loading
Home/ All /The Jilted Bride (Completed)/CHAPTER FOUR – DINNER

CHAPTER FOUR – DINNER

Author: Gret San Diego
"publish date: " 2020-07-28 20:21:16

Nagpanting ang tenga ko nang marinig ang sinabi ni Liam. Pinagselosan ko raw ang magandang sales lady ng Aeon kung kaya lumayas ako nang walang paalam. Sa inis, pinrangka ko siya. Sinabihan kong paano ako magseselos kung may iba akong napupusuan? Pagkatapos no’n, nagpaalam na ako agad at binaba ang telepono.

Nakadalawang hakbang palang ako palayo nang nag-ring na naman ito. Sira-ulong Liam! Kung kanina ay mukhang na-guilty ako sa mga sinabi, ngayo'y bwisit na bwisit na ako sa pangungulit niya.

“What?!” galit kong tanong agad sa kanya.

“Hey, is that how you were taught to answer a call?” ang tanong ng isang malumanay na boses sa kabilang linya. Tama ba ang narinig ko? Pinamulahan ako nang makilala ko ang may-ari ng boses.

“Oh, I’m sorry, Brian. I really am,”  paghingi ko ng paumanhin. “I thought you were someone else.”

“Who did you think I was?” 

“Never mind,” sagot ko na lang.

“Oh, did I just sense a lover’s quarrel?”

Gusto ko na siyang barahin pero pinigilan ko ang sarili. Sa halip, hindi na lang ako sumagot kaysa humaba pa ang usapan.

“Am I right?” pangungulit niya.

“No. I was just in a bad mood. I haven’t found anything I like in the store today. I was planning to buy a bed, you know,” sagot ko.

“Oh. Too bad. But come to think of it, it’s more exciting and liberating to do it on the floor with just a futon … if you know what I mean.”

Nagpanting ang tenga ko sa gusto niyang ipahiwatig.

“Look Brian, if you called to insult me, I’m busy. I have to go.”

“I'm sorry. Actually, I called to ask you if you are free this Sunday. My friend and I are going to Hiroshima for sightseeing. I just thought you might want to go with us.”

Iniimbita ako ni Brian mamasyal? Himala!

“What about your fiancée?” tanong ko agad. Mahirap nang pagselosan.

“She’s going with us, too. I just thought that my friend, Greg, would love to have a female companion as well,” sagot nito.

Nalungkot ako. Akala ko pa naman gusto niya lang akong isama. Hindi ko naman ipinahalata ang pagkadismaya ko.

“I’ll think about it,” sabi ko na lang.

“Could you tell me now so I can invite other girls in the program in case you’re not interested? I need to call Greg about it tonight so we can finalize the plan."

“Are you always this impatient?” naaasar kong tanong. “All right. If you want a straight answer - it’s no. I have already made some plans for Sunday,” pagsisinungaling ko na lang.

Ano siya sinuswerte? Akala niya manika akong de-susi? Na pag sinabing sumayaw, sayaw agad?

“Fine. Thanks, anyway,” at binaba agad nito ang telepono.

Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi tinanggap agad ang paanyaya niya. Gusto ko pa sanang marinig ang boses niya. Nainis ako sa sarili.

************************************

Nagsa-shopping ako sa Aeon Mall nang tumunog ang keitai (cell phone) ko. Meron akong text message na galing sa hindi kilalang numero. Binasa ko ang mensahe. Ganoon na lamang ang tuwang nadarama ko nang makita ang pangalang naka-sign sa ilalim ng text. Brian Thorpe.

Ang sabi: “Got your contact from Macky. Need to see you ASAP. Free tonite? Meet me at Soja Bar.”

Sinagot ko ang text niya. “What time do you want us to meet? I’m free at 7.” Ise-send ko na sana ang message nang maalala na nagsinungaling nga pala ako sa kanya na busy ngayong araw kung kaya hindi ako nakasama sa trip sa Hiroshima.

Binura ko ang ang “I’m free at 7.” Nag-isip ako ng isasagot habang pinapalipas ang oras. After twenty minutes, ito ang isinagot ko: “I’ll be done after 8:30. Why do you want to see me?"

Hindi pa naka-isang minuto, may sagot na siya. “Let’s talk about it over dinner. Okay, I’ll pick you up at 8:40. Be ready by then. I don’t like to wait.”

Aba, sampung minuto lang ang binigay na palugit sa akin? Paano kung wala ako sa bahay? Paano kung meron pala akong arubaito (part-time job) na hanggang alas otso y medya?

“Make it nine….” sagot ko na lang dito. Inasam-asam ko ang sarcasm na isasagot niya sa akin pero wala akong natanggap na reply. Nakauwi na ako't lahat, wala pa rin. Bwisit siya talaga! 

Eksaktong alas otso kuwarenta tumunog ang buzzer ko. Sinabi ko nang alas nuwebe, a! Talagang sinunod ang gusto niya. Pwes maghintay ka dyan!

Buti na lang at nakabihis na ako nang mga oras na iyon. Sinipat ko muna ang repleksyon sa full-length mirror. Umikot-ikot pa ako at nag-pose. Paano ko kaya siya batiin? “Hello. Nice to see you again.” Masyado namang walang kalatoy-latoy. “Hi. Good to see you.” Wala ring charm. “Hey, you!” kaya at ngitian ko siya nang ubod tamis?

Napalundag ako nang marinig ang sunud-sunod na tunog ng buzzer. Parang sobrang impatient na ang bisita ko. Napatakbo ako sa pintuan.

“What took you so____?"

“You’re so goddamn impatient! I said nine o'clock!” 

Natigilan ako nang ma-realize na sa kadami-dami kong pinraktis na greetings, nauwi rin sa pagtataray ang lahat.

Hinagod niya ako ng tingin. Kitang-kita ko na nabuhay ang pagnanasa sa mga mata niya. Titig na titig siya sa aking dibdib. Litaw kasi ang cleavage ko sa suot na pulang blusa na hapit na hapit sa katawan. Mahaba at maluwang ang manggas nito at animo mga pakpak kung itaas ko ang aking mga braso. Siguro, hindi ito sanay sa malalaki ang hinaharap dahil nakita kong flat-chested ang nobya niya. Matapos magpakasawa ang mga mata niya sa aking dibdib bumaba ang mga ito sa makikinis kong hita na litaw din dahil sa suot kong itim na mini-skirt. Tinernuhan ko ito ng itim ding leather boots na hanggang tuhod.

Napahalukipkip ako tsaka may pagka-conceited na tinanong ko ng, “Satisfied?” 

“I was just thinking of having a light meal at Soja Bar with you,” kalmadong pahayag nito. Balik sa dating Brian. Yong antipatikong Brian. 

“Yeah, I know,” sagot ko naman kahit medyo disappointed. I was hoping kasi na he would change his mind. Hindi rin pala.

“But you’re so dressy for just a …,” at napakamot na ito sa ulo. “Don’t you have anything more casual? The one that would be appropriate for Soja Bar?” 

Aba, ang kumag! Iniinsulto ba niya ako?

“When we get to Soja Bar you’ll find out that I am just as casually dressed as any Japanese girls who frequent that bar. This is even more simple,” naiinis kong sagot.

“I know. But you’re not Japanese.”

“What is that supposed to mean?”

Napataas na lang siya ng kamay na animo'y sumusuko nang makita niya na medyo napikon na ako sa kanya.

“Never mind. Let’s go,” at nauna na itong bumaba.

Hindi muna ako kumilos agad. Iniisip ko pa kung susunod dito o ipagpaliban na lang ang paglabas namin. Sumama ang loob ko sa huli nitong komento. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Wala akong karapatan na magbihis nang ganoon ka bongga dahil hindi ako Haponesa? O hindi bagay ang suot ko sa akin dahil hindi ako Haponesa?

Binusinahan ako ng loko-loko. Tatlong malalakas na busina. Galit akong bumaba ng hagdan.

“Hey! Are you nuts? You’re going to make my neighbors hate me,” reklamo ko at tinadyakan ang side door ng driver’s seat.

Natawa siya. Noon ko lang ito narinig na tumawa na ako ang dahilan. Lagi kasi itong nakasimangot o aburido kung kausap ako.

“I saw your panties, crazy girl. Get in before your neighbors come out and interrogate the crazy gaijins,” sabi niya sa akin nang nakangisi.

Pinamulahan ako sa sinabi niyang nakitaan niya ako. Binibiro lang ba ako nito?

“Yeah. The sexy, black one I saw you holding in that lingerie shop. Nice choice,” sagot nito sa katanungang naglalaro sa aking isipan.

Nag-blush ako. Nakitaan nga niya ako!

Nang buksan niya ang passenger seat sa tabi niya, hindi na ako nag-isip pa. Sumakay na lang ako ng kotse at hindi na umimik pa. Iniisip siguro ng lalaking ito na hinihintay kong may mangyari sa amin ngayong gabi kung kaya seksing undies ang suot ko. Nakakahiya. Nag-blush na naman ako.

“There’s no need to be embarrassed about it. It was meant as a compliment," sabi uli niya. Parang nabasa ang laman ng aking isipan.

Ano ba to, psychic? Mind-reader? Hindi pa rin ako umimik.

“When I said it was a nice choice, I mean it. In fact, I even like it,” at sinulyapan niya ako. Pwede ba, tigilan mo na ako? Lalo lamang akong nagiging uncomfortable.

Natawa na naman siya. Enjoy na enjoy yatang pagmasdan akong parang hindi mapalagay. Nakakairita talaga siya.

“I shouldn’t have agreed to go out with you tonight,” naaasar na sagot ko habang kagat ang ilalim na labi.

“This is not really a date. Soon you’ll find out.”

Pinamulahan na naman ako. Baka isipin nga nito na masyado akong assuming. Para akong sinampal sa narinig. 

Mayamaya pa, napansin kong iba na ang tinatahak naming landas. Hindi na iyon papunta sa  Soja Bar. Papalabas na yata kami ng Muromachi. Napatingin ako sa kanya sabay sabi na iba ang dinadaanan namin.

“We’re going to a nice restaurant since you are dressed for it,” sagot niya sa akin

“I said, I’m okay with Soja Bar. I’m not picky," sabi ko naman.

Hindi niya ako pinansin. Sige lang ito sa pagmamaneho. Makaraan pa ang ilang sandali, lumiko na ang kotse at pumarada sa parking lot ng Hotel Granvia. Kinabahan ako. Ano ang gagawin namin dito?

“Relax. You can trust me,” ang sabi nito sa akin nang makita ang aking kalituhan. Nakangiti siya. Lalong kumabog ang dibdib ko sa excitement nang makita kung gaano siya ka-guwapo ngayong nakangiti na. Ang swerte talaga ni Maiko.

Dinala niya ako sa sky lounge ng hotel kung saan naroroon ang mga eleganteng restawran. Kahit na naka-casual pants at polo shirt lang siya, mukha pa ring kagalang-galang. Kaya bumagay rin ang get-up sa pinuntahan naming kainan.

Magiliw kaming binati ng waiters at waitresses sa pinasukan naming French restaurant. Marunong ng Ingles ang head waiter na siyang nag-istima sa amin. Walang masyadong tao sa loob ng restawran kaya hindi na namin kailangan pang maghintay. Pinapasok na agad kami.

Kitang-kita ko ang buong siyudad mula sa kinauupuan namin. Glass kasi ang dingding at nakapuwesto pa kami malapit dito.

Nag-order ng white wine si Brian.

“Oh, I forgot to ask you which one you prefer. Do you want me to ask them for a red wine, too?” ang sabi nito sa akin.

“No. I don’t like red wine. White is just fine.” Natuwa ako nang lihim nang malamang parehas ang gusto naming wine. Good start.

“That’s good. I don’t like red wine either. Maiko learned to drink white wine when we started dating,” proud na sabi nito.

Ano pa nga ba ang mai-expect mo sa Haponesa?

“You might be wondering why we’re here. You see, I found some very important details about you today. Do you still remember Gary?”

“Yeah. He was one of the panel members who interviewed me.”

“That’s right. He told me that your mother was from Ilocos. You mentioned it to him during the welcoming party,” pagpapaliwanag nito.

Pilit kong inisip ang pakikipag-usap sa Gary na iyon pero hindi ko masyadong maalala talaga. Ganoon siguro ako ka-bored noon.

“Yeah, my mom was from Vigan. What’s that got to do with our meeting tonight?” naiintriga kong tanong. Tinitigan ko siya.

“My mom is from Vigan, too. The same village as your mom’s,” malungkot niyang sagot. Nakatingin sa malayo. Nilalaro ng isang daliri ang hawakan ng wine glass.

Hindi ako nakapagsalita sa narinig. Napaawang ang aking mga labi. May dugong Pilipino ang lalaking ito? Wala sa hitsura, a. Blond kasi ang buhok nito na medyo mahaba nang kaunti. Asul na asul pa ang mga mata na tulad ng pagkaasul ng langit kung maganda ang panahon. Matangos ang kanyang ilong na katulad ng typical Caucasian at maputi ang balat. Kahit saang anggulo tingnan, hindi mo mapagkakamalang may halong ibang lahi.

“My Dad is British. He met my mom when he went to the Philippines for a vacation. Mom is of Filipino-Spanish descent,” pagpapaliwanag niya dahil parang hindi ako makapaniwala. “She left us when I was barely a year old. I never get to know her,” dugtong pa niya.

Malungkot na malungkot ang mukha niya. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. Naantig ang aking damdamin sa kuwento.  Ini-imagine ko ang baby na Brian na iniwan ng ina.

“I’m sorry to hear that. But if its any consolation, I lost my mom when I was six. She died in childbirth. My little brother also died with her,” kaswal kong kuwento. Gusto kong ipahiwatig na mas malala ang nangyayari sa iba kaya huwag siyang masyadong malungkot.

“Oh. That’s sad. You lost two. At least in my case, I might find her someday. Who knows,” at nagkibit-balikat ito na parang hindi masyadong umaasa na magkatotoo nga yon. Pakiwari ko'y nangungulila ito sa ina.

Parang nakakapanibagong makitang malungkot si Brian. Hindi bagay.

“Do you really want to see her again someday?” naku-curious kong tanong. Karamihan kasi sa mga anak na sa ganoong sitwasyon ay hindi na nagnanais pang makita ang magulang na naging dahilan ng pagkawasak ng kanilang tahanan.

“I don’t know. Maybe,” at nagkibit-balikat ulit. Nagpatuloy ito sa pagtungga ng wine.

Letse, mukhang mapaparami yata ito ng inom. Paano kami makakauwi? Napakaistrikto pa naman ng mga Hapon when it comes to driving under the influence of alcohol.

Sa pagkukuwentuhan naming, nabatid kong nananabik siya sa ina. Hindi naman niya siguro ako ora-oradang imbitahin na mag-dinner para sa hindi importanteng dahilan. Nalungkot din ako. Nag-ilusyon lang pala talaga ako kanina.

“Dad said that Mom’s family was very poor. Her Dad, my grandfather, lost his business to gambling. He was addicted to, what do you call that, cockfighting?” nangiti ito saglit sa huling tinuran. Naisip siguro ang double-meaning ng `cockfighting`.  Tumango ako.

“Maybe some people you know or your relatives from your mom’s side knew Mom’s family. I’d like to know my roots. Can you help me?”

Hayun, lumabas din ang totoo. Gusto ngang makita ang ina.

Nagkuwento pa ako nang nagkuwento tungkol sa Vigan. Marami siyang tanong. Pilit ko namang inaalala ang hometown ng mommy ko. Hindi ko sukat akalain na ang lugar na taken for granted ko lang ay siyang maging daan para mapalapit ako sa kanya.  May naisip ako. Tama. May panahon pa.

Get a hold of yourself, Alex. Engaged na yan, for God's sake.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Jilted Bride (Completed)   EPILOGUE

Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER

Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET

Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA

Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE

Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis ng bahay kinabukasan. Magho-hotel na lang daw siya for three days at babalik na ng York pagkatapos. Nagpaalam naman ito nang maayos kay Mommy. Mukhang civil na sila. Pero alam kong deep down, may hinanakit pa rin sila sa isa't isa. Pero at least, hindi na nagsisigawan. Tahimik lang si Mommy habang naghahanda ang mag-ama niya sa pag-alis. Binabantayan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagtulog. Ako nama'y hindi magkandaugaga sa

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING

Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at galing pa siya sa mahabang byahe kaya maaaring tulog na nga siya. Naawa din ako sa kanya kasi hindi rin siya nakapaghanda sa nadatnan niyang sitwasyon. Pero hindi ko naman sinisisi ang asawa ko na hindi niya inabisuhan ang mga magulang. Kung sinabi niya ang totoo sa kanila, palagay ko'y bumalik nang wala sa oras sa York si Dad o di kaya'y di na tumuloy si Mom. Mabuti nang magkomprontahan sila para matuldukan na rin ang kahapon nila. Humupa na rin ang damdamin

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER TWELVE – HUG

Papasok na sana ako sa loob ng Cappriciosa nang bigla akong napaatras sabay kubli sa malapit na poste. Nakita ko kasing lumabas doon ang umiiyak na si Maiko. Nakabunto

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER ELEVEN – STEALTH LOOKS

Sinadya kong magpaiwan sa meeting room nung magbreak time na. Kinuha ko ang IPAD sa bag at nagbukas ng email. Medyo kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER TEN – SPARK

Meron na naman kaming training. Oo, may panibago na namang kaechosan si Mark Dale. Sana, wala kaming pasok sa aming mga eskwelahan dahil nga may seminar ang mga gurong hapon sa Okayama City. Mga tatlong araw na seminar din yon. Inisip nga n

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER NINE – MARK DALE

Inimbitahan ako ni Rhea na sumama sa kanya sa party ng isang kaibigan. Dahil Sabado naman at wala naman kaming gimik nina Macky, David at Ricardo, sumama a

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy