Download the book for free
Chapter 3
Author: Yesha Lee"I'M SORRY but we're not interested."
"Debbie!"
Isa iyon sa ikinaiinis niya ng labis sa dalaga. Kahit ang mga bagay na dapat sana ay siya ang nagdedesisyon ay pinanghihimasukan pa rin nito. Kagaya ngayon na hindi pa tapos magsalita ang waiter sa pagpapaliwanag ng gusto nitong sabihin ay nakahirit na agad ito. Agad niyang sinansala ang anumang sasabihin pa ni Debbie at saka hinarap ang lumapit na babaeng nagpakilala sa pangalang Jena.
"What were you saying, Miss?"
"Nanalo po kayo sa aming annual promo, Sir. It means that you are one of the four persons to visit Isla Puting Buhangin next week."
"Annual promo?" gagad naman ni Debbie na tinitigan mula ulo hanggang paa ang babae.
"Yes, Ma'am. Aside from Islet Craze ay may private beach at hotel din po kasi ang may – ari nito sa Palawan. Sa branch po doon manggagaling ang isang pares ng winners samantalang dito sa Central Luzon naman ang isa pa."
"Pero hindi naman ako ang kumakain kung hindi ang kasama ko. Hindi ba mas dapat na siya ang manalo sa promo na iyan?" nakangiting wika ni Zach.
Hindi naman siya umorder ng pagkain at sa halip ay iniorder lamang ng isang light meal si Debbie. Hindi naman niya akalaing mananalo kaya nang lumapit si Jena at pabunutin siya ng papel mula sa bowl na hawak nito ay agad naman siyang nagpaunlak.
"Ganoon po ba? Pero kayo po ang..."
Hindi na naituloy ni Jena ang sasabihin nang bumasag sa katahimikan ng paligid ang malakas na tugtugin. Alam ng crew kung ano ang ibig sabihin noon dahil may cue sila doon. Hinanap ni Jena ang pinagmumulan ng ingay at nang makita iyon ay agad na napangiti.
"Sir, hindi na po pala maaaring ilipat kay Ma'am ang premyo ninyo. May nanalo na po kasing babae sa kabilang mesa kaya sila nagkakagulo."
"And so what? Ang sabi mo naman ay dalawa ang winners hindi ba?" sabad ni Debbie. Napatingin si Jena dito at saka alanganing ngumiti.
"Isang lalaki at isang babae lang po kasi ang mananalo, Ma'am. Lalaki na po ang kailangan naming winner dahil babae ang nanalo sa kabila." Sagot nito na nagpasimangot nang husto kay Debbie.
Bahagyang napangiti si Zach saka tinapunan ng tingin ang sulok ng kainan kung saan itinuro ni Jena ang mesa ng babaeng nanalo. Napangunot ang noo niya nang may mahagip ng tingin.
Mula sa kinauupuan ay tanaw na tanaw niya ang isang maliit na babaeng nakaupo sa harap ng lalaking kasama nito. Ewan kung bakit tila may naramdaman siyang pagpitik sa dibdib nang matitigan ang kabuuan ng anyo ng babaeng iyon. Bagaman malayo ay hindi pa rin maikakaila ang hugis puso nitong mukha. Kulay mais ang buhok nito na bahagya lamang umabot sa balikat. At hindi niya maiwasan ang mapatitig ng matagal dito. Naramdaman lang niya ang kamay ni Debbie sa kaniyang palad kaya napilitan na siyang alisin ang pagkakatingin sa babaeng may hugis pusong mukha at ibalik ang pansin kay Debbie.
"Don't tell me na papatulan mo ang cheap na promong 'yan?" tanong nito na nagpanting sa tainga niya. Sana man lang ay hinayaan nitong makalayo ang service crew bago ito nagsalita ng ganoon. Dahil doon ay agad siyang nakabuo ng isang desisyon.
"I'll take this once in a lifetime opportunity to visit the island, Miss. Do you need me to do anything for this?" nakangiti niyang tanong sa naghihintay na crew. Sinuklian ng babae ang pagkakangiti niya. Hindi niya alam kung excitement nga ba ang tawag sa damdaming biglang lumukob sa kaniya nang kumpirmahin ni Jena ang araw ng kaniyang alis at sabihin kung anu – ano pa ang mga dapat niyang ayusin para sa pagpunta sa Palawan. Ano mang damdamin iyon ay tiyak niyang malayo sa pagsisisi.
SA ISANG nipa hut cottage siya inihatid ng mga tauhan ng Islet Craze. Matapos ibigay ang mga bagay na kakailanganin sa loob ng isang Linggo ay nilisan na rin siya ng mga ito.
Ibinaba lang niya ang dalang travelling bag sa paanan ng kama at saka lumabas sa balkonahe kung saan tanaw ang walang hanggang karagatang kulay langit. Minabuti niyang ibukas ang lahat ng butones ng suot na puting Hawaiian polo upang malayang dumapyo ang hangin sa kaniyang katawan.
He breathed in and out. Paulit – ulit hanggang sa lumuwag ang pakiramdam niya. Tila siya pansamantalang nakalaya sa pagmamanipula ni Debbie. Nagwawala ito at nais na sumama pero hindi niya ito pinagbigyan. Polisiya din ng tagapangasiwa ng promo ang hindi pagbibigay kahit kanino ng mga impormasyong may kinalaman sa pagpunta sa isla Puting Buhangin. At hindi rin naman niya ibibigay kay Debbie ang mga impormasyong tinatanong nito. Gaya ng kung kailan at paano makararating ng isla. Kaya naman galit na galit ito nang umalis pa rin siya.
Sa simula ay wala siyang interes sa premyong iyon ng Islet Craze. Subalit nang makita niya kung gaanong minaliit ni Debbie ang nasabing papromo ay nagdagdag iyon sa inis niyang makalayo kahit saglit sa paningin nito. Bakasakaling makapag – isip siya nang matino kung wala ito sa paligid niya.
Si Debbie ay nakilala niya sa airport nang araw na lumipad siya pa – California. Ayon dito ay labas – masok ito sa bansa dahil na rin sa trabaho nitong endorser ng kung anu – anong beauty products. Biglaan diumano ang naging uwi nito sa Pilipinas dahil naimbitahan ito ng sikat na kompanyang nag – eendorso ng sabong pampaputi.
Maganda si Debbie at na – impressed siya sa paraan ng pagdadala nito ng sarili. Every inch a lady and cultured. Iyon ang dalawang description na pumasok sa isip niya sa pagmamasid sa dalaga. Morena ito subalit makinis ang balat na halos ay mahiya na siyang mapadaiti rito. Maikling- maikli ang buhok nito na lalong nagbigay dito ng sopistikasyon. Kaya naman ng hingin nito ang mobile number niya ay hindi na siya nagdalawang – isip pa. Moderno ang dalaga subalit hindi naman iyon kapintasan para sa kaniya. Marahil ay nasanay na rin ito sa pakikiharap sa kung sino – sinong tao kaya balewala na lang ang mga iyon kay Debbie.
Iyon ang naging simula ng pagkakakilala nila. Araw – araw ay halos lumalabas sila at hindi nagtagal ay nagkamabutihan na nga. Sa unang dalawang taon ay maayos naman ang relasyon nila subalit nitong mga huling araw ay unti – unti na siyang nakararamdam ng pagkabagot. Tila nasuya na siya sa setup nila. May pagkakataong buong linggo niya itong makikita at may pagkakataon namang bigla na lamang itong mawawala at 'pag nakausap niya sa telepono ay nasa ibang bansa na pala.
Nagising na lamang siya isang araw na tila nababawasan na ang damdamin niya para dito. Kaya naman agad niya itong inayang magpakasal. Ganoon naman daw iyon. Kung hindi magpapakasal ay tuluyan nang maghihiwalay ang magkasintahan kung matagal na ang relasyon ng mga ito. Kaya kaysa mauwi sa wala ay nagdesisyon siyang tapusin na ang pagkabinata. Tutal naman ay limang taon na lang at saradong treinta na ang edad niya.
Inimbitahan niya sa isang engrandeng dinner date si Debbie. Hawak sa isang kamay ang diyamanteng singsing ay buong kompiyansang iniluhog niya rito ang alok niyang pagpapakasal. Subalit hindi niya inaasahang tatanggihan iyon ni Debbie. Ayon dito ay hindi pa ito handa at marami pang commitments sa trabaho. Nasaktan siya pero mas higit ang galit na naramdaman niya sa desisyon nito. Sa bandang huli ay isinuot din naman ni Debbie ang singsing sa kondisyong hindi pa muna pag – uusapan ang detalye ng kasal. Pumayag na siya nang ganoon bagaman may mga agam – agam na naglalaro sa kaniyang kalooban.
Iyon ang huling araw na nagkausap sila at hindi na siya nagpaalam dito na uuwi ng bansa. Hindi rin nito alam na ikakasal ang kaniyang kapatid na si Zairah kaya naman inakala nitong nagtatampo lang siya kaya umuwi nang walang paalam.
At ngayon nga ay narito na naman si Debbie na tila anino niya. Gagawin ang anumang maisipan at pakikialaman ang lahat sa buhay niya. Nakakasawa dahil tila lagi na lamang ito ang may karapatang gumawa ng ganoon. Siya? Wala siyang kakayahang panghimasukan ang mga plano nito. Dahil lahat ay nakaayos na. Organisado na at wala siyang magagawa kung hindi panoorin na lamang ang mga iyon habang patuloy na pumapagitan sa kanilang dalawa ni Debbie. Napabuntong – hininga siya.
"Ang lalim naman..."
Napakislot siya at napalinga sa pinagmulan ng tinig. At namalayan niyang katabi na pala niya ang babaeng kahati sa premyong iyon. Mabilis na naglakbay ang kaniyang paningin sa katabi. Tutal naman ay sa dagat na ito nakatingin kaya madali niyang nagawang pagmasdan ang kabuuan nito.
Tama siyang kulay mais nga ang buhok ng babae. Iyon ang agad niyang napansin nang unang makita ito sa Islet Craze. Hindi niya agad natukoy kung dye iyon o natural kung hindi pa narinig na nag-Tagalog ito kanikanina lang. Mukha kasi itong ibang lahi kung pagmamasdan sa malayo dahil sa kulay ng buhok nito. Matangos ang ilong at malalantik na pilikmata ang nakaagaw ng atensiyon niya. Kahit side view ay hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang tila hugis puso nitong labi na tumugma sa hugis puso din nitong mukha.
"Hi..." bati niya rito sa masiglang tinig. Nilingon siya ng katabi at pinigil niya ang mapasinghap nang mapagmasdan ang kabuuan ng anyo nito. Subalit kasabay din niyon ay ang mabilis na pagsalit ng isang imahe sa isip niya. Taylor Swift. That's it! Iyon nga ang kahawig nito. At huhulaan niyang hindi pa tumutuntong sa beinte ang edad ng dalaga.
"My name is Isay." Wika ng kausap sabay abot ng kanang kamay sa kaniya. He took her hand and was surprised of its gentleness. Na tila ba angkop na angkop sa kaniyang kamay ang malambot na palad nito. Bahagya siyang napailing sa naisip. Matapos sabihin ang pangalan niya sa dalaga ay bahagya niyang pinisil ang palad nito at saka iyon binitiwan.
"Kadarating lang namin. Kanina pa kayo?" muling tanong nito. Lumingon siya sa dagat upang maayos na masagot ang mga tanong nito. Tila kasi namamalikmata siya kung ganoong nakatingin siya sa maamong mukha ni Isay. Kung puwede lang sanang tumigil ang ikot ng mundo at magawa niyang pagmasdan ang anyo ng kausap nang hindi nito nalalaman.
'You're crazy, Zach...she's just a child...'
"Kani – kanina lang. Almost an hour travel from Manila to Busuanga Airport and then another forty – five minutes by van from airport to Coron. Kayo?"
"Kadarating lang din. Nakakalula pala ang pagsakay sa eroplano. Akala ko ay nasa langit na ako paglampas ng ulap, iyon pala ay may langit pa ulit sa itaas noon?"
Natawa siya sa paraan ng pagsasalita nito. Tila ito bata na nagkukuwento sa kalaro at hindi niya mapigilan ang mapailing sa pagkaaliw rito.
"Was it your first time?"
Napangiti si Isay at lumitaw ang biloy sa mismong cheekbone nito.
"Yes. First time to fly. And I love it!" nakatawang wika nito na hindi maikakaila ang excitement sa mukha.
He was amused and amazed at the same time. And he suddenly realized no one had made him felt that way. No one even Debbie.
"Where are you from, Isay?" muli niyang tanong rito habang pasimpleng pinagmamasdan ang kabuuan ng dalaga.
"Taga – Caloocan ako. Sa Newborn."
Muli na naman siyang napangiti. Bagong Silang ang tinutukoy nito.
"Talaga? That must be the reason why you look like a baby..." aniya. Hindi siya malimit magbiro at katunayan ay seryoso nga siyang tao pero magaan din pala sa pakiramdam ang paminsan – minsan ay subukan niya namang tumawa at magpatawa.
"Charing! 'Di nga? Nineteen na 'ko sa birthday ko noh! At kung mukha akong baby, mukha ka namang daddy! Daddy! Daddy!" at sinundan iyon ng dalaga ng matinis na halakhak. Hinampas pa siya nito sa braso kaya napatitig siya rito. She was different. So different from Debbie who used to laugh with finesse.
"Mukha na ba akong daddy? Tell me." Tinitigan niya sa mga mata si Isay at sa halip na maging mailap ang mga mata nito ay lumaban pa iyon ng titigan sa kaniya. Napahinga siya nang malalim sa biglang pagsikdo ng dibdib.
"Yes, you are. You look like a sugar daddy sitting with a baby." Muli siyang natawa at hindi niya napigil ang kanang braso upang akbayan ang dalaga.
"Sugar daddy pala ha?" kunwa ay pananakot niya rito at saka ito kinabig. Hindi niya inaasahan ang reaksiyon ni Isay. Biglang umigkas ang kaliwang siko nito sa sikmura niya at napa-igik siya nang kapusin ng hangin ang dibdib.
"Ouch, sorry. Nangyayakap ka kasi eh!" Hawak pa niya ang dibdib nang haplusin iyon ng dalaga. Paulit – ulit na hinaplos iyon na tila pinapagpagan ng alikabok. Her skin was so soft and gentle in his chest. Pinigil niya ang sariling hawakan ang mga kamay na iyon at panatilihing nasa dibdib niya. What's happening to him? Bahagya niyang ipinilig ang ulo upang matauhan at saka humingi ng paumahin dito.
KASALUKUYAN niyang hawak ang largabistang pabaon ni Rafa at mula sa sariling cottage ay tinatanaw ang lalaking papaahon sa dagat. Kaykisig ni Zach sa suot nitong swimwear. Nakita niya kaninang naka – scuba diving suit ang binata kaya dali – dali niyang kinuha ang telescope upang mabistahan ito. Ilang minuto lang ay muli itong nagbalik sa cottage at paglabas ay nakasuot na lang ito ng maikling shorts na pampaligo.
Gusto sana niyang bumaba at samahan ito sa pagtatampisaw subalit naaalangan siya sa binata. Hindi gaya nito ay wala siyang maayos na pampaligo. Tatlong maong shorts lang ang dala niya at nakakahiya namang isuot iyon sa dagat. Nang matanaw niya ang mga babaeng nagdaraan ay lalo na siyang napahiya sa sarili. Nakasuot ng bathing suit ang mga iyon at akmang – akma sa lugar samantalang siya ay tila sa talipapa lamang pupunta. Dahil doon ay mas pinili na lamang niya ang tanawin si Zach sa malayo gamit ang largabista ni Rafa na pag – aari ng kapatid nitong marino.
Napabuntong – hininga siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan ang nagaganap. Akalain ba niyang dadalhin siya ng mga paa sa Islet Craze? Sa lahat naman ng lugar ay doon pa sila nakarating ni Rafa! At ang nakakatawa ay ni hindi man lamang sila umoorder pa ng kaibigan. Marahil ay napagkamalan sila ng waiter dahil saktong kaaalis lang ng mga nakaupo sa table na inokupa nila. Ang dapat sanang premyong para sa mga taong iyon ay napunta sa mga kamay niya! Napakalaking suwerte para sa isang taong gaya niya.
Napatigil siya nang makitang nawala sa focus ang largabista. Iginawi niya iyon sa kanan at ang tumambad sa kaniya ay isang grupo ng mga babaeng naliligo. Sa kaliwa naman ay walang hanggang karagatan at mga taong naliligo rin. Napangunot ang kaniyang noo. Hindi yata at nasalisihan siya ni Zach? Nasaan na ito?
"Sino ang sinisilip mo diyan?"
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 10
"ANO NA naman ba ang problema mo?!"Dinala siya ni Zach sa lihim na silid ng mama nito sa loob ng opisina. Tanging sila lamang ni Tita Ghie ang nakakaalam niyon at nagulat siya nang makitang iniuusad ni Zach ang mataas na magazine rack sa gilid ng mesa ng ina. Matapos iyon ay tuluyan nitong binuksan ang maliit na pintong nag – uugnay sa opisina at sa maliit na silid na gamit ni Tita Ghie sa tuwing may darating na kliyenteng hindi nito ibig makaharap."Magbihis ka!""Summer trend ang concept ng magazine, Mr. Avellana at alangan namang mag – pajama ako doon!""Wala akong pakialam! Basta magbihis ka!""Hindi mo ito puwedeng gawin sa'kin! Kailangan kong magtr
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 9b
MULA NANG magkausap sila ni Zach ay hindi na ito muling nagpakita pa. Tapos na rin ang isang linggong paalam niya kay Tita Ghie at kailangang muli na siyang magbalik sa trabaho. Kaya naman umagang – umaga ng Lunes ay nagreport na siya sa modeling agency."May lakad ka, Tita?" tanong niya nang maabutang maaga ring naroon si Tita Ghie. Bihis na bihis ito at alam niyang hindi pang – opisina ang gayak nito ng araw na iyon."Oh I'm sorry, hija. Hindi pala ako nakapagsabi sa iyo. Ruel and I are going to join a European tour on Wednesday. Sumaglit lang ako dito para ibilin kay Ms. Garcia ang mga schedule ng pictorials at screening ng mga talents. Pagkatapos nito ay sa Accenture naman ako tutuloy and then, sa mall.""Ganoon po ba? Don't worry, I'll take charge. Any
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 9a
NANG DUMATING siya sa kubo ay ilang sandali rin silang nagkuwentuhan ni Rafa. Kahit madalas sila nitong magka-chat sa laptop na regalo niya dito ay hindi pa rin iyon sapat sa dami ng ibig niyang ikuwento sa kaibigan. Hindi pa niya naikukuwento rito ang tungkol kay Zach nang mula sa kung saan ay sumulpot ang lalaking laman ng isip niya. Saglit siyang nabigla subalit agad din naman niyang naibalik sa normal ang sarili. Matapos magpaalam at bumaba ni Rafa ng kubo ay agad niya itong sinita."Ano ang ginagawa mo rito?"Hindi agad sumagot si Zach at walang pagmamadaling naupo ito sa kawayang bangko na nasa harap niya. Kung sa ibang pagkakataon ay bibiruin niya ito dahil hindi ito halos magkasya sa upuan."Marami akong dapat ipakipag – usap sa'yo, Isay. At sa tingin ko
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 8b
ANG MGA sumunod na araw ay hindi halos mapaniwalaan ni Isay. Hindi lang siya basta ginawang modelo ni Tita Ghie. Pinag – aral din siya nito at ipinatuloy sa kaniya ang kaniyang kurso. Sa loob ng apat na taong lumipas ay tanging sa bahay, eskuwela at trabaho umikot ang buhay niya. At malaki ang naitulong noon para malimutan niya ang sakit na idinulot ni Zach sa kaniya.Ngayon ay hindi na siya mangmang na gaya ng dati. Bukod kasi sa regular class ay may tutor din siya na nagtuturo ng code of ethics at tamang pagsasalita sa wikang Ingles. Mapalad siyang nakagaanan siya ng loob ni Tita Ghie. Dalawa lamang ang anak nito at kasalukuyang nasa labas ng bansa ang bunso nito. Ang panganay naman nito ay may asawa na at nagpapatakbo ng sarili nitong negosyo. Kaya kung tutuusin ay naging anak – anakan na siya ng ginang. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para masulit ang
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 8a
ALAM NIYANG hindi panaginip ang nangyari ng nagdaang gabi. Malinaw na malinaw sa isip niyang naroon si Zach. Kung paano niyang nagisnan ito na nakatabi sa kaniya sa higaan ay hindi niya alam subalit sigurado siyang si Zach iyon.Wala siyang matandaan kung hindi ang mga unang boteng sinaid niya sa tindahan sa kanilang kanto. Ganoon talaga siya sa tuwing nalalasing kaya ganoon na lamang ang pagpipigil ni Rafa na uminom siya ng labis sa kaya niya. Pero si Zach...sigurado siyang natatandaan niyang nakita niya ito. Kaya hindi niya matanggap ang sinasabi ni Rafa na nananaginip lang siya. Maging si Aling Carmen na may-ari ng tindahan ay sinabi ring wala naman siyang kainumang lalaki ng nagdaang gabi kung hindi si Rafa. Kung gayon ay nananaginip nga lang ba siya?"Isay, I'm warning you. Katangahan na ang gagawin mong 'yan. Hind
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 7
"ZACH..."Kitang – kita niya kung paanong nalukot ang maaliwalas na mukha ni Zach nang makita siya. Muli niya itong pinuntahan sa opisina ng kapatid nito. Wala siyang pakialam kung mainis ito dahil sa kasusunod niya. Ang mahalaga ay makipag – usap ito nang masinsinan. Hindi niya kasi matanggap na bigla na lamang magbabago ng ganoon si Zach. Tila ba hindi ito ang lalaking nakasama niya sa isla."What is it this time?""Zach please, mag – usap tayo. Kung kinakailangang hintayin kita hanggang mamayang gabi sa pag – uwi mo, kausapin mo lang ako ay gagawin ko..."Napatingin siya sa paligid. Unti – unti nang napapatingin ang mga nagdaraan sa kanila ng binata. At kitang – kita rin niyang i
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 4
NAPATALON SIYA sa matinding pagkabigla nang marinig ang tinig na iyon sa kaniyang likuran. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Zach sa kubo. Napatitig siya sa kabuuan ng binata. Tumutulo ang tubig sa katawan nito at nababasa ang cotta
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 6b
MULI ay napasinghap si Isay na tila hindi makapaniwala. Pero hindi maaaring hayaan niya ito sa mga kalokohang ginagawa nito."What do you mean, daddy?"
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 6a
MALAMIG ang tubig at dapat sana ay nagiginaw siya. Pero paano niya iyon madarama gayung nakahantad sa kaniya ang napakagandang katawan ni Isay? Nagising lang ang kaniyang diwa mula sa pagkakatitig sa dalaga nang maramdaman ang pagsasab
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 5b
"I STRONGLY suggest you still go to school, Isay. Mas marami pang madadagdag sa kaalaman mo kung mag – aaral ka."Ngumiti nang mapait ang dalaga at pagkuwa ay tumingin sa kaniya
