loading
Home/ All /The Jilted Bride (Completed)/CHAPTER SIX – GRAPEVINE

CHAPTER SIX – GRAPEVINE

Author: Gret San Diego
"publish date: " 2020-07-28 20:22:32

Narinig kong may kumatok sa pinto at kung ilang boses ang nagtatanong kung okay lang ako. Hindi ako sumagot. Wala akong lakas. Mayamaya pa, narinig kong may pumasok sa CR. Hindi ko alam kung sino dahil hindi ko na maidilat ang mga mata ko at hindi ko na rin kayang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Ang sakit-sakit pa ng ulo ko. Tila kay bigat.

Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin at maingat akong nilabas sa ladies' room. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.

Nang magising ako kinabukasan, napansin ko agad na naka-panties na lang ako. Nang igala ko ang paningin sa paligid, tumambad sa akin ang pamilyar na silid. Nasa bahay na ako! Paano nangyari iyon? 

Pilit kong inalala ang nagdaang gabi. Ang tanging natatandaan ko ay ang pagpasok sa ladies' room at pagsuka. Sino kaya ang nagdala sa akin sa bahay? Si Gary ang huli kong nakausap bago ako pumuntang CR. Si Gary ang naghubad ng pantalon ko?! Shit! Wala na akong mukhang ihaharap sa kalbong yon.

Tumawag ako sa school namin. Imposible akong makapasok. Sobrang masakit ang ulo ko. Kahit Sabado ngayon at wala namang klase, obligado sana akong pumunta dahil mayroon kaming meeting with the parents. At gusto sana nila akong ipakilala sa mga magulang dahil bago lang ako sa school. Hindi ko naman kasi naisip na malalasing ako kagabi. Hay, ang nagagawa nga naman ng desperasyon ko kay Brian. Bwisit!

“Aa, shinpai shinai de, Arekusu-san. (Aa, hwag kang mag-alala, Alex),” sagot ng principal namin nang tawagan kong hindi ako makakapasok. “Yukkuri yasunde ne. (Magpahinga ka na lang.),” sabi pa nito.

Hindi ako makapaniwalang hindi man lang nagalit ang principal. Tinext ko si Ricardo kung kailangan ko pa bang sabihan ang taga-Board of Education. As much as possible kasi, dapat magpaalam kami sa kanila kung liliban sa official function ng eskwelahan namin.

“No need, darling. I'm pretty sure your Kōchō-sensei (principal) already informed them. You know how they are. They would say, shinpai shinai de but they will report you to the BOE,” natatawang sagot nito sa akin.

“Should I be concerned about this?” Nag-alala na ako.

“Just rest, okay? Worry about it when they ask you for an explanation.”

Pagkapaalam ko sa kanya, tumayo na ako at dumeretso sa banyo. Kailangan ko mapreskuhan para kahit papano’y bumuti-buti ang aking pakiramdam.

Katatapos ko lang mag-shower nang mag-ring ang telepono. Sino naman kaya ito? Ang aga-aga, e. Hala, baka BOE na iyon! Dali-dali ko itong dinampot at kinakabahang bumati ng “hello”.

“I heard you are absent today?” patanong na wika ng malamig na boses sa kabilang linya.

Si Brian! Paano nito nalaman? Wala naman akong ibang sinabihan liban sa principal namin at si Ricardo, a.

“The BOE people called me up this morning. They wanted to know why. They thought I may have some idea because we’re neighbors,” pagpapaliwanag nito.

Tama nga si Ricardo! Bwisit na Kōchō-sensei yon! Akala ko pa naman, okay lang. Nanggigil kaagad ako kaya hindi ako nakasagot kay Brian.

“Although I know what happened, I told them that you may be having a painful period,” patuloy pa niya.

“W-What?!”

“Oh, do you want me to tell them that you went out drinking last night and that you were so drunk you didn't even know who took you home?” hamon nito sa akin.

Kung sa bagay, may katwiran nga naman siya. Hindi ako nakasagot agad. Nang makabawi, tinanong ko kung sino ang naghatid sa akin pauwi.

“Who else do you think?”

“Y-You?!” Hindi ako makapaniwala.

“And you threw up in my car! I slept so late last night just to clean it up,” naiinis na sabi nito sa akin.

Pinamulahan ako ng mukha. Nakupo! Naalala ko ang hitsura ko kaninang umaga paggising ko.

