ko pa ang aking mga kamay bilang paghahanda kung may nangangailangan man ng tulong ko. Nakarating ako sa likod ng building na puro puno. Namataan ko ang limang lalaking nakatalikod sa gawi ko at ang isang lalaking nakahandusay sa lupa.
"Anong ginagawa niyo dito?" Malamig kong tanong sa kanila.
Dahan-dahan naman silang lumingon sa akin.
"At sino ka naman ha?" Maangas na tanong 'nung isang matabang lalaki na mukhang leader yata.
"Naku miss, umalis ka na dito kung ayaw mong mapagay sa isang 'to." Tinuro naman 'nung isang lalaki iyong nakahandusay.
I smirked. "Sa tingin niyo ba natatakot ako sa inyo?" Kainis! Uso pa pala ang ganito sa college?
Nakakainsulto silang tumawa. "Sino ka ba ha? Bakit ang tapang tapang mo?"
I extended my hand, "I'm Quinn Tatum..." and smiled widely at them.
Para naman silang nakakita ng multo nang marinig ang pangalan ko. Nagtinginan sila sa isa't isa bago kumaripas ng takbo. Nagtataka naman akong pinagmasdan sila. Anong nakakatakot sa pangalan ko? Bakit naman ganoon sila makareact? Ang o-OA ha!
Napakamot ako sa ulo at nilapitan iyong lalaking nakahandusay. Mabilis akong lumapit at inalalayan siya nang subukan niyang bumangon. Putok ang kaniyang labi at dumudugo ang kaniyang ilong. May kaunting bahid din ng dugo at dumi ang kaniyang puting damit.
"T-thank you." Mahina ngunit sapat na para marinig ko.
Inayos niya ang kaniyang makapal na salamin. Tinitigan ko siyang mabuti. May itsura naman siya ngunit para siyang nerd na weak. 'Yun baa ng dahilan kung bakit siya binu-bully?
"Dadalhin kita sa clinic." Anyaya ko at umiling naman siya.
"Hindi na. A-ayos lang ako. Salamat sa tulong." Yumuko siya at pinagpagan ang kaniyang damit.
Hinawakan ko siya sa braso at inirapan, "Huwag ka ng magreklamo. Hindi ka okay so dadalhin kita sa clinic."
Wala naman akong narinig na sagot mula sa kaniya. Habang tinatahak ang corridor ay bigla akong napatigil sa paglalakad. Nilingon ko siya at tiningala.
"B-bakit?"
Binigyan ko siya ng isang alanganing ngiti, "Uhm, saan ba ang clinic dito?" Nahihiya kong tanong.
He laughed. "HAHAHA-HA-HA-A-ARAY KO..." Napangiwi siya sa sakit at hinaplos ang gilid ng kaniyang labi.
Hindi ko rin napigilan ang matawa sa kaniyang itsura. Kawawang nilalang naman pala 'to.
"Paisley!" Someone shouted from behind.
Agad nabura ang ngiti sa aking labi nang salubungin ako ni Zyair gamit ang kaniyang galit na ekspresyon. Jeez, what did I do this time?
"Why?" I asked.
Umigting ang kaniyang panga habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni—what's his name? Oh handusay boy.
"Zaire is looking for you." He said in a stern tone at walang pasabi na tinalikuran na ulit ako.
Ay shit oo nga pala!
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
In Another Life CHAPTER 13
CHAPTER 13Quinn “Memorize the vision, mission and quality policy of Gauni and recite it tomorrow. It will be recorded as your quiz. You may go home now.” Zyair announced before leaving the classroom. Kinuha ko ang aking bag at mabilis na sinundan si Zyair. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya tinakbo ang distansya namin. “Zyair!” I called him. Kunot noo niya naman akong nilingon. His face remain expressionless.
In Another Life CHAPTER 12
CHAPTER 12Quinn “Enjoy your first day bebe.” Kuya Reh reminded me while driving. “Of course!” Kahit na ang totoo ay tinatamad ako at gusto kong matulog na lang maghapon. First day naman so maybe I can ditch the class later. “And please behave.” Kuya Riggs added, nakatingin siya sa akin mula sa rear mirror. Kanina ko pa rin napapansin na panay ang pagsusuklay ng kaniyang buhok gamit ang mga
In Another Life CHAPTER 11
CHAPTER 11QuinnThe house was not that big, enough lang para sa aming dalawa ni Zai. Kompleto ang mga appliances at mukhang bago pa rin naman. Dalawang kwarto sa baba at sa taas naman ay tatlo. Mas pinili ko ang pinakadulo sa taas. Dating kwarto ni Kuya Reh. “Ako na ang bahala mag ayos ng mga gamit mo at sina Kalen naman ang maglilinis, Quinn. Samahan mo na lang si Kuya maggrocery. Pwede ba?” Awtomatiko akong napatingin kay Kalen na nagwa
In Another Life CHAPTER 10
CHAPTER 10 QuinnI took up my dream course, which is BS Entrepreneurship habang si Zaire naman ay BS Business Administration. Same department kami but medyo magkalayo ang building.
In Another Life CHAPTER 9
CHAPTER 9QuinnI pouted my lips, pinipigilan ang matawa sa kaniyang sinabi."Alam mo bang ka
In Another Life CHAPTER 8
CHAPTER 8Quinn Can you believe it? I'm so stupid. Binigay ko ang first kiss ko sa isang gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita. I am mesmerized by his charms and looks. Hindi niya yat
