Cargando
Inicio/ Todos /The Polar Worlds of Love (TAGALOG) /Chapter 8

Chapter 8

Autor: Msshell
"Fecha de publicación: " 2020-07-29 20:28:55

"Nga pala, ito 'yong mga notes para hindi ka naman masyadong mahuli sa mga lessons. Basahin mo na lang sa bahay niyo," turan ni Spade sabay lapag sa lamesa ng dala niyang notebook. Lihim akong napangisi, this kid is just so considerate.

"Thanks." Nginitian ko siya.

I think he really likes Tulips based on the memories that I saw. I can also see and feel his gentleness towards me. Sad is, he didn't know that I'm not Tulips.

"Spell effort, Ace!" Nagngiting-aso kaming tiningnan ni Thirdy at mukhang sisimulan na namang tuksuhin ang nanahimik na si Ace  habang busy sa kapipindot sa cellphone niya.

"Gago! Ang dali-dali hindi mo pa alam. E-F-F-O-R-T!" mayabang namang sigaw nito habang may pataas-taas pa ng kamay habang binibigkas ang bawat letra.

"Gago ka rin! Ang hina talaga ng IQ mo! Ang ibig kong sabihin, pansinin mo ang effort ng kambal mo!" naiinis na sigaw ni Thirdy.

"Anong mahina, huh? Mas mataas kaya ang grades ko sa 'yo sa Physics! Tandaan mo, 75 ka lang, tsong! At bakit ba lagi mong pinapakialaman yang kambal ko? Naiinggit ka, hanap ka na lang ng chicks mo at huwag mo akong guluhin.''

"Ang dami mong sinasabi! Ayaw mo lang maistorbo, mabangga sana yang snake mo!"

Napailing-iling ako. "Spade, ganoon ba talaga sila?" natatawang tanong ko. 

"Oo, hayaan mo na lang. Huwag mo na lang silang pansinin. Nga pala, may naalala ka na ba tungkol sa nangyari sa 'yo noong gabing naaksidente ka?"

kuryosong tanong niya.

Sasagot na sana ako nang may kumatok sa pinto. Napatigil na rin sa pagbabangayan ang dalawa at sila na mismo ang nagbukas.

Akala ko si Nanay Daisy na pero dalawang lalaki ang pumasok.

"Mga pulis kami," pakilala nila sabay pakita ng kanilang ID. Agad naman akong tumuwid ng upo at maayos na hinarap sila.

"Miss Lee, pwede ka ba naming makausap?" tanong noong matangkad. Matipid akong ngumiti at tumango.

"May naaalala ka ba tungkol sa nangyari sa 'yo?" diretsahang tanong nila.

"Meron po," sagot ko.

"Pwede mo bang idetalye ito sa amin. Lahat nang naalala mo." Humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Ang naalala ko lang po ay may humahabol sa aking lalaki. Nagtago ako sa isang abandonadong gusali habang tinatawag niya ang pangalan ko at tumatawa." Napatigil ako tila bumabalik sa akin ang takot na naramdaman ko nang maranasan ko rin ang nangyari kay Tulips.

"Nang malapit na siya sa pinagtataguan ko agad akong tumakbo palabas hanggang sa makarating ako sa kalsada. Nang biglang may mabilis na kotseng humarorot at bumangga sa akin. Bumagsak ang katawan ko sa damuhan tapos..." napakapit ako sa damit ko para kalmahin ang nanginginig kong kamay.

"Tapos, lumapit sa akin iyong lalaki at bumulong ang sabi niya papatayin niya na lang ako para maging kanya na ako. May malamig na bagay din siyang idiniin sa leeg ko, tingin ko kutsilyo." Napahawak ako sa leeg ko at tila naramdaman ko pa ang tingin kong kutsilyong idiin sa akin. Wala na iyong marka, dahil sabi ng doctor gasgas lang ito at naghilom na.

Rinig ko naman ang malakas na pagmumura ng tatlo dahil sa nalaman.

"Mukhang matindi ang pagkakagusto ng taong ito sa 'yo, Miss. Nakilala mo ba kung sino iyong lalaking humahabol sa 'yo?" Napailing ako.

"Madilim, hindi ko nakita ang mukha niya at habang hinahabol niya ako hindi ko na magawang lumingon sa takot na abutan niya."

"Pero noong lumapit sa 'yo, wala ka bang nakita kahit kaunting palatandaan?" Napaisip ko. Ang alam ko pinilit kong tiningnan ang mukha niya. Kaso, nanlalabo na noon ang paningin ko kaya hindi ko nakita nang malinaw ang mukha niya.

"Nanlalabo na noon ang paningin ko sir, kaya hindi ko siya namukhaan."

Napailing-iling naman sila.

"Wala ka bang napapansing taong umaaligid-aligid sa 'yo? O, taong tingin mo ay kakaiba ang mga titig sa 'yo?" Napatingin ako sa tatlo dahil hindi ko alam.

Nagtaas naman ng kamay si Ace.

"Opo! Sinasabi niya nga noon, na tila may laging nakatingin sa kanya."

"Mukhang isa nga sa mga admirers mo ang suspek, Miss Lee. Nga pala, ang kotseng bumangga naman sa 'yo may nakita ka bang pagkakakilanlan nito, Ms. Lee? At kung nakita mo ang taong nakasakay nito?"

"Pulang kotse ito," agaran kong sagot. Pilit kong inalala kung nakita ko rin ang plate number kaso hindi. Sobrang malabo lahat.

Nakaka-frustrate pero tila wala silang makukuhang lead sa akin. Kahit pa, isinalaysay ko na lahat ng nangyari.

"Iyon lang ang naalala ko at hindi ko rin nakita ang nagmamaneho pati ang plate number," tanging nasabi ko.

"Base sa crime scene may natagpuan kaming bagay. Baka alam mo ito." Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang bagay na hawak nila.

The pear shaped aquamarine pendant.

Paanong napunta ito rito? Naisama ko rin pala. Kung ganoon, hindi nila nakuha sa akin.

"That's my necklace," agad kong sabi. Tumango-tango naman sila. "We already checked the fingerprints of this necklace, dahil akala namin pwede itong gamitin bilang ebidensiya ngunit wala dahil tanging fingerprints mo lang ang nakuha namin dito," Agad ko itong tinanggap nang ibinigay nila.

Feels unreal, paano ko naisama ang kwintas na ito sa mundong 'to?

"Ms. Lee, sasabihin na namin ito kaagad. Mukhang matatagalan kaming iresolba ang kaso lalo't madilim ang lugar at walang masyadong dumaraan kaya mahihirapan kaming makakuha ng witness."

"Wala bang CCTVs doon, sir?" tanong ko.

"CCTVs? Ano iyon?" naguguluhang tanong nila.

Oh, shit! Napakamot na lang ako sa ulo at naiilang na ngumiti. Nakalimutan ko, nandito nga pala ako sa year 2005! At mukha ngang wala pang CCTVs dito sa Pilipinas noon.

Frustrating! I really came back to the past!

"Ah hehehe, kalimutan niyo na lang po 'yung sinabi ko," awkward kong sabi.

"Basta, i-update ka na lang namin Ms. Lee kapag may lead na kami at pwede mo rin kaming kontakin kapag may naalala ka nang pwedeng makatulong sa kaso." May pinunit na maliit na pirasong papel ang kasamahan nitong pulis kung saan nakalagay ang tingin kong numero nila. Tinanggap ko naman ito at tumango. "Magpapaalam na kami."

"Thank you po, sir!" halos sabay-sabay pa naming sabi.

Nang tuluyan silang makaalis. Agad namang nagsilapit ang tatlo sa akin. "Okay ka lang ba, Tulips?" tanong ni Thirdy. Tumango ako at napabuntong-hininga.

"Ang ganda naman niyang kwintas? Sino nagbigay niyan sa 'yo?" kuryosong tanong ni Ace.

"Oo nga, ngayon lang namin yan nakita." Napabuntong-hininga ako.

"Regalo ni Nanay," pagsisinungaling ko. Agad naman silang naniwala. Hindi ko naman pwedeng sabihin na iniregalo ito sa akin ng hindi ko kilala at galing future.

Hindi maalis sa akin at hindi mag-alala.

I don't know, if they could solve this case. Walang ebidensiya, walang witness, at wala akong maalala. Kung sana lang ay bumalik lahat at makita ko kung anong nasa memorya ni Tulips baka may malaman pa akong pwedeng makatulong sa kaso.

Pero sa ngayon, siguro nga ang kailangan ko munang gawin ay magpahinga at alagaan ang katawan niya.

"Tingin ko talaga Tulips. Tama, 'yong hula ng pulis isa sa mga admirers mo ang gumawa noon," tila siguradong sabi ni Ace.

"Oo nga! Tingin ko rin," sang-ayon din ni Thirdy. "Kasi 'di ba sabi mo tila may laging nakatingin sa 'yo sa school." Dagdag pa niya. Then, it could be!

"Pero sa dami nang tumitingin sa kanya mahirap hulaan kung sino iyon," seryosong sabi ni Spade.

"Yun lang," tumatangong pagsang-ayon ni Ace sa sinabi ng kambal niya.

"Tingin ko nga may sira sa utak ang gumawa noon sa 'yo eh, kasi biruin mo papatayin ka niya para lang maging kanya ka nang tuluyan. Eh, pwede namang ligawan ka na lang niya hanggang sa tuluyang mapaibig ka niya. It's a win-win situation," tila matandang pagpapaliwanag ni Thirdy.

Napangiti ako. He is right.

"Aba! Aba! Tignan mo nga naman may tinatago ka rin pa lang katalinuhan. Akala ko puro babae lang laman ng utak mo," kantyaw ni Ace. Napailing na lang, heto na naman sila.

"Gago! In born na akong matalino. At kahit mambabae ako mas mataas pa rin ang grades ko sa 'yo. Sadyang sa Physics ka lang mataas!" Natatawa na lang kaming pareho ni Spade habang pinapanood silang magbangayan.

Tumahimik lang sila nang dumating na si Nanay Daisy at pinauwi na silang tatlo dahil malapit na rin namang gumabi.

"Anak, nalinisan ko na 'yung bahay. Kaya makapagpapahinga ka na doon nang maayos kapag nakauwi na tayo. Naayos ko na rin 'yung mga gamit mo na pang-eskwela," malambing niyang turan.

Katatapos lang naming maghapunan at nanatiling tahimik sa panonood sa mga bituin. Sa pamamagitan ng glass window ng hospital.

"Salamat po, N-nay." Bahagyang nabasag pa ang boses ko dahil na rin sa sandaling paglukob ng lungkot. Sa buong buhay ko, hindi ko naranasang may tinatawag akong nanay.

Ngayon lang.

Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos. "Mahal na mahal kita anak, at salamat hindi ka pa kinuha ng panginoon sa akin. Dahil kung nangyari iyon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko," umiiyak niyang sabi sabay yakap nang mahigpit sa akin.

Naiiyak ako.

Ngayon ko lang naramdaman ang yakap ng tila isang tunay kong magulang.

Kung nasaan ka man ngayon Tulips, huwag kang mag-alala. Aalagaan ko ang nanay mo at pilit kong gagampanan nang maayos ang pananatili sa katawan mo.

***

Shels<3

Want to know what happens next?
Continuar Leyendo
Capítulo anterior
Capítulo siguiente

Compartir el libro a

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Último capítulo

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 15

Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga na muna kami sa silong ng mangga. Ang saya ng buhay dito, parang gusto ko kapag tumanda ako sa ganitong lugar din ako titira.Masarap ang simoy ng hangin, payapa, at parang makakalimutan mo lahat ng problema."Oh, hello Tulips! Do you still remember me?" Napabaling ang tingin ko kay Mandy at agad na umiling."Tsk, may amnesia nga, eh. Paano ka maaalala?" mataray na sagot ni Ace. Inirapan niya lang ito at bumaling ulit sa akin."So, it's true? That's sad! We have a beautiful memories pa naman, together. I'm Mandy Jane Garcia, by the way," maarteng sabi niya sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at mabilis na nakipagkamayan."Talaga lang, Mandy? Eh, lagi mo ngang binu-bully si Tulips. Paanong naging beautiful memory?" Nakangising pambabara naman ni Thirdy."Oh, c'mon Thirdy! It's just a misunderstanding. I can be friends with h

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 14

Inalalayan kaagad ako ni Spade para tuluyang makapasok sa sasakyan nila."Thank you," sabi ko nang tuluyang makaupo. Sinuklian niya naman ako ng matipid na ngiti at tumabi sa akin. Bale, napapagitnaan nila ako ni Thirdy. "Gosh, Ace! I'm so worried of you! Saang lupalop ka ba pumunta?" Napatingin ako sa harapan. Doon kasi umupo si Ace at may katabi siyang ginang. Tingin ko ito na ang mommy nila."Namasyal lang kami, mommy," kalmadong sagot niya. Salungat sa nakikita kong ekspresyon sa mukha ng mommy nila."Saan mismo, Ace?" halata ang galit na tanong nito. "At huwag mong tangkaing magsinungaling!""Sa bungad ng hacienda ng mga Saldarvar," sagot niya. Hacienda rin pala 'yung pinuntahan namin? Kaya pala ganoon ang hitsura dahil bungad pa lang ang narating namin. Maaring maganda rin iyon kung itinuloy nila akong ipasyal doon.Ngunit sigurado ako, mas maliit ito kumpara s

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 13

"Uminom muna kayo." Alok ni Tatang Kulas sa dala niyang bagong timplang kape. Agad naman akong kumuha, pagkaamoy ko pa lang alam ko ng kapeng barako ito. Masyadong matapang para sa akin pero ano naman, nakakahiya namang tanggihan.Nilingon ko ang dalawang lalaki na parehong pabagsak na nakaupo at nakasandal sa pader. Nanatiling nakahawak sa ulo at masama ang tingin sa akin.Ngumisi lang ako. Pakiramdam ko, dahil sa pagbalik ko sa nakaraan. Unti-unti rin akong bumalik sa pagkabata. Hindi ko na rin siguro maiiwasan dahil talagang puro mga bata pa ang makakasalamuha ko sa araw-araw.Mahirap pa lang maging mature kung ang mga kasama mo ay immature.Ni sa hinagap hindi ko naisip na magagawa kong magsabunot ng buhok. At sa dalawang lalaki pa!Masyado kasi akong mabait noong highschool ko kaya wala naman akong na encounter na mag-ti-trigger ng sobrang galit at pagkainis ko.Ngayo

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 12

"Ako nga, si Shannelle Mixcel Han," sagot ko."Shannelle?" nakakunot-noong tanong ni Thirdy."Oh, 'di ba tama ako? Iyan din sinabi niyang pangalan sa akin kahapon," nakahalukipkip na sabi ni Ace.Napahilamos si Thirdy sa mukha at tila hindi pa rin makapaniwala."Paano ka napunta sa katawan ni Tulips?" tanong niya. "Ah! Totoo ba talaga 'to? Nakababaliw na talaga!" inis niyang sigaw at panay na ang pabalik-balik ng lakad ngayon.Napabuntong-hininga ako. Yeah, it's really unbelievable but it happened."Hindi ko alam, basta nang magising ako sa hospital nagulat ako na nasa ibang katawan na ako at ibang mundo," paliwanag ko."Ibang mundo?" Tiningnan niya ako na tila ako na, ang nababaliw ngayon."Ilang ulit ko nang sinabi pati sa hospital, na galing akong taong 2030 at hindi ko alam kung bakit bumalik ako sa 2005." Napangiwi siya.

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 11

"Anak, ito pala ang cellphone mo. Nakalimutan kong ibigay sa 'yo kagabi." Nalipat ang tingin ko sa iniaabot na cellphone ni Nanay.As expected, isa itong Nokia keypad phone. The usual, famous cellphone in this year as I remembered when I was a kid."Salamat po," sabi ko at kinuha ito. Natapos na akong magpalit at nagsusuklay na lang ng buhok. Mga alas singko pa lang kanina ay ginisingna ako ni Nanay kaya nauna na akong kumain bago naligo."Alis na po ako!" Paalam ko at sumakay na sa bisikleta ni Tulips. Mabuti na lang marunong ako nito kahit paano."Mag-ingat ka, anak.""Opo!" sigaw ko pabalik at kumaway.Ayon kay Nanay Daisy, dito sa Las Viejas iisa lang ang malapit na unibersidad. Ito ang Clarkson University, halos lahat daw ng nag-aaral dito ay mayayaman kaya masuwerte raw ako dahil scholar ako.Mabuti nga at napakiusapan ni Nanay ang dean ng unib

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 10

"Hello, I'm Ace Shield Zarriaga. Nice meeting you," seryosong sabi niya at tinanggap ang kamay kong nakalahad.Ilang sandali lang ay lumabas na ang kanina niya pa pinipigilang tawa. Napahawak pa siya sa tiyan sa katatawa."Tama na nga, ang biro mo Tulips! Nasobrahan ka lang siguro ng gamot sa hospital. Kaya kung ano-ano na pinagsasabi mo," natatawa pa ring sabi niya.Napabuntonghininga ako. Gaya ng inaasahan ko hindi pa rin siya naniniwala sa akin."Saka saan mo nakuha ang pangalang iyon? Pero in fairness, maganda naman. Anong pangalan na kasi?" tila nang-iinis pang tanong niya.Napairap ako. "Shannelle Mixcel Han," madiing sabi ko."Shannelle Mixcel Han..." ulit niya at hindi pa rin nawawala ang pagtaas ng sulok ng labi niya."Ang gandang pangalan naman parang pagmamay-ari ng isang dyosang babae. Kaya hindi bagay ang pangalan na 'yon sa iyo, Tulips!" Tawa

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 2

"Grant, tingin mo magiging sikat akong writer?" tanong ko sa kanya habang patuloy akong nagtitipa sa laptop ko. Ngayon kasi ako nangakong mag-update sa mga readers ko sa Wattpad.Gaya ng dati nandito kami ulit sa library.

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 1

Welcome! Hope, you enjoy reading this story! ?***"Fresh lavender for my love!" Nanlaki ang mata ko nang makita ang hawak ni Grant na isang bouquet ng lavender. A

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    SYNOPSIS

PLAGIARISM IS A CRIMEShannelle Mixcel Han is a famous writer who still mourns and can't move on from her deceased boyfriend. She's a woman whose life is like a robot. Until on

The Polar Worlds of Love (TAGALOG)    Chapter 9

"Ito ang bahay natin, anak," masayang sabi ni Nanay Daisy na tila tour guide ko habang itinuturo ang bawat parte ng malaking bahay na may kalumaan na. Mukhang ipinamana na ito sa kanya ng nakaraang henerasyon.Malinis nga ito at organisado ang lahat ng bagay na makikita

Más capítulos
Descargar el libro
GoodNovel

Descarga el libro gratis

Descargar
Buscar lo que desee
Biblioteca
Explorar
RomancexiyuHistoriaUrbanHombre loboMafiaSistemaFantasiaLGBTQ+ArnolDMM Romancegenre22- 西语genre26-Españolgenre27-请勿使用Españolgenre28-Español
Cuentos cortos
CieloMisterio y suspensoCiudad modernaSupervivencia apocalípticaPelícula de acciónPelícula de ciencia ficciónPelícula románticaViolencia sangrientaRomanceVida Escolar/CampusMisterio/SuspensoFantasíaReencarnaciónDrama RealistaHombres LoboesperanzasueñofelicidadPazAmistadInteligenteFelizViolentoDulcePoderoso红安Masacre sangrientaAsesinatoGuerra históricaAventura fantásticaCiencia ficciónEstación de tren
Géneros populares
RomancexiyuHistoriaUrbanHombre loboMafiaSistema
Contáctanos
Acerca de nosotrosAyuda y sugerenciasNegocios
Recursos
Descargar appsBeneficios para escritorPolítica de contenidoPalabras claveBúsquedas PopularesReseña de libroFicción de fansFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Comunidad
Facebook Group
Síganos
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Condiciones de uso|Privacidad