“So you were the one who—who,” hindi ko masabi. Nagba-blush na ako agad naisip ko pa lang.

“Took off your pants for you?” agaw nito sa sasabihin ko. “Yeah. I had to. That was dripping with puke. Eww!”

Hindi ako nakasagot. Nag-init ang aking mukha. Gosh! Sobrang nakakahiya! Ano na lang ang iniisip ng lalaking ito? Na masyado akong pakawala? Hay, imbes na ipakita ko ang good side ko, lalo yatang pumangit ang impresyon niya sa akin.

Nang natahimik na naman ako, nagsalita na naman siya. Pinaalalahanan niya ako.

“I just called to tell you that I told the BOE pips that you`re having a painful period. Remember that. They might ask you for confirmation.”

Napabuntong-hininga ako. Inuutusan ako ng kumag na magsinungaling. Ikaw naman ang may kasalanan niyan. Buti nga sinalo ka pa niya, e.

“Okay, I'll remember that. Thanks.”

Pagkasabi ko no’n, binaba niya agad ang phone. Ni hindi man lang nagpaalam. Wala talagang manners. Nakakaasar! Ang sarap niyang batukan talaga!

Nagbibihis na ako nang tumunog na naman ang telepono. Si David, ang kaibigan kong Canadian. Nangungumusta.

“What?!” tanong ko na di makapaniwala. Umabot pati kay David na nasa Osaka ang nangyari sa akin kagabi?

“I heard from Gary. Are you okay, sweetie?”

“Oh. He told you,” medyo naiirita kong sagot.

“He was just concerned. He knows we are friends so...”

“Yeah,” sarkastiko kong sagot. Bwisit na Gary yon! Ang sarap kalbuhin lalo.

Pagkatapos ni David, si Macky naman ang tumawag. Narinig niya ang balita sa isang kaibigan ni Gary na nandoon din daw sa party kagabi. Lalo na akong nabwisit. Talagang ubod ng tsismos ang Gary at ang grupo niya. Ni hindi nga ako tinext para kumustahin kung ano na ba ang lagay ko, tapos ipapamalita sa buong IET ang nangyari sa akin?

Imbes na may balak akong mag-groceries dahil wala na akong makain, minabuti kong huwag munang lumabas. Baka makita ako ng mga kapitbahay ko at maisumbong pa sa principal namin. Ito ang mahirap kung nasa neighborhood mo lang ang boss mo.

Mayamaya pa, may narinig akong nag-doorbell. Nang tingnan ko sa monitor sa may bandang pintuan, isang hindi kilalang ginang ang nasa labas. May dala itong bowl. Mukhang hindi siya Haponesa. Pinay kaya?

Pinagbuksan ko ang babae. Ngiti agad ang sinalubong nito sa akin. Saglit lang. Kilala ko ba ito? Saan ko siya na-meet? Parang hindi pamilyar ang mukha niya sa akin.

“Hello. Ikaw ba ang bagong titser ng Seto Shogakkō (Seto Elementary School)?” tanong nito sa akin sa Tagalog. Tama ang aking sapantaha. Pinay nga siya.

“Ako nga po,” magalang ko namang sagot.

“Ako si Beth Yamaguchi. Tawagin mo na lang akong Ate Beth. Malapit lang ang bahay ko dito. Mga five houses from here.”

Pinapasok ko siya sa bahay pero tumanggi ito. Inabot lang sa akin ang bowl na may lamang chicken soup. Biglang kumalam ang sikmura ko nang malanghap ang sopas.

“Nag-abala pa po kayo. Nakakahiya naman.

“Ano ka ba? Okay lang yan. Magkababayan naman tayo. Sige, next time na lang tayo magkuwentuhan, ha? Alam ko na kailangan mo pang magpahinga. Kung may kailangan ka, heto ang number ko,” at inabot niya sa akin ang business card niya.

“Maraming salamat po.”

Mabuti rin minsan ang pagkakaroon ng mga tsismosa't tsismoso. Nakatikim tuloy ako ng mainit-init na chicken soup. Sino kaya ang nagsabi doon na grabe ang hangover ko? Si Kochō-sensei?

Kinalunesan, nang mag-meeting ang buong elementary school teachers, naging tampulan na ako ng tukso. Ano raw ang nangyari sa akin noong Friday night? Noong una, nainis ako talaga. Pero nang bandang huli sinakyan ko na lang.

