GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest

All Chapters of Enchanted in Hell: Chapter 21 - Chapter 30

Home /  All /  Enchanted in Hell /  Chapter 21 - Chapter 30
54 Chapters

Welcome to LED Hotel

Napanganga si Rina nang nakita ang LED Hotel. Mataas iyon at maganda kaya naman nagtataka siya nang narinig na malulugi na ang branch na ito. Nilapat niya ang palad sa taas ng kaniyang  noo upang makita ang pinakaitaas ng building. Hindi niya kasi magawang tingnan iyon nang maayos dahil sa sikat ng araw. "Welcome sa LED Hotel," pagbati ni Cliff. Kakatuntong pa lang ng mga paa nila sa hagdan papunta entrance ay binati na si Cliff ng guards. Nang ipakilala ni Cliff si Theo bilang anak ni Armando Ledesma ay natataranta namang yumuko ang dalawang guwardiya upang magbigay galang sa lalaki. "Good morning ho, Sir," magkapanabay na sambit ng dalawa. Nagpatuloy sila sa paglalakad papasok sa loob. Napansin ni Theo ang main lobby. Walang katao-tao at walang staffs na sasalubong sa mga taong papasok. Lumapit sila sa information desk. Kunot-noong tumingin si Theo sa babaeng nandodoon at abala sa paggamit ng
Read more

Sharing is Caring

Walong taong gulang si Theo nang lumabas siya sa kanilang mansion nang nag-iisa. At dahil mula sa mayamang pamilya at bata pa lamang, puntirya siya ng mga masasamang loob o mga taong naghahangad ng yaman nila. Walong taong gulang siya nang ma-kidnapped. Tatlong araw lamang ang tinagal niya sa poder ng mga kidnapper subalit hindi naging maganda ang pagtatro ng mga ito sa kanya. Sinaktan, kinulong, tinakot at hindi pinakain ng isang araw mahigit. Ang naging karanasan niyang iyon ang dahilan kung bakit siya na-trauma at kung bakit ayaw niya na ring lumabas. Natatakot na siyang mangyari ulit iyon sa kanya. Natatakot na siyang makaranas muli ng mga hampas at palo mula sa mga taong gumawa niyon.  "Iyon pala ang nangyari sa 'yo, doon mo pala nakuha ang peklat mo sa mukha at sa ibang parte ng katawan mo," sabi ni Rina habang tumatango-tango dahil sa pagkukuwento ni Theo. Nagpatuloy si Theo sa pagkukuwento kaya nakaramdaman
Read more

Compliment

Alas otso ng gabi nang makauwi sina Theo at Rina mula sa LED Hotel. Matapos maka-recover ni Theo ay sandali muna nilang pinuntahan ang kusina ng hotel kung saan pinakilala din sa kanila ang head chef at ang iba pang mga tauhan doon. Alam kasi ni Theo na importante rin ang mga pagkain na sine-serve nila sa mga guest. Dapat high quality ang lasa noon at dapat malinis. Mahirap na rin na mabalita ang hotel na may customer na dinala sa hospital dahil sa pagkain s-in-erve nila rito. Isa iyon sa iniiwasan ni Theo. "Congrats, Theo," pagbibiro ni Rina nang nakapasok sila sa mansion at nakarating sa sala. Nag-unat siya ng kamay at saka humikab. "Ito ang araw na naglaan ka ng mahabang oras sa labas." Umupo si Theo sa sofa. Sinandal niya ang mga likod sa sandalan ng sofa at pumikit. "Gusto mo ba ng maiinom?" tanong ni Rina. "Tubig na lang." "Sige, kukuha lang ako."
Read more

