GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest

All Chapters of Enchanted in Hell: Chapter 41 - Chapter 50

Home /  All /  Enchanted in Hell /  Chapter 41 - Chapter 50
54 Chapters

I Love You, Theo

Alas kuwatro ng hapon nang makarating sa mansion si Rina kasama ang mag-asawang Armando at Caridad. Pagkapasok pa lang niya sa loob ng mansion ay bumungad agad sa kanya ang pagbabago roon. Magulo at madilim sa sala. Ang lalo pang nagpagulat kay Rina ay ang makita ang basag-basag na bote ng alak sa silid kung saan iniipon ni Theo ang koleksyon. Ilang araw na ang lumipas subalit wala man lang nag-abala na linisin iyon patunay sa sobrang abala ng mga nakatira doon.Ang nakatutuwa lamang sa nangyari, kahit abala ang mag-asawang Ledesma sa pagpapatakbo ng hotel, nagbigay pa rin ang mga ito ng panahon na mapuntahan siya sa hospital para sa kapakanan ni Theo."Nasa kuwarto pa rin siya. Tumatanggi siyang kumain. Ni hindi na nga ako nakapaglinis dahil bukod sa abala ako sa pagtulong sa pagpatakbo sa hotel sa Baguio at Manila, inaasikaso ko rin ang makakain ni Theo. Kapag pumapasok naman kami sa kuwarto niya, sigaw lamang ang matatanggap namin dito," mahabang pagkukwento ni Cari
Read more

Slowly Recovering

Magkahawak-kamay sina Theo at Rina sa asotea. Matapos gumaan ang pakiramdam ni Theo, nakumbinsi rin siya ni Rina na lumabas sa silid.Malaki naman ang pasasalamat ni Rina dahil sumunod si Theo sa kanya kaya ngayon ay nasa asotea silang dalawa at pinagmamasdan ang kalangitan. Kahit lumubog na ang araw, hindi naging hadlang iyon para makakita sila sa dilim sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa mga bituing nagkalat sa kalangitan, idagdag pa ang liwanag ng buwan.Maaliwalas ang panahon kung saan ay katamtaman lamang ang samyo ng hanging binibigay ng mga puno at halaman mula sa hardin ng mansion. Mula kasi sa kinatatayuan nila ay makikita rin ang hardin."Okay ka na?" tanong ni Rina samantalang lumapit naman si Theo sa kanya at niyakap siya mula sa likod."I'm fine as long as you're here."Bahagyang nakaramdam ng kiliti si Rina sa winikang iyon ng lalaki, idagdag pa ang mainit na hininga nito na dumampi sa gilid ng kanyang tainga."Galit ka pa
Read more

History of His Condition

Walong taong gulang lamang noon si Theo kasa-kasama ang mga magulang nito na si Armando at Caridad. Habang kinukuhaan ng mag-asawang Caridad at Armando ang batang si Theo, nasa gilid lamang si Eduardo at tahimik na sinasaksihan ang eksena ng pamilya.'Happy Family,' aniya sa isip. Kung siya ang tatanungin hindi karapat-dapat ang kanyang kapatid sa kasiyahan na natatanggap samantalang siya na mapahangggang sa oras na iyon ay hindi pa rin nakakalimot sa pagkawala ni Luisiana. Pinapahirapan siya ng pagdadalamhati samantalang ang nakababata niyang kapatid ay nagpapakasaya sa tinatawag nitong kumpletong pamilya."Dad? Nasaan po si Mommy? Ba't wala akong mommy?"Napalingon si Eduardo sa batang si Cliff na walong taong gulang din ng mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot dito dahil wala na rin siyang balita sa totoo nitong ina. Basta isa lamang ang segurado siya, hindi niya totoong minahal ang ina ni Cliff dahil nananatili kay Luisiana ang kanyang p
Read more

You Are Not a Kid Anymore

Magkahawak-kamay na naglalakad sina Theo at Rina sa hardin ng mansion. Dapit-hapon na kung saan ay nakangiti nilang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang makausap ni Rina si Theo at sa oras na iyon, tingin naman ni Rina ay unti-unti nang nakaka-recover ang lalaki."Darating mga magulang mo ngayon, dito sila kakain."Napansin ni Rina ang paglalaho ng ngiti sa labi ni Theo."Then, I'll stay in my room.""Ha? Bakit naman? Ayaw mo ba silang makausap?""I'm not in the mood.""Hindi mo ba sila bibigyan ng pagkakataon man lang na magpaliwanag sa 'yo?""I don't know.""Theo, alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon...pero ayaw mo ba talagang subukan na pakinggan sila? Mahal ka nila pero minsan sa ibang paraan lang nila pinapakita iyon sa 'yo. Kung bibigyan mo lang sila ng pagkakataon, sigurado akong mauunawaan mo rin kung bakit kinailangan nilang gawin iyon."Hinawakan ni Rina ang
Read more

How I Met, Rina?

"Hindi ka pa rin ba tinitigilan ng Eduardo na 'yan?" tanong ni Dominador sa anak na si Dr. Steve."Malaki ang utang na loob natin sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya baka wala rin tayo sa kalagayan natin ngayon. Baka hindi ako nakapag-aral at baka lugmok pa rin tayo sa hirap ngayon.""Pero sobra na kung may ipapagawa pa siyang hindi bukal sa loob mo o kung may ipapagawa siya sa 'yong masamang bagay."Hindi na nakaimik pa si Dr. Steve sa huling sinabi ng ama. May katwiran naman ito dahil unang-una sa lahat, matagal na nilang pinagtrabahuang mag-ama ang naitulong na iyon kay Eduardo. Bukod pa roon, si Eduardo ang nagboluntaryo na tulungan sila. Hindi naman nila ito pinilit kaya nga nagtataka na lamang sila dahil sa tuwing may ipapagawa ito na hindi bukal sa kanilang loob, palagi nitong sinusumbat ang naitulong nito sa kanila."Hindi bukal ang pagtulong niya sa atin dahil palaging may kapalit," dagdag pa ni Dominador.Matapos ang pag-uusap na iyon ay
Read more

Like A Brother To Me

"Wait, Theo. Relax."Hinigit ni Theo palayo si Rina sa kanina lang ay kumakain na si Dr. Steve. Napatayo naman ang doktor kaagad at lumapit kay Theo."Ano'ng ginagawa ninyo?" tanong ni Theo kay Dr. Steve."Wala naman, Theo nag-uusap lang kami," sagot ni Dr. Steve."Theo, kumalma ka nga. Nag-uusap lang kami ni Dr. Steve."Nahimigan ni Theo ang pagalit na boses ni Rina kaya naman ay binitiwan niya ang pagkakahawak sa babae dahil napansin niya rin na nasasaktan na ito sa pagkakahawak niya."Sorry," aniya bago nilingon si Dr. Steve. "What are you doing here?""Gusto lang sana kitang kumustahin.""I'm doing fine kaya pwede ka nang umalis.""Theo." Hinawakan ni Rina ang kamay ni Theo at tumingin sa lalaki nang nakikiusap. Hindi niya alam kung epektibo pa rin sa lalaki ang tingin na iyon pero nagbabakasakali pa rin siya na mapapapayag si Theo."Fine."Ngumiti si Rina dahil nagtagumpay siya. "Thank you.""Si
Read more

Accident

Nasa hotel sa Manila si Armando upang  maayos ang gulo roon. Sinimulan na niyang kausapin ang mga employee nila upang ipaliwanag ang lahat ng nangyari. Nagpatawag siya ng meeting sa mga ito. Matagal na sana niyang ginawa ang bagay na iyon kung saan ay pinakilala niya si Theo sa lahat upang hindi nabibigla ang mga tauhan. Maraming empleyadong umalis sa hotel pero hindi na rin niya iyon binigyan ng pansin. Matira ang matibay. Hahayaan niyang umalis ang iba tutal hindi lang naman siya ang mawawalan, pati na rin ang mga umalis.'Let the person leave.' Iyon ang natutunan niya sa tagal na niya sa negosyo. Kung ayaw nilang magpasakop sa pamumuno mo o ayaw na nilang magtrabaho pa sa hotel, hindi niya pipigilan ang mga ito na umalis dahil hindi rin naman niya kontrolado ang isip ng lahat."I call you here to apologize for what happened. Bilang dad ni Theo, nandito rin ako para humingi ng tawad sa posisyon niya kung mayroon man siyang nagawang hindi maganda sa inyo. By the
Read more

Get-Together

Lunes sa mansion ng Ledesma.Alas onse ng tanghali ay nakahain na sa pahabang mesa ang sari-saring putahe. Mayroong lechong baboy na nakapatong sa dahon ng niyog, mayroong pansit na nakalagay sa bilao kung saan ang ibabaw nito ay nasasahugan ng malutong-lutong at mainit-init pang pinaghalong laman at taba ng karne ng baboy, may gulay at chicharon din iyon. Mayroon ding lumpiang shanghai na nakalatag sa malapad na plato at pinusisyon nang paikot at sa gitna ng plato ay nakalagay ang sawsawan niyon. May letsong kawali na mayroong suka at matamis na sawsawan. May barbeque katulad ng isaw, atay, chicken barbeque na hiniwa sa malilit na piraso at hotdog.Nakalagay rin sa dalawang malaking bowl ang umuusok-usok pang kanin na puting-puti at maalsa, may tatlong inihaw na bangus na namumutok na ang tiyan kaya lumalabas na rin ang pinalamang kamatis at sibuyas doon, kumakatas na rin iyon at naglalabas ng kaunting tubig na marahil ay nagmula sa kamatis indikasyon na malasado iyon
Read more

Heaven

Paulit-ulit na kinokontak ni Eduardo ang number ng nag-message sa kanya pero hindi nito iyon sinasagot. Matapos ang salo-salo nila ay agad siyang nagpunta sa hardin kung saan ay walang makakarinig sa kanya kung saka-sakaling sagutin ng tinatawagan niya ang phone.Nag-message siya rito.'Sino ka?'Matapos ang ilang segundong paghihintay, na-received na niya ang reply mula rito.'Hindi mo ako kilala. Pero kilalang-kilala kita at ang lahat ng bahong tinatago mo.'Nag-reply siya rito.'Magpakilala ka! Sino ka! Hindi mo ako madadaan sa takot!''H'wag kang mag-alala, hindi kita tinatakot. Tototohanin ko ang sinabi ko kapag hindi mo pa rin kami tinigilan.''Hindi kita maintindihan. Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na naging atraso ko sa 'yo.'Matapos iyon ay hindi na muli nag-reply sa kanya ang kausap.   Matapos tulungan nina Rosita, Jan at Julius si Rina sa paglilinis
Read more

I Know The Truth

Magkayakap sa kama sina Theo at Rina at parehong nakatakip ng kumot ang kani-kanilang hubad na katawan."Now, start telling something about yourself to me.""Hmm. Ano ba ang gusto mong malaman?""About you and your family.""Hmm...wala na si Papa. First year college ako nang namatay siya. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang taong nakabangga sa kanya kaya mas lalo akong nagagalit sa taong iyon. Marahil kung dinala niya si Papa sa hospital at hindi tinakbuhan, baka buhay pa si Papa hanggang ngayon. Masyadong naduwag ang taong 'yon...kung nasaan man siya ngayon, bahala na ang tadhana ang magparusa sa kasalanan niya."Inamoy-amoy ni Theo ang buhok ni Rina. "What if dinala ng taong 'yon ang papa mo sa hospital? Ano ang gagawin mo sa nakabangga?""Syempre, kailangan niya pa rin pagbayaran ang kasalanan niya."Siniksik ni Rina lalo ang sarili kay Theo, "Tapos ayon, nang namatay si papa, natigil na rin ako sa pag-aaral. Tumulong na lang ako
Read more
Previous Page
Next Page
Download the Book
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy