Descarga el libro gratis
Chapter 14
Autor: MsshellInalalayan kaagad ako ni Spade para tuluyang makapasok sa sasakyan nila.
"Thank you," sabi ko nang tuluyang makaupo. Sinuklian niya naman ako ng matipid na ngiti at tumabi sa akin. Bale, napapagitnaan nila ako ni Thirdy.
"Gosh, Ace! I'm so worried of you! Saang lupalop ka ba pumunta?" Napatingin ako sa harapan. Doon kasi umupo si Ace at may katabi siyang ginang. Tingin ko ito na ang mommy nila.
"Namasyal lang kami, mommy," kalmadong sagot niya. Salungat sa nakikita kong ekspresyon sa mukha ng mommy nila.
"Saan mismo, Ace?" halata ang galit na tanong nito. "At huwag mong tangkaing magsinungaling!"
"Sa bungad ng hacienda ng mga Saldarvar," sagot niya. Hacienda rin pala 'yung pinuntahan namin? Kaya pala ganoon ang hitsura dahil bungad pa lang ang narating namin. Maaring maganda rin iyon kung itinuloy nila akong ipasyal doon.
Ngunit sigurado ako, mas maliit ito kumpara sa hacienda nila dahil ayon sa kwento ni Nanay Daisy. Isa sila sa pinakamayamang haciendero rito.
"Bakit doon pa kayo pumunta? Pwede namang sa hacienda natin? At saka inabutan na kayo ng ulan! Paano kung hindi namin kayo nahanap? At kasama mo pa talaga sina Tulips at Thirdy!" Galit na bulyaw nito. Napatakip naman sa tenga si Ace.
"Mom, pwedeng hinay-hinay lang! Ligtas naman kami, okay. Sa bahay niyo na lang ako pagsabihan, huwag dito."
"Aba't!" napairap ito. "Kung bakit kasi
kahit 'yang kambal mo hindi mo pinagsasabihan kung saan ka pupunta! Ni tawag, wala!"Napabuntong-hininga naman si Ace. "Naiwan ko po phone ko sa bahay."
"Kaka-walkman mo niyan! Pati cellphone mo na mas importante, kinakalimutan mo."
"Mom! Tama na, okay!"
"Anong tama na, huh? At ikaw rin, Spade! Sinabi ko nang bantayan mo itong kakambal mo, eh. Ikaw ang kuya at mature sa inyong dalawa, kaya dapat mo siyang pagsabihan at pigilan sa mga walang kwentang pinaggagawa niya!"
Nilingon ko si Spade. "Okay po, mom. I'm sorry." Walang emosyong sagot niya.
Napakagat ako sa labi para pigilang magsalita. Gusto kong sabihin na wala naman siyang kasalanan. Kaya bakit siya, nag-sorry?
Napatingin ako kay Thirdy na katulad ko ay nanatiling tahimik at mas piniling huwag na lang makisali sa argumento.
"Mom! Walang kasalanan si Spade! Huwag mo siyang pagalitan. Ako lang ang may kasalanan. Inaya ko lang din sina Tulips at Thirdy," sagot ni Ace at halata na ngayon ang pagkairita.
"Tsk, basta huwag mo nang uulitin ito," napabuntong-hininga ang mommy nila at sa wakas tumahimik na rin ang kotseng kaninang puro bangayan ang naririnig.
Ako ang una nilang inihatid dahil mas malapit naman daw ang bahay nila Thirdy sa kanila.
"Salamat po sa paghatid," paalam ko. Tinanguan lamang ako ng mommy nila.
"Salamat," baling ko kay Spade dahil bumaba ulit siya para payungan lamang ako.
"You're always welcome, Tulips," nakangiting sabi niya.
Nakangiting kumaway ako sa kanila nang makarating na ako sa pintuan ng bahay. Ilang sandali lang ay agad namang bumukas ito.
"Anak, saan ka ba galing? Sabi mo, mamasyal lang kayo. Gabi na, oh." Nag-aalalang salubong sa akin ni Nanay Daisy.
"Sorry nay, kung nag-alala po kayo. Na-lowbat po kasi ang cellphone ko," sagot ko habang tinatanggal ang basang sapatos ko.
"Hahanapin na nga sana kita, eh. Mabuti tinawagan ako ni Ma'am Sophia kanina, na nahanap na kayo."
"Sorry po talaga," nakayukong sabi ko. Napabuntong-hininga naman siya.
"Oh siya, basta hindi na talaga ito mauulit kahit pa ayain ka ng tatlong 'yon. Maliwanag?"
"Opo, promise!" nakangiting sagot ko.
"Tara na, at naghanda ako ng mga paborito mong pagkain." Paborito? Kumakabog na ang dibdib ko habang papunta sa kusina. Anong paboritong pagkain ni Tulips ang hinanda niya?
Sana naman hindi sea foods. Sana...
Namuo kaagad ang pawis sa noo ko nang makita ang nakahaing pagkain sa lamesa.
Crabs and shrimps all over!
"Kumain ka na, pinaghirapan at sinarapan ko talaga ang mga 'yan!" masayang sabi niya. Kitang-kita ko pa ang pagmamalaki sa mga mata niya habang tinitingnan ang mga hinanda.
Napalunok ako sa takot. Paano ito? Paano ko lulusutan ito?
"Kumain ka na," yaya niya nang mapansing 'di ko pa rin nilalagyan ang plato ko. Laking gulat ko ng siya na mismo ang naglagay at ang dami pang ulam ang nilagay niya.
Shit! Shit!
Panay mura ako sa isip ko. Habang halos hindi na nga ako humihinga dahil sa amoy ng mga ulam.
"Ah, nay. Hindi po kasi ako masyadong gutom. Kaya kaunti lang po ang kakainin ko," nakangiwing sabi ko habang binabalik ang ilang ulam na nailagay niya sa plato ko.
Napakunot-noo naman siya. "Anak, dapat marami kang kinakain hindi pa tuluyang nakababalik ang katawan mo." Pangaral niya at muling ibinalik sa plato ko ang mga ulam.
God, help me please! I think, I'm going to die! Why I need to face this kind of suffering?
"Tikman mo, masarap 'yan. Sigurado, gaganahan ka!" masayang sabi niya.
Habang naiiyak at halos hindi na ako humihinga habang kumakain.
Nasusuka na ako sa unang subo pa lang pero pinilit ko ang sarili kong maging kalmado.
I can't just break her heart. Pinaghirapan niya itong lutuin, hindi pwedeng malaman niyang hindi ko ito gusto.
Pinagsabay ko ang mabilis na pagsubo, diretso lunok at pag-inom ng tubig. Kailangan ko nang maubos ito, dahil kapag nagtagal pa ako sigurado akong lalabas na ang kanina ko pa pinipigilang suka.
"Oh, tingnan mo. Naubos mo! Masarap ba?" tuwang-tuwang tanong niya.
"O-opo, nay," sagot ko at sinuklian siya ng alanganing ngiti.
Pilit kong kinalma ang sarili ko bago nagpaalam sa kanyang may kukunin ako sa kwarto, pero ang totoo. Hindi ko na kasi kayang pigilan. Halos takbuhin ko ang hagdanan sa pagmamadaling makarating sa kwarto ko.
Mabilis akong dumiretso sa comfort room ng kwarto ni Tulips at doon na ako sumuka nang sumuka.
Nanghihina akong napasandal sa tiles. Nanginginig din ang kamay ko sa pagod.Nagmumog ako at nagsipilyo na rin nang sa wakas ay natapos na akong sumuka. Halos inilabas ko na lahat-lahat nang kinain ko buong araw.
I know Tulips body have no food allergy reaction to sea foods but since I know and I hate the foods that's way even my stomach couldn't accept it.
Nang maayos na ang hitsura ko ay saka lamang ako lumabas na tila walang nangyari.
I think, I will endure more suffering like this. Hay!
"Ako na po riyan." Presinta ko at sabay agaw sa kanya ng mga platong hinuhugasan. Mabuti na lang at hinayaan na rin niya ako.
"Anak, may tanong ako." Napabaling naman ako sa kanya.
"Ano po 'yon?" tanong ko habang seryosong naghuhugas. Nasa tabi ko lamang siya at nakasandal sa lababo.
"Wala pa bang bumabalik sa memorya mo? Nagtataka lang kasi ako, kasi pati ang mga kilos mo ay tila kakaiba."
Dumagsa ang kaba sa dibdib ko. "Wala pa naman po akong naaalala at paano mo po nasabing may kakaiba?" kalmadong tanong ko. Habang halos hindi na ako makapokus sa hinuhugasan ko.
"Basta, kakaiba, hindi ko maipaliwanag, eh. Pero ang talagang pumukaw sa atensyon ko ay kung bakit naging kaliwete ka bigla."
Napatigil ako sa paghuhugas at wala sa sariling napatingin sa kaliwang kamay kong ginagamit sa paghugas.
Shit! I'm doomed!
Left handed ako mula bata at hindi ko talaga kaya ang maging right handed. Paano ko naman gagawin iyon, 'di ba?
Nanatili akong tahimik. Ano namang sasabihin ko?
Napabuntong-hininga siya kalaunan. "Siguro nga, dapat na akong masanay. Epekto siguro 'yan ng amnesia mo. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko, anak," sabi niya at tinalikuran na ako para linisan ang lamesa.
Nakahinga naman ako at habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko mapigilang makonsensya.
She loves Tulips so much and she is her mother. So, no other person will know her daughter, better than her.
I'm sorry, Nanay Daisy. But I don't have other choice but to hide the truth from you.
Hindi rin siguro ako magtatagal dito. Pagkatapos kong maisakatuparan kung ano man ang misyon ko. Sigurado, babalik din sa dati ang lahat.
"Saan na ulit tayo pupunta?" tanong ko kay Thirdy dahil hindi ko malinaw na narinig ang sinabi niya.
"Sa Hacienda Zarriaga," napakunot-noo ako. Biyernes ngayon at dahil maagang natapos ang pagtatanim namin sa garden ng section namin ay maaga rin kaming pinauwi.
May meeting kasi ang mga teachers namin, hindi ko lang alam kung tungkol saan. Kaso, may sinabi itong tatlo na lugar na pupuntahan namin.
Ang bilis ng pagdaan ng araw. Halos, hindi ko namalayang ilang linggo na rin pala kaming magkakasama.
Napatigil ako sa pagpedal kaya huminto rin sila at nilingon ako.
"Talaga bang doon tayo pupunta? Baka mamaya sa kung sino-sino na namang albularyo niyo ako dalhin." Nakahalukipkip kong sabi.
"Albularyo?" Nakakunot-noong tanong ni Spade. Ay, oo nga pa hindi niya pa alam.
"A-h, ang i-ibig niyang sabihin Spade ay baka may makasalamuha na naman siyang katulad ni Tatang Kulas. Kasi 'di ba pumunta kami sa Hacienda ng Saldarvar, eh, doon nakatira si Tatang Kulas." Palusot ni Ace at nilingon pa ako na tila pinapatahimik.
Napangisi ako ng palihim. He doesn't wanted his twin to know what they had done to the girl he likes. Pero okay na rin namang walang alam si Spade para hindi pa maungkat kung anong totoong nalaman at nangyari kila Tatang Kulas.
"Oo nga, hindi ba gusto mo pumunta sa hacienda? Pupunta na tayo ngayon," nakangiting sabi ni Thirdy.
"Pero, nangako na ako kay nanay na hindi na ako sasama sa inyo. Baka mag-alala na naman 'yon. Kapag nagabihan ulit ako," turan ko.
"Ano ba 'yan! 10 am pa lang naman, oh. Ihahatid ka na namin kapag alas tres!"
"Oo Tulips, saka nagpahanda na rin kami ng boodle fight doon. Sumama ka na para makapasyal ka rin," Aya ni Spade.
Napabuntong-hininga ako. "Basta, sabi niyo alas tres, ah?" Paninigurado ko. Tiwala naman silang tumango-tango.
Kaya sumakay ulit ako sa bisikleta ko at sumabay na sa kanila.
"Tanong ko lang, may mag-birthday ba?" Hindi ko mapigilang itanong. Baka may isa pala sa kanilang birthday ngayon. Hindi ko man lang alam.
"Wala, sadyang na-miss lang namin mag-boodle fight," sagot ni Ace.
"Ah, okay," alanganing sabi ko. Iba talaga kapag may kaya. Kapag may na-miss na pagkain, ihahanda kaagad sa kanila. No wonder, mga señorito pala itong mga kasama ko, lagi ko na lang nakakalimutan.
Napakasimple lang naman kasi nila o sadyang mayayaman talaga ang mga tao rito kaya hindi na uso ang magyabang.
Puro kwentuhan lang kami habang nagbabyahe. Para rin mailibang ang sarili sa pagod. Wala rin naman akong maireklamo dahil maganda naman ang pagbibisikleta. Exercise na rin sa katawan.
Napatigil lang kami nang may malakas na bumusinang kotse sa tapat namin. Bumaba ang bintana nito kaya nakita kong ito iyong magandang babaeng kausap ni Spade noon. May kasama rin siyang magandang babae na nanatiling tahimik at nginitian lamang kami.
"Hey, Spade! Tita Sophia told us to go to your hacienda. Ipasyal niyo rin daw kami roon. See you there!" Kinindatan niya pa si Spade at nang malipat ang tingin sa akin ay kaagad akong inirapan bago mabilis na pinaharorot ang kotse.
Napakunot-noo ako. Luh, problema nun?
"Hay, ano ba 'yan? Bakit pupunta doon si Mandy? Tapos, kasama pa si Lilith. Iba talaga karisma niyong magkambal!" Sabay malakas na halakhak ni Thirdy.
"It's not funny," seryosong sabi ni Spade at halatang pumangit na ang mood.
"Oo nga, wala namang nakakatuwa doon! Istorbo lang mga 'yon." Pagsaway din ni Ace rito. Tumahimik na rin si Thirdy kalaunan.
Bumagal naman ang pagpedal ni Spade para lang magsabay kami. Halata ang pag-aalala sa mukha niya nang balingan ako ng tingin.
This boy is really soft, yet I don't really feel anything special towards him. Eventhough, mabait talaga siya sa akin. I wonder if Tulips likes him?
"I'm sorry, I don't know she's going there."
Napangiti ako. "Ano ka ba? Okay lang naman sa akin. Kaibigan niyo rin naman yata sila."
"No, she's not our friend. I don't know why she keeps bugging me," naiiritng sabi niya.
"I think, because she likes you," sabi ko.
"I don't think so, that woman love attention. Gusto niya lang talagang maidawit ang pangalan niya sa akin." Paliwanag niya.
"Tsk, hanggang ngayon 'yan pa rin ang iniisip mo Spade. Ilang taon na kaya 'yong nagpapansin sa 'yo. Second year pa lang tayo, patay na patay na 'yon sa 'yo," nakangising sabi naman ni Ace.
"Oo nga! Kaya laging nabu-bully dati si Tulips, eh. Tingin ko, gusto ka talaga ni Mandy." Pagsang-ayon ni Thirdy.
Napasimangot naman lalo si Spade. "But I don't like her. You know, that Tulips, is the only woman I like," diretsahang sabi niya habang nakatitig na ngayon sa akin.
Bigla naman akong naubo at umiwas na lamang ng tingin.
He really have that confidence to tell what he feels. How brave!
Sabay pang napalingon sa amin ang dalawa at bahagyang napangiwi saka nagtinginan at mahinang humagikhik.
"Sweet na sana, eh. Kaso..." rinig kong bulungan noong dalawa.
Tsk, I already know what's running in their stupid minds.
It is really embarrassing, that I'm a 30 year old adult and here I am, mingle with this teens!
Two stupids, and one serious suitor!
I wonder, kung si Tulips kaya talaga ang nasa harapan niya. Kikiligin kaya siya sa sinabi ni Spade?
This is really a kind of headache.
Being embroiled with all of this love turmoil. "Wow! Ito na 'yon?" namamanghang tanong ko. Habang binabaybay namin ang isang may kahabaang pader. Mas malapit ito sa University kaysa sa pinuntahan naming hacienda ng mga Saldarvar. O talagang tingin ko'y mas malapit dahil may mga shortcuts kaming dinaanan."Malayo pa Tulips, bungad pa lang ito. Kukulangin ang isang araw para mailibot mo ito lahat," sagot ni Spade kaya napatango-tango na lamang ako.
Lalo akong namangha nang makita ang malaking welcome sign na tila gintong kumikinang pa dahil sa sikat ng araw.
Welcome to Hacienda Zarriaga
Basa ko rito. Malaki ito kaya kitang-kita nang sino mang papasok.
Halos umabot din kami ng limang minuto bago namin narating ang isang ancestral house.
Sa kabilang bahagi nito ay may mga kulungan ng mga iba't-ibang hayop tulad ng baboy, manok, pato, pabo, gansa, itik at marami pang klase ng ibon na hindi pamilyar sa akin.
Madaraan kasi muna ito bago makarating sa mismong bahay.
"Welcome po mga Señorito!" Salubong sa amin ng isang may katandaan ng lalaki.
Inilibot ko ang paningin ko. Mula sa kinatatayuan namin ay natanaw ko na ang malawak na lupain. Napakalawak at napakaganda ng lugar na ito.
So, ganito pala talaga kaganda ang isang hacienda. Ngayon pa lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar.
"Handa na po ang pagkain, nandoon na rin po ang ibang bisita niyo," magalang na sabi nito.
"Salamat po, Tatang Melchor," pasasalamat nila at nagsiyuko pa bilang paggalang siguro kaya yumuko rin ako. Nalipat naman ang tingin sa akin ng matanda.
"Tulips, hija, ikaw pala 'yan! Hindi kita nakilala, mabuti at magaling ka na," masayang sabi nito. Sinuklian ko naman siya ng matipid na ngiti.
"Oo nga po, eh. Salamat po," sabi ko. Sumunod na rin kami sa kanya papasok.
Halos mga trabahante nga nila ang nandito. Marami pa kasi kaming nasalubong habang papasok sa may kalakihang bahay.
Akala ko didiretso kami sa may kusina pero sa isang pintuan kami dumaan at pagkalabas ay nasa likod na kaming bahagi ng bahay at doon ay makikita ang maraming puno ng mangga.
Sa lilim ng isang malaking puno ng mangga ay may nakalagay na malaking lamesa at may nakahain na doong mga iba't-ibang klase ng pagkain na nakalagay sa mga dahon ng saging.
"I never thought that you will have a boodle fight, Spade. It's just a pity that I'm on my diet," maarteng sabi ng babaeng nagngangalang Mandy.
Agad pa itong lumingkis sa braso ni Spade. Habang ang kasama naman nitong babae ay lumapit kay Ace.
"Ace, sorry if we will disturb you. Tita Sophia, just called us to be here. I hope it's okay," malambing na sabi nito.
Nagkatinginan kami ni Thirdy.
"Sana pala nagdala rin ako ng babae ko, Shan." Bulong niya sa akin.
Nakangising inakbayan ko naman siya. "Samahan mo na rin ng lalaking kaedad ko," pagbibiro ko na nagpalaki sa mga mata niya.
"Seryoso ka, Tita?" Nanlalaki pa rin ang matang tanong niya. Inis ko namang tinapakan ang paa niya. Tinawag na naman akong tita!
"Aray!" Sigaw niya. Kaya napabaling ang atensyon nilang lahat sa amin.
Tinanggal ni Spade ang pagkakahawak sa kanya at agad lumapit sa akin.
"Anong ginawa ni Thirdy sa 'yo? Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Grabe ka Spade! Ako 'yung nasaktan tapos siya tatanungin mo, ibang klase!" Inis na sabi ni Thirdy habang hawak-hawak ang paa niya.
Ngumisi naman si Ace at nag-thumps up pa sa akin halatang tuwang-tuwa na nasampolan ko rin si Thirdy.
"Okay lang ako, siya, baka hindi okay," sabi ko at nakangising itinuro si Thirdy na masama ang tingin sa akin.
Lumapit ito kay Ace at bumulong tila nagsusumbong na. Napangisi naman si Ace at halatang natatawa."Tara, kain na tayo," aya na sa akin ni Spade at inakbayan pa ako habang masama naman ang tinging ipinupukol sa akin ni Mandy at inis na umupo na sa may pagkainan.
Naghugas muna kami ng kamay bago nagsimulang kumain. I'm just thankful dahil kaunti lang ang sea foods na nakahain. Mostly ay mga karne, gulay, at isda.
Naramdaman ko na rin ang gutom siguro dahil sa pagod na rin nang binaybay namin papunta rito.
Halos hindi ko na pinapansin ang mga kasama ko basta kuha na lang ako nang kuha since 'yong mga babae ay kaunti lang talaga ang kinakain. Nakagamit pa nga sila ng kutsara dahil ayaw nilang magkamay.
Napangiti ako habang kumakain, halos ako lang kasi ang nakaubos noong red egg at kamatis. Sobrang paborito ko kasi at talagang na-miss ko rin siguro since matagal na rin akong hindi kumakain ng ganito.
"Ito, Tulips," napatigil ako sa pagkain nang makita ang tatlong hipon na inilagay ni Spade sa pinagkakainan ko.
Oh, not again!
Naalala ko naman ang hirap na dinanas ko noong sapilitang kumain ako ng hinandang pagkain ni Nanay Daisy.
"Akin na lang! Mukhang ayaw niya," sabi ni Ace at agad na kinuha ito sabay diretsong kain.
"What the heck, Ace! Paborito niya 'yan, eh!" Inis na sigaw ni Spade.
Nakahinga ako nang iyon na lang pala ang natitira kaya wala na siyang maibigay ulit sa akin.
"Okay lang Spade, busog naman na ako, eh," sabi ko. Napadami na rin kasi ako ng kain. Mostly ang talagang nilantakan ko ay ang red egg, kamatis at adobong manok dahil mga paborito ko 'yon.
I mouthed my 'thanks' to Ace. Ngumisi lang naman ito.
Kahit makulit at sira-ulo ay may mabait pa rin namang itinatago ang gago. Kung hindi dahil sa kanya baka daranas na naman ako ng isang mahirap na sakuna.
***
Shels<3Compartir el libro a
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Último capítulo
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 15
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga na muna kami sa silong ng mangga. Ang saya ng buhay dito, parang gusto ko kapag tumanda ako sa ganitong lugar din ako titira.Masarap ang simoy ng hangin, payapa, at parang makakalimutan mo lahat ng problema."Oh, hello Tulips! Do you still remember me?" Napabaling ang tingin ko kay Mandy at agad na umiling."Tsk, may amnesia nga, eh. Paano ka maaalala?" mataray na sagot ni Ace. Inirapan niya lang ito at bumaling ulit sa akin."So, it's true? That's sad! We have a beautiful memories pa naman, together. I'm Mandy Jane Garcia, by the way," maarteng sabi niya sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at mabilis na nakipagkamayan."Talaga lang, Mandy? Eh, lagi mo ngang binu-bully si Tulips. Paanong naging beautiful memory?" Nakangising pambabara naman ni Thirdy."Oh, c'mon Thirdy! It's just a misunderstanding. I can be friends with h
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 14
Inalalayan kaagad ako ni Spade para tuluyang makapasok sa sasakyan nila."Thank you," sabi ko nang tuluyang makaupo. Sinuklian niya naman ako ng matipid na ngiti at tumabi sa akin. Bale, napapagitnaan nila ako ni Thirdy. "Gosh, Ace! I'm so worried of you! Saang lupalop ka ba pumunta?" Napatingin ako sa harapan. Doon kasi umupo si Ace at may katabi siyang ginang. Tingin ko ito na ang mommy nila."Namasyal lang kami, mommy," kalmadong sagot niya. Salungat sa nakikita kong ekspresyon sa mukha ng mommy nila."Saan mismo, Ace?" halata ang galit na tanong nito. "At huwag mong tangkaing magsinungaling!""Sa bungad ng hacienda ng mga Saldarvar," sagot niya. Hacienda rin pala 'yung pinuntahan namin? Kaya pala ganoon ang hitsura dahil bungad pa lang ang narating namin. Maaring maganda rin iyon kung itinuloy nila akong ipasyal doon.Ngunit sigurado ako, mas maliit ito kumpara s
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 13
"Uminom muna kayo." Alok ni Tatang Kulas sa dala niyang bagong timplang kape. Agad naman akong kumuha, pagkaamoy ko pa lang alam ko ng kapeng barako ito. Masyadong matapang para sa akin pero ano naman, nakakahiya namang tanggihan.Nilingon ko ang dalawang lalaki na parehong pabagsak na nakaupo at nakasandal sa pader. Nanatiling nakahawak sa ulo at masama ang tingin sa akin.Ngumisi lang ako. Pakiramdam ko, dahil sa pagbalik ko sa nakaraan. Unti-unti rin akong bumalik sa pagkabata. Hindi ko na rin siguro maiiwasan dahil talagang puro mga bata pa ang makakasalamuha ko sa araw-araw.Mahirap pa lang maging mature kung ang mga kasama mo ay immature.Ni sa hinagap hindi ko naisip na magagawa kong magsabunot ng buhok. At sa dalawang lalaki pa!Masyado kasi akong mabait noong highschool ko kaya wala naman akong na encounter na mag-ti-trigger ng sobrang galit at pagkainis ko.Ngayo
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 12
"Ako nga, si Shannelle Mixcel Han," sagot ko."Shannelle?" nakakunot-noong tanong ni Thirdy."Oh, 'di ba tama ako? Iyan din sinabi niyang pangalan sa akin kahapon," nakahalukipkip na sabi ni Ace.Napahilamos si Thirdy sa mukha at tila hindi pa rin makapaniwala."Paano ka napunta sa katawan ni Tulips?" tanong niya. "Ah! Totoo ba talaga 'to? Nakababaliw na talaga!" inis niyang sigaw at panay na ang pabalik-balik ng lakad ngayon.Napabuntong-hininga ako. Yeah, it's really unbelievable but it happened."Hindi ko alam, basta nang magising ako sa hospital nagulat ako na nasa ibang katawan na ako at ibang mundo," paliwanag ko."Ibang mundo?" Tiningnan niya ako na tila ako na, ang nababaliw ngayon."Ilang ulit ko nang sinabi pati sa hospital, na galing akong taong 2030 at hindi ko alam kung bakit bumalik ako sa 2005." Napangiwi siya.
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 11
"Anak, ito pala ang cellphone mo. Nakalimutan kong ibigay sa 'yo kagabi." Nalipat ang tingin ko sa iniaabot na cellphone ni Nanay.As expected, isa itong Nokia keypad phone. The usual, famous cellphone in this year as I remembered when I was a kid."Salamat po," sabi ko at kinuha ito. Natapos na akong magpalit at nagsusuklay na lang ng buhok. Mga alas singko pa lang kanina ay ginisingna ako ni Nanay kaya nauna na akong kumain bago naligo."Alis na po ako!" Paalam ko at sumakay na sa bisikleta ni Tulips. Mabuti na lang marunong ako nito kahit paano."Mag-ingat ka, anak.""Opo!" sigaw ko pabalik at kumaway.Ayon kay Nanay Daisy, dito sa Las Viejas iisa lang ang malapit na unibersidad. Ito ang Clarkson University, halos lahat daw ng nag-aaral dito ay mayayaman kaya masuwerte raw ako dahil scholar ako.Mabuti nga at napakiusapan ni Nanay ang dean ng unib
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 10
"Hello, I'm Ace Shield Zarriaga. Nice meeting you," seryosong sabi niya at tinanggap ang kamay kong nakalahad.Ilang sandali lang ay lumabas na ang kanina niya pa pinipigilang tawa. Napahawak pa siya sa tiyan sa katatawa."Tama na nga, ang biro mo Tulips! Nasobrahan ka lang siguro ng gamot sa hospital. Kaya kung ano-ano na pinagsasabi mo," natatawa pa ring sabi niya.Napabuntonghininga ako. Gaya ng inaasahan ko hindi pa rin siya naniniwala sa akin."Saka saan mo nakuha ang pangalang iyon? Pero in fairness, maganda naman. Anong pangalan na kasi?" tila nang-iinis pang tanong niya.Napairap ako. "Shannelle Mixcel Han," madiing sabi ko."Shannelle Mixcel Han..." ulit niya at hindi pa rin nawawala ang pagtaas ng sulok ng labi niya."Ang gandang pangalan naman parang pagmamay-ari ng isang dyosang babae. Kaya hindi bagay ang pangalan na 'yon sa iyo, Tulips!" Tawa
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 8
"Nga pala, ito 'yong mga notes para hindi ka naman masyadong mahuli sa mga lessons. Basahin mo na lang sa bahay niyo," turan ni Spade sabay lapag sa lamesa ng dala niyang notebook. Lihim akong napangisi, this kid is just so considerate."Thanks." Nginitian ko siya.
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 7
"Kumusta ang pakiramdam mo, hija?""Mabuti naman po," sagot ko. Mag-isa ako ngayon dahil umuwi muna si Nanay Daisy para maglinis daw sa bahay namin. Uuwi na kasi ako bukas."Pagtiisan mo muna, bukas naman pwede ka nang lumabas." Napangiti ako. Sobrang b
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 6
Anong lugar ito? Ito na ba ang itsura ng langit o nasa daanan pa lang ako papuntang langit?Diretso lang ang paglalakad ko sa isang malawak na lupain. Punong-puno ito ng mga magagandang bulaklak.Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang gaan lang sa pakiramda
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 5
Napasimangot ako nang makitang sobrang halata ang eyebags ko. Ang tagal kasi bago ko nakuha ang tulog ko kagabi. Kakaisip tungkol sa lalaking kamukha ni Grant.I even called Mama Cynthia just to asked if Grant had a deceased older brother. Kahit alam kong only child siy
