Download the book for free
CHAPTER FIVE – SOJA BAR
Author: Gret San DiegoKatatapos ko lang maghapunan nang gabing iyon nang makatanggap ng tawag mula sa amin. May balita na si Yaya Merced tungkol sa mommy ni Brian. Ito kasi ang pinakiusapan kong magtanung-tanong sa bayan ng mommy ko. Taga-doon din kasi si Yaya. Iyon nga, nagsabi siya na may nakausap daw ang pinsan niya na kamag-anak ni Brian. Halos lahat daw ng mga tiyahin at tiyuhin nito ay wala na sa Vigan. Karamihan ay umuwing Iloilo, ang probinsya ng kanilang ama. Pero meron din daw lumipat lang ng Pangasinan. Hindi sigurado ang napagtanungang kamag-anak kung iyon ang mommy ni Brian dahil hindi lang naman daw ang ina nito ang nakapag-asawa ng foreigner.
Naisip kong tawagan si Brian. Alam kong matutuwa ito sa ibabalita ko. Malapit ko nang mahanap para sa kanya ang nawawalang ina. Excited din ako para sa kanya.
“What’s up?” tanong nito sa boses na parang kagigising lang. Nagising ko kaya siya? Tiningnan ko ang relos na nakasabit sa dingding. Alas nuwebe pa lang naman, a.
“I’m sorry if I woke you up,” medyo natatarantang paghingi ko ng paumanhin. “If you want, I can call you again later or tomorrow.”
“Cut to the chase. I’m tired and sleepy. I want to go back to sleep. So what is it?”
“All right, I called to say I have some news about your mom. I was told that your mother’s family is no longer living in their old neighborhood. Some went to settle in your grandfather’s hometown in Iloilo while some moved to Pangasinan. I don’t have some info about your mom’s whereabout yet, but maybe in a few days---”
“Is that all?” putol nito sa sasabihin ko pa sana. Walang bakas ng pasasalamat ang mokong. Bagkus, parang disappointed pa at iritado dahil nagising ko siya. Shit! Sana hindi na lang ako nagmalasakit.
“Yeah,” mahina kong sagot. Naasar na.
“All right thanks, I appreciate it,” at binaba nito ang telepono. Aba, walang modo! Nagsisi tuloy ako kung bakit nagboluntaryo pa akong tumulong sa kanya.
Tumutulong ka para ano? Para mapansin ka nito at hiwalayan ang nobya? Ano ba ang ‘goal’ mo sa pagtulong? Baka nase-sensed niya ang balak mo kaya umaatras na. Maraming lalaki d’yan. Move on already!
Pero ang isang bahagi ng puso ko ay umaasa pa rin na balang araw matauhan si Brian at pansinin naman niya ako. Kasi ramdam ko, meron talaga kaming chemistry. Noon ngang lumabas kami minsan, dama ko talaga na meron kaming koneksyon. Alam ko na alam din niya iyon. Ayaw lang sigurong aminin dahil naka-commit na kay Maiko. Pero sigurado ako na attracted din siya sa akin. Asa ka pa! Nakakainis talaga kapag may kumokontrang konsensya.
Isang hapon, tinawagan ako ni Gary. Birthday daw nito at mayroong munting salu-salo sa Soja Bar na gaganapin nang gabing yon. Iniimbita akong dumalo. Nag-isip ako. Dadalo ba ako? Hindi naman kami close ng guy. Tsaka bakit ganoon? Ora-orada? Ni hindi man lang nagpasabi in advance. Bakit, tingin niya wala akong mga kaibigan na pwedeng mag-invite sa akin sa kung saan?
Naalala kong bigla. Best friend ni Brian si Gary! Sigurado, nandoon siya. Di na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tinanggap ko ang imbitasyon at tinanong ko rin siya kung imbitado ang mga kaibigan ko. Ang sabi nito nasabihan na raw sina Macky at David. Nandoon naman pala sila kung sakali. Okay lang naman siguro.
Nakangiti pa rin ako kahit naibaba na ang telepono. Makikita ko na naman si Brian. Sapat na iyon para ganahan akong dumalo sa party kahit na hindi ko masyadong kagaanang-loob si Gary at ang mga kaibigan niya.
“Ricardo, c’mon. Don’t be such a kill joy. Let’s go to Soja Bar tonight,” pamimilit ko sa Mehikano nang magkita kami nito nang hapong iyon.
“You know me, darling. I am not into bars. It’s so smoky out there. You know I’m allergic to that. Go ahead. Have fun!”
“We’ll go home early, I promise,” pamimilit ko pa sa kanya. Tinaas pa ang kanang kamay na animo nanunumpa.
“Nope. Don’t make me spoil your fun, darling. Have fun with them. If Mscky and David will be there, you`ll be all right.”
Ngunit walang Macky at David sa Soja Bar. Wala rin si Brian! Puro lang mga maiingay na kabigan ni Gary ang nandoon. Alas dies na. Nagngingitngit na ako sa isang sulok.
Mayamaya pa nakatanggap ako ng text message kay Macky. Totoong naimbitahan nga raw siya ni Gary pero wala raw siyang sinabing dadalo siya. Sa halip pinrangka raw niya agad ito na di siya pupuwede dahil pupunta siyang Kobe nang weekend na iyon.
Halos ganoon din ang sinabi ni David. Nasa Osaka naman ito para bisitahin ang nobya. Noong Biyernes pa raw siya umalis. Nakalimutan lang magpaalam sa amin dahil madalian iyon. Nagkasakit daw si Hiromi, ang girlfriend.
Lalo akong naasar kay Gary. Pinaasa lang pala akong pupunta ang dalawa kong kaibigan.
Wala akong masyadong kapalagayang-loob sa mga dumalo. Si Liz, na nag-iisang babaeng teacher sa junior high school group ang pinagtiyagaan kong kausapin. Taga-UK ang babae kaya minsan ay kailangan ko pang makinig nang mabuti sa sinasabi nito para maintindihan siya. Masyado kasi niyang ini-emphasize ang British accent.
Alas onse na. Sigurado na ako na hindi na nga darating si Brian. Nalungkot ako. Sayang ang pagpunta ko. Naisipan kong magpaalam na lang kay Gary kaysaa magtiis. Tumayo ako at magsasabi na sana na uuwi nang niluwa ng pintuan ang kanina ko pa hinihintay. Nagtama ang aming paningin. Awtomatikong dumagundong ang aking puso. Imbes na magsabi na uuwi kay Gary, nagpaalam lang ako na pupunta ng ladies’ room.
Hay, lokaret ka! Ang babaw ng iyong kaligayahan. Well, enjoy-in mo na lang iyan dahil in a few months hindi na iyan malaya.
Nahihilo na ako sa dami ng nainom pero wala pa rin akong lakas na kausapin si Brian tungkol sa feelings ko. I feel I am running out of time. Gusto ko na talaga siyang makausap bago pa man maunahan ng hiya. Ngayon na ang hinihintay kong chance.
Pagkalabas ng ladies’ room, pumunta ako agad sa bar para mag-order ng screw driver. Pampalakas ng loob. Loka-loka ka, Alex.
“That’s a strong drink,” anang nasa likuran ko. Ganoon na lang ang pag-init ng mukha ko nang mapagsino ang nagsalita. Si Brian!
“I can handle it.”
“I didn’t know that you drink that kind of stuff.”
“Well, now you know,” at nginitian ko siya nang ubod-tamis. Nang naibigay na sa akin ng bartender ang inumin ay inalok ko pa siya na tumikim. Tinitigan muna niya ako bago nag-sip sa glass ko. Do’n pa mismo sa nasayaran ng mga labi ko uminom.
“Not bad. A little sweet for me,” komento nito pagkatapos makainom nang kaunti.
“Yeah, I think the bartender made it a little sweeter for me because---I’m sweet,” at napahagikhik ako. Ako nga ba itong malanding babaeng nagsasalita?
“I think, you’re drunk. How long have you been drinking?”
“Not that long. I’m fine.”
“Brian. Brian, oh there you are,” maarteng sabi ni Liz. Nakibeso-beso ito kay Brian at tsinika na. Dadalo daw ba siya sa English Festival na dadausin sa susunod na Sabado?
Nakisalo ako sa usapan. Nagtanong ako kung ano ang English Festival at kung saan ito gaganapin. Interesado akong dumalo kung nandoon si Brian.
“Oh, it’s by invitation darling. The City Mayor sent us an invitation to join the festival. Mark announced it yesterday in our meeting. As far as I can remember, I didn’t hear your name being called,” matamis na sagot ng bruha pero halatang gusto akong ipahiya. Tinaasan ko ito ng kilay.
“Oh, it’s by invitation,” sarkastiko kong sagot. “You must be proud of yourself that the mayor invited you,” dagdag ko pa.
Hindi ko na narinig ang sagot ni Liz dahil sumingit si Gary at sinabihan akong may gusto raw ipakilala sa akin. Bago pa ako maka-react ay nilayo na ako nito at dinala sa umpukan ng iba pa nitong bisita. Mga boring naman. Gusto kong guhitan ng nakasimangot na emoticon ang makintab na ulo ni Gary.
Nawalan ng saysay ang pagtitiis ko with the boring people. Hindi ko rin nakahuntahan si Brian. Kaya binaling ko na lang ang atensyon sa inumin. Bago ko namalayan, nakailang cans na ako ng Guinness beer. Kaya mayamaya pa ay nakaramdam na ako ng matinding pagkahilo. Pumasok ako sa ladies’ room. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
The Jilted Bride (Completed) EPILOGUE
Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER
Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET
Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA
Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE
Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis ng bahay kinabukasan. Magho-hotel na lang daw siya for three days at babalik na ng York pagkatapos. Nagpaalam naman ito nang maayos kay Mommy. Mukhang civil na sila. Pero alam kong deep down, may hinanakit pa rin sila sa isa't isa. Pero at least, hindi na nagsisigawan. Tahimik lang si Mommy habang naghahanda ang mag-ama niya sa pag-alis. Binabantayan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagtulog. Ako nama'y hindi magkandaugaga sa
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING
Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at galing pa siya sa mahabang byahe kaya maaaring tulog na nga siya. Naawa din ako sa kanya kasi hindi rin siya nakapaghanda sa nadatnan niyang sitwasyon. Pero hindi ko naman sinisisi ang asawa ko na hindi niya inabisuhan ang mga magulang. Kung sinabi niya ang totoo sa kanila, palagay ko'y bumalik nang wala sa oras sa York si Dad o di kaya'y di na tumuloy si Mom. Mabuti nang magkomprontahan sila para matuldukan na rin ang kahapon nila. Humupa na rin ang damdamin
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTEEN – PICTURES
Matagal na tinitigan ni Brian ang larawan sa IPAD ko. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Matagal itong hindi nakapagsalita. May nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER FIFTEEN - KISLAP
Nalungkot kaming lahat nang malaman namin na aalis na sa Kurashiki si James. Babalik na raw ito ng Amerika dahil magpapakasal na sila ng nobya. Ayaw daw kasi ng magiging asawa nito na tumira sa Japan. Mag
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER FOURTEEN – BAKED SALMON
Napalingon ako ng ilang beses. Parang di ako makapaniwala sa nakita. Si Liam at Maiko ay magkasamang lumabas ng Tratorria, isang Italian restaurant na malapit lang sa Kurashiki station. Imbes na tumuluy-tuloy ako sa istasyon,
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER THIRTEEN – PROTEST
Kahit malayo pa ang Agosto, medyo in panic-mode na ang International Center ng Kurashiki dahil kakaunti pa lang daw na chugakusei (junior high school students) ang nag-sign up sa Engli
