GoodNovel

Téléchargez gratuitement le livre sur l'APP

Télécharger
Rechercher
Bibliothèque
Feuilleter
Romance法语HistoireUrbanLoup-garouMafiaSystèmeFantaisieLGBTQ+arnoldMM Romancegenre22- 法语genre26-FrançaisFrançaisgenre27-请勿使用FrançaisFrançaisgenre28-FrançaisFrançais
Histoire Courte
CielMystère et suspenseVille moderneSurvie à la fin du mondeFilm d'actionFilm de science-fictionFilm romantiqueViolence sanglanteRomanceCampusMystèreImaginationRenaissanceAmour réalisteLoup-garouespoirrêvebonheurPaixAmitiéIntelligentHeureuxViolentDouxPuissant红安Massacre sanglantMeurtreGuerre historiqueAventure fantastiqueScience-fictionGare
CréerAvantage écrivainConcours

Tous les chapitres de Enchanted in Hell : Chapitre 31 - Chapitre 40

Accueil /  All /  Enchanted in Hell /  Chapitre 31 - Chapitre 40
54 Chapitres

Dr. Steve, Who Are You?

Humuhuni ang mga ibon, sumasayaw ang mga puno at halaman sa hardin ng Ledesma kung saan sumusunod iyon sa indayog din ng hangin na naglalakbay mula sa silangan papunta sa kanluran, base sa pwesto nang nagdidilig na si Rina. Nangingintab ang mga bulaklak na may bahid ng tubig na waring pinagpapawisan hindi dahil sa nilalabas ng hose, kundi dahil sa hamog sa umagang iyon.May kakarampot ng liwanag subalit malaya pa rin ang mga insekto sa pagkanta ng paulit-ulit na liriko. Malawak ang ngiti ni Rina habang dinama iyon ng kanyang tainga. Maging ang hanging bumubulong sa kanya ay pinagsasawaan niya rin pakinggan. Ang banayad na takbo ng oras kaya pakiramdam niya ay nasa paraiso siya.Napahinto lamang si Rina sa pagbubulay-bulay nang may taong humawak sa magkabilaan niyang balikat. Good mood siya ngayon at sana naman ay walang sumira sa araw niya."Dr. Steve.""Kumusta, Rina? Nabalitaan ko ang successful event ng LED hotel sa Manila, a.""Ay, oo nga. Masa
Read More

Birthday

Ilang linggo ang lumipas kaya mahaba-haba na rin ang naging pahinga ni Armando. Napagpasyahan nila ni Caridad na bumalik sa mansion upang bisitahin ang anak na si Theo. Natapos na ang lahat ng pagsusuri kay Armando at sa kabutihang palad ay wala namang nakitang komplikasyon sa mga mata nito. Nanlalabo lamang ang mata nito dahil hindi na ito pabata. Sa katunayan, sa araw rin na iyon ay madadagdagan na naman ang kanyang edad. Mula sa forty-nine ay sinkwenta anyos na siya."Nasabihan ko na si Rina na pupunta tayo sa mansion. Nasabi ko na rin na kaarawan mo ngayon," sabi ni Caridad sa asawa. Kasalukuyan silang nasa likod ng kotse, samantalang si Armando ay abala sa pagbabasa sa newspaper.  Simula nang dalhin sa hospital si Armando, kumuha na rin sila ng sariling driver upang mayroon nang maghahatid-sundo sa kanila at upang hindi na rin ito lalo pang mapagod."Si Theo ba? Alam na darating tayo?""Oo, alam niya."Hindi man pinapakita ni Armando ang ngiti s
Read More

Eduardo Ledesma

Tunog ng mga kutsara at tinidor ang unang namagitan sa hapag. Kung hindi pa sisimulan ni Armando ang pagsasalita, marahil ay nakabibinging katahimikan na lamang ang mananaig sa espasyong iyon."Cliff, kumusta naman sa Baguio?""Ayos naman po, Tito. Kinakaya ho." Alangan ang pagsagot ni Cliff sa tiyuhin sapagkat hindi rin siya sigurado kung maayos nga ba niyang nagagawa ang tungkulin. Pinipilit niyang maging responsable sa tungkuling inilaan sa kanya ngunit hindi lamang talaga siya nag-e-enjoy sa ginagawa. Mas nanaisin niya na lamang na kumanta at tumugtogmaghapon dahil sa tingin niya ay doon siya nag-e-excel."Mabuti naman.""Ikaw pa ba, Cliff? You are my son, kaya alam kong magagawa mong i-manage nang mabuti ang hotel sa Baguio," singit naman ni Eduardo na pilit na inaangat ang bangko ng anak."Salamat, Dad," sabi ni Cliff na halata sa boses ng ama na hindi ito sincere sa papuri at sinasabi lamang nito iyon upang magpa-impress sa lahat. Ngiting-as
Read More

How They Met?

Matapos ang sandaling pag-uusap ay katahimikan na naman ang bumalot sa hapag. Ang mga nagkikiskisang kutsara, tinidor at plato lamang ang maririnig sa buong paligid. Maging ang bawat pagnguya rin ng mga nakaupo ay pigil pa o nag-iingat na hindi makalikha ng ano mang tunog.Nilunok ni Armando ang pagkain sa kanyang bibig at saka uminom ng tubig. Hindi niya alam kung paano muli magsisimula ng topic dahil ramdam din niya ang bigat ng paligid na animo'y lahat ay may dala-dalang hinanakit sa isa't isa.Napatitig siya sa anak na si Theo. Hanggang sa oras na iyon ay nilalamon pa rin siya nang matinding guilt dahil sa kasalanang nagawa niya. Hindi nga niya matanggap iyon sa sarili, paano pa kaya ang iba? At mas lalong natatakot siya sa posibilidad na baka tuluyan din siyang ayawan ng anak na si Theo.Nagawi ang tingin niya sa plato ng anak na paubos na ang laman. Nais niya sanang pagsandukan ang anak ngunit pinangungunahan talaga siya ng hiya. Sa huli, hindi niya naitul
Read More

You May Leave, Rina

Matapos ang salo-salo sa kaarawan ni Armando, nagsimula nang magligpit ng pinagkainan si Rina. Nasa sala ang iba pa samantalang mag-isa siyang nasa kusina upang maghugas ng plato.Noong sumilip siya kanina sa sala ay nakita naman niyang nakikipag-usap na si Theo sa lahat. Dala-dala na palagi ng lalaki ang ngiti sa labi kaya masaya si Rina habang lihim na tinititigan ang mukha ng minamahal. Panalangin niya na sana ay magtuloy-tuloy na iyon at sana mas lalo pang bumuti ang kondisyon ni Theo.Binalik niya ang tingin sa sinasabunang plato nang bigla naman niyang naramdaman ang pag-vibrate ng kanyang phone. Lihim niya iyon sinuksok sa bulsa sapagkat bawal talaga siyang gumamit ng phone. Tutal, madalas namang wala ang mag-asawang Ledesma sa mansion, nagagawa niya pa ring magamit iyon nang palihim. Huwag lamang talaga siya papahuli kung hindi ay katapusan na rin niya.Pinasok niya ang kamay sa bulsa at kinapa ang keypad upang i-decline ang call subalit makailang segund
Read More

Issue

Matapos bumaba ni Theo sa kotse ay sandali muna siyang tumitig sa gusaling nasa harapan niya. Tumingala siya upang makita ang kabuuhan ng hotel sa Manila.Iyon ang araw at oras ng meeting kaya ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba at takot sa kung ano man ang maaaring mangyari. Iyon ang unang araw na nagpunta siya ng hotel na wala si Rina kaya naninibago talaga siya.Hindi niya alam kung magagawa niyang maiusad nang maayos ang meeting na iyon na wala ang babae. Pakiramdam niya rin kasi ay hindi siya makakapag-concentrate dahil nasa isip niya rin ang babae. Kung kumusta ito? Kung ano na bang balita sa ina nito. Gusto niyang marinig ang boses nito at naisip na tawagan na lamang si Rina subalit naalala niya na wala siyang number nito. Hindi rin siya sigurado kung may phone ba ang babae dahil hindi pa naman niya nakikitang gumamit ng phone si Rina sa mansion.Huminga si Theo nang malalim at sinimulan nang maglakad papunta sa entrance kung saan
Read More

Behind the Crime

Napagpasyahan nina Armando at Caridad na manatili muna sa mansion. Kasalukuyan silang nasa sala nang biglang dumating sina Dr. Steve at Eduardo, kasunod ng pagdating nila ay ang pagpasok naman ni Cliff na humahangos pa dahil mukhang galing pa ito sa biyahe."Napabalik ako rito dahil sa nakita ko sa social media. Nasaan si Theo? Bakit nasa social media ang picture nila ni Tita na magkasama?" bungad ni Cliff.Napatayo si Armando sa sofa. "Paanong nangyari 'yon?""Hindi ko rin po alam, Tito."Nagsimulang makaramdam ng kaba ang lahat.Sabado ng araw na iyon nang napagpasyahan nilang magkita-kita sa hotel sa Manila. Sa isang silid ay may napag-usapan silang lahat. Si Cliff na ang kasalukuyang namamahala sa LED Hotel sa Manila noon. Mula nang maging manager siya sa hotel, nagsimula rin ang pagpasok ng problema hindi lang dahil sa kawalang interes ni Cliff kundi dahil na rin sa wala talaga siyang talento. Marahil ang isa sa naging mali niya sa pagpapatakb
Read More

Luisiana

Habang nagpapahinga ang lahat ay palihim na nagtungo si Eduardo sa silid ni Theo noon upang kuhaan ito ng larawan kasama ng kanyang ina. Nagtagumpay naman siyang kuhaan ang dalawa na kapwa walang saplot sa kama.Napangiti siya dahil sa wakas ay magagantihan niya na rin ang kapatid na si Armando. Simula bata pa sila ay sinira na nito ang buhay niya at hanggang sa lumaki na nga sila, pinipeste pa rin siya ng sariling kapatid.Nang matapos niyang kuhaan ang dalawa ay maingat siyang lumabas at bumaba pabalik sa sala na animo'y walang nangyari. Nginitian niya si Cliff na nag-aabang na sa kanya roon dahil paalis na rin sila ng mansion."Dad, sa'n ka nanggaling?" salubong ng kanyang anak na tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa."Sa banyo, tara na. I-message mo na lang ang Tito mo na umalis na tayo.""Sige, Dad."Habang tinatahak ng mag-ama ang ruta papunta sa bahay na pag-aari rin ng Ledesma na ipinamana na kay Eduardo, naalala na naman niya ang gi
Read More

Alone Again

Mula sa hotel ay matagal nang nasa main door si Theo kaya naman lahat ng napag-usapan ng mga tao sa sala ay malinaw niyang narinig. Alam na niya ang tungkol sa tinutukoy nilang plano upang mapapayag siyang lumabas ng mansion."Ano'ng malalaman ko?" aniya na nagpanggap na kararating pa lamang. Nahalata naman niya ang pamumutla ng mukha ng kanyang ina at ang pag-iwas ng tingin ng iba pa. Subalit ang mas kinaiinis niya ay ang pagngisi ni Eduardo na halatang nag-aasar at mukhang proud pang ipakita sa kanya kung gaano ito kasaya."Kanina ka pa ba, Theo?" tanong ni Cliff."Ano'ng malalaman ko?"Akmang aakbayan siya ni Ciff pero agad niya itong tinulak palayo."Ano sabi ang malalaman ko!" sigaw niya. Nais niya na manggaling mula sa lahat ang pag-amin pero ang hinihintay niyang pag-amin ng mga ito ay mas lalo pa nilang pinagtakpan."Pinagpaplanuhan sana namin ang celabration sa inyong dalawa ni Cliff," ani ni Dr. Steve.Pekeng ngumiti si Theo
Read More

We Need Your Help

Sarado ang pinto, patay ang mga ilaw at mga basag na gamit. Iyan ang matatagpuan sa silid ni Theo na ngayon ay nakahiga sa kama at nakatalukbong ng kumot. Dalawang araw na itong nagkukulong sa silid, walang kain at iniinom na tubig. Kapag pumapasok naman sina Caridad, Armando, at Dr. Steve ay pagsigaw lamang ni Theo ang bumubungad sa mga ito.Samantala, habang walang kamalay-malay si Rina sa mga kaganapan sa loob ng mansion, abala naman siya sa pag-aasikaso sa kanyang ina na nasa hospital. Sa kabutihang palad, maayos naman ang ina niya, ang kailangan lamang talaga ay palakasin ang resistensya ng ginang para hindi na ito mabilis na dapuan ng sakit."Ma, huwag po ninyong pababayaan ang sarili n'yo. Kaya nga ako nagtatrabaho ay para hindi na kayo mahirapan at makakain kayo ng tama tapos ito ang malalaman ko," wika ni Rina sa kanyang ina na nakahiga pa rin sa kama ng hospital."Pasensya na Anak, tinitipid ko lang din kasi ang perang binibigay mo sa amin kasi alam ko
Read More
Page précédente
Page suivante
Télécharger le livre
Genres populaires
Romance法语HistoireUrbanLoup-garouMafiaSystème
Contactez-nous
à propos de nousHelp & SuggestionCoopération
Resources
Télécharger AppsAvantage écrivainPolitique de contenuKeywordsRecherches populairesLes critiques de livresFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Communauté
Facebook Group
Suivez-nous
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Mode d'emploi|Politique de confidentialité