Download the book for free

Chapter 1
Pinagtinginan ako ng mga tao nang umibis sa bridal car. Dapat lang, ano? This is my day. Alam kong ako ang pinakamagandang babae sa simbahan nang mga oras na iyon.
Agad na lumapit sa akin si Benz, ang best friend kong bading na siyang wedding planner namin ni Anton. Mukhang worried na worried ito.
"Lexy babe," salubong nito sa akin at nagbeso-beso kami. "Huwag kang mabibigla ha? N-nawawala si Anton," bulong nito sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Anong nawawala?"
"Nawawala. As in, nag-disappear. Nandito na siya kanina, e."
Kampante pa rin ako. Alam kong nasa tabi-tabi lang ang nobyo ko.
"Nandiyan lang ‘yan. Baka nag-CR. Puntahan mo doon."
"Hinanap ko na kung saan-saan. Hindi ko siya makita. Kanina ko pa siya tinatawagan. He is not answering his phone. At pati si Laurie, nawawala rin!"
Si Laurie? Ang maid of honor ko? Ang alam ko nauna na ito sa simbahan. Kanina pa ito tumawag sa akin at sinabing dito na lang kami magkikita. Kinabahan na ako. Pero hindi ko muna pinahalata kay Benz.
Nang makita ako, lumapit sa amin si Papa. May bahid ng pag-aalala ang mukha. Something's not right.
"Anak," tanging nasabi nito sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
Habang kayakap ang ama, sinenyasan ko si Benz na tawagan uli si Anton. Kaagad naman siyang tumalima. Pero bago pa niya mai-connect ang tawag, nag-ring ang phone ko sa bag na hawak-hawak ng Yaya Merced ko. Napatingin kami doon. Kaagad namang binigay sa akin ni Yaya ang cell phone.
Si Anton!
Parang bulkang sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya. He's calling off the wedding! Hindi raw niya kaya. At humihingi siya ng dispensa.
Namutla ako at pinagpawisan nang malamig. Nagdilim ang aking paningin. Ang huli kong narinig ay, "Ay! Hinimatay ang bride!"
Latest chapter
The Jilted Bride (Completed) EPILOGUE
Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE
Last Updated : 2020-08-15
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER
Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty
Last Updated : 2020-08-15
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET
Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.
Last Updated : 2020-08-15
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA
Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi
Last Updated : 2020-08-15
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE
Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING
Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at gal
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER FIFTY-EIGHT - MELTDOWN
Dahil tatlo naman ang kuwarto sa bahay, hindi na kami pumayag na mag-hotel pa si Dad. Tuwang-tuwa ito nang iminungkahi ni Brian na gamitin niya ang isa sa mga bakanteng kuwarto namin. Mas maigi raw na nasa bahay siya para lagi niyang makakapiling ang mga apo niya.Medyo hindi
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER FIFTY–SEVEN – YORK`S DARK CHOCOLATES
Habang kalung-kalong ni Dad si Elise, umiyak ito. Nakita kong gumalaw-galaw ang ulo nito na parang may hin
Reviews

Chapters
Read
Download
To Readers
Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2 FEI
