Download the book for free
Chapter 4
Author: Yesha LeeNAPATALON SIYA sa matinding pagkabigla nang marinig ang tinig na iyon sa kaniyang likuran. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Zach sa kubo. Napatitig siya sa kabuuan ng binata. Tumutulo ang tubig sa katawan nito at nababasa ang cottage niya pero hindi iyon ang nakakuha ng kaniyang atensiyon kung hindi ang malaking pangangatawan nito at ang... so sexy!
"Sino ang sinisilip mo?" ulit nito. Bigla ay tila nanigas siya sa pagkakatayo.
"Ang dagat! Ang ganda ng dagat noh? Nakita mo ba?" Nagkakandautal siya sa pagsagot dito. Alangan namang aminin niyang ito nga ang sinisilip niya?
"Why don't you join me?" Napalunok siya sa narinig. At napailing.
"Hindi na. Ayos lang ako dito. Tumawag si Mr. Hipolito, 'yung manager ng resort na ito. Bandang hapon daw darating ang team para i – cover tayo. Mahirap nang mangitim." Sinundan pa niya ng tawa ang sinabi upang makumbinsi ito.
Tumang- tango si Zach at humarap sa dagat.
"What do they have in mind? Hanggang ngayon ay hindi natin alam ang purpose ng promo na ito." Tinanaw ni Zach ang malawak na karagatan at kaysarap nitong pagmasdan sa anggulong iyon. Ang mga kamay nito ay nakapatong sa pasimano ng cottage. Malapad at matikas ang likod nito. Ano kaya ang pakiramdam kung yayapusin niya ito mula sa likuran? Bahagya siyang kinilig sa naisip. Pagkuwa ay bumaba ang tingin niya mula sa likuran nito at humantong sa...
"Ang sabi ng kasabay ko kanina sa biyahe, taun – taon daw talaga ito at para sa mga suki na ng Islet, palagi nilang dinadayo ang resto para manalo sa promo na 'yan. Bahagi raw ng papremyo ang pagpapahintulot ng pictorial sessions. So I guess, promotion na rin ng beach resort ang promong iyon. Ano sa tingin mo?"
Luminga ito sa kaniya nang hindi siya agad nakasagot at huling – huli nito kung saan nakatutok ang kaniyang paningin. Bigla siyang namula nang mapangiti ito kaya madali niyang itinuon ang pansin sa dagat.
"B - baka nga." Sa unang pagkakataon ay naubusan siya ng sasabihin.
"Ang sarap ng tubig. Come and join me, Isay."
Napaawang ang mga labi niya nang maramdaman ang palad ni Zach sa kaniyang kanang kamay.
"Hindi talaga puwede, Zach...ano eh..." Nag – apuhap siya ng sasabihin subalit limitado yata ang bokabularyo niya ng araw na iyon.
"What? I'm sure you will still look beautiful even if you get tanned." Himok nito at marahan siyang hinatak pababa ng kubo. Naalarma siya. Naka - maong shorts at puting t-shirt lang siya. Paano siyang maliligo sa dagat sa ganoong suot?
"Wait, wait Zach! Look at my dress! I'm not in proper uniform."
Natawa si Zach at tila nanggigigil na hinawakan ang kaniyang magkabilang pisngi saka marahang pinisil ang mga iyon.
"You're so cute, Isay...I like you..." Hindi pa niya lubos na naipapasok sa isip ang kahulugan ng sinabi ni Zach ay bigla na siya nitong hinatak pababa sa cottage.
Agad niyang inabot ang hagdan upang hindi tuluyang madala ng namimilit na lalaki subalit mahigpit ang yakap nito sa kaniyang baywang. Naghahatakan sila kaya naman lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kawayang hagdan.
Gayunman ay agad rin siyang nakabitiw nang kilitiin ni Zach ang tagiliran niya. Napahiyaw siya at muling nagwala. Dahil doon ay binuhat siya ni Zach at tila sako ng bigas na ikinarga sa balikat nito. Pahiyang – pahiya siya sa mga taong nakakasaksi sa ginawa ng binata kaya naman hindi niya lubos na magawa ang magwala.
Nang makalapit sa tubig ay hindi pa nasiyahan si Zach. Dumako pa ito sa bahaging malalim at saka siya ibinaba. Natural ay yumakap siya dito sa takot na malunod dahil hindi naman siya marunong lumangoy. Nagpapasag siya habang yakap sa leeg ang matangkad na binata. Tawa naman ng tawa si Zach at kunwa ay bibitiwan siya kaya iniangat na niya ang mga paa at kusang ikinawit sa baywang nito. Tila siya palakang saging na nakakapit nang husto sa bato at bakbakin man ay hindi matitinag.
Nang mapahinto sa pang – iinis si Zach at matahimik ay natigilan rin siya. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. At naging alerto ang kaniyang pandama. Bigla niyang nabitiwan ang leeg ni Zach at agad na sinundan ang kinalalagyan ng mga kamay nito – naroon at nakahawak sa mismong pang – upo niya! Nanigas siya sa matinding nerbiyos at kahihiyan dahil doon.
"Uncomfortable, honey? Watch out, I'll put you..."
"No! Don't put me down! Can not swim! Can not swim!" sa takot ay naisigaw niya.
Nakangiting lumipat ang mga kamay ni Zach sa kaniyang likod at baywang.
"Trust me, hindi kita pababayaan..." Nanuot sa lahat ng kaniyang pandama ang sinabing iyon ni Zach. At bahagya siyang nakadama ng kapanatagan ng loob.
Muli siyang humawak sa leeg ng binata at naramdaman niyang unti – unti ay umuusad ito palapit sa gawing mababaw. Kung tutuusin ay hindi naman kalaliman ang pinuntahan nila subalit dahil maliit siya ay tiyak na lulunurin siya ng tubig.
Nang tuluyang makatuntong sa buhangin ang kaniyang mga paa ay agad niyang hinampas ang balikat ng binata.
"Ouch! What are you doing?!"
"What are you doing ka diyan? Papatayin mo ba 'ko? Sinabi ko naman sa'yo na hindi ako puwedeng maligo!"
"Eh bakit nga kasi?!"
"Dahil wala akong swimsuit!"dahil sa kakulitan nito ay nabigla siya at nasabi na niya ang dahilan ng pagtanggi niyang maligo.
Natawa si Zach. Sa simula ay mahina subalit unti – unting lumakas iyon hanggang sa yumugyog na ang mga balikat nito. Napasimangot naman siya. Umahon siya at naupo sa buhangin. Sumunod naman si Zach at naupo sa tabi niya.
"Sorry, Isay...it's just that...whew! You're so funny!" at muli ay tumawa ito.
"Funny? Ako, funny? Heto ang funny..." unti – unting napahinto ang pagtawa ng lalaki nang lagyan niya ng buhangin ang dibdib at mukha nito. Matapos ay siya naman ang tumawa nang tumawa.
Nang makabawi ay ginaya siya ni Zach at naglaro sila ng buhangin nito. Hindi pa sana sila hihinto nang biglang masilaw sa liwanag na tumatanglaw sa kanilang mga mukha. Nang lingunin ang pinagmumulan niyon ay laking pagkagulat nila.
Hindi gaya kanina ay nawala na ang lahat ng taong naliligo. Naipon na ang mga iyon sa dalampasigan at sa ilalim ng mga cottages na nakaharap sa dagat. Tila nanonood ng isang magandang tanawin ang mga ito. At totoo naman...at their expense.
Isang grupo ng apat na tao ang nasa buhanginan malapit sa kinalalagyan nila at abalang – abala sa mga ginagawa. May mga camera at diffusers na hawak ang mga ito at abala sa pagkuha ng iba't – ibang anggulo. Nang sumigaw ang isa at sabihing ituloy lang nila ang ginagawa ay nagkatinginan sila ni Zach.
"Everything is alright, honey. Game is on. Just act naturally, okay?" wika nito at muli ay pinahiran ng buhangin ang kaniyang mga braso. Natawa siya at gumanti rito.
Napasigaw siya nang biglang buhatin ni Zach sa baywang at saka ito umikot nang ilang ulit. Tila humahagis sa hangin ang mga binti niya at wala siyang nagawa kung hindi ang pumikit dahil sa takot na mahulog. Saglit lang at nalimutan na nilang may mga camera nga pala sa paligid.
IKATLONG ARAW sa Isla Puting Buhangin nang dumating si Mr. Hipolito at makipag – usap sa kanila. Inimbitahan sila nito sa branch ng Islet Craze doon din mismo sa isla.
"Congratulations Mr. Avellana and Ms. Mahusay. Natutuwa kaming kayo ang nakakuha ng pribilehiyong makapunta dito sa aming isla. Apologies if I intentionally skipped the introduction. Gusto ko sanang maging natural ang inyong pagkakakilala at ang pakikitungo sa isa't – isa. So, how's your stay here?" tanong nito habang kumakain.
Napatingin si Zach kay Isay sa narinig at makahulugang ngumiti dito saka muling bumaling sa matanda.
"We're enjoying the place, so far..."
"...but?"
"What do you mean but, Mr. Hipolito?"
"You are enjoying the place so far but I can sense there's a but here...what's the but part, Mr. Avellana? Come on, you can tell me..." nakangiting tugon ng hotel manager.
"Well, to be honest, I'd like to explore this island and staying here for seven days or more wouldn't be enough for me to do that. Your people are always here bugging our stay and frequent photo sessions are now getting into my nerves. I couldn't even..."
"Zach..." napahinto ang binata nang maramdaman nito ang palad ni Isay sa kaniyang braso. Isang gesture na pinapahinto nito ang sinasabi niya. Napailing ito pero tumahimik naman.
"Forgive him, Mr. Hipolito. He only wants to say thank you. We want more. More days to stay."
Natahimik si Isay nang maramdaman ang braso ni Zach na yumapos sa kaniyang baywang. Bahagya nitong pinisil ang kaniyang tagiliran.Agad siyang nailang sa ginawa ng binata lalo at lihim na napangiti si Mr. Hipolito. Nilingon niya si Zach at nakuha niya ang ibig sabihin nito kaya siya naman ang tumahimik.
"Actually, seven days is too long for me. But if you have here more activities for fun, I assure you we're gonna enjoy this vacation. And who knows, I can tell this experience to some colleagues back in Manila?"
Ngumiti si Mr. Hipolito at saka bahagyang nag – isip.
"Have you tried scuba diving and banana boat rides? How about dolphin adventure?" pagkuwa ay tanong ng hotel manager.
"Nagawa na po namin iyon, nahulog nga kami sa malaking saging, diba daddy?"
Bahagyang nagulat si Mr. Hipolito nang marinig ang 'daddy' endearment ni Isay.
"Ah, yeah...well, I must admit I enjoyed those activities."
"Speed boating?"
Kumislap ang mga mata ni Zach sa narinig. Hindi pa nila nasusubukan ang isang iyon. Iyon ang eksaktong plano nilang gawin ni Isay nang nagdaang araw nang dumating ang grupo na magsasagawa ng pictorial.
Nagpahayag siya ng kagustuhan sa alok na iyon ni Mr. Hipolito at laking pasalamat nang sabihin nitong sa darating na araw ay libre silang mamasyal ni Isay nang walang nakasunod na camera. Nang magpatuloy ang matanda sa paglalahad ng tungkol sa speed boating ay manghang – mangha si Isay. Hindi niya maiwasan ang mapatingin dito kaya nahawa na siya sa excitement na nadarama ng katabi.
WALANG KASING ganda ang Palawan. Iyan ang napatunayan niya habang nasa speed boat kasama si Isay. Matingkad na luntian ang mga kabundukang tila nakapalibot sa dagat. At ang dapyo ng hangin sa kaniyang balat habang naglalayag ay nagdaragdag ng kaaya – ayang pakiramdam.
Unti – unti ay bumagal ang galaw ng bangka hanggang sa maramdaman nilang nanatili na lamang sila sa gitna ng laot.
Inabot ni Isay ang kaniyang kamay at saka siya hinatak palapit sa gilid ng speed boat. Tuwang – tuwa ito habang nakamasid sa paligid. Asul na asul ang buong karagatan na sumasalamin sa asul ding langit. Napakalinaw ng tubig at nakakatuwang pagmasdan ang mga isdang nagtatalunan sa ibabaw niyon. Iba't – ibang kulay at tila hindi nangingimi na mapalapit sa kanila.
"Ito na ba ang paraiso?" pagkuwa ay nakangiting biro ni Isay.
Hindi siya nagkomento at nakangiti lang na tumanaw sa tubig. Bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mga kamay ni Isay sa kaniyang palad at nang tingnan naman ang katabi ay nakangiti lang ito at nakatingin sa walang katapusang dagat.
Walang kibong pinagkrus niya ang kaniyang mga braso sa dibdib dala ang malambot na palad ni Isay. He's on a grand vacation in a breath taking scenery of this island and there's nothing wrong with falling for this girl...even just for a week.
Narinig niya ang mahinang pagsinghap ni Isay sa ginawa niyang iyon kaya lumingon siya sa kabilang panig upang hindi nito makita ang malapad niyang pagkakangiti.
Halos ay isang oras din silang nanatili doon bago binigyan ng order ang operator na dalhin sila sa mga yungib na nasa paligid. Ayon kay Mr. Hipolito ay maraming mga yungib sa paligid ng dagat at magagawa nilang puntahan ang mga iyon.
Nakalapit na ang speed boat sa kuweba nang bigla iyong nanginig at saka sumadsad sa bato. Muntik nang matumba ni Isay kung hindi niya ito ganap na naalalayan.
Ayon sa operator ay may kaunting problema ang makina at hindi pa sila agad na makababalik sa Puting buhangin. Dahil mataas pa ang araw ay hindi naman siya nakaramdam ng pag – aalala. Kumilos siya upang bumaba habang nakaalalay kay Isay.
Matapos magbilin sa bangkero ay sabik na pinasok na nila ang kuweba. Ayon naman sa lalaki ay hindi delikado ang lugar na iyon at siyang kuwebang pinakamalapit sa Puting Buhangin.
"ANONG ORAS ba ang sabi mo kay Manong?" may takot sa tinig na tanong ni Isay.
Tatlong oras na mula nang lumabas sila sa kuweba. Ganoong katagal na nila nalibot ang paligid at natapos na rin ang excitement na nasa dibdib nila dala ng unti – unting namumuong kaba dahil kahit anino ng speed boat ay hindi pa rin nila nakikita.
"I told him we'll be back after an hour."
"Kaya pala wala siya rito! Baka inakala niyang umalis na tayo" Nagtatatarang na si Isay.
Napailing si Zach. Ang totoo ay kinakabahan na rin siya. Unti – unti na siyang nawawalan ng pag – asang makabalik sa Puting Buhangin sa gabing iyon dahil wala namang dumadaang speed boat sa gawing iyon ng Coron. Kung bakit kasi doon pa niya naisipan na ituro ang operator. At kung bakit din kasi nalibang siya nang husto sa paglilibot sa loob ng kuweba kasama ang dalaga at nalimutan ang takdang oras na dapat ay lumabas sila roon.
"Paano na tayo? Hindi man lamang niya naisip na hanapin tayo sa loob!" nangingikig na sa ginaw si Isay dahil naligo sila sa loob ng kuweba. Nasa speed boat din ang mga gamit nila.
Naupo siya sa isang batong nasa gilid ng kuweba kung saan matatanaw nila kung may paparating na bangka.Inabot niya ang kamay ni Isay saka iginiyang maupo rin sa kaniyang tabi. Niyakap niya ito upang kahit paano ay hindi ito masyadong maginaw. May munting kilabot siyang nadama nang maglapat ang mga balat nila ni Isay pero pilit niya iyong inignora.
Nang tumingala si Isay at matunghayan niya ang takot sa mga mata nito ay bahagya siyang nakadama ng pag – aalala. Tila ibig niya itong payapain at sabihing huwag itong matakot dahil naroon naman siya para rito.
'Come on, Zachary, she's just a little girl, for Zairah's sake!'
"What's your complete name again?" tanong niya sa katabi upang kahit paano ay mabawasan ang tensiyon na nadarama.
"Dalisay. Dalisay Capiral Mahusay, at your service."
"Wow! What a nice name huh?!"
Bahagya siyang kinurot ni Isay sa braso at saka tumawa. Simple gesture but he couldn't resist amusement.
"Nice? Mukha ngang tongue twister ang name ko tapos, sasabihin mong nice?"
"Well, it doesn't need to sound good to be considered nice. I honestly like it, actually but I prefer calling you Isay."
Sasagot pa sana si Isay nang biglang may kaluskos silang marinig sa isang panig ng yungib. Kapwa sila natahimik at naalarma. Awtomatiko ring humigpit ang yapos niya sa malambot na katawan ng dalaga.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 10
"ANO NA naman ba ang problema mo?!"Dinala siya ni Zach sa lihim na silid ng mama nito sa loob ng opisina. Tanging sila lamang ni Tita Ghie ang nakakaalam niyon at nagulat siya nang makitang iniuusad ni Zach ang mataas na magazine rack sa gilid ng mesa ng ina. Matapos iyon ay tuluyan nitong binuksan ang maliit na pintong nag – uugnay sa opisina at sa maliit na silid na gamit ni Tita Ghie sa tuwing may darating na kliyenteng hindi nito ibig makaharap."Magbihis ka!""Summer trend ang concept ng magazine, Mr. Avellana at alangan namang mag – pajama ako doon!""Wala akong pakialam! Basta magbihis ka!""Hindi mo ito puwedeng gawin sa'kin! Kailangan kong magtr
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 9b
MULA NANG magkausap sila ni Zach ay hindi na ito muling nagpakita pa. Tapos na rin ang isang linggong paalam niya kay Tita Ghie at kailangang muli na siyang magbalik sa trabaho. Kaya naman umagang – umaga ng Lunes ay nagreport na siya sa modeling agency."May lakad ka, Tita?" tanong niya nang maabutang maaga ring naroon si Tita Ghie. Bihis na bihis ito at alam niyang hindi pang – opisina ang gayak nito ng araw na iyon."Oh I'm sorry, hija. Hindi pala ako nakapagsabi sa iyo. Ruel and I are going to join a European tour on Wednesday. Sumaglit lang ako dito para ibilin kay Ms. Garcia ang mga schedule ng pictorials at screening ng mga talents. Pagkatapos nito ay sa Accenture naman ako tutuloy and then, sa mall.""Ganoon po ba? Don't worry, I'll take charge. Any
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 9a
NANG DUMATING siya sa kubo ay ilang sandali rin silang nagkuwentuhan ni Rafa. Kahit madalas sila nitong magka-chat sa laptop na regalo niya dito ay hindi pa rin iyon sapat sa dami ng ibig niyang ikuwento sa kaibigan. Hindi pa niya naikukuwento rito ang tungkol kay Zach nang mula sa kung saan ay sumulpot ang lalaking laman ng isip niya. Saglit siyang nabigla subalit agad din naman niyang naibalik sa normal ang sarili. Matapos magpaalam at bumaba ni Rafa ng kubo ay agad niya itong sinita."Ano ang ginagawa mo rito?"Hindi agad sumagot si Zach at walang pagmamadaling naupo ito sa kawayang bangko na nasa harap niya. Kung sa ibang pagkakataon ay bibiruin niya ito dahil hindi ito halos magkasya sa upuan."Marami akong dapat ipakipag – usap sa'yo, Isay. At sa tingin ko
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 8b
ANG MGA sumunod na araw ay hindi halos mapaniwalaan ni Isay. Hindi lang siya basta ginawang modelo ni Tita Ghie. Pinag – aral din siya nito at ipinatuloy sa kaniya ang kaniyang kurso. Sa loob ng apat na taong lumipas ay tanging sa bahay, eskuwela at trabaho umikot ang buhay niya. At malaki ang naitulong noon para malimutan niya ang sakit na idinulot ni Zach sa kaniya.Ngayon ay hindi na siya mangmang na gaya ng dati. Bukod kasi sa regular class ay may tutor din siya na nagtuturo ng code of ethics at tamang pagsasalita sa wikang Ingles. Mapalad siyang nakagaanan siya ng loob ni Tita Ghie. Dalawa lamang ang anak nito at kasalukuyang nasa labas ng bansa ang bunso nito. Ang panganay naman nito ay may asawa na at nagpapatakbo ng sarili nitong negosyo. Kaya kung tutuusin ay naging anak – anakan na siya ng ginang. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para masulit ang
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 8a
ALAM NIYANG hindi panaginip ang nangyari ng nagdaang gabi. Malinaw na malinaw sa isip niyang naroon si Zach. Kung paano niyang nagisnan ito na nakatabi sa kaniya sa higaan ay hindi niya alam subalit sigurado siyang si Zach iyon.Wala siyang matandaan kung hindi ang mga unang boteng sinaid niya sa tindahan sa kanilang kanto. Ganoon talaga siya sa tuwing nalalasing kaya ganoon na lamang ang pagpipigil ni Rafa na uminom siya ng labis sa kaya niya. Pero si Zach...sigurado siyang natatandaan niyang nakita niya ito. Kaya hindi niya matanggap ang sinasabi ni Rafa na nananaginip lang siya. Maging si Aling Carmen na may-ari ng tindahan ay sinabi ring wala naman siyang kainumang lalaki ng nagdaang gabi kung hindi si Rafa. Kung gayon ay nananaginip nga lang ba siya?"Isay, I'm warning you. Katangahan na ang gagawin mong 'yan. Hind
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 7
"ZACH..."Kitang – kita niya kung paanong nalukot ang maaliwalas na mukha ni Zach nang makita siya. Muli niya itong pinuntahan sa opisina ng kapatid nito. Wala siyang pakialam kung mainis ito dahil sa kasusunod niya. Ang mahalaga ay makipag – usap ito nang masinsinan. Hindi niya kasi matanggap na bigla na lamang magbabago ng ganoon si Zach. Tila ba hindi ito ang lalaking nakasama niya sa isla."What is it this time?""Zach please, mag – usap tayo. Kung kinakailangang hintayin kita hanggang mamayang gabi sa pag – uwi mo, kausapin mo lang ako ay gagawin ko..."Napatingin siya sa paligid. Unti – unti nang napapatingin ang mga nagdaraan sa kanila ng binata. At kitang – kita rin niyang i
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 6b
MULI ay napasinghap si Isay na tila hindi makapaniwala. Pero hindi maaaring hayaan niya ito sa mga kalokohang ginagawa nito."What do you mean, daddy?"
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 6a
MALAMIG ang tubig at dapat sana ay nagiginaw siya. Pero paano niya iyon madarama gayung nakahantad sa kaniya ang napakagandang katawan ni Isay? Nagising lang ang kaniyang diwa mula sa pagkakatitig sa dalaga nang maramdaman ang pagsasab
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 5b
"I STRONGLY suggest you still go to school, Isay. Mas marami pang madadagdag sa kaalaman mo kung mag – aaral ka."Ngumiti nang mapait ang dalaga at pagkuwa ay tumingin sa kaniya
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 5a
NAPAHIGPIT ang yakap ni Isay sa kaniya at gayon din naman siya rito. Paano kung mabangis na hayop pala ang nasa likod ng dilim? Tubig sa loob maging sa labas ang tanging natatanaw nila.
