Download the book for free
CHAPTER ONE – COLD STARE
Author: Gret San DiegoPagtingin ko sa orasan, bigla akong napabangon. Alas otso na! Gosh! Alas nuwebe ang interview ko. Tumakbo agad ako sa banyo. Dali-dali akong naghilamos at nagpunas. After ten minutes, tumatakbo na ako papunta sa istasyon ng JR Okayama. Buti na lang, malapit lang ang nakuha kong hotel.
Timing ang dating ko. May paalis ng tren na dumadaan sa Muromachi. Takbo agad ako pababa ng platform. Nang nakaupo na, saka lang ako nakahinga nang maluwag.
Pasara na ang tren nang may humahangos pang humabol. Muntik na siyang maipit ng pinto. Buti na lang nagbukas uli ito at nakapasok siya. Nang tumambad ang kanyang mukha, napasinghap ako. Ang guwapo! Napansin ko kaagad ang asul niyang mga mata. That was the most beautiful pair of blue eyes I have ever seen! And he was walking towards my direction. Oh my God! I think I`ll die!
Hindi ako mapakali the whole time. Tumabi ang guwapong blonde guy sa akin. The moment he sat down, napapikit agad siya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nakakainis! But then, I had a wonderful time watching him sleep. What a beautiful morning!
“Stop staring,” narinig kong bulong nito. Dinilat pa nang kaunti ang isang mata at tumingin sa akin. Pinamulahan ako. Tumagilid ako ng upo patalikod sa kanya. Hiyang-hiya.
Pagdating ng Muromachi station, bumaba rin ang guy. I was trying to keep up with his pace pero ang bilis niyang maglakad. Before I knew it, he was gone. Hay.
Timing ang dating ko sa city hall. Katatapos lang ng interview ng unang aplikante. Now, it`s my turn. Napapikit ako at napausal ng maikling dasal. Lord, ibalato nyo na po to sa akin. I need this job badly.
Handa na ang ngiti ko pagpasok sa conference room kung saan naghihintay ang panel. Pero kaagad itong napalis nang makita ang isa sa mga nakaupo doon. Ang blonde guy sa tren! Nakita ko itong natigilan din saglit. Na-recognize yata ako. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa.
Bumati ako ng "ohayoo gozaimasu" (good morning) sa panel. Sinagot naman ako ng ganoon din ng grupo liban na lamang sa blonde guy. Isang malamig na titig lang ang nakuha ko sa kanya. Gusto ko nang matunaw. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon.
Four years na akong tapos sa kurso kong Business Management pero ito ang kauna-unahan kong job interview. Hindi ko naman kasi kailangang magtrabaho dati dahil may sarili kaming pagawaan ng canned sardines sa Cebu. Tumutulung-tulong lang ako kay Papa sa pagma-manage ng negosyo. Kaso nalugi kami dahil sa sunud-sunod na kamalasang nangyari sa buhay ko.
"Hi, there. Please take your seat," bati ng isa sa panel of interviewers. Minuwestra niya kung saan ako uupo. Napatingin ako sa nag-iisang silya sa gitna ng silid. Doon ba? Napalunok ako.
"You must be Arexandra Marquez," anang Hapon sa grupo. Ngumiti ito sa akin. Mukhang mabait siya. Magaan na agad ang loob ko sa kanya.
Tumango ako at bumati sa Nihongo. "Hajimemashite (How do you do? I'm glad to meet you)." Yumuko pa ako nang bahagya sa kanya.
"Nihongo hanasemasu ka? (Marunong ka mag-Nihongo?)" tanong pa ng Hapon. Mukhang impressed.
"Sukoshi desu (konti lang)," at minuwestra ko pa gamit ang hintuturo at hinlalaki kung gaano ka kaunti ang alam ko. Nginitian ko rin siya.
"All right, let's start. Let me introduce the panel to you," panimula ng nasa gitna. Nagpakilala ito. Siya daw si Mark Dale, ang nangangasiwa ng English program sa Muromachi. Isa-isa nitong pinakilala ang mga kasamahan. Mukhang mababait lahat puwera na lang sa blonde guy. Brian Thorpe raw ang pangalan niya.
Si Mark ang unang nagtanong sa akin. Puro tungkol sa personal information kaya madali kong nasagot. Medyo kinabahan na lamang ako nang mapunta sa teaching ang tema ng interbyu dahil feeling ko kulang ang aking kaalaman. Wala pa akong karanasan sa pagtuturo. Pero naging panatag ang aking kalooban nang sinabi niya na may ibibigay naman daw silang training kung sakaling matanggap ako sa trabaho. Kaya huwag daw akong mag-alala.
"Could you do a teaching demo for us? Fujita-sensei here will be your homeroom teacher or HRT," si Mark Dale pa rin. Pinaliwanag pa nito sa akin na team teaching ang pagtuturo ng Ingles sa shogakkō (elementary school) sa Japan. Kaya mainam daw na pag-usapan namin ng HRT ang role ng bawat isa sa klase para hindi kami malito. Binigyan niya ako ng apat na malalaking class cards. Larawan iyon ng mga prutas.
Napalunok ako. Now na ba ang demo? Mukha nga. Nakita kong tumayo na si Fujita-sensei at lumapit sa akin. Nag-usap kami saglit ng Hapon. Nang okay na kami, hinarap ko na ang panel – ang mga estudyante ko kunwari. Tumikhim ako saglit para ma-warm up ang boses ko. Ngumiti ako sa kanila at nagkunwaring kalmado kahit na sobrang nininerbyos. Nakakapraning kasi ang malamig na titig ni Brian. Hindi ko tuloy alam kung umayon sa panlasa nito ang mga sagot ko kanina. Kinapalan ko na lang ang mukha.
"Good morning everyone," bati ko sa kanila sa masiglang boses. Sumagot din na parang batang Hapon ang grupo. "Today, we are going to talk about fruits," nakangiti kong sabi at pinakita ang mga cards ng iba't ibang prutas. "Okay, please repeat after me. ORANGE," at itinaas ko ang card na may larawan ng orange.
"Orenji," sagot ng grupo nang sabay-sabay. Tawanan pa sila. Sa wakas nag-smile rin ang blonde guy! Pero ano ba naman iyon? Parang 5 seconds lang yata. Hindi man lang hinabaan nang kaunti.
"No, no, no. It's O-ORANGE," pagtatama ko ng bigkas. Nakangiti pa rin. "Say it again, please. ORANGE."
Binigkas na ito ng tama ng grupo. Ang sumunod na itinuro ko ay watermelon. Katulad noong una, binigkas nila kunwari na parang mga batang Hapon. Kaya kailangan ko na namang ituwid iyon.
Nang matapos ang demo, napangiti sa akin si Mark. May kakaiba daw akong warmth at charm. Mukhang magugustuhan daw ako ng mga shogakkusei (elementary pupils).
Nagpatuloy ang aking interbyu. Tinanong ako ni Gary, ang kalbo, kung ano ang nagtulak sa akin na mag-apply sa Muromachi kahit na alam kong malayo ito sa malalaki at exciting na siyudad kagaya ng Osaka at Tokyo.
"Well, it depends on how you define exciting," sagot ko. Bahagyang tumawa si Gary. "I've always liked the countryside since I grew up in a country myself. So for me, this place is perfect. It actually reminds me of home," dugtong ko pa. Sinabi ko na malaking bagay rin sa aking desisyon ang magandang benepisyo na iniaalay ng siyudad sa mga foreign English teachers nito. Di hamak na mas malaki kasi kung ikompara sa ibang teaching jobs sa Japan.
Tumangu-tango ang panel.
"You indicated here in your resume that you are from Cebu," sabi ni Brian. "Actually, your place is close to the beach that I went to when I was in your country. What makes you leave a beautiful place like that?"
"I heard you're from York, England, right?" balik-tanong ko sa kanya. Parang nabigla ito sa tanong ko. Pero tumango rin. Paano ko raw nalaman?
"I`ve read it on the website of Muromachi City," sabi ko. "You were featured in an article for giving on inspirational speech to young Japanese English learners. The article said it was the mayor himself who invited you."
"Oh that," at napangiti ito nang maalala. Lumabas ang biloy sa isa nitong pisngi. Shit, ang guwapo talaga! Pero kagaya ng una niyang ngiti, saglit lang din ito. Kaagad itong nagseryoso.
"I've been to your place, too. It was so beautiful that I couldn't imagine somebody leaving a place like that for another."
"What's the connection?" tila hindi makapaghintay na tanong niya.
"No matter how beautiful your place is, there will always be a part of you that would want to explore the world.”
Napangiti ang lahat sa sagot ko liban na lamang kay Brian. Saglit na hindi ito nakasagot. Nang makabawi, nagsabi ng, "I have my reasons," sa mahinang boses.
Pagkaraan ng isang oras at kalahati ay natapos din ang interbyu. Sinabihan akong tatawagan na lang daw nila sa susunod na mga araw kung tanggap ako o hindi sa trabaho.
Bumalik ako sa hotel ko sa Okayama. Patang-pata ang katawan. Nag-hot bath muna ako bago bumaba at naglibot sa paligid. Bumalik ako sa mga shops sa ilalim ng istasyon ng JR Okayama. Napansin kong kompleto na rin iyon sa mga paninda. May mga magagandang kainan, tindahan ng damit, sapatos, at kung anu-ano pang abubot ng mga babae. Marami pang coffee shops at restawran. Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko. Parang ang hirap isipin kung papano itinayo ng tao. Ang lalim kasi ng hinukay para lang magkaroon ng basement.
May nakita akong isang international store. Pumasok ako doon. Gusto ko lang malaman kung mayroon itong produkto na galing sa Pilipinas. Mayroon nga pero de latang Dole pineapple at Philippine dried mangoes lang. Karamihan sa mga paninda nila ay galing North America. Kung mayroon man galing sa Asya, iyon ay produkto ng Thailand o di kaya'y India.
Nang-uusyuso ako sa iba't ibang klase ng keso nang may marinig akong isang pamilyar na tinig. Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan nito. Tama ang aking sapantaha. Si Brian! Hindi ko sukat akalain na makikita ko siya muli sa araw na iyon. Mukhang pinagtatagpo kami ng tadhana. Lalapitan ko na sana siya para batiin nang bigla na lang may sumulpot na isang magandang Haponesa sa tabi niya. May dala-dala itong basket na puno ng sari-saring inumin - beer, whisky, wine at kung anu-ano pa. Nakita kong kinuha ni Brian sa babae ang naturang basket at ito na ang pumila sa counter.
May girlfriend na si Brian? Ang malas ko naman.
Pinakiramdaman ko silang dalawa. Nagkubli ako sa isang estante ng mga canned goods. Walang duda. Girlfriend nga niya ang babae. Dahil kung hindi, bakit niya ito tatawagin ng 'honey'? Nakaramdam ako ng bahagyang paninibugho. Buti pa ang girl. Mukhang sweet dito si Brian.
Hindi muna ako lumabas sa pinagkukublian ko. Hinintay ko silang umalis. Nakita ko pang magkahawak-kamay na nilisan ng dalawa ang nasabing tindahan. Nakaramdam ako ng inggit.
Nagkaroon din ako ng nobyo dati. Si Anton. Pero ni minsan ay hindi nito hinawakan ang kamay ko sa harap ng maraming tao kahit pa noong kapanahunan ng engagement namin. Ang rason niya palagi, hindi siya showy.
May ibig palang ipahiwatig ang hindi pagiging demonstrative ni Anton ng damdamin niya sa akin. Hindi pala niya ako totoong mahal. Dahil ang lahat ng mga hinanap ko sa kanya noon ay nagawa naman niya sa best friend ko at bridesmaid na si Laurie nang maging sila na.
Naalala ko na naman ang eksena sa simbahan. Nakaramdam ako ng labis na kalungkutan. Naisip ko si Papa. Kumusta na kaya ito? Isang linggo nang hindi ako natawag. Papaubos na kasi ang baon kong pera. Kailangan kong tipirin. Kaya nga dapat makuha ko na ang trabahong ito dahil kung hindi mapipilitan akong umuwing luhaan.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
The Jilted Bride (Completed) EPILOGUE
Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER
Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET
Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA
Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE
Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis ng bahay kinabukasan. Magho-hotel na lang daw siya for three days at babalik na ng York pagkatapos. Nagpaalam naman ito nang maayos kay Mommy. Mukhang civil na sila. Pero alam kong deep down, may hinanakit pa rin sila sa isa't isa. Pero at least, hindi na nagsisigawan. Tahimik lang si Mommy habang naghahanda ang mag-ama niya sa pag-alis. Binabantayan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagtulog. Ako nama'y hindi magkandaugaga sa
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING
Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at galing pa siya sa mahabang byahe kaya maaaring tulog na nga siya. Naawa din ako sa kanya kasi hindi rin siya nakapaghanda sa nadatnan niyang sitwasyon. Pero hindi ko naman sinisisi ang asawa ko na hindi niya inabisuhan ang mga magulang. Kung sinabi niya ang totoo sa kanila, palagay ko'y bumalik nang wala sa oras sa York si Dad o di kaya'y di na tumuloy si Mom. Mabuti nang magkomprontahan sila para matuldukan na rin ang kahapon nila. Humupa na rin ang damdamin
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER TWENTY – BABE
Two weeks nang di nagpaparamdam si Brian simula nung hinatid niya ako sa bahay pagkatapos ng English Camp. Ganun na lang ba yon? Sising-sisi tuloy ako kung bakit nagpadala ako sa halik niya. Gusto kong ku
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER NINETEEN – SONG
Medyo nagkahiyaan kami ni Brian nang sumunod na mga araw. Hindi nga ako makatingin sa kanya ng deretso. Ganun din siya. Pero alam ko na pag di ako natingin ay nakatitig siya sa akin. Andami kayang nagmama
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER EIGHTEEN - MESSAGE
Hindi na ako bumaba nang gabing yon para magdinner. Medyo mahirap kasing maglakad. Pero nag-subside ang swelling ng paa ko dahil sa ice pack na nilagay ni Brian doon. Laking pasasalamat ko sa tulong niya.
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SEVENTEEN - IN HIS ARMS
Hilung-hilo ako. Grabe. Hindi ako sanay gumising nang ganito ka aga. Alas kuwatro pa lang naligo na ako dahil alas sais impunto daw ang call time sa city hall. Ngayon ang unang araw ng English Camp. Instant miso soup,