New Challenge

Lumipas ang ilang araw ng paghahanda ni Theo sa pagdating ng special guest ng LED Hotel ay ang pagdating naman ng masamang balita tungkol sa ama ni Theo. Ayon sa ina niya, tuluyan na raw lumabo ang mata ni Armando at halos wala na itong makita. Nagpa-check-up na rin sila sa espesyalista at sinabi ng mga ito na kinakailangan talaga munang magpahinga ni Armando. Hindi pa nga raw sana papayag si Armando subalit napilit lamang ito nang takutin na kapag nagmatigas pa ito ay maaaring hindi na talaga ito makapagtrabaho. Sa huli, nadaan naman si Armando sa salitang binitiwan ng mga doktor. "Kailangan nang papalit sa ama mo sa branch natin sa Baguio," sabi ni Eduardo. Nasa mansion silang lahat upang pag-usapan ang dapat gawin sa pansamantalang pagpapahinga ni Armando. Kasama ni Eduardo ang anak na si Cliff samantalang kararating-rating lamang din ng ina ni Theo sa mansion na sinalubong naman nang yakap ni Theo. 
Read more

Jealousy

Sinimulan ni Rina ang araw na iyon sa pagdidilig ng mga halaman at bulaklak sa hardin. Katulad din nang palagi niyang nakagawian, abot pa rin hanggang tainga niya ang ngiti sa labi sa tuwing pinagmamasdan ang mga bulaklak sa paligid. Malawak ang garden ng mga Ledesma, at kahit pa malaki ang lugar na kailangan niyang diligan at alagaan, hindi siya nakakaramdam ng pagod dahil ang pagmasdan pa lang ang ganda ng mga ito ay nakakapawi na nang pagod. Huminga si Rina nang malalim upang damhin ang sariwang hangin sa labas pagkatapos ay napatingala siya nang maramdaman ang maligamgam na sapo ng sikat ng papalabas pa lang na sikat ng araw. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang araw sa gitna ng dalawang bundok sapagkat kahit hindi niya nakakasama ang pamilya, nararamdaman niya pa rin ang pag-asa sa tuwing titingnan iyon. Kung baga ang lakas makabigay ng positive vibes ng araw na tinitingnan niya. "Hello, Rina
Read more

A Guest

Alas otso pa lamang ng Lunes ay nasa hotel na sa Manila sina Theo at Rina. Iyon ang unang araw ni Theo bilang hotel manager sapagkat pansamantalang sa Baguio muna tutulong si Cliff.Iyon din ang araw kung kailan darating ang kanilang special guest kaya naman todo ang paghahanda ng mga staff, kanya-kanya ng pakitang-gilas hindi lamang para sa darating na guest sa araw na iyon kundi pati na rin kay Theo na sikat na sa mga babae.Dahil nga may lahing mestizo at kahit pa may pilat sa pisngi si Theo, hindi matatago noon ang pagiging magandang lalaki nito. Subalit kahit umaagaw nang pansin sa halos lahat ng kababaihan sa hotel, hindi iyon binibigyang pansin ni Theo dahil nga hindi pa rin siya sanay sa mga tao."Andito na sila, Sir Theo," ani ng isang staff."Then, prepare yourselves," sagot naman ni Theo at hinila pababa ang suot na suit para mawala ang gusot niyon.Sinalubong ng ilang mga staff na nasa main lobby ang guest na si Mr. Milandro Fuentes. Ma
Read more

Big Event

Halos isang buwan din ang naging preparasyon nina Theo para sa big event ng IVO company.  Kahit na maganda na ang venue, malaki-laki pa rin ang naging preparasyon nila dahil nga nais din ni Theo na magpa-impress kay Mr. Fuentes.Pagkapasok na pagkapasok sa lugar na pagdadausan ng malaking event, bubungad din ang halos isang daan na katao. Mabuti na nga lamang at malawak ang lugar kaya maluwag pa rin sa loob. Sinasaliwan na rin ng musika ang loob kaya hindi boring ang loob at ang mga ilaw naman na may iba't ibang kulay ay halos sumasabay rin sa beat ng music.Formal ang event subalit masaya pa rin ang mga tugtugan samantalang hindi rin maikakaila ang yayamaning postura at pananamit ng mga bisita na sa unang tingin pa lamang din ni Rina ay hindi na basta-basta, kaya bahagya rin siyang nakaramdam ng panliliit."Simula na," wika ni Rina habang pilit na hindi binibigyang pansin ang paghawak ni Theo sa kanyang kamay. Simula kasi nang pumasok sila sa loob at makit
Read more

Lust

Kamuntik nang matumba si Rina sa biglaang pagsulpot ni Theo sa kanyang silid.Sabado ng umaga kaya nasa mansion lamang sila. Napahawak si Rina sa kanyang dibdib at nilingon ang lalaki."Tingnan mo 'to. Kalat na kalat na sa social media ang hotel. Magaganda ang comments nila. Mabuti na lang talaga at mayroon tayong video ng buong event kaya makikita nang marami."Tiningnan naman agad ni Rina ang phone ng lalaking ngiting-ngiti upang ipagmalaki sa kanya ang tungkol sa LED hotel.  Bibihira lang ngumiti si Theo kaya iyon din ang ikanatutuwa niya."Kaya nga. Big success talaga ang event, Theo. Ang galing mo talaga."Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa labi ng lalaki at tinanong siya, "Sa tingin mo, matutuwa rin kaya sina Dad at Mom sa 'kin?""Bakit naman hindi? Anak ka nila kaya magiging proud sila sa 'yo. Ano ka ba, kung wala kang ginawa, tuluyan nang hinihila pababa ang hotel. Pansin ko rin naman na maayos mong nama-manage ang hotel. Sum
Read more

Theo's Feelings

Halos mabali na ang ballpen na hawak ni Eduardo nang narinig ang ibinalita sa kanya ni Cliff at nang nakita ang tungkol sa successful event sa Manila."Ikaw rin, Cliff. Huwag kang papayag na si Theo lang ang makakuha ang papuri. Galingan mo rin ang pamamahala sa Baguio habang nariyan ka pa.""Sige, Dad," sagot naman ni Cliff sa kabilang linya. Alangan ang boses niya.Kasalukuyang nasa Cebu si Eduardo, sa hotel kung saan siya namamahala. Matagal- tagal na rin siyang naroon noong nabubuhay pa ang kanilang magulang. Ang LED hotel sa Cebu ang pinakamatagal na branch ng Ledesma. Simula nang na-assigned siya sa branch na iyon, sari-sari na ring pang-iinsulto ang natanggap niya sa kanilang mga magulang. Ang mas malala pa ay ang ikumpara siya sa nakababatang kapatid na si Armando."Hindi na mauulit ang nangyari noon!" Hinampas ni Eduardo ang kanyang mesa at saka pinaikot-ikot ang sarili sa swivel chair.Hindi niya gusto ang pakiramdam na napag-iiwanan. Hin
Read more

Sweet Moment

Alas nuwebe ng umaga nang magising si Theo. Pagkabangon niya ay agad siyang dumiretso sa kusina at doon ay naabutan niya si Rina na naghahain na ng almusal. Umupo siya at nangalumbaba at walang buhay na tiningnan ang mga pagkaing nakahain doon. Ganoon palagi ang set up nilang dalawa sa umaga. Dideretso siya sa kusina, uupo at maghihintay na ipaghanda siya ni Rina ng makakain."Gutom na ako," aniya."Kumain ka na.""Ikaw? Hindi ka pa ba kakain?""Mauna ka na, may gagawin pa ako.""Kumain ka na.""Mama—""Isa," pinutol ni Theo ang sasabihin pa sana ni Rina pagkatapos ay tumitig nang masama sa babae. Kung tatanggi itong sabayan siyang kumain muli ay siya mismo ang magsusubo ng pagkain dito."Oo na nga," napipilitang sagot naman ni Rina."Rina...""O?""Rina...""O? Ano ba 'yon?""Rina..." Nagdadalawang-isip si Theo kung itutuloy niya ba ang sasabihin."Ano nga 'yon?""Mahal ki
Read more
Previous Page
Next Page
Download the Book
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy