loading
Home/ All /The Jilted Bride (Completed)/CHAPTER SEVEN – BIRTHDAY PARTY

CHAPTER SEVEN – BIRTHDAY PARTY

Author: Gret San Diego
"publish date: " 2020-07-28 20:23:02

"O siya, ikaw na muna ang bahala dito, Alex. Pakitingnan lang yang pinapalambot kong karne. Sasaglit lang muna ako sa supa (supermarket). Kulang ang ingredients natin, e," ang sabi ni Ate Beth sabay hubad ng suut-suot na apron.

"Sige po. Ako na po’ng bahala dito. Basta po titingin lang po ako, ha? Kasi wala akong kaalam-alam dito sa mga pinagluluto n’yo," sagot kong nakangiti.

"Oo naman. O sige," at dali-dali na itong lumabas.

Birthday ng anak na panganay ni Ate Beth kaya naghahanda kami. Naging ka-close ko na rin siya simula ng araw na hinatiran niya ako ng chicken soup. Mabait siya.

Nagliligpit ako ng mga kalat sa kusina nang marinig kong may nag-buzzer. Shocked ako nang mapagsino ang bisita. Si Brian at Maiko! May dala silang birthday cake. Pinapasok ko sila. Medyo naasiwa ako. First time kong makaharap ang dalawa nang walang ibang tao sa paligid. Hindi ko alam kung papano pakiharapan ang babae. Mukhang nabigla rin sila nang makita ako. Tinanong ako ni Brian kung nasaan si Ate Beth.

"She just went to the supermarket to buy some ingredients. Please come in," magalang kong sagot kahit medyo nag-aalburuto ang aking puso.

Tahimik lang si Maiko. Parang pinapakiramdaman ako. Ganoon din ang ginagawa ko sa kanya habang kausap si Brian. Aminado akong hindi ko siya feel. Siguro ganoon din siya sa akin. Nang una kaming ipakilala sa isa't isa noong welcome party, hindi naman ako kinibo nito. Nag-hajimemashite (greetings sa taong noon lang nakilala) lang ito sa akin tapos hindi na ako kinausap.

Nilagay ko sa table ang birthday cake na dala nila. Pagkatapos ay sinabihan ko silang maghintay na lang sa living room at manood ng TV, total iniwan naman iyong nakabukas ni Ate Beth.

"Oh, we'll just come back later on when the party starts. We still have to go to AU (cellphone company)," ang sabi ni Brian bago sila umalis.

Hmp. Kunwari ka pa. Ang sabihin n’yo ayaw n’yo lang mag-stay dahil ako lang ang tao dito.

Umalis nga ang dalawa. Buti naman. At least hindi ko na kailangang magpanggap na maging friendly sa kanila. Pero hinatid ko sila ng tanaw. At nalungkot na naman ako.

Mayamaya pa, dumating naman si Ate Beth. Tinulungan ko siya sa mga pinamili niya.

"Nag-drop by po pala si Brian Thorpe, Ate. Magkakilala po pala kayo?" tanong ko sa kanya habang inaayos namin ang mga pinamili niya.

"A, si Brian? Oo naman. Siya ang naka-assign na IET sa Ikeda Chugakkō (Ikeda Junior High School). Teacher siya ng mga anak ko. Mabait iyon."

Sino? Si Brian? Mabait? E, bakit ang sungit sa akin?

"Talaga po? Mabait pala iyon?" nangingiti kong tanong.

"Oo. Sobra. Dati noong hindi pa naging sila ni Maiko, palagi iyon sa bahay. Minsan nga dito na nagdi-dinner.”

Halos sabay nang dumating sina Brian at ang birthday celebrator. Mukha ngang mabait siya sa bata. At habang pinagmamasdan ko kung paano siya nakikisalamuha kay Ate Beth, napansin ko ring sweet nga pala siya. Nakaramdam tuloy ako ng paninibugho. Bakit parang sa akin lang masungit ang mokong na ito? May kakaiba ba sa akin?  

Napansin ko rin na pati iyong Maiko ay magiliw din kay Ate Beth. Sa akin nga lang pala aloof ang babaeng iyon. Bakit kaya? Na-sense kaya na may gusto ako sa fiance niya? Ang talas naman ng radar.

Nainis ako na parang naa-out of place ako doon kung kaya nagpunta ako’ng kitchen. Gumawa na lang ako ng pang-dip sa chips. Nakita ko kasing ubos na ang ginawa namin ni Ate Beth. Mayamaya pa, naramdaman kong may tao sa likuran ko. Si Maiko pala.

"Oh, looking for this?" tanong ko at inabot sa kanya ang dip na ginawa ko. Medyo nag-atubili siyang tanggapin iyon. Bruha.

Nakita kong kumuha muna siya ng kutsara at tinikman ang ginawa ko. Tapos napangiwi. Hambalusin ko kaya ito? Hindi niya nagustuhan? Samantalang nilantakan naman ang ginawa ko kaninang dip na nasa sala? Ang arte!

"Gommen ne. Chotto, shio karai kara. (Sorry, it's a bit salty.)," medyo nakangiwi nitong sabi.

Shio karai lang ang naintindihan ko doon pero sapat na para makuha ko ang gusto niyang sabihin. Ayaw niya ng ginawa kong dip dahil salty? Bruha siya! Ako rin naman ang gumawa ng isa kanina. Wala naman siyang reklamo doon. Baka inisip niya si Ate Beth?

"Honto ni? (Really?)" tanong ko. Hindi na ako nagkunwari. Pinahalata ko sa kanya na hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

Umiba rin ang ekspresyon sa mukha niya. Parang na-offend. Hindi na ito sumagot sa akin. Bagkus, naghanda na lang ng sarili nitong dip. Nainsulto ako doon. Parang gusto ko siyang sabunutan. Kaso nga lang, naisip ko din si Ate Beth. Hindi naman siguro makatwiran iyon.

Tiningnan ko siya nang masama habang nakatalikod at naghahanda ng avocado dip niya. Nakaekis ang mga braso ko sa dibdib. If looks could kill, nangisay na sana siya.

"Honey, where are you?" narinig kong tawag ni Brian at bigla itong lumitaw sa harapan ko. Hindi ko agad nabawi ang tingin ko sa nobya niya. Palagay ko ay nakita niya iyon.

"What's happening here?" medyo naningkit ang kanyang mga mata nang tumingin sa akin.

"Oh, hon. Hey." Lumingon si Maiko at ngumiti nang ubod tamis sa nobyo. Lumapit naman si Brian dito at nilingon ako. Nagtatanong pa rin ang mga mata. Siguro ipinagtataka kung bakit ang sama ng tingin ko sa fiancee niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumabas ng kitchen. Magsama kayong dalawa!  Hindi ko na na-enjoy ang party. Parang sumama ang aking pakiramdam. Nagpaalam ako kay Ate Beth na umuwi na lang. Kaysa naