Unduh Buku Gratis di Aplikasi
Chapter 2
Penulis: Msshell"Grant, tingin mo magiging sikat akong writer?" tanong ko sa kanya habang patuloy akong nagtitipa sa laptop ko. Ngayon kasi ako nangakong mag-update sa mga readers ko sa Wattpad.
Gaya ng dati nandito kami ulit sa library. Pareho kasi kaming vacant ng dalawang oras tuwing Wednesday.
"Oo, syempre! I know you're the best, love!" Kumindat pa siya.
Napangiti ako.Tinigil ko ang kasalukuyang ginagawa at pinanood ko na muna siyang seryosong nagso-solve ng mga math equations. Tinitingnan ko pa lang umiikot na ang utak ko, wala talaga akong alam pagdating sa math.
Civil Engineering kasi ang course niya while Psychology naman sa akin.
"Hindi ka ba nahihirapan diyan?" tanong ko.
"Nahihirapan, but you know, I've chosen this so I should learn to love this like how I love you. You are also hard to solve, right?" he said cockily.
Natatawang napailing-iling ako. "Wow, nagiging arogante ka na, ah. Let me give you a prize my ever humble and sweet boyfriend."
Napakunot-noo siya. "What's my prize, love? Hmm..." Nagpapa-cute pa siyang inilapit ang mukha sa akin.
Napalingon-lingon ako sa paligid namin nang mapansing walang masyadong studyante ay agad akong lumapit sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.
Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting napangiti. "You really love to stole kisses," he said showing his boyish smirk.
"Bumabawi lang ako lagi mo rin kaya ako ninanakawan." Napanguso pa ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinaplos.
Ayan na naman ang nakatutunaw na pagtitig niya. Lagi niya iyon ginagawa sa akin pero hindi pa rin talaga ako nasasanay.
"I love you, Shan. Always remember I love you so much." Nangilid ang luha sa mga mata ko. He is always so sweet and makes me special every day.
"I love you too," paos kong tugon.
Tumaas ang sulok ang labi niya at napaiwas pa ng tingin sa akin. Kahit kailan, hindi pa rin talaga sanay ang lalaking ito kapag ako na ang nag-i love you sa kanya. Masyado ko yata talaga siyang pinahirapan noong nanliligaw pa lang siya.
"But, you know love, your prize is a little bit disappointing." Baling niya ulit sa akin. Napakunot-noo ako at natawa kalaunan.
Lagi talagang naghahanap muna ng buwelo bago magpakilig. "Huh? Bakit naman?" nakangising tanong ko.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin saka kinuha ang makapal na libro niya at pinantakip sa mukha naming dalawa. Saka, masuyo akong hinalikan!
"You should kiss me on my lips, not my cheeks, love. I will appreciate it more," malambing niyang sabi habang maingat na tinatanggal ang lipstick kong tingin ko'y nagkalat na.
Napamulat ako. Naramdaman kong basa na naman ng luha ang pisngi ko.
My dreams is my comfort zone since he left me. Doon, masaya kami. Nahahawakan ko siya, nayayakap, nahahalikan at higit sa lahat kasama ko siya.
Mostly of my dreams with him had really happened, that was our memories together.
Minsan, gusto ko na lang hindi magising para makasama ko pa siya nang matagal at maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Pero sa huli, magigising pa rin ako sa realidad.
Malalaman na panaginip lang ang lahat. Na hindi na mababagong... mag-isa na ako at wala na siya.
Muli akong napatingala sa kisame. Nakadikit doon ang malaking larawan naming dalawa. I am smiling in that picture while he is busy staring at me.
Napakaswerte ko sa kanya. In our relationship, ni minsan hindi siya gumawa ng bagay na nagpaiyak at nagpagalit sa akin.
Ang tanging pinaramdam niya lang sa akin ay ang pagmamahal niya. Hindi ako perpektong girlfriend, minsan may toyo, at nakakainis ang ugali ko pero iniintindi niya pa rin ako.
He knows a lot about me. Alam niya ang mga paborito ko kahit hindi ko sinabi sa kanya. Alam niya rin kung anong mga bagay ang ayaw ko.
He is always attentive to what I'm saying and bear it in mind.
"Tingin ko, hindi ka na talaga mag-aasawa kapag naghiwalay kayo ni Grant. Sobrang mahal na mahal niyo kasi ang isa't isa, eh." That was one of my friends joke when we were in college.
At mukhang magkakatotoo na nga. Hindi ko na nakikita ang sarili ko sa piling ng iba.
Si Grant lang.
Gaya ng karaniwang araw kailangan ko ulit kumilos na parang isang normal na taong walang problema sa buhay.
Laking pasalamat ko lang na walang nag-ungkat sa nangyari sa bar. Alam ng tatlo ang nangyayari sa akin pero hindi sila nagsasalita tungkol dito.
Glamo Fiori is our business together. Dugo't pawis naming dalawa ang puhunan ng flowershop.
"Ma'am, I have a question." Napatingin ako kay Christine nang lumapit siya sa akin.
"What is it?" tanong ko habang binabasa ang ilang kabanata na natapos ko na. I need to proofread it, baka may hindi ako nakitang errors bago ko ipasa sa publishing.
"Bakit po, hindi niyo po sinasabi sa mga followers and readers niyo po itong flower shop? Sigurado po, mas tataas pa ang sales natin." Napabuntong-hininga ako. My friends also suggested it.
"I don't want them to linger here. This is a peaceful shop. Sigurado kapag nalaman nila. Marami nang pupunta dito. At isa pa, wala naman tayong problema sa sales." Paliwanag ko. This is the most peaceful place to me.
Napatango siya. "Thank you, Ma'am Shan, I'm just curious."
"It's okay, I'm happy that you are trying to suggest," nakangiting sabi ko.
"May tanong ka pa ba?" tanong ko nang nanatili pa rin siya sa pwesto niya.
"Ahm, Ma'am nalaman ko po kasi kina Mikee na graduate po kayo ng psychology. I'm planning to enrol kasi this sem. Gusto ko po sanang itanong kung papayag ka po?" Napatigil ako sa pagbabasa at napatingin sa kanya.
"Bakit naman hindi? As long as hindi mo pababayaan ang trabaho mo."
Agad namang nawala ang kaninang takot sa mga mata niya at napalitan ng saya.
"Opo Ma'am Shan, salamat po!" Malaki ang ngiti niya at pormal na yumuko.
"No problem. Matagal ka na rin namang nagta-trabaho sa akin at masaya ako na gusto mo na ulit mag-aral."
"Ang swerte talaga namin na ikaw ang amo namin, Ma'am. Sige po, alis na ako." Napailing-iling na lang habang pinagmamasdan siyang masayang naglalakad palayo.
She also wanted to be a psychologist.
I'm a registered psychologist. I worked in that kind of profession.
Pero nang mawala si Grant. Naiwan ko rin ang propesyon ko. Natanggal ako sa trabaho at napabayaan ang flowershop. Mabuti at naisalba ko pa ito. Kung hindi, hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy sa buhay.
That's the time, I chose the flowershop over my profession.
Ang flowershop na lang ang naiwang alaala sa akin ni Grant. I can't afford to lose it. And I'm happy of my decision. Kasi alam ko kung magpapatuloy ako sa propesyon ko wala ring mangyayari.
I admit, I'm not still mentally stable right now. Kaya kung magpapatuloy ako, kawawa lang ang magiging pasyente ko. How could I work normally? Treat and diagnose patients when I'm also living as one of them?
Nang matapos ko na ang pag-proofread ay sumandal muna ako sa swivel chair ko.
Ano kaya ang buhay ko ngayon kung kasama ko pa si Grant? Siguro kasal na kami at maaring may anak na rin.
I'm turning 30 in a month. Supposedly, we plan to get married when I'm 28. Pero hindi na nangyari pa.
Napangiti ako nang mapait. I never thought myself loving someone this deep.
"You have a call, my love! You have a call, my love!"
Lalo akong napangiti. Hearing his voice as it is my ring tone. That's way, I never immediately answer any call because I always end up wanting to hear his voice.
Kung hindi ko lang nakita ang pangalan ni Mama Cynthia ay hindi ko ito sasagutin.
"Hello, Mama," malambing kong sagot.
"Hello, Shan. I miss you, hija. How are you?" Muntik na akong umiyak pero pinigilan ko lang. That was my most hated question because it always makes me cry.
"I'm fine, Mama. I miss you too." Tila sasabog na ang dibdib sa kakapigil sa pagluha.
"Tinawagan kita hija, dahil may gusto akong sabihin sa 'yo. It's about Grant." Dumagsa ang kaba sa dibdib ko.
"What is it, Mama?" Rinig ko ang pagbuntonghininga niya.
"Hija, were gonna conduct a formal death anniversary ceremony for him. It's almost 3 years, hija. I think it's the right time to accept his death."
Kusang tumulo ang mga luha ko. Why I still keep denying it.
"Hope, you can attend, hija."
"Of course Mama, I will come." Pumiyok pa ang boses ko pero sumagot pa rin ako.
Rinig ko rin ang paghikbi niya. "Thank you, Shan. I know, you are still hurting like me. But hija, let's set him free. Let Grant, be happy in heaven." Nawalan ako ng sasabihin. Kaya ko ba? Kaya ko na ba siyang pakawalan?
"Thanks for your invite, Mama. Kailan po ba?" tanong ko na lang kahit tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng luha.
"Next week, hija. I will send you the address."
"Okay po, Mama." Napayuko na lang ako sa upuan habang umiiyak. Ang bigat-bigat sa dibdib.
Sa tatlong taong nagdaan ay hindi nagdaos ng seremonya ang kanyang pamilya tuwing death anniversary niya. Because like his mom, we still believe he is still alive.
Even I know, it is close to impossible. In that ship collision no one survived. Some bodies had been found but some is not, like Grant. Maaring ang ibang katawan ay nasa kailaliman na ng dagat.
And I can't stop thinking about it. Laging sumasagi sa isipan ko na maaring sobra-sobra na siyang nilalamig. Nakatatawa pero naiisip ko 'yon. Para na akong baliw.
I can even imagine him floating in the deepest part of the sea.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at pinindot ang recording ng boses niyang kumakanta.
Napapikit ako habang in-imagine na nandito siya sa tabi ko at kinakantahan ako, gaya ng dati.
***
Shels<3Bagikan buku ke
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Bab terbaru
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 15
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga na muna kami sa silong ng mangga. Ang saya ng buhay dito, parang gusto ko kapag tumanda ako sa ganitong lugar din ako titira.Masarap ang simoy ng hangin, payapa, at parang makakalimutan mo lahat ng problema."Oh, hello Tulips! Do you still remember me?" Napabaling ang tingin ko kay Mandy at agad na umiling."Tsk, may amnesia nga, eh. Paano ka maaalala?" mataray na sagot ni Ace. Inirapan niya lang ito at bumaling ulit sa akin."So, it's true? That's sad! We have a beautiful memories pa naman, together. I'm Mandy Jane Garcia, by the way," maarteng sabi niya sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at mabilis na nakipagkamayan."Talaga lang, Mandy? Eh, lagi mo ngang binu-bully si Tulips. Paanong naging beautiful memory?" Nakangising pambabara naman ni Thirdy."Oh, c'mon Thirdy! It's just a misunderstanding. I can be friends with h
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 14
Inalalayan kaagad ako ni Spade para tuluyang makapasok sa sasakyan nila."Thank you," sabi ko nang tuluyang makaupo. Sinuklian niya naman ako ng matipid na ngiti at tumabi sa akin. Bale, napapagitnaan nila ako ni Thirdy. "Gosh, Ace! I'm so worried of you! Saang lupalop ka ba pumunta?" Napatingin ako sa harapan. Doon kasi umupo si Ace at may katabi siyang ginang. Tingin ko ito na ang mommy nila."Namasyal lang kami, mommy," kalmadong sagot niya. Salungat sa nakikita kong ekspresyon sa mukha ng mommy nila."Saan mismo, Ace?" halata ang galit na tanong nito. "At huwag mong tangkaing magsinungaling!""Sa bungad ng hacienda ng mga Saldarvar," sagot niya. Hacienda rin pala 'yung pinuntahan namin? Kaya pala ganoon ang hitsura dahil bungad pa lang ang narating namin. Maaring maganda rin iyon kung itinuloy nila akong ipasyal doon.Ngunit sigurado ako, mas maliit ito kumpara s
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 13
"Uminom muna kayo." Alok ni Tatang Kulas sa dala niyang bagong timplang kape. Agad naman akong kumuha, pagkaamoy ko pa lang alam ko ng kapeng barako ito. Masyadong matapang para sa akin pero ano naman, nakakahiya namang tanggihan.Nilingon ko ang dalawang lalaki na parehong pabagsak na nakaupo at nakasandal sa pader. Nanatiling nakahawak sa ulo at masama ang tingin sa akin.Ngumisi lang ako. Pakiramdam ko, dahil sa pagbalik ko sa nakaraan. Unti-unti rin akong bumalik sa pagkabata. Hindi ko na rin siguro maiiwasan dahil talagang puro mga bata pa ang makakasalamuha ko sa araw-araw.Mahirap pa lang maging mature kung ang mga kasama mo ay immature.Ni sa hinagap hindi ko naisip na magagawa kong magsabunot ng buhok. At sa dalawang lalaki pa!Masyado kasi akong mabait noong highschool ko kaya wala naman akong na encounter na mag-ti-trigger ng sobrang galit at pagkainis ko.Ngayo
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 12
"Ako nga, si Shannelle Mixcel Han," sagot ko."Shannelle?" nakakunot-noong tanong ni Thirdy."Oh, 'di ba tama ako? Iyan din sinabi niyang pangalan sa akin kahapon," nakahalukipkip na sabi ni Ace.Napahilamos si Thirdy sa mukha at tila hindi pa rin makapaniwala."Paano ka napunta sa katawan ni Tulips?" tanong niya. "Ah! Totoo ba talaga 'to? Nakababaliw na talaga!" inis niyang sigaw at panay na ang pabalik-balik ng lakad ngayon.Napabuntong-hininga ako. Yeah, it's really unbelievable but it happened."Hindi ko alam, basta nang magising ako sa hospital nagulat ako na nasa ibang katawan na ako at ibang mundo," paliwanag ko."Ibang mundo?" Tiningnan niya ako na tila ako na, ang nababaliw ngayon."Ilang ulit ko nang sinabi pati sa hospital, na galing akong taong 2030 at hindi ko alam kung bakit bumalik ako sa 2005." Napangiwi siya.
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 11
"Anak, ito pala ang cellphone mo. Nakalimutan kong ibigay sa 'yo kagabi." Nalipat ang tingin ko sa iniaabot na cellphone ni Nanay.As expected, isa itong Nokia keypad phone. The usual, famous cellphone in this year as I remembered when I was a kid."Salamat po," sabi ko at kinuha ito. Natapos na akong magpalit at nagsusuklay na lang ng buhok. Mga alas singko pa lang kanina ay ginisingna ako ni Nanay kaya nauna na akong kumain bago naligo."Alis na po ako!" Paalam ko at sumakay na sa bisikleta ni Tulips. Mabuti na lang marunong ako nito kahit paano."Mag-ingat ka, anak.""Opo!" sigaw ko pabalik at kumaway.Ayon kay Nanay Daisy, dito sa Las Viejas iisa lang ang malapit na unibersidad. Ito ang Clarkson University, halos lahat daw ng nag-aaral dito ay mayayaman kaya masuwerte raw ako dahil scholar ako.Mabuti nga at napakiusapan ni Nanay ang dean ng unib
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 10
"Hello, I'm Ace Shield Zarriaga. Nice meeting you," seryosong sabi niya at tinanggap ang kamay kong nakalahad.Ilang sandali lang ay lumabas na ang kanina niya pa pinipigilang tawa. Napahawak pa siya sa tiyan sa katatawa."Tama na nga, ang biro mo Tulips! Nasobrahan ka lang siguro ng gamot sa hospital. Kaya kung ano-ano na pinagsasabi mo," natatawa pa ring sabi niya.Napabuntonghininga ako. Gaya ng inaasahan ko hindi pa rin siya naniniwala sa akin."Saka saan mo nakuha ang pangalang iyon? Pero in fairness, maganda naman. Anong pangalan na kasi?" tila nang-iinis pang tanong niya.Napairap ako. "Shannelle Mixcel Han," madiing sabi ko."Shannelle Mixcel Han..." ulit niya at hindi pa rin nawawala ang pagtaas ng sulok ng labi niya."Ang gandang pangalan naman parang pagmamay-ari ng isang dyosang babae. Kaya hindi bagay ang pangalan na 'yon sa iyo, Tulips!" Tawa
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 3
"Hija, you came!" Agad akong sinalubong nang mahigpit na yakap ni Mama Cynthia pagkakita sa akin.Matipid ko na lamang siyang nginitian. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para pumunta rito.I almost back out.Katulad noong ib
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 1
Welcome! Hope, you enjoy reading this story! ?***"Fresh lavender for my love!" Nanlaki ang mata ko nang makita ang hawak ni Grant na isang bouquet ng lavender. A
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) SYNOPSIS
PLAGIARISM IS A CRIMEShannelle Mixcel Han is a famous writer who still mourns and can't move on from her deceased boyfriend. She's a woman whose life is like a robot. Until on
The Polar Worlds of Love (TAGALOG) Chapter 9
"Ito ang bahay natin, anak," masayang sabi ni Nanay Daisy na tila tour guide ko habang itinuturo ang bawat parte ng malaking bahay na may kalumaan na. Mukhang ipinamana na ito sa kanya ng nakaraang henerasyon.Malinis nga ito at organisado ang lahat ng bagay na makikita
