loading
Home/ All /What if, I die? (Filipino)/Chapter 4

Chapter 4

Author: Bbeany
"publish date: " 2020-08-15 00:47:59

CHAPTER FOUR

Sa pagmulat ng aking mga mata ay kataka-takang puro puti ang bumungad sa akin.

Where am I?

Inilibot ko ang paningin ko para suriin ang paligid. Napansin ko naman ang lalaking natutulog sa gilid ng kinahihigaan ko ngayon.

Teka, hindi ba't si Manong Driver ito?

Napatingin ako sa suwero na naka-attach sa kamay ko, ngayon ko lang napagtanto, nasa hospital pala ako.

Agad naman akong napabangon mula sa pagkakahiga para gisingin si Manong Driver.

Kawawa naman siya, siguradong hindi siya nakapag-pasada nang dahil sa akin.

Tinapik-tapik ko naman ang likuran nito para gisingin.

"Manong, gising na po." Bahagya akong nagulat nang biglaan itong napatayo at nagpanik.

"B-bakit?! Asan, asan? Naasan ang sunog?!" Natatarantang tanong nito, kaya natawa ako.

"Wala hong sunog, Manong!" Natatawang sabi ko rito.

"Nako, pasensya na ho, Mam. Ay! Kumusta naman po pala ang pakiramdam ninyo?" Nagaalalang tanong sa akin ni manong, kaya napangiti ako.

"Ayos na ho ako, maraming salamat po. Saka, pasensya na po sa abala, dahil sa akin ay hindi po kayo nakapag-pasada ngayon, wala po tuloy kayong kinita." Paghingi ko ng paumanhin.

"Wala ho 'yon, Mam! Prioridad po naming mga driver na asikasuhin at tulungan ang mga pasahero namin." Saad ni kuya habang nakamot pa sa batok.

"Naku, Manong. Pasensya na po talaga at maraming salamat na din. Napaka laki ng utang na loob ko sa inyo. Kaya, hayaan niyo po akong bigyan ko kayo ng pabuya." Nakangiting sambit ko at agad na kinuha ang bag ko para kumuha ng pera.

"H'wag na po, mas kailangan niyo 'yan." Pagpigil niya.

"Anong hindi, Manong. Kailangan mo po ito. Wala kang kinita ngayon nang dahil sa akin, kaya tanggapin mo na po ito, bilang pasasalamat ko." Sambit ko at iniabot ang pera na nagkakahalaga ng limang libo. Ikinagulat niya naman ito.

"Ay, naku Mam! Sobra sobra po iyan." Nahihiyang sambit ni manong.

"Hindi po, sakto lang 'yan. Salamat po sa pagdadala sa akin dito, tapos binantayan niyo pa po ako, parang ama ko na rin po kayo." Nakangiting sambit ko na agad din namang napalitan ng lungkot, dahil naalala ko na naman ang mga magulang ko na ngayon ay kinamumuhian na ako.

kring.. kring..

Napalingon ako sa telepono ni Manong nang tumunog ito.

"Sa'yo po ata 'yon, Manong." Agad niya namang kinuha at sinagot ang tawag sa telepono niya.

"Hello?- A-ano?!- Nasaan kayo? Anong nangyare?- Bakit?- Sige, papunta na 'ko, hintayin niyo 'ko, papunta na ang tatay." Nakita ko kung paanong pigilan ni Manong ang kanyang mga luha.

Ano kayang nangyari? 

"Mam, pasensya na po. Kinakailangan ko na pong umalis, nadisgrasya po ang bunso ko."

"Hala, sige na po. Go ahead kuya, mag-iingat po kayo," nag-aalalang sambit ko.

"Maraming salamat po, Mam. Mauna na 'po ako." Paalam nito.

Pagkaalis ni Manong ay siya namang pasok ng doctor na babae sa kwarto ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo, ija?" Tanong nito sa akin, ngumiti naman ako.

"Maayos naman po." Sagot ko, magaan na ang pakiramdam ko ngayon.

"Gano'n ba? It's Good to hear that. Pero, mukhang hindi maayos ang takbo ng puso mo, ija." Saad nito.

Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. May halong lungkot ang mga mata ng doktora, nakikita ko 'yun. 

"A-ano po bang ibig ninyong sabihin?" Kinakabahan na tanong ko. Nagtaka pa ako ng hinawakan nito ang magkabilang kamay ko at ngumiti ng mapait.

Ano bang nangyayari?

"Ciara, pina-ecg ka namin kanina at nung lumabas ang result, napag-alaman namin na.." tumingin ito sa ibaba, tila ayaw niya ng sabihin ang kasunod.

"A-ano pong result?" Kinakabahang tanong ko.

Matiim ako nitong pinaka-titigan sa mata.

"You have a heart disease." Sambit nito. At tila saglit na huminto ang pag-ikot ng mundo ko.

"Heart disease?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Dahan-dahan namang tumango ito.

"Masyadong mahina ang tibok ng puso mo, kaya hindi malabong magkasakit ka sa puso." Paliwanag nito, napailing ako dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

Sinubukan kong pigilan ang mga luha kong nagbabadyang bumagsak, ngunit sadyang pasaway ang mga luuha ko, kaya tuloy-tuloy na nagsi-bagsakan ito.

"Minu-minuto ka bang nakakaramdam ng pangingirot sa dibdib?" Seryosong tanong nito na ikinatango ko.

"Hindi normal ang takbo ng puso mo. Hindi ka pwedeng mapagod at ma-stress. Tell me, Ciara. May nanakit ba sa iyo?" Tanong nito, agad naman akong napaiwas ng tingin. 

Ayokong sabihin na meron nga, ayokong sabihin na sinasaktan ako ng asawa ko.

"Ciara, meron ba?" Muling tanong nito, agad naman akong umiling.

"W-wala po." Mabilis kong tugon sa kanyang tanong.

"Sigurado ka ba?" Paninigurado pa nito.

"Wala po, Doc." Sagot ko habang nakayuko.

"Siguraduhin mong wala, Ciara. Dahil hindi laro ito. Kaya kung maari lamang, nakikiusap ako sa iyo. Kung sakaling meron mang nanakit sa'yo ay layuan mo na." Saad nito at tila binibigyan ako ng babala.

Tinutukoy ba nito ang asawa ko? 

"Ciara, makinig ka ng mabuti. Ang sakit mong ito ay hindi biro. Ang ibig sabihin ay kahit anong oras o minuto, pwede mo itong ikamatay." Sambit niya na nagpakabog sa dibdib ko.

Ikamatay? 

"Kaya, hangga't maari, iwasan mo ang dapat iwasan. You have a choice, Ciara. Leave or Die." Seryosong saad nito at tinapik ang balikat ko bago tumayo.

Taka akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Tila may pinahihiwatig siya sa huli niyang sinabi.

"Maaring makapag-sinungaling ka sa akin, pero hindi mo maitatago ang katotohanan sa sarili mo, Ciara." 

Saad nito.

"Mauuna na ako, magpahinga ka muna at pwede ka ng umuwi bukas din." 

Tumango naman ako at ngumiti ng mapait.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. 

Tama siya. Alam ko sa sarili ko ang totoo. Kaya na sa akin ang desisyon kung pababayaan ko na lang ba na ipahamak ang sarili ko sa kanya o lumayo para mabuhay ng mapayapa.

Pero, hindi ko kayang iwanan si Tyron.

Mamatay naman ako kung mananatili ako. 

What if, I die?

Matutuwa kaya sila? Ganito na ba ako kawalang kwentang tao, kaya dapat ay mamatay na lang ako?

Siguro nga ay mas matutuwa pa sila kung mawawala ako. Lahat ng tao ay kinamumuhian ako, lalong-lalo na ng sarili kong magulang, hindi ko alam kung bakit galit na galit sila.

Ginagawa ko naman lahat ng gusto nila, pero bakit parang ako pa rin ang mali?

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

What if, I die? (Filipino)   Chapter 45 [EPILOGUE]

CHAPTER FOURTY FIVEEPILOGUE THE END [ What if, I die ] 9 months ago.. "Yie, espren! Ninang ako kapag nabinyagan na 'yang baby mo, ha?" Natutuwang sabi ni Jennifer, habang hinihimas himas ko ang tyan ko. "Asan na ba 'yung boypren mong si Altair? At saka y'ung dalawang mag-asawang abnormal?" Inip na sabi ko. "Aba! Si Altair nasa mall, pinapahanap ko nang mga gamit na pang baby. 'Yung dalawang kumag, hindi ko alam." Sagot niya, kumunot naman ang noo ko. "BUNTIS KA?!" Tanong ko. "Anong buntis!? Syempre ireregalo ko 'yun sa mga anak niyo ni Raiza, 'no, Duh!" Sabi niya at inirapan ako. "Espren, nagugutom ako huhu." Pagrereklamo ko.

What if, I die? (Filipino)   Chapter 44

CHAPTER FOURTY FOUR [ Ciara's pov ] Ilang araw na ang lumipas at napapadalas na ang pag-init ng ulo ko, hindi ko alam kung bakit. Naiinis rin ako sa tuwing naamoy ko ang pabango ng asawa ko. Ewan ko ba, pero para sa akin ay ang baho niya kapag nag-papabango siya! Pero ngayon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko, hawak-hawak ko ang kutsilyo, habang nakatutok sa kanya. Natutuwa akong nakikita siyang natatakot sa akin. "Gusto ko ng mangga!" Saad ko, habang nag-iisip pa ng mga gusto kong kainin. "Iyon lang?" "Yung walang buto, hilaw hah? Pero gusto ko matamis!" Sabi ko pa at muling itinutok sa kanya ang kutsilyo. "What?! Saan ako kukuha nun? Hilaw na manggang walang buto, tapos gusto mo matamis? Eh hilaw nga!" Tumaas naman ang kilay ko, da

What if, I die? (Filipino)   Chapter 43

CHAPTER FOURTY THREE (Warning: SPG, R18+) [ Ciara's pov ] Pinaningkitan ako ng mata ng asawa ko nang naririnig niya pa rin ang hagikgik ko. "You'll shut up or I'll kiss you." Seryosong sabi nito, kaya napatigil ako sa pagtawa. "Good. Now I have my own blackmail for you." Nakangising sabi nito. "Try me! I'll punch you!" Taas kilay kong sabi dito. "You can't do tha-" *PAK* "Ouch, Wife! That's hurt!" Kunot noong reklamo niya. "Aba-" "Uy, andyan pala kayo!" Napatingin kami sa lumapit, si Tyler pala. "Dude!" "Anong ginagawa mo dito unggoy na bingot?" Tanong ko sa kanya na ikinakunot noo niya. "Ha! Gwapong unggoy na bingot!"

What if, I die? (Filipino)   Chapter 42

CHAPTER FOURTY TWO [ Ciara's pov ] "Cheers!! Wooh! Congrats!!" Sabay-sabay na hiyawan nilang apat, at saka kami nagtawanan. Napangiti na lang ako. And now, we're totally complete. I can't believe it! Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Jennifer sa akin bago pumasok sa simbahan. 'Shut up! Just keep your mouth shock.' Yeah! Ngayon naintindihan ko na 'yung sinabi niyang shock! Well Oo, na shock ako talaga ako, dahil hindi kapani-paniwala 'yong nangyari. "Kaya pala!" Wala sa wisyong sabi ko sa sarili ko, nakita ko naman silang lima na kunot noong nakatingin sa skin. "Wife? Who's your talking with?" Tanong ni Tyron. Tinaasan ko naman ng kilay 'yung apat. "What's with that-"

What if, I die? (Filipino)   Chapter 41

CHAPTER FOURTY ONE [ Ciara's pov ] "T-tyron.." Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko mula sa aking mga mata. He just smiles on me. Shit. Tyron.. "Can I take the hand of your daughter, Sir?" Nakangiting tanong nito kay daddy, pero hindi ko maalis alis ang paningin ko sa kaniya. "Here, she's all yours now." "Thank you." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Y-you're dead.. h-how----" umiiyak na sabi ko sa kanya, pero pinutol niya ang sasabihin ko. "Shh." Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kanang kamay ko at ilapat 'yon sa mukha noya. "Warm or cold?" Nakangiting tanong niya. "W-warm." Sagot ko. "Then, I'm still alive."

What if, I die? (Filipino)   Chapter 40

CHAPTER FOURTY [ Ciara's pov ] "Ayan! You looked so gorgeous, Ma'am Ciara!" Tuwang-tuwa na sabi ni Tita Jolei. "And one more thing, your shoes!" Sabi naman ni Tita Angeli at sinuot sa akin ang sandals na hindi naman masiyadong kataasan. "Pak! Bongga! Perfect! Kyaaah!" Pareho nilang sigaw at nag-apir pa. Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Napatango ako nang pumasa naman sa'l akin ang itsura ko ngayon. "Espren? Asan si espren? Ready na ba siya?" Narinig ko na ang boses ni espren. "Here she is~" sabay nilang sabi at tumabi, para makita ako ni espren. Nakita ko nanaman ang reaksyon niyang gulat na gulat, pero this time ay siya lang mag-isa at hindi kasama si Tyron dun. Lihim akong ngumiti ng pilit I miss

What if, I die? (Filipino)   Chapter 35

CHAPTER THIRTY FIVE [ Ciara's pov] "Myghad, Ara! Hanngang ngayon, hindi pa ri

What if, I die? (Filipino)   Chapter 34

CHAPTER THIRTY FOUR [ Ciara's pov] "Saan daw ba kasi tayo magkikita?" Tanong ko kay Jennifer na katabi ko, habang si Tyler naman ang nag d-drive. "Sa Lulu Restaurant nga, bangag ka ba ngayon, Ara?" Ta

What if, I die? (Filipino)   Chapter 33

CHAPTER THIRTY THREE [ Ciara's pov] "Sino daw ba ang magi-stay sa kanilang dalawa dito?" Tanong ni nanny, habang nakaupo ako. "Yong lalaki po, si Tyler." Sagot ko. "

What if, I die? (Filipino)   Chapter 32

CHAPTER THIRTY TWO [ Ciara's pov] "Yaya percy, ayos lang po ba ang itsura ko?" Tanong ko kay yaya, habang ipinapakita ang itsura ko. "Oo naman. Teka nga, dadalaw ka lang naman ngayon sa asawa mo, hind

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy