loading
Home/ All /The Jilted Bride (Completed)/CHAPTER THREE – MALL

CHAPTER THREE – MALL

Author: Gret San Diego
"publish date: " 2020-07-28 20:20:36

Excited akong makita kung sino ang makakasama ko sa training program. Sana may mga babaeng guro para may makasama rin akong gumimik at maka-girl talk. Nanlumo ako nang makita na puro lalaki ang nagkukuwentuhan sa cafeteria. 

"Hi guys. Nice to see you again.  We prepared a short program to introduce you to the old members so if you`re ready, please follow me," sabi sa amin ni Mark Dale, isa sa mga panel members na nag-interbyu sa akin, nang nakarating na lahat ng miyembro ng bagong batch.

Umakyat kami sa fifth floor lahat kung saan naghihintay ang mga beteranong guro. Nakita ko agad si Brian sa grupo. Ito na yata ang pinakamatikas at pinakaguwapo sa lahat. Nagtama ang aming paningin. Para na naman akong nakuryente. Maingay ang silid pero mas maingay ang parang mga bubuyog sa aking tenga dulot ng presensya niya. Grabe ang kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko naririnig ng lahat. 

Pinatayo kaming mga baguhan sa harap at sinabihang magpakilala. Pagkatapos ay humudyat si Mark na maupo na kami sa tinalagang upuan para sa amin. Nasa likuran ko si Brian! Na-conscious ako at lalong lumakas ang tibok ng puso ko. 

“Hi Alex. It's nice to see you again,” nakangiting bati sa akin ng kalbong miyembro ng panel. Nakalimutan ko na ang pangalan niya.  “I'm Gary,” dugtong nito nang nakangiti. Nahiya naman ako. Baka nabasa niya ang lamang ng isipan ko. 

Nakipagkamay din ang iba pa. Nasa likurang hanay sila ng inuupuan ni Brian. Dahil siguro lahat na lang ng mga miyembro ng panel ay bumati sa akin, inabot din niya ang aking kamay para batiin ako nang matamlay na "Omedetou.  (Congratulations)." Ganunpaman, nag-init ang aking mukha sa pagdaiti ng aming mga palad.  Daig ko pa ang high school girl na nakadaupang-palad ang crush niya. 

“Hi there. I'm Rhea. I used to teach at the schools assigned to you. You're a lucky girl. The students there are really cool.” 

Mukhang mabait si Rhea, ang black girl. At mukha ring close siya kay Brian. With her, he jokes and laughs a lot. Noon ko lamang siya nakitang ganoon.   

Mag-aalas dies na nang natapos ang seremonya. Bumalik na sa kani-kanilang eskwelahan ang mga datihang guro at kami namang mga baguhan ay sinabihan na magtipon sa ika-anim na palapag. Doon daw kami magkikita-kita sa room 602 para sa gaganaping training at orientation. 

Binigyan kami ni Mark ng folder na may lamang ilang papel nang nasa loob na kami ng naturang silid. Ang unang pahina ay listahan ng mga home phone numbers ng lahat ng guro pati ang senior members. Na-excite ako nang makita ang pangalan ni Brian at ang numero ng telepono niya. Junior high school pala ang tinuturuan ng mokong. 

Ang sabi kanina ni Rhea, meron daw meeting kada linggo ang mga English teachers. Sama-sama ang mga nagtuturo sa elementarya at ganoon din ang nasa junior high school. Magkaiba raw ang araw ng pagtitipon ng mga nasa elementarya at junior high. Pero mayroon din namang full meeting minsan sa isang buwan. Lahat ng English teachers ay kailangan pumunta sa araw na iyon. Ibig sabihin, minsan sa isang buwan ko lamang makikita si Brian. Nalungkot ako nang maisip iyon. 

Hindi ako makapag-concentrate sa mga sinasabi ni Mark. Kumikirot ang aking sentido dahil kulang sa tulog. Ang gusto ko lamang gawin ngayon ay mahiga at magpahinga. Nahuli nga akong hindi nakikinig. I was asked about something tapos, “huh?” lang ang sagot ko. 

Nang mag-recess kami for fifteen minutes, nakangising pinagtatanong ako ng mga kasamahan lalo na ng Amerikanong nagngangalang Liam. Ano daw ba ang iniisip ko at halatang wala sa orientation ang aking isipan? Nahalata kong medyo kursunada ako nito. Okay naman siya. May hitsura pero parang masyadong bolero.

"So what's your story? We knew a little about you. All of us here are either married, with girlfriends or single. How about you?" pang-usisa pa ni Liam. Ayaw talaga akong tantanan.

Polite smile ang sinukli ko. Pero wala akong balak na sagutin ang tanong. Creepy na kasi ang dating sa akin ng ngisi niya. Parang hinuhubaran niya ako sa tingin. Buti na lang pumasok si Fujita-sensei para kausapin ako. Save by the bell. Sa ngayon, ayaw kong sabihin na ako'y single dahil baka isipin nila na nagpaparinig ako. At ayaw kong mag-esplika. Apat na taon na lang at magte-trenta na ako kaya baka magtaka ang mga ito na wala pa akong asawa o boyfriend man lang. 

Kailangan kong sumama kay Fujita-sensei sa immigration office para papalitan ang aking visa.

"Liam-san. You, too. Please come with us," tawag din ng Hapon kay Liam. Pareho kasi kami ng sitwasyon.

Napansin ko ang kislap sa mga mata niya nang malamang sabay kaming pupunta sa immigration office. Naasiwa ako sa mga titig niya. Hindi talaga subtle sa pagpapahayag ng saloobin. Kung bakit hindi si Brian ang ganoon. 

Kinahapunan, binigyan kami ng welcome party ng Board of Education (BOE). Dinaos ang nasabing pagtitipon sa isang tradisyonal na Japanese restaurant at dinaluhan iyon ng kinatawan ng BOE at lahat ng guro. Nandoon din siyempre si Brian. Natuwa na sana ako pero nakita kong kabuntot niya ang maganda niyang nobya. 

"This is Maiko," pagpapakilala pa nito sa kasama sa isang baguhang guro. "My fiancee."  Nakaramdam ako ng inis pero pinilit ko pa rin ang sariling maging masigla at magiliw.

Nakita kong malakas uminom si Maiko. Napailing-iling ako. Mukhang hindi makabasag-pinggan pero parang butas na tangke naman ang tiyan. Inisang tungga lang ang isang mug na beer. Tsk, tsk. Ba't kaya ito nagustuhan ng kumag? Mayamaya pa nga ay namumula na ang kanyang pisngi. Mukhang slurred na rin ang pananalita niya. Pati mata, namumungay na.

“Hey, Mark. We need to go. Maiko's already drunk,” narinig kong paalam nito sa lider-lideran ng grupo. Hindi naman siya pinigilan ni Mark. Halos umeekis na kasi ang lakad ng nobya niya. 

Medyo nalungkot ako nang wala na sina Brian. Na-bore ako agad sa party. Nahilo pa sa ingay dahil sa sari-saring lenggwahe. May Espanyol, Nihongo, English, at French. 

"You seemed bored," pansin ni Liam sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na ito sa akin at umupo pa sa tabi ko. 

"I'm just tired. Plus, I'm thinking about all the unpacking that I have yet to do," pagsisinungaling ko. 

"Really? You must have brought a lot of things with you." 

"Well, you know women." 

"Yeah," at napangiti ito. Napansin kong may kung anong kislap sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Tila may naisip na kapilyuhan. Hindi ko iyon pinansin. 

"Hey, do you have plans tomorrow?" 

Nag-isip ako ng maidadahilan. I don't want to spend my Saturday with this guy. Mukhang manyakis kasi. Wala akong maipipintas sa pagmumukha dahil may hitsura naman kaso parang masyadong malibog. 

"I have to look for some furniture this weekend. My apartment is empty," naisip kong dahilan. 

"That's great. Me, too. Maybe we can go together and look?" 

Peste! Bakit yon pa ang naisip kong dahilan? Sana nagsabi na lang ako na kailangan kong magpahinga. 

"It usually takes me a long time to decide on things to buy. You might get bored, you know. I don't want to be pressured to make a decision just because you are with me. At the same time, I don't want to be a burden to you." 

"No problem. I am a very patient guy. Trust me. I have two sisters. I know how it is to shop with women," pamimilit pa rin nito. 

Wala na talaga akong kawala rito. Napabuntong-hininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ayaw ko namang isipin niya na isnabera ako. 

Kinabukasan nga, magkasama kaming pumuntang Aeon Mall. Doon na kami nagkita. Hindi rin pala siya mahirap pakisamahan. Mukha lang pala itong manyakis pero masaya namang kasama at maginoo naman kahit papano. 

Pumipili na kami ng kama nang makasalubong namin sa furniture shop na iyon si Brian at ang nobya nito. Binati nito agad si Liam. Pero parang sinadyang hindi ako pansinin. Sa akin lang ba ito walang modo? 

Pinagkibit-balikat ko iyon. Ako na ang unang bumati. Sinagot naman ako pero mukhang napipilitan lang. Hindi na ako nagpumilit pang makipagtsikahan. Nagkunwari akong abala na sa kaiinspeksyon ng bibilhing kama. Hindi na rin ako nagtangka pang maging friendly sa nobya nito. Parang wala ring balak si Maiko na makipagplastikan sa akin. Hinayaan ko na lang si Liam ang makipaghuntahan sa kanila. 

"You're fast," bulong sa akin ng pamilyar na boses. Nag-angat ako ng mukha at nagtama ang paningin namin ni Brian. Hindi ko agad nakuha ang ibig nitong ipakahulugan. Nang maintindihan ko ang komento niya ay nag-init ang aking mukha. Napagkamalan kami ni Liam na magsyota! 

"It's none of your business," pasuplada kong sagot. 

"Yeah, it could get pretty lonely up here," sagot naman nito sabay talikod. Gusto ko siyang hambalusin pero mabilis itong nakalayo. Noon ko naman nakita uli si Liam. Hindi pala ito sumunod sa akin nang pumunta ako sa isa pang hanay ng mga kama. Mukhang abala ito sa pakikipag-flirt sa magandang sales clerk. Wala ring pakinabang! 

Sa inis, tahimik akong lumabas ng furniture shop. Saka na lang ako bibili kahit na may nakita na sana akong magandang kama na umayon sa aking panlasa. Magtitiis na muna ako sa futon (mattress) na bigay ni Rhea. Nagpasya akong umakyat sa second floor ng department store. Naakit ang aking pansin ng mga naggagandahang lingerie kung kaya pinasya kong tumingin-tingin. 

"He's a lucky guy," anas ng lalaki sa aking tagiliran. Nabitawan ko ang hawak na seksing black panties. Si Brian na naman! 

"Are you trying to stalk me?" naaasar kong paninita. Nakataas ang isang kilay. Ano ang ginagawa ng kumag na ito sa shop na iyon? At nasaan na ang nobya nito? 

"Sorry to disappoint you, honey. I'm not here for you. My fiancee wants to buy things she'll gonna use for our honeymoon," nakangising sagot niya. Diniin ang salitang fiancée at honeymoon. 

"Then why are you here with me? Why are you not assisting her instead?" hamon ko sa kanya. Taas-noo pa. 

"She's in the counter now," minuwestra pa ang kinaroroonan ng babae. Lumingon ako sa bandang cash register. Nandoon nga si Maiko at nakapila. Palinga-linga ito. Hinahanap marahil ang nobyo. 

"You should be with her. And not here with me." 

"Oh, my fiancée is independent. She'll be alright. I am just trying to be friendly with a newcomer in the program," sarkastikong sagot nito. 

"You don't need to be. I'm sure we won't be friends anyway." 

Napangiti ito. May kung anong kislap na lumitaw sa mga mata nang nagsabi ng, "Yeah. I'm pretty sure myself, too." At humakbang palayo. 

Nagngitngit ako sa huling sinabi niya. Pinagmasdan ko ito habang papalapit sa nobya. Kaya nakita ko ang pag-akbay nito kay Maiko at ang malambing na paghilig ng babae sa kanyang balikat. Naikompara ko na naman sila sa amin ni Anton. Nagagawa lang namin iyan kung kaming dalawa na lang. Never in a public place! Maswerte ka, Maiko.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Jilted Bride (Completed)   EPILOGUE

Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER

Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET

Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA

Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE

Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis ng bahay kinabukasan. Magho-hotel na lang daw siya for three days at babalik na ng York pagkatapos. Nagpaalam naman ito nang maayos kay Mommy. Mukhang civil na sila. Pero alam kong deep down, may hinanakit pa rin sila sa isa't isa. Pero at least, hindi na nagsisigawan. Tahimik lang si Mommy habang naghahanda ang mag-ama niya sa pag-alis. Binabantayan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagtulog. Ako nama'y hindi magkandaugaga sa

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING

Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at galing pa siya sa mahabang byahe kaya maaaring tulog na nga siya. Naawa din ako sa kanya kasi hindi rin siya nakapaghanda sa nadatnan niyang sitwasyon. Pero hindi ko naman sinisisi ang asawa ko na hindi niya inabisuhan ang mga magulang. Kung sinabi niya ang totoo sa kanila, palagay ko'y bumalik nang wala sa oras sa York si Dad o di kaya'y di na tumuloy si Mom. Mabuti nang magkomprontahan sila para matuldukan na rin ang kahapon nila. Humupa na rin ang damdamin

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-EIGHT - MELTDOWN

Dahil tatlo naman ang kuwarto sa bahay, hindi na kami pumayag na mag-hotel pa si Dad. Tuwang-tuwa ito nang iminungkahi ni Brian na gamitin niya ang isa sa mga bakanteng kuwarto namin. Mas maigi raw na nasa bahay siya para lagi niyang makakapiling ang mga apo niya.Medyo hindi

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY–SEVEN – YORK`S DARK CHOCOLATES

Habang kalung-kalong ni Dad si Elise, umiyak ito. Nakita kong gumalaw-galaw ang ulo nito na parang may hin

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-SIX – PLEASANT SURPRISE

Nag-uumpisa na namang mag-snow. Isang paalala na malapit na naman ang pasko. Parang kelan lang nang naging

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER EIGHT – IKAW

MS Pゴシック'; color: black; mso-font-kerni

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy