loading
Home/ All /In Another Life/CHAPTER 8

CHAPTER 8

Author: Jelai
"publish date: " 2020-08-16 21:35:51

CHAPTER 8

Quinn

Can you believe it? I'm so stupid. Binigay ko ang first kiss ko sa isang gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita. I am mesmerized by his charms and looks. Hindi niya yata alam or hindi niya yata napapansin kung gaano nakakaapekto ang presensya niya sa mga kababaihang halos ay mabali na ang leeg kakatingin sa kaniya. I just saw him alone in the table at simula nga noon ay hindi na naalis ang mga mata ko sa kaniya. There is something about him.

I think its love at first sight. Kung alam ko lang na dito ko pala mahahanap ang lalaking papantay sa ganda ko, edi sana matagal na akong pumunta dito. Bakit kasi hindi pa ako sumama noon kina kuya?

“Nandoon ang table namin. Saan ka ba kasi galing at bigla kang nawala?”

I snapped back to reality when Zaire pulled my wrist. Nagpatianod lang ako hanggang makarating kami sa isang table na mayroong semi-circle na couch.

T-teka dito rin nakaupo iyong lalaking nakahalikan ko sa restroom ah? Don't tell me―“There you are Kuya! Come here may ipapakilala ako sayo.” Aniya at may sinenyasan sa bahaging likod ko.

Kumunot ang aking noo. Parang slow motion ang lahat, tumalikod ako at ganoon lang ang pagkalaglag ng panga ko. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng panlalambot ng aking tuhod.

Our eyes met. Blangko ang kaniyang ekspresyon habang ako naman ay gulat na gulat pa rin, hindi makapaniwala.

“This is Zyair, kuya ko.” She said to me and looked up to her brother. “Siya naman si Quinn, kuya. Mabuti na lang nawala ka sa mood kanina dahil kung hindi, hindi ko makikilala si Quinn.”

Umigting ang panga ni Zyair. He nooded at me like nothing happened to us a few minutes ago. “Nice meeting you.” Supladong aniya at nilampasan ako.

Sumimangot si Zaire at nagmake face pa. “Pagpasensyahan mo na si Kuya. Suplado talaga ʻyan. Ano gwapo ba?” Bulong niya sa akin.

Ngumuso ako at pinagmasdan si Zyair na prenteng nakaupo sa couch. Nakabuka ang mga hita nito at ang isang braso ay namamahinga sa sandalan ng couch. Lantad na lantad rin ang kaniyang matipunong dibdib sa suot niyang long-sleeved na nakatupi hanggang siko ang manggas at bukas ang tatlong butones. Pinasadahan niya ng kamay ang kaniyang buhok dahilan para mas iyong magulo.

Ay pakshet ang hot.

Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakandarapa at naglalaway sa kaniya.

At mukhang isa na ako doon.

Umupo kami ni Zaire sa katapat na couch ng kuya niya. He's not looking at me. Kainis! Tiim bagang lang itong nakatitig sa baso.

“Hey there!”

Sabay naming tiningala ni Zaire ang dalawang gwapong nilalang at kaibigan nina Kuya. Si Cree at Kalen. Ang daya talaga ng mga kapatid ko! Kung alam ko lang sanang may ganito kagwapo pala siyang kaibigan, edi sana... hays!

Time flies so fast. Sa isang buwang pananatili ko dito sa En Fuego, I never thought na mag e-enjoy ako ng sobra dito sa probinsya. Wala akong ibang ginawa kundi ang gumala at gumimik kasama si Zaire. Kuya's friends are the best except doon sa isa. Hindi nila ako pinabayaan. They treat me like a little sister nang sa gayon ay mabawasan ang pagkamiss ko kay Kuya Riggs at Kuya Reh. May mga araw na pumupunta sila dito para dalhan ako ng pagkain, minsan naman ay pumupunta kami doon sa Puting Bato Falls na matatagpuan sa kabilang bayan, pumupunta rin kami sa resort na pagmamay ari ng mga Gaumond. Malayong malayo sa nakagisnan kong buhay sa Maynila but I will admit na mas masaya talaga dito sa probinsya. Simple lang. Sariwang hangin, malayo sa polusyon. Mabilis na daloy ng trapiko, walang wala sa mala-forever na traffic sa EDSA. Matatayog na puno sa paligid, malayo sa mga nakakahilong taas ng mga building.

At alam niyo ba na sa loob ng isang buwan ay walang ibang ginawa si Zyair kundi sungitan at snobin ako? Matapos ng halikan session namin doon sa bar ay hindi na niya ako pinansin. It is like I'm not existing in his world. Kahit anong gawing pagpapapansin ko ay balewala lamang sa kaniya. Palagi na lang trabaho ang inaatupag niya. Sa palagay ko nga malapit na silang magkapalit ng mukha noong mga papel eh.

“Malapit na ang pasukan. Kailan mo balak bumalik ng Maynila?” Momshie Linda asked habang pinapanood namin siya ni Zai magluto ng sinigang na baboy dito sa kitchen.

Zai looked at me, waiting for my answer. I shrugged my shoulder.

“Huwag ka na lang bumalik doon. Dito ka na lang kasi mag aral.” Zai said, pinalungkot pa niya ang kaniyang mukha at ngumuso.

Iyon nga din ang iniisip ko ngunit hindi ko muna sasabihin kay Zai dahil hindi pa naman ako sigurado. Ayaw kong paasahin siya kagaya ng pagpapaasa sa kaniya ng mga past relationships niya.

“I'll think about it.”

“Dapat pag isipan mo na. As in now na kasi bukas pupunta ako sa school para mag enroll.”

Humalumbaba ako at tumingin sa kawalan. Ano kayang magiging desisyon ko? Kung babalik ako sa Maynila, pipilitin lamang ako ni Daddy sa kursong hindi ko naman gusto. Kung mananatili ako dito sa En Fuego, makukuha ko ang kursong gusto ko dahil paniguradong susuportahan naman ako nina Kuya sa mga desisyon ko pero gaano naman ako kasigurado?

“Kung iniisip mo ang mga Kuya mo, akong bahala kay Rehan. Siguradong hindi iyon makakahindi sa akin.” Nakangising paninigurado ni Zai sa akin.

So iyon nga ang nangyari. Hindi ako nahirapan na kumbinsihin sina Kuya sa tulong ni Zai. Ibang klase talaga si Kuya Reh at Zai. Patay na patay sa isa't isa.

Samantalang itong si Zyair, kulang na lang ay patayin ako.

“Can you move a little bit faster?” Iritadong sabi sa akin ni Zyair. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang nakaupo sa mahabang sofa.

“Wait lang po.” I answered and gave him a cute smile pero inirapan lang niya ako.

“Tss.”

Kasalanan talaga ʻto ni Zaire. Ang sabi niya sabay kaming dalawa pupunta doon sa Gaumond University o mas kilala sa tawag na “Gauni” at tawag sa mga estudyanteng nag aaral doon ay Gaunisian. So iyon nga, na-late ako ng gising kaya iniwan na ako ni Zai. Ang text niya sa akin ay isasabay na lang daw ako ni Zyair dahil tutal ay sa Gauni rin naman daw iyon pupunta. Mayroon daw meeting.

“Tara na mahal.” I smirked

He stood up and glared at me.

“I mean tara na po kamahalan.”

Nakasimangot siyang naglakad patungo sa Wrangler niya. Tahimik lang akong nakasunod at ang mga mata ko ay nakafocus lang sa matambok niyang pwet.

Damn that ass baby! Sarap kurutin!

He turned his back at agad akong pinamulahan ng mukha dahil nahuli niya akong nakatitig sa pwetan niya.

“You're such a perv, little girl.” He said in a serious tone.

Ramdam ko ang pag iinit at pamumula ng aking mukha. Hindi dahil sa hiya na nahuli niya akong nakatingin doon kundi dahil sa...argh!

“What did you call me? Little girl?” Naniningkit ang mga matang tanong ko.

He nooded, still expressionless.

“Nah! I'm not.”

“You are.”

I laughed sarcastically. “I'm not. To be honest I can suck your―”

“Sakay.” Putol niya sa akin at tinuro ang frontseat.

Humagalpak ako ng tawa, “I can suck your life kasi ʻyun. Ano bang iniisip mo?”

“Shut up, Paisley.”

I was stunned when he called me by my second name. Kung ibang tao iyon, malamang nagalit na ako pero dahil si Zyair ito, parang naging musika sa tenga ko iyon.

“Ano? Tutunganga ka na lang dyan? Tara na! You're wasting my time!”

Napabalik ako sa ulirat dahil sa kaniyang sigaw, nagmamadali akong sumakay sa frontseat at agad niyang pinaharurot iyon.

“You're so handsome when you get mad, Zyair.” Totoo naman. Hindi ako nagbibiro noh.

“It's Kuya Zyair, not Zyair. Learn how to respect.” Iritadong aniya.

I chuckled. “Respect my ass, Zyair.”

“It's Kuya Zyair nga. Ano ba?”

“Oh sige, kiss muna?”

He stopped the car. “Pikit.”

Hala! Gagawin niya nga? Oh my Gosh! Excited akong pumikit at ngumuso sa harap niya. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang unti unting paglapit ng―“ARAY! BAKIT MO TINAMPAL ANG NOO KO?!”

Ngingisi-ngisi siyang bumalik sa pagmamaneho. “Hinding hindi ko papatulan ang mga kalokohan mo, Paisley.” He said.

Ngumuso ako. Mukha akong nagloloko?

“But I like you.”

His jaw clenched. Kitang kita ko rin ang paghigpit ng kaniyang mga kamay sa manibela.

“I don't like you...” He said, straightly. “Even in another life, I would never like you.”

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

In Another Life   CHAPTER 13

CHAPTER 13Quinn “Memorize the vision, mission and quality policy of Gauni and recite it tomorrow. It will be recorded as your quiz. You may go home now.” Zyair announced before leaving the classroom. Kinuha ko ang aking bag at mabilis na sinundan si Zyair. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya tinakbo ang distansya namin. “Zyair!” I called him. Kunot noo niya naman akong nilingon. His face remain expressionless.

In Another Life   CHAPTER 12

CHAPTER 12Quinn “Enjoy your first day bebe.” Kuya Reh reminded me while driving. “Of course!” Kahit na ang totoo ay tinatamad ako at gusto kong matulog na lang maghapon. First day naman so maybe I can ditch the class later. “And please behave.” Kuya Riggs added, nakatingin siya sa akin mula sa rear mirror. Kanina ko pa rin napapansin na panay ang pagsusuklay ng kaniyang buhok gamit ang mga

In Another Life   CHAPTER 11

CHAPTER 11QuinnThe house was not that big, enough lang para sa aming dalawa ni Zai. Kompleto ang mga appliances at mukhang bago pa rin naman. Dalawang kwarto sa baba at sa taas naman ay tatlo. Mas pinili ko ang pinakadulo sa taas. Dating kwarto ni Kuya Reh. “Ako na ang bahala mag ayos ng mga gamit mo at sina Kalen naman ang maglilinis, Quinn. Samahan mo na lang si Kuya maggrocery. Pwede ba?” Awtomatiko akong napatingin kay Kalen na nagwa

In Another Life   CHAPTER 10

CHAPTER 10 QuinnI took up my dream course, which is BS Entrepreneurship habang si Zaire naman ay BS Business Administration. Same department kami but medyo magkalayo ang building.

In Another Life   CHAPTER 9

CHAPTER 9QuinnI pouted my lips, pinipigilan ang matawa sa kaniyang sinabi."Alam mo bang ka

In Another Life   CHAPTER 8

CHAPTER 8Quinn Can you believe it? I'm so stupid. Binigay ko ang first kiss ko sa isang gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita. I am mesmerized by his charms and looks. Hindi niya yat

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy