loading
Home/ All /The Jilted Bride (Completed)/CHAPTER TWO – COLD TREATMENT

CHAPTER TWO – COLD TREATMENT

Author: Gret San Diego
"publish date: " 2020-07-28 20:19:56

Halos napasirko ang puso ko nang makita kung sino ang sumalubong sa akin sa istasyon ng JR Muromachi. Si Brian! Kung sinusuwerte ka nga naman, oo! Nag-init ang aking mukha at bahagya akong pinawisan sa naramdamang excitement.

May dala itong plastic basket na may nakalagay na sari-saring goods. Shampoo, sabon, noodle packs, chocolates, chopping board, maliit na kutsilyo at frying pan. Galing daw ang mga iyon sa Board of Education o BOE ng Muromachi. Pang-welcome raw sa akin. How sweet!

"Thanks for volunteering to pick me up. I really appreciate it," sabi ko nang makapasok na kami pareho sa kotse nito.

"I didn't volunteer," malamig nitong sagot sa akin. Ni hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin.

Namula ako sa sinabi niya. Nairita na rin pero hindi lang nagpahalata. Loko-loko yata ito, a.

Pagkalagay ng mga bagahe ko sa kotse, ini-start na niya agad ito. Mukhang mainit ang kanyang ulo. Dahil kaya sa sa sangkatutak kong bagahe? Napuno nito ang baggage compartment sa likuran at may nilagay pa kami sa backseat.

"I was asked to pick you up and show you your new apartment. Mark is still busy interviewing people so he can't do it himself. Usually he's the one doing this," paliwanag pa niya sa seryosong tono.

"Well, just the same, thank you."

Hindi na siya umimik pa. Naaasiwa na ako sa mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang mabuting pag-usapan?

"How long have you been in Japan?" tanong ko para maibsan man lang ang awkwardness na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon.

Hindi niya ako sinagot. Isnabero! Baka bingi? O baka mahina ang boses ko? Inulit ko ang tanong. Nilakasan pa nang kaunti ang boses.

"I don't like to talk when I'm driving. I don't want to get distracted," sagot niya.

Antipatiko! Napasimangot ako. Noon lang may nagsupalpal sa akin nang ganoon. Hindi ako nakatiis. Sinagot ko siya.

"Why are you so mad? What did I do?" mahinang tanong ko. Hindi ko na ikinaila ang pagdaramdam.

Noon lang ako binalingan. Ang lamig ng titig niya sa akin. Natakot tuloy ako. Paano na lang kung psycho pala ito? Kung bakit kasi sa dinami-dami ng puwedeng utusan, itong suplado pa ang napili ni Mark. Guwapo nga pero ang gaspang naman ng ugali. Binabawi ko na ang atraksyon ko sa kanya. Hindi ko na siya gusto!

"I'm not mad at anyone. I'm just extra careful when I drive," paliwanag nito. Nasa daan ang atensyon.

"Yeah, and extra boring, too," bulong ko at napasimangot.

"I'm not here to entertain you," sagot niya na kinabigla ko. Napaupo tuloy ako nang matuwid. Hindi ko sukat akalain na matalas pala ang pandinig ng mokong.

"Hey, I didn't mean it," paghingi ko ng despensa.

"No need to make excuses. I don't care."

"No, what I really mean is..." Hindi ako magkandatuto sa pag-iisip ng maikakatwiran. Pero walang lumabas sa aking bibig.

"I know exactly what you mean. And I don't care. Now, will you let me drive in peace? We're almost there." Tila nayayamot na rin sa aking kakulitan ang mokong.

Kahit naaasar, hindi na lang ako sumagot pa. Baka may topak ito at kung saan pa ako dalhin dahil sa kakulitan ko. Kung ayaw niya akong kausapin, di huwag. Rascist! Iyon lang ang lohikal na paliwanag sa pagtrato sa akin ng kumag.  Baka ayaw sana niyang magbigay ng serbisyo dahil hindi niya ako kalahi.

Pagkatapos ng parang isang daang taon, narating na namin ang bago kong apartment. Hindi gaya ng mga tirahan sa paligid, moderno ang disenyo ng apato (apartment) ko. Parang townhouse lang din sa Pilipinas. Apat na units ang nandoon. Dalawa sa itaas at dalawa rin sa ibaba. Nasa second floor ang akin. Base sa nakita kong pangalan sa labas ng pintuan ng tatlo pang units, puro Hapon ang aking kapitbahay. Pinto ko lang ang naka-Katakana (Japanese syllabaries for foreign words and names) ang pangalan.

Dahil mabibigat lahat ang mga maleta ko, hinayaan kong si Brian ang magbuhat ng mga iyon paakyat. Mataas kasi ang hagdan. Nauna ako sa itaas na handbag lang ang tanging dala. Inikot ko ang kabuuan ng aking palasyo. Not bad. Dalawa ang silid at may malawak pang kitchen and dining room. Pwede na rin.

Mayamaya pa, malalakas na katok ang pumukaw sa aking pagmumuni-muni. Nakasimangot na Brian ang napagbuksan ko ng pintuan. Hila-hila niya ang mabigat kong maleta.

"What the hell do you think you're doing?" Galit ito. Napakunot-noo ako. Medyo nalilito. Ba't galit na naman ito? Dahil ba sa naisara ko ang pintuan?

"What did I do this time?"

"Have you forgotten that you still have a couple of boxes and three suitcases in the car? Are you expecting me to carry them all here for you?"

Nainsulto ako sa narinig. So hindi ito magpapaka-gentleman sa akin? Hindi ba ako mukhang babae? Pagbubuhatin ako talaga?

"They're all heavy. I can't carry any of them up here!" protesta ko sa maarteng boses.

"Spoiled brat, aren't you?" mahina ngunit puno ng galit na sagot nito sa aking pag-aalsa boses.

Padabog ko siyang tinalikuran. Bumaba ako at binuksan ang likuran ng kotse. Sinubukan kong buhatin ang pinakamaliit kong suitcase. Puno ito ng aking kikay kits at kung anu-ano pang burluloy. Halos mapigtas ang aking balikat sa bigat. Hirap akong buhatin ito kahit hanggang sa puno ng hagdan lamang. Halos hinihila ko na nga lang ito dahil sumasakit ang balikat at braso ko sa tuwing ito'y bubuhatin.

Nakasalubong ko si Brian sa hagdan. Nagmamadali itong bumaba. Ni hindi man lang huminto para tulungan ako. Galit na tinapunan ko siya ng tingin. Walang modo! Hindi pala uso sa kumag ang pagiging gentleman. Grrr! Nagpupuyos sa galit ang aking kalooban.

Kararating ko lang sa pinakagitnang baitang nang dumating ulit siya buhat-buhat ang isa kong maleta. Halos hindi iniinda ang bigat na dala. Ang bilis ng lakad nito. Umiwas ako ng tingin. Pinauna ko siya. Baka mamaya ay sipain pa ako dahil pakalat-kalat ako sa hagdan. Akmang bubuhatin ko na sana uli ang suitcase nang may malalaking kamay na umagaw dito at dinala sa loob ng apartment. Napahawak ako sa dibdib sa pagkabigla. Tarantado! Ni hindi man lang nagsabi.

"Thank you!" pasarkastiko kong pahabol. Malakas na sinara niya ang pintuan ng apartment. Parang dumagundong ang paligid. Natakot tuloy akong pumasok. Hindi ko siya kilala. Baka mayroon itong violent tendencies, mahirap na. Sa pinapakitang kabastusan nito sa akin dapat lang sigurong paalisin ko na siya kahit na ang ibig sabihin no’n ay kailangan kong magbuhat ng mabibigat na bagahe sa ibaba nang mag-isa. Hindi na ako mapanatag sa mga pinapakita nitong kawalanghiyaan sa akin. Halatang walang respeto. Natanong ko tuloy ang sarili kung tama ba ang desisyon kong tanggapin ang trabaho. Baka omen ito ng mangyayari sa akin sa Muromachi.

Malumanay ngunit puno ng katatagan na kinausap ko siya habang inaayos niya ang mga bagahe ko sa isang silid.

"Thank you for helping me with my suitcases. I can take them from here. You can now go if you want." Hindi ko siya tiningnan. Tumalikod na ako agad.

"You can't even carry this damn little thing," at pabagsak na binaba ang aking kikay suitcaase, "how much more the heavy boxes in the car?"

Nainsulto ako sa ginawa nitong pagbagsak ng aking kikay suitcase. "Hey! if you don't like helping me, go! I don't need you here anymore!" naibulalas ko.

"Fine. I don't have time for a spoiled brat like you." At kaagad itong tumalikod. Sinundan ko ito sa ibaba. Nilabas nito sa kotse ang naiwan kong mga kahon at isa pang suitcase at walang anumang sabi na pinasibad ang sasakyan palayo.

Napaupo ako sa kahon ng mga libro na umiiyak. May lumapit sa aking ginang na Haponesa. Nagtatanong yata kung okay lang ako dahil ako'y umiiyak. Tinalikuran ko lamang siya. Iniwan ako nito na parang nag-aalala pa rin. Pero wala ring nagawa dahil hindi ko nga pinapansin. Ayaw kong kausapin ito dahil hindi naman kami magkakaintindihan. Baka lalo lamang akong maaasar.

Ano kaya kung tawagan ko si Mark at isumbong ang hayop na lalaking iyon? Kung hindi sila nangakong susunduin ako sa istasyon ng JR Muromachi, pina-kuruneko (door-to-door service) ko na lang sana ang mga bagahe ko.

Laylay ang balikat at masama ang loob na tumayo ako at inumpisahang hilahin ang naiwang maleta. Wala na akong choice. Nahabag ako sa sarili. Ang baba ng kinabagsakan ko simula nang iwan ako ni Anton. Gosh, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa future ko, nakinig ako kay Papa nang tutulan niya ang relasyon namin.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang may biglang humablot ng maleta ko at pinanhik sa itaas. Bumalik si Brian! Hindi na ako kumibo. Pinahiran ko na lamang ang aking pisngi na noo'y basang-basa na sa luha. Sumunod ako sa kanya nang walang dala. Mga kahon na kasi na puno ng aklat ang naiwan. Ni hindi ko kayang mahila man lamang ang mga iyon. Palakad-lakad ako sa loob ng apartment. Dapat sigurong bigyan ko siya ng malamig na inumin. Pero di ko alam kung saan makakabili ng maiinom. Hindi ko rin alam kung ano ang gustong inumin ng mokong. Kung tanungin ko nama'y baka bulyawan ako o pagsupladuhan lang.

Tama nga ang kutob ko. Sinupladuhan nga ako. Sinagot ako ng malamig na, "No, thanks." Hindi pa nakatingin sa akin.

"Thanks for coming back to help me out," mahina kong sabi pagkatapos. Pababa na siya ng hagdan noon. Hinabol ko lang para pasalamatan. Nilingon naman ako.

"Hey, if you are free tonight..." nasabi ko nang wala sa isip. Nabitin ang karugtong nang ma-realized ko ang implikasyon ng mga sinabi ko. Baka iisipin nitong niyayaya ko siyang lumabas na parang date. It sounds strange rin kahit sa sarili kong pandinig. Pero huli na para bawiin ko yon. Wala naman sana akong ibig ipakahulugan doon liban sa pasasalamat.

"I'm engaged," mahinang sagot nito.

Pinamulahan ako. Iba nga ang dating sa kanya. Nahiya tuloy ako. Siguradong iniisip niya na nakikipag-flirt nga ako sa kanya.

Teka, tama ba ang dinig ko? Engaged na si Brian? Engaged?! Noon lang nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Nanlumo ako. Pilit ko lang na ikinukubli.

"I'm getting married in the fall," patuloy pa nito.

Napalunok ako. Ganoon ba ako ka obvious? Pull yourself together at huwag mong hayaang nagmumukha kang tanga sa harapan ng lalaking ito!

"Oh, I didn't ask you for a date," mabilis kong bawi. "I just want to buy you a drink for helping me with my luggage."

"Don't bother," sagot niya at tinalikuran na ako.

Napaupo ako sa labas ng aking pintuan. Nanlulumo. Mukhang I'm bound for another heartache. 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Jilted Bride (Completed)   EPILOGUE

Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER

Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET

Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA

Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE

Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis ng bahay kinabukasan. Magho-hotel na lang daw siya for three days at babalik na ng York pagkatapos. Nagpaalam naman ito nang maayos kay Mommy. Mukhang civil na sila. Pero alam kong deep down, may hinanakit pa rin sila sa isa't isa. Pero at least, hindi na nagsisigawan. Tahimik lang si Mommy habang naghahanda ang mag-ama niya sa pag-alis. Binabantayan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagtulog. Ako nama'y hindi magkandaugaga sa

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING

Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at galing pa siya sa mahabang byahe kaya maaaring tulog na nga siya. Naawa din ako sa kanya kasi hindi rin siya nakapaghanda sa nadatnan niyang sitwasyon. Pero hindi ko naman sinisisi ang asawa ko na hindi niya inabisuhan ang mga magulang. Kung sinabi niya ang totoo sa kanila, palagay ko'y bumalik nang wala sa oras sa York si Dad o di kaya'y di na tumuloy si Mom. Mabuti nang magkomprontahan sila para matuldukan na rin ang kahapon nila. Humupa na rin ang damdamin

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER TWENTY FOUR - JEALOUS

Nakatulog na sana ako nang magulantang sa tunog ng cell phone ko. May tumatawag. Si Benz! Kaagad akong napaupo.

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER TWENTY THREE – QUOTE

Papasok na sana ako ng kusina nang may marinig akong mga boses. Nakita ko sa maliit na buka ng pintuan sina Brian at ang mama nito. Tila nag-uusap nang masinsinan. Nag-alangan tuloy akong pumasok. Baka makaistorbo lang ako.

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER TWENTY TWO – STARE

Nagising ako sa tunog ng alarm mula sa cell phone ko. Awtomatikong kinapkap ko ang katabi. Wala akong nakapkap. Tiningnan ko ang oras sa keitai (cell phone). Mag-aalas sais na! Kaagad akong napabangon. Kailangan na naming magb

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER TWENTY ONE – SUITE

Wala akong sinabihan bukod kay Rhea na sasamahan ko sa Pilipinas si Brian. Pero naamoy pa rin nila Ricardo at David ang dahilan ng ora-orada kong pag-uwi. Hindi ko pinansin ang panunukso nila. Pero siyempre sa kaibuturan n

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy