Download the book for free

Chapter 1
"DALISAY MAHUSAY!"
"Present, Ma'am!" sigaw niya. Madali niyang tinakbo ang pila ng mga aplikanteng nasa harap ng Information desk ng tanggapang iyon. Focus Inc. ang pangalang mababasa sa itaas ng pinto ng opisina. Iyon ang ikalimang gusaling inakyat niya sa lunsod ng Makati sa pag – asang magkaroon ng maganda – gandang trabaho.
"I'm sorry, Ms. Mahusay but you are not qualified."
Napamaang siya. Ipinasa niya ang curriculum vitae sa lalaking lumapit kanina sa kanilang pila. Iyon pa lamang ang nakikita ng babaeng ito sa harap niya at ngayon ay maririnig na niya rito na hindi siya 'qualified?'
"W – what do you mean?"
Pasimpleng umingos ang babaeng kausap at saka binuklat ang hawak nitong folder na alam niyang sa kaniya.
"I checked your credentials and it didn't pass my scrutiny..."
"Ano kamo? Anong scrutiny? Everything is stated in my CV, Ms..." bahagya niyang sinilip ang ID na nakasabit sa leeg nito saka muling nagpatuloy.
"...Ms. Jacinto. Nariyan ang birthday ko...ang buong pangalan ko...pangalan ng nanay at tatay ko at ang references naman ay mga kapitbahay namin!"
"My God, Ms. Mahusay... excuse me , please lower your voice!" Napahawak pa man din ang isang kamay ng kaharap sa dibdib nito na bahagyang nagpataas ng kaniyang kanang kilay.
"Lower my voice? Low pitch na nga ito eh. Ano ba ang dahilan at hindi pasado ang CV ko? Saang bahagi ako nagkamali para i-judge ninyo agad ang kakayahan kong magtrabaho sa kompanya ninyo?"
Ibinaba ng receptionist ang folder niya sa table nito nang nakabukas. Hawak ang isang pulang ballpen ay kumilos ang kamay nito at humantong sa resume niya.
"What is your first name?" pagkuwa ay tanong nito.
"Huh? First name?" saglit siyang nag – isip. Kung bakit kasi nakakalito ang ibig sabihin ng Surname at First name. Nag – isip pa tuloy siya saka muling sumagot.
"Dalisay!"
Kumilos ang mga daliri nito at nagulat siya nang ipanulat nito ang hawak na ballpen sa kaniyang resume. Kulay pula iyon kaya agad niyang nakita. Napakagat – labi siya nang makitang Mahusay pala ang nakasulat sa bahaging iyon ng kaniyang ready - made bio - data.
"How about your birthday? It says here that you should write in mm/dd/year format. How come you have 5th of May, '91 here?"
Muli ay tumantos na naman ang mapanlibak na red ballpen ni Ms. Jacinto. Muntik na siyang mapapalatak. Sayang naman ang kaniyang bio - data. Ipinabili pa naman niya iyon sa bestfriend at kapitbahay niyang binabae na si Rafa.
"Importante pa ba iyon? Basta birthday!" sagot niya nang nakataas na muli ang kilay.
Napailing ang receptionist.
"Heto pa...nationality, please?"
Agad ang kaniyang ginawang pagsagot.
"Philippines! O hayan, tama na 'yan!"
Napangiwi si Ms. Jacinto. 'Yung tipo ng ngiti na tila kumain ng isang pagkaasim – asim na mangga.
"And your permanent address?"
"Eh 'di SAME!" Kapareho lang naman ng sagot niya sa Nationality ang kaniyang permanent address kaya isinaad niya ang malalaking titik na SAME doon.
Bigla ay namula ang mukha ni Ms. Jacinto sa tila kimkim nitong inis. Agad nitong nilagyan ng markang ekis ang kabuuan ng kaniyang bio – data saka iyon inilagay sa isang rack sa gilid ng mesa nito.
"Teka, iyon na ba ang interview? Parang ang ikli naman yata?"
"Next, please!" sigaw ni Ms. Jacinto na ang pansin ay nasa kasunod niyang aplikante sa pila.
"Teka lang! Labag sa labor code ang ginagawa mo ah! Bakit hindi mo muna ako subukang tanungin tungkol sa papasukan kong posisyon kaysa magconcentrate ka sa resume ko?!"
Lumipad ang matalim na tingin ni Ms. Jacinto sa kaniya saka iyon nagsalita sa tinig na pagkatigas – tigas.
"You better go home and plant camote, Ms. Mahusay! Kaya pala Dalisay ang pangalan mo ay dalisay at purong – puro ang laman ng utak mo!"
Hindi niya kinaya ang narinig na iyon mula sa receptionist kaya agad niyang kinuha ang patong – patong na folders sa ibabaw ng mesa at saka padarag na inihambalos niya iyon sa harap ng table nito. Agad na napasigaw ang babae sa pagkabigla. Marahil ay inakala nitong sa maaskad na mukha nito babagsak ang makapal na pile ng mga applicant folders. Agad itong sumigaw at tumawag ng guwardiya. Kaiba sa pelikula ay napakaliksi namang dumalo ng mga guwardiyang tinawag nito...at hindi lang dalawa ang sumaklolo kung hindi tatlo! Na tila ba siya isang puganteng kailangang siluin.
"Umuwi ka na! Aralin mo muna ang pagkakaiba ng CV, resume at bio – data saka ka sumubok uli na mag – apply...kung may tatanggap pa sa'yo!"
"Hoy, babae ka! Napakayabang mong magsalita ah! Araw mo ngayon kaya sige, panalo ka...pero ito ang tandaan mo...darating ang araw na sisikat din ako! Pagdating ng araw na iyon ay ihahampas ko sa mukha mong napalilibutan ng kulugo ang limpak – limpak kong salapi! Bulok naman ang opisina n'yo! Tse!"
Hanggang sa makalabas ng gusali bitbit ng dalang guwardiya ay nagtatatalak siya. Ang ikatlong guwardiya naman ay nasa unahan upang hawanin ang mga taong nadaraanan niya. At matapos ay tila kuting na itinulak na lang siya papalabas ng pinto ng gusali. Napaluhod siya sa malakas na pagtulak ng panot na guwardiya.
Maliksi siyang tumayo at sinipa nang pagkalakas – lakas ang salaming pinto. Akmang lalabas na muli ang nakabantay na guwardiya kaya mabilis siyang kumilos upang lisanin ang lugar na iyon. Bago siya tuluyang tumalikod ay tiniyak muna niyang mabibigyan niya ng isang remembrance na 'dirty finger' ang panot at bigotilyong guwardiya. Galit na galit ang hitsura ng mga iyon kaya ipinasya niyang tumakbo na.
Ganoon kalaki ang hirap na pinagdaraanan niya sa halos araw – araw niyang pagbabakasakaling makahanap ng isang marangal at magandang trabaho.Kung tutuusin ay hindi kakaiba ang pangyayaring iyon sa kaniya. Sa tuwina ay nare-reject ang bio – data niya pero wala pa rin siyang kadalaan. Hindi pa rin siya nagseseryoso sa pagsasagot niyon na kung tutuusin ay madali lang naman. Kaya ang resulta ay lagi siyang mali. Laging 'not qualified.'
Bago tuluyang tumawid ng kalsada ay muli niyang nilingon ang apat na tabi – tabi at nagtataasang gusali sa pusod ng Makati. Napasimangot na lang siya nang manumbalik sa isip ang hirap na dinanas sa lugar na iyon.
SA DARATING na kaarawan ay labinsiyam na taon na siya. Ganap nang dalaga pero hindi pa hinog kung edukasyon ang pag – uusapan. Isang diplomang nagsasaad ng dalawang taong kurso sa Computer ang sa tuwina ay kaniyang baon sa paghahanap ng trabaho. Pero kung hindi sales agent ay vendor ang linya ng trabahong nakukuha niya. Hindi naman niya tinatanggap ang mga iyon dahil dalawang beses na niyang nasubukan ang ganoong trabaho at talagang hindi kinakaya ng 'powers' niya.
Si Dalisay ay ang nag – iisang anak ng mag – asawang Policarpio at Sabel Mahusay. Noong bata pa ay sa San Juan, Batangas sila nakatira subalit nang tumuntong na siya sa Sekondarya ay nag – alsa balutan silang mag – anak at lumuwas ng Maynila. Ayon sa kaniyang ina ay kailangan nilang lumipat ng bahay dahil sa dami ng pagkakautang na nagawa ng ama sa pabrikang pinapasukan nito. Ang sabi naman ng ama ay kailangan nilang tumuntong ng Maynila dahil naroon ang maraming oportunidad para sa isang magandang hanapbuhay. Ano man ang dahilan ay naroon na rin sila. At salamat dahil hindi naman sila nahirapang mamuhay sa bagong tahanang kanilang nilipatan.
Kahit paano ay nakapagpatayo sila ng maliit na bahay sa isang masikip na kalye sa Caloocan. Ang lupang kinatatayuan niyon ay sa kaniyang tiyuhin na kapatid ng kaniyang ina. Nang mamatay ang matanda,ang mga anak na nito ang tumatanggap ng buwanang hulog nila sa kapirasong lupain. Sa simula ay maayos naman ang buhay nila. Hindi sila sumasala sa oras ng pagkain at nabibili naman niya ang mga pangangailangan niya sa eskuwela.
Subalit nagbago ang lahat nang igupo ng sakit ang kaniyang ama noong nasa unang taon na siya ng kolehiyo. Natural ay nahinto ito sa pamamasukan sa maliit na Supermarket ilang kanto lamang ang lapit sa kanila. Hindi nga nagtagal ay binawian ito ng buhay. Iyon ang naging simula ng paghihikahos nilang mag – ina. Ang nanay niya ay hindi magkandaugaga sa pagtanggap ng mga tahiin at labada para lamang masuportahan ang pag – aaral niya. Ibig man niyang tumulong ay wala siyang magawa. Salamat na lamang at natapos pa niya ang dalawang taong kurso bago sumunod na namatay ang kaniyang ina sanhi ng sakit sa baga.
Gayunman ay talagang kulang pa rin siya sa kaalaman. Ayaw naman niyang kumuha ng kahit anong trabaho na lang. Iyon ang kabilin – bilinan ng kaniyang ama. Hindi diumano sagot sa kahirapan ang pagkapit sa patalim. Kaya nagpapaltos – paltos man ang kaniyang mga paa ay matiyaga pa rin niyang sinusuyod ang buong ka-Maynilaan at mga kalapit lunsod para maghanap ng kahit anong matinong trabaho na naaangkop kahit paano sa kursong natapos niya.
"Ano ba naman, Dalisay?! Hindi mo dapat ginawa iyon!" Napatingin siya sa nagsesermong kaibigan. Nakaupo siya sa puno ng hagdan ng kanilang bahay samantalang nakatayo naman si Rafa sa lupa paharap sa kaniya. Gaya ng dati ay tangan nito ang isang abaniko at mabilis na ipinapaypay sa maputing – maputing mukha nito.
Umingos siya saka sumagot.
"Ano ang gusto mong gawin ko? Magpasalamat sa kaniya? Hindi man lamang niya pinarating sa loob ng opisina ang resume ko! At wala rin kahit kaunting courtship sa katawan ang babaeng iyon kaya bagay lang iyon sa kaniya!"
"Anong courtship?"
Tumirik ang mga mata ni Dalisay saka inabot ang soda na nasa lata sa tabi nito.
"Courtship lang, hindi mo alam? 'Yung pagiging polite ganoon!"
"Baka courtesy, sister..."
"Sus...pareho lang ang mga 'yan!" nilagok niya ang huling laman ng lata saka ibinato sa kabila ng bakod.
"Hindi ka matatanggap sa trabaho kung hindi mo babaguhin ang ugali mo, Isay. Una, dapat ay isapuso mo ang gagawin mo. 'Yung presence of mind ay dapat na taglay mo. Tapos..."
Hindi niya pinatapos sa sinasabi si Rafa. Pinitas niya ang nakausling sanga ng gumamela na nakasandal sa kanilang dampa at ibinato iyon sa mukha nito.
"Aray!"
"Hindi ka naman seryoso niyan, bakla?"
"Grabe ka naman eh! Nage – emote nga ang beauty ko tapos ay ayaw mo naman akong seryosohin. Totoo naman ang mga sinasabi ko. Hindi ka natatanggap dahil nakikita nilang hindi ka nila magiging asset. Asta mo pa lang ay gerera na!"
"Hoy, hindi totoo 'yan! Naka-slacks ako kanina noh!"
Tumawa nang ubod lakas si Rafa.
"Naka – slacks ka nga! Eh ang pang – itaas mo?"
"Bakit? Ang sexy naman ni Paris sa suot ko ah!"
"Coke sakto! Hubad na larawan ng babae ang nasa damit mo! Sinong matinong tao ang tatanggap sa'yo? At ang sapin mo sa paa, sister...maloloka ang Famas sa tulis ng boots mo day! At red ha!"
"Alam mo Rafa, wala akong magagawa kung ipinanganak kang baduy at walang fashion sense! Hindi mo ba nakitang red ang skirt ni Paris? Terno kaya iyon sa boots ko!"
"Gaga! May terno – terno ka pang nalalaman! Hindi nga tamang ganoon ang attire mo kapag nag – apply ka. Dapat ay pormal. Slacks at disenteng blouse. O kaya naman ay skirt at pormal na pang – itaas ulit. Por pabor Dalisay, mas babae pa ako sa'yo!"
Napangiti siya sa puntong iyon. Totoo naman ang sinasabi ni Rafa. Ayaw niya kasing maging plastic kaya sinasadya niyang gawin ang mga iyon. Hindi niya gustong makakakuha nga siya ng pagkakakitaan pero ibang pagkatao naman ang inihaharap niya sa pakikitungo sa mga kasama sa trabaho.
"O sige na. Tumahimik ka na. Mag – iisip na 'ko ng paraan para mabilis na makahanap ng pera."
"Hayan! Ganyan dapat! Makikinig ka sa payo ko because mother knows best!"
Ngumisi siya sa biro ni Rafa saka nagpatuloy.
"Yung mataas na building sa tabi ng Dreams sa Makati, natatandaan mo?"
Saglit na nag – isip si Rafa. Nakangunot pa ang noo nito na nakukulapulan ng maputing night cream.
"Accenture ZA?" tanong nito.
"Presto!"
"O ano...iyon ang aakyatin mo? Akala ko ba ay nagbagong - buhay ka na?"
Napa-aray si Rafa nang tumayo siya at dinukwang ito upang tampalin nang mahina sa noo.
"Gaga! Doon ako mag-aapply ng trabaho."
Nanlaki ang mga mata ni Rafa saka yumuyugyog ang balikat na nagsalita ito.
"Doon ka mag-aapply? Ano naman ang posisyon mong papasukan doon? Manikurista ng mga janitor? Kung hindi ka ba naman sira eh...puro sosyal ang mga namamasukan doon, Isay! Executive chuvanes!"
"Wala ka bang bilib sa akin? Mapapasok ako doon, ako'ng bahala..."
"Naku, magsasayang ka lang ng bio-data at pamasahe sa naiisip mong 'yan, kafatid...ang mabuti pa ay sasamahan kita kay Claudia. May sideline na alam 'yun na tiyak na magpapayaman sa'yo!"
Napatirik ang mata niya sa inis. Gayunman ay alam niyang nagbibiro lang ang kaibigan sa sinabi nito. Ang Claudia na binanggit ni Rafa ay kapitbahay nilang namamasukan sa parlor sa umaga at sa mga night clubs naman sa gabi. Pero hindi kahit kailan niya papasukin ang ganoong hanapbuhay dahil may pangako siya sa ama na hindi baleng mababa basta marangal na trabaho ang pagkukuhanan niya ng ikabubuhay.
"Eh anong trabaho ba kasi ang papasukin mo? Ayaw mo ng serbidora sa kainan. Ayaw mong magtinda sa palengke. Susmeyo, choosy ka pa ng lagay na 'yan?!"
"Bakit? Wala ba akong karapatang mamili ng trabahong papasukin ko? Alam mo Rafa, makakahanap din ako ng matinong mapapasukan. Basta maghintay ka lang at magugulat ka sa mga darating na araw..."
Ngingiti – ngiting kinindatan niya ang kaibigan. At disidido siya sa sinabi rito. Talagang gagawin niya ang lahat mapatunayan lang ditong may maganda ring pinto ng hanapbuhay na magbubukas para sa kaniya.
Latest chapter
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 10
"ANO NA naman ba ang problema mo?!"Dinala siya ni Zach sa lihim na silid ng mama nito sa loob ng opisina. Tanging sila lamang ni Tita Ghie ang nakakaalam niyon at nagulat siya nang makitang iniuusad ni Zach ang mataas na magazine rack sa gilid ng mesa ng ina. Matapos iyon ay tuluyan nitong binuksan ang maliit na pintong nag – uugnay sa opisina at sa maliit na silid na gamit ni Tita Ghie sa tuwing may darating na kliyenteng hindi nito ibig makaharap."Magbihis ka!""Summer trend ang concept ng magazine, Mr. Avellana at alangan namang mag – pajama ako doon!""Wala akong pakialam! Basta magbihis ka!""Hindi mo ito puwedeng gawin sa'kin! Kailangan kong magtr
Last Updated : 2020-08-06
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 9b
MULA NANG magkausap sila ni Zach ay hindi na ito muling nagpakita pa. Tapos na rin ang isang linggong paalam niya kay Tita Ghie at kailangang muli na siyang magbalik sa trabaho. Kaya naman umagang – umaga ng Lunes ay nagreport na siya sa modeling agency."May lakad ka, Tita?" tanong niya nang maabutang maaga ring naroon si Tita Ghie. Bihis na bihis ito at alam niyang hindi pang – opisina ang gayak nito ng araw na iyon."Oh I'm sorry, hija. Hindi pala ako nakapagsabi sa iyo. Ruel and I are going to join a European tour on Wednesday. Sumaglit lang ako dito para ibilin kay Ms. Garcia ang mga schedule ng pictorials at screening ng mga talents. Pagkatapos nito ay sa Accenture naman ako tutuloy and then, sa mall.""Ganoon po ba? Don't worry, I'll take charge. Any
Last Updated : 2020-08-06
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 9a
NANG DUMATING siya sa kubo ay ilang sandali rin silang nagkuwentuhan ni Rafa. Kahit madalas sila nitong magka-chat sa laptop na regalo niya dito ay hindi pa rin iyon sapat sa dami ng ibig niyang ikuwento sa kaibigan. Hindi pa niya naikukuwento rito ang tungkol kay Zach nang mula sa kung saan ay sumulpot ang lalaking laman ng isip niya. Saglit siyang nabigla subalit agad din naman niyang naibalik sa normal ang sarili. Matapos magpaalam at bumaba ni Rafa ng kubo ay agad niya itong sinita."Ano ang ginagawa mo rito?"Hindi agad sumagot si Zach at walang pagmamadaling naupo ito sa kawayang bangko na nasa harap niya. Kung sa ibang pagkakataon ay bibiruin niya ito dahil hindi ito halos magkasya sa upuan."Marami akong dapat ipakipag – usap sa'yo, Isay. At sa tingin ko
Last Updated : 2020-07-30
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 8b
ANG MGA sumunod na araw ay hindi halos mapaniwalaan ni Isay. Hindi lang siya basta ginawang modelo ni Tita Ghie. Pinag – aral din siya nito at ipinatuloy sa kaniya ang kaniyang kurso. Sa loob ng apat na taong lumipas ay tanging sa bahay, eskuwela at trabaho umikot ang buhay niya. At malaki ang naitulong noon para malimutan niya ang sakit na idinulot ni Zach sa kaniya.Ngayon ay hindi na siya mangmang na gaya ng dati. Bukod kasi sa regular class ay may tutor din siya na nagtuturo ng code of ethics at tamang pagsasalita sa wikang Ingles. Mapalad siyang nakagaanan siya ng loob ni Tita Ghie. Dalawa lamang ang anak nito at kasalukuyang nasa labas ng bansa ang bunso nito. Ang panganay naman nito ay may asawa na at nagpapatakbo ng sarili nitong negosyo. Kaya kung tutuusin ay naging anak – anakan na siya ng ginang. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para masulit ang
Last Updated : 2020-07-30
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 8a
ALAM NIYANG hindi panaginip ang nangyari ng nagdaang gabi. Malinaw na malinaw sa isip niyang naroon si Zach. Kung paano niyang nagisnan ito na nakatabi sa kaniya sa higaan ay hindi niya alam subalit sigurado siyang si Zach iyon.
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 7
"ZACH..."Kitang – kita niya kung paanong nalukot ang maaliwalas na mukha ni Zach nang makita siya. Muli niya itong pinuntahan sa opisina ng kapatid nito. Wala siyang pakialam k
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 6b
MULI ay napasinghap si Isay na tila hindi makapaniwala. Pero hindi maaaring hayaan niya ito sa mga kalokohang ginagawa nito."What do you mean, daddy?"
Believe Me When I Say I Love You (Filipino) Chapter 6a
MALAMIG ang tubig at dapat sana ay nagiginaw siya. Pero paano niya iyon madarama gayung nakahantad sa kaniya ang napakagandang katawan ni Isay? Nagising lang ang kaniyang diwa mula sa pagkakatitig sa dalaga nang maramdaman ang pagsasab
Reviews

Chapters
Read
Download
To Readers
Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2 FEI