“Oh, I so love you now, Alex.” Si Rhea iyon, ang black teacher na dating nagturo sa school ko. Tuwang-tuwa sa nangyari. Ibig sabihin daw hindi ako manang.

Nabawasan ang hiyang naramdaman ko sa nangyari dahil sa sinabi niya. Nang kami na lang dalawa, tinanong ko siya kung hindi ba nakakahiya ang nangyari sa akin. Umiling siya. Tumatawa. Wala raw iyon. Mas malala raw ang nangyari sa iba dati. Kaya huwag daw akong mag-alala masyado.

“Thank you, Rhea.”

Tumawa na naman siya. Huwag ko na raw intindihin ang mga nangyari at binalaan din niya ako tungkol sa culture ng mga International English Teachers (IET).

“If one IET knows about something, then expect that the following day everybody will know about it. That's how it is here.”

Gano’n? And to think na ninety percent sa mga kasamahan ko ay mga lalaki. Naalala ko si Gary. Bwisit yon! Hinding-hindi na ako sasama sa kung ano mang party ng tsismosong yon.

“You see? I told you. You don't need to tell the BOE once you've told your Kōchō-sensei,” nakangising sabi ni Ricardo nang nagme-meryenda na kami sa cafeteria. Break time namin sa meeting.

“I was actually shocked at how fast news travel in this part of Japan,” sarkastiko kong sagot. At kinuwento ko ang mga nangyari noong Sabado nang umaga. Tatawa-tawa siya. Nangyari na rin daw sa kanya iyon. Isang araw, umuwi siya ng bahay dahil sumakit daw ang ngipin niya. Hindi siya nakapagturo sa dalawa niyang klase. Hayun, kinahapunan nakatanggap siya ng sunud-sunod na tawag from City Hall.

“Really? That's too much. They are being so suspicious.”

“Well, we're foreigners, darling.”

Kailangan ko palang maging extra careful kung gano’n.  Buti na lang tinawagan ako ni Brian. Napangiti ako nang maalala siya. Kahit na medyo nakakahiya ang nangyari, at least siya ang naghubad ng pantalon ko at hindi ang kalbong Gary na yon. Pero nag-init uli ang mukha ko nang maalala kung ano’ng klaseng undies ang suot ko no’n. Sa dinami-dami, bakit iyong white cotton panties pa? So juvenile!

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Jilted Bride (Completed)   EPILOGUE

Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER

Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET

Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA

Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE

Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis ng bahay kinabukasan. Magho-hotel na lang daw siya for three days at babalik na ng York pagkatapos. Nagpaalam naman ito nang maayos kay Mommy. Mukhang civil na sila. Pero alam kong deep down, may hinanakit pa rin sila sa isa't isa. Pero at least, hindi na nagsisigawan. Tahimik lang si Mommy habang naghahanda ang mag-ama niya sa pag-alis. Binabantayan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagtulog. Ako nama'y hindi magkandaugaga sa

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING

Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at galing pa siya sa mahabang byahe kaya maaaring tulog na nga siya. Naawa din ako sa kanya kasi hindi rin siya nakapaghanda sa nadatnan niyang sitwasyon. Pero hindi ko naman sinisisi ang asawa ko na hindi niya inabisuhan ang mga magulang. Kung sinabi niya ang totoo sa kanila, palagay ko'y bumalik nang wala sa oras sa York si Dad o di kaya'y di na tumuloy si Mom. Mabuti nang magkomprontahan sila para matuldukan na rin ang kahapon nila. Humupa na rin ang damdamin

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-TWO - EMAIL

Ang aga naming nagising ni Brian dahil alas otso y medya daw darating ang mga kinatawan ng Shidouka

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-FIVE - THE WAIT IS OVER!

Akala ko dahil sanay akong nadi-dysmenorrhea, kayang-kaya ko ang sakit ng panganganak. Pero sisiw lang pal

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-FOUR – DOUBLE HAPPINESS

Ang gaan-gaan ng feeling ko nang lumabas ng restaurant. Na

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY THREE – TWO THOUSAND PESOS

Pakiramdam ko para akong prinsesa habang hinihila-hila ng kabayo ang kalesa. Hindi ko mailalarawan ang kas

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy