loading
Home/ All /Believe Me When I Say I Love You (Filipino)/Chapter 2

Chapter 2

Author: Yesha Lee
"publish date: " 2020-07-30 16:43:45

"GOOD MORNING, Ms. Mahusay. Can you please tell something about yourself? Why should we hire you?" hawak ang nakataas na salamin habang nakikipag – usap sa kaniya ang isang babaeng may edad man ay bakas pa rin ang ganda noong kabataan nito.

Margarita Soriano ang pangalan nito ayon sa receptionist na humarap sa kanilang mga aplikante. Banat na banat ang pagkakapusod ng buhok nito at puti ang suot mula ulo hanggang sandals.

Tumikhim siya upang maging maayos ang maging pagsagot sa mga tanong ng kaharap. Kailangan niyang makuha ang trabahong ito kung nais niyang magkaroon ng mukhang ihaharap kay Rafa na naghihintay sa waiting area sa lobby ng gusali.

"Simply because I am good. Ma'am. I can work very good. A good work for that matter." Nakangiting wika niya na nagpaangat sa mukha ng kaharap. Napangiti siya. Marahil ay na-impressed ang babaeng ito sa kaniya. Inaral niya kasi sa buong magdamag ang linyang iyon at talaga namang ang ganda ng pagkaka-deliver niya.

Ngumiti ang babae at saka muling pinasadahan ang hawak na folder.

"You took up Computer Secretarial?" pagkuwa ay tanong nito.

"Yes, Ma'am. It's in my CV. I hope you read." Nakangiting sagot niya.

Tuluyan nang lumapad ang pagkakangiti ng babae sa kaniya. Lalo naman siyang ginanahang sumagot sa mga itatanong pa nito. Malakas ang pakiramdam niyang matatanggap siya sa kompanyang iyon...at last!

"What are these...?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang nasa ilalim ng resume niya.

"Ah, that? All the answers to my favorites. Favorite color, favorite attire, food and all that...you know...no questions so I wrote them on my own..." bahagya pa niyang nilangkapan ng mahinang pagtawa ang sinabi at nabigla siya nang suklian iyon ng matunog na halakhak ng kaharap.

"You know what? I like you." Natuwa siya at tinapik nang mahina ang likod ng palad ng kausap.

"And I like you too, Ma'am...am I now hired?"

Biglang natahimik ang babae at saka umayos sa pagkakaupo. Inayos nito ang salamin sa mata at saka pumindot sa intercom. Narinig niyang may tinawag ito na ang pangalan ay Eloisa. Hindi pa siya nakapag – iisip ng itatanong ay bumukas na ang pinto ng opisina at dire – diretsong lumapit sa kanila ang isang matabang babaeng tila Intsik.

"I need your help, Eloisa..." wika ni Mrs. Soriano sa bagong dating. Muling itong sumulyap sa kaniya saka humugot ng malalim na paghinga.

"By all means, Tita Ghie..." sagot naman ng babaeng tatlo yata ang baba. Bigla siyang napagod sa pagkakatitig dito. Hindi kaya ito nahihirapan sa dala – dala nitong katawan?

"I have a friend here who needs your help, Loi. Her name is Dalisay Mahusay. She's looking for a job. Do you have any that will suit her credentials?" Inabot ni Tita Ghie ang folder kay Eloisa at binasa naman iyon ng huli. Saglit lang at nakangiting tumingin ito sa kaniya.

"Come with me, Ms. Mahusay. The seminar is about to begin..."

"Wait, wait...what seminar? Am I now hired to work as a secretary here?" tanong niyang naguguluhan sa pag – uusap ng dalawa. May seminar ba ang pagiging secretary?

"I'm sorry, Ms. Mahusay but I think you are not yet ready to work for us. But don't worry, Ms. Eloisa here knows a good job that will fit your skills."

"But I thought, you like me, Madam?"

Tumango nang ilang ulit ang ginang saka siya hinawakan sa mga kamay.

"That's true, hija. I like you. But you need to be trained first and this job I was telling you will provide you a lot of working experiences."

Tumingin siya kay Ms. Eloisa at matapos walang buhay na nagpaalam kay Tita Ghie ay tumayo na siya. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa malusog na babae.

Ang akala niya ay sa mismong gusali na iyon ang seminar at training na sinasabi ng dalawang kausap. Kaya laking pagtataka niya nang bumaba sila ng lobby.

Agad na napatayo si Rafa na nagbabasa ng magazine sa waiting area nang makita siya. Lumapit ang kaniyang kaibigan at saka umagapay sa kanilang paglalakad. Nang lumabas sila ng gusali ay lalo na siyang nagtaka. Ibig niya sanang magtanong subalit naunahan naman siya ng hiya kaya sinenyasan na lang niya si Rafa na sumunod na lang din sa babaeng tila aparador na naglalakad sa gitna ng kalsada.

Matapos tumawid ay pinasok ni Ms. Eloisa ang eskinitang naliligiran ng iba't - ibang klaseng kainan at tindahan ng mga piratang CD. Ikatlong gusali mula sa kanto ang pinasok nito. Matiyagang nakasunod lang sila. Pumanhik ito sa ikalawang palapag at saka lumingon sa kanila ni Rafa. Sumenyas itong naroon na sila sa sadya nilang lugar kaya kahit napagod ay nakahinga na siya ng maluwag.

Hindi birong paglalakad ang ginawa nila at bahagya siyang hiningal doon. Lihim siyang napahanga sa malusog na babae. Hindi man lang ito kakikitaan ng pagkahapo samantalang kapwa sila naghahabol ng hininga ni Rafa.

Magtatanong na sana siya nang buksan ni Ms. Eloisa ang pintong kulay berde. Tumambad sa kanila ang grupo ng taong hindi bababa sa dalawampu. At natuon ang pansin ng lahat sa kanila. Nang itutok niya ang mga mata sa harap ng mga taong naroon ay saka niya naunawaan ang trabahong 'papasukan' pala niya.

Sa tapat ng isang malaking whiteboard ay may nakatayong isang lalaki na ubod ng payat at may hawak na tila floor mop na kakorte nito. Sa hitsura ng lalaki ay hindi mahirap hulaang nagdedemo ito ng hawak nitong produkto. May timba pa sa harap nito na ipupusta niya ang suot niyang silver anklet ay tiyak na puno ng maitim na tubig. Alam na niya dahil nakakakita na siya ng mga ganoon sa mga malls.

Kusang umatras ang kaniyang mga paa sabay hawak sa isang kamay ni Rafa. Subalit nakangiting mukha ni Ms. Eloisa ang nabungaran niya pagtalikod. Kumanan siya at humarang ito. Kumaliwa siya at muli nitong iniharang ang malaki nitong katawan sa daraanan niya. Napasimangot siya sanhi noon at naramdaman na lang niyang hinahatak siya ni Rafa upang maupo sa isa sa mga upuang naroon. No choice. Ito na nga marahil ang kapalaran niya. Na naman!

"MGA MA'AM, mga Sir...lapit – lapit nang grasya ay kumapit! Halina kayo at tunghayan ang bagong produktong lulutas sa mga problema n'yo! Araw – araw niyo bang sakit ng ulo ang mga alikabok, natapong gatas ng anak niyong makulit at mga hot cake na luto ng mga alaga niyong hayop? Puwes, ngayon ay may solusyon na sa inyong mga hinaing! Narito na ang ipinagmamalaking produktong gawang Pinoy na kakampi ni Nanay sa paglilinis ng bahay...lapit pa, mga Ma'am, mga Sir..."

Isang hagikgik ang nagpahinto sa kaniya sa pagsigaw gamit ang lapel mic. Saglit niyang pinatay iyon at inabot sa karelyebo bago hinarap si Rafa na gaya niya ay nakasuot din ng asul na uniporme.

Matapos ang 'seminar' ay agad silang binigyan ni Ms. Eloisa ng dalawang form. Akala niya ay tatanggi ang kaibigan subalit kinuha rin nito iyon at nauna pang nagsulat sa kaniya.

Ayon dito ay mamamasukan din ito para may kasama siya. Nakita kasi nitong gaya ng dati ay may balak na naman siyang umatras kaya marahil naisipan nitong makisali sa kapalarang daranasin niya.

Hindi naman siya nahihiya sa ganoong klaseng trabaho. Pero dahil nakatapos kahit dalawang taong kurso ay inaasahan niyang sa opisina naman sana siya malalagay at hindi sa 'field.' Kaya talagang hindi bukal sa loob ang ginagawa niya ngayon.

"O bakit ka huminto?" tanong ni Rafa nang nakangiti habang hawak sa dalawang kamay ang floor mop.

"Bakit ka natatawa?" asik niya rito. Napipilitan na nga siya sa ginagawa tapos ay pagtatawanan pa nito.

"Hindi ako natatawa, sister. Natutuwa po ako. Kuwidaw, malaki ang pagkakaiba ng dalawang iyon." Natutuwa raw ito samantalang umaalog pa ang balikat nito nang muling humarap sa kaniya. Kinailangan pa nitong bitiwan ang mga hawak na floor mop upang hawakan ang tiyan nito dala marahil ng pinipigil na pagtawa.

"Ah, natutuwa ka? Eh kung i-mop ko ang mukha mo at i-demo sa harap ng mga taong iyan, matutuwa ka pa kaya?"

"Cool...cool..."

Kunwa ay nagtatago sa mga kamay nito na wika ng tawa pa rin nang tawang si Rafa. Napatingin siya sa relong pambisig at kasabay niyon ay ang pagkalam ng kaniyang sikmura.

"Nag – alarm na naman ang buwaya mo sa tiyan?" tanong nito nang mapansing nakatingin siya sa relo.

"Tanghali na, sis..."

"Alam ko pero mamaya pa ang break natin..."

Napasimangot siya. Kung break ang hihintayin ay kulang isang oras pa iyon. Hindi siya nakainom kahit kape bago lumakad kaya wala siyang lakas na baon sa araw na iyon. Nakakapagod pa naman ang magdemo at magmakaawa sa mga tao mabili lang ang mga floor mop na dala nila.

Agad niyang hinawakan si Rafa sa braso matapos alisin ang asul na damit pang – ibabaw niya. Sinenyasan niya itong gayundin ang gawin. Naguguluhan man ay ganoon nga ang ginawa ni Rafa. Nang makitang abalang – abala sa pag – aasikaso sa mga customers ang dalawa pa nilang kasama ay agad siyang lumakad nang mabilis patalilis sa lugar na iyon. Hatak si Rafa ay madali siyang tumakbo nang walang direksiyon. Bahala na kung saan sila dalhin ng kanilang mga paa. Basta ang mahalaga ay makalayo sila sa mga mata ng mga kasamang promo merchandisers.

"ZACH, what's happening to you? Akala ko ba ay maayos na tayo? Bakit bigla kang umuwi dito sa Pilipinas? Are you trying to hide from me?"

Mabibilis ang mga hakbang niya at hindi niya pinapansin ang nagbubusang si Debbie. Doon siya dumiresto sa mall matapos bisitahin ang ina sa modeling agency nito at laking gulat niya nang makitang naroon at nakasunod pala ang dalaga.

"Zach, will you please stop walking and talk to me?! Zach, ano ba?!"

Lumingon siya dito at agad namang nahabag sa hitsura ng babae. Tila ito kuting na naiwan ng nanay nito sa isang tabi at anumang oras ay handa nang umiyak. Naihilamos niya ang isang palad sa mukha bago umabot ang isang kamay nito upang hawakan si Debbie. Agad namang nagliwanag ang mukha nito sa kaniyang ginawa.

WALA PANG isang Linggo buhat nang umuwi si Zach ng Pilipinas. Mahigit tatlong taon din siyang namalagi sa Los Angeles, California at nagpatakbo ng negosyong minana sa mga kinikilalang magulang. Kung hindi pa ikakasal ang kapatid na si Zairah ay hindi niya sana maiisipan ang umuwi agad ng bansa.

Nang huling mag – usap ay hindi sila nagkaunawaan ng nobyang si Debbie. Naiinis kasi siya dahil may mga desisyon itong hindi isinasangguni sa kaniya. Isa itong modelo ng mga produktong pampaganda at dahil sa trabahong iyon ng kasintahan ay kung saan – saang lupalop ito pinadadala ng manager nito. Sa simula ay walang problema subalit dahil nagkakaedad na rin naman sila ay naiisip na rin niyang lumagay sa tahimik. Iyon din naman kasi ang gusto ng kaniyang ina at ibig niyang paluguran ito. Kaya naiinis siya na tila sadyang inaantala ni Debbie ang mga plano nila hinggil sa pagpapakasal.

Napalingon siya nang maramdamang huminto sa paglalakad si Debbie. Nilingon niya ito at saka tinanong.

"Ginutom ako, sweetheart. Kain muna tayo, please..."

Naiinis pa rin siya kay Debbie kaya hindi niya ito sinuklian ng kahit kapirasong ngiti. Seryoso ang anyo na tumango siya at saka nagpagiya rito nang kusang umangkala sa braso niya ang isang kamay ng dalaga.

"ANO KA ba naman, Isay? Bakit tayo nagpunta dito?" agad na tanong ni Rafa nang makaupo sa harap ng mesang pandalawahan. Doon sila nakarating sa isang kainan na may hindi bababa sa labinlimang bilog na mesa. Ang bawat mesa ay may nakapaibabaw na bulaklak sa munting basket. Sosyal kung pagmamasdan ang kainang iyon at dahil wala namang planong kumain ay hindi siya nagdalawang – isip na doon pumasok.

"Sorry my friend, pero ayoko talaga ng trabahong iyon. Hindi ko iyon kayang tagalan! Wala man lang tayong break at amoy kalabaw na tayo sa pawis!"

Sinimangutan siya ni Rafa.

"Hayan ka na naman. Nagrereklamo ka pa eh wala ka namang ibang mapapasukan! Sa hirap ng buhay ngayon ay masuwerte ka na ngang natanggap sa trabahong ito. Isa pa bakla, sosyal naman ang kompanya natin...hindi basta pipitsugin..."

"Kiber, bakla! Basta ayoko na. I quit. Capital QT...quit! Maghahanap na lang ako ng lalaking guwapo at mayaman na magpapa-uto sakin!" nakanguso pa siya nang sabihin iyon at talagang umuusok na sa inis ang bumbunan niya. Magsasalita siyang muli nang biglang may service crew na lumapit sa kanilang mesa.

"Good morning, Ma'am. My name is Marvin. May promo po ang Islet Craze. Pick your luck." Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Sa kamay nito ay may bowl na kinalalagyan ng mga maliliit na pirasong papel na kulay dilaw. Kagaya rin ng kulay ng buong paligid...murang dilaw.

"Ikaw, puwedeng i-pick?" tanong ni Rafa na nagpangiti sa kausap. Pasimple pa ang paghampas – hampas nito sa braso ng crew kaya napapangiti siya.

Naunang bumunot sa bowl si Rafa at matapos ay siya naman. Napasimangot ito nang makitang quotation lang ang nasa papel at ipinakita pa sa kaniya. Nagulat naman siya nang buksan ang papel na nakatiklop dahil may drawing ng 'thumbs up sign' doon. Binasa niya iyon nang naririnig ng crew.

"Congratulations! You got it. One week vacation in Isla Puting Buhangin with..."

Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ay agad nang sumigaw si Marvin. Narinig niyang pumailanlang ang isang maharot na tugtugin sa loob ng kainan at kasabay naman niyon ay may sumigaw na muli sa isang panig ng restaurant. Inanunsyo niyon na may isa pang nanalo ng kung anong premyong ipinamimigay ng mga ito.

Natanaw niya ang taong iniaanunsyong nanalo. At kahit nakatalikod ay kitang – kita niya mula sa malayo ang matikas nitong pangangatawan. Nakasuot ito ng abuhing amerikanang sa TV lang niya malimit na nakikita.Bahagya siyang napaigtad nang lumingon ito at mahuling nakatingin siya rito. Ilang saglit din silang nagkatitigan ng lalaki mula sa malayo bago nito bawiin ang tingin sa kaniya.

Napangiti siya. At makahulugang tumingin kay Rafa. Kapag sinusuwerte nga naman...

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 10

"ANO NA naman ba ang problema mo?!"Dinala siya ni Zach sa lihim na silid ng mama nito sa loob ng opisina. Tanging sila lamang ni Tita Ghie ang nakakaalam niyon at nagulat siya nang makitang iniuusad ni Zach ang mataas na magazine rack sa gilid ng mesa ng ina. Matapos iyon ay tuluyan nitong binuksan ang maliit na pintong nag – uugnay sa opisina at sa maliit na silid na gamit ni Tita Ghie sa tuwing may darating na kliyenteng hindi nito ibig makaharap."Magbihis ka!""Summer trend ang concept ng magazine, Mr. Avellana at alangan namang mag – pajama ako doon!""Wala akong pakialam! Basta magbihis ka!""Hindi mo ito puwedeng gawin sa'kin! Kailangan kong magtr

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 9b

MULA NANG magkausap sila ni Zach ay hindi na ito muling nagpakita pa. Tapos na rin ang isang linggong paalam niya kay Tita Ghie at kailangang muli na siyang magbalik sa trabaho. Kaya naman umagang – umaga ng Lunes ay nagreport na siya sa modeling agency."May lakad ka, Tita?" tanong niya nang maabutang maaga ring naroon si Tita Ghie. Bihis na bihis ito at alam niyang hindi pang – opisina ang gayak nito ng araw na iyon."Oh I'm sorry, hija. Hindi pala ako nakapagsabi sa iyo. Ruel and I are going to join a European tour on Wednesday. Sumaglit lang ako dito para ibilin kay Ms. Garcia ang mga schedule ng pictorials at screening ng mga talents. Pagkatapos nito ay sa Accenture naman ako tutuloy and then, sa mall.""Ganoon po ba? Don't worry, I'll take charge. Any

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 9a

NANG DUMATING siya sa kubo ay ilang sandali rin silang nagkuwentuhan ni Rafa. Kahit madalas sila nitong magka-chat sa laptop na regalo niya dito ay hindi pa rin iyon sapat sa dami ng ibig niyang ikuwento sa kaibigan. Hindi pa niya naikukuwento rito ang tungkol kay Zach nang mula sa kung saan ay sumulpot ang lalaking laman ng isip niya. Saglit siyang nabigla subalit agad din naman niyang naibalik sa normal ang sarili. Matapos magpaalam at bumaba ni Rafa ng kubo ay agad niya itong sinita."Ano ang ginagawa mo rito?"Hindi agad sumagot si Zach at walang pagmamadaling naupo ito sa kawayang bangko na nasa harap niya. Kung sa ibang pagkakataon ay bibiruin niya ito dahil hindi ito halos magkasya sa upuan."Marami akong dapat ipakipag – usap sa'yo, Isay. At sa tingin ko

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 8b

ANG MGA sumunod na araw ay hindi halos mapaniwalaan ni Isay. Hindi lang siya basta ginawang modelo ni Tita Ghie. Pinag – aral din siya nito at ipinatuloy sa kaniya ang kaniyang kurso. Sa loob ng apat na taong lumipas ay tanging sa bahay, eskuwela at trabaho umikot ang buhay niya. At malaki ang naitulong noon para malimutan niya ang sakit na idinulot ni Zach sa kaniya.Ngayon ay hindi na siya mangmang na gaya ng dati. Bukod kasi sa regular class ay may tutor din siya na nagtuturo ng code of ethics at tamang pagsasalita sa wikang Ingles. Mapalad siyang nakagaanan siya ng loob ni Tita Ghie. Dalawa lamang ang anak nito at kasalukuyang nasa labas ng bansa ang bunso nito. Ang panganay naman nito ay may asawa na at nagpapatakbo ng sarili nitong negosyo. Kaya kung tutuusin ay naging anak – anakan na siya ng ginang. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para masulit ang

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 8a

ALAM NIYANG hindi panaginip ang nangyari ng nagdaang gabi. Malinaw na malinaw sa isip niyang naroon si Zach. Kung paano niyang nagisnan ito na nakatabi sa kaniya sa higaan ay hindi niya alam subalit sigurado siyang si Zach iyon.Wala siyang matandaan kung hindi ang mga unang boteng sinaid niya sa tindahan sa kanilang kanto. Ganoon talaga siya sa tuwing nalalasing kaya ganoon na lamang ang pagpipigil ni Rafa na uminom siya ng labis sa kaya niya. Pero si Zach...sigurado siyang natatandaan niyang nakita niya ito. Kaya hindi niya matanggap ang sinasabi ni Rafa na nananaginip lang siya. Maging si Aling Carmen na may-ari ng tindahan ay sinabi ring wala naman siyang kainumang lalaki ng nagdaang gabi kung hindi si Rafa. Kung gayon ay nananaginip nga lang ba siya?"Isay, I'm warning you. Katangahan na ang gagawin mong 'yan. Hind

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 7

"ZACH..."Kitang – kita niya kung paanong nalukot ang maaliwalas na mukha ni Zach nang makita siya. Muli niya itong pinuntahan sa opisina ng kapatid nito. Wala siyang pakialam kung mainis ito dahil sa kasusunod niya. Ang mahalaga ay makipag – usap ito nang masinsinan. Hindi niya kasi matanggap na bigla na lamang magbabago ng ganoon si Zach. Tila ba hindi ito ang lalaking nakasama niya sa isla."What is it this time?""Zach please, mag – usap tayo. Kung kinakailangang hintayin kita hanggang mamayang gabi sa pag – uwi mo, kausapin mo lang ako ay gagawin ko..."Napatingin siya sa paligid. Unti – unti nang napapatingin ang mga nagdaraan sa kanila ng binata. At kitang – kita rin niyang i

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 5a

NAPAHIGPIT ang yakap ni Isay sa kaniya at gayon din naman siya rito. Paano kung mabangis na hayop pala ang nasa likod ng dilim? Tubig sa loob maging sa labas ang tanging natatanaw nila.

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 4

NAPATALON SIYA sa matinding pagkabigla nang marinig ang tinig na iyon sa kaniyang likuran. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Zach sa kubo. Napatitig siya sa kabuuan ng binata. Tumutulo ang tubig sa katawan nito at nababasa ang cotta

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 6b

MULI ay napasinghap si Isay na tila hindi makapaniwala. Pero hindi maaaring hayaan niya ito sa mga kalokohang ginagawa nito."What do you mean, daddy?"

Believe Me When I Say I Love You (Filipino)   Chapter 6a

MALAMIG ang tubig at dapat sana ay nagiginaw siya. Pero paano niya iyon madarama gayung nakahantad sa kaniya ang napakagandang katawan ni Isay? Nagising lang ang kaniyang diwa mula sa pagkakatitig sa dalaga nang maramdaman ang pagsasab

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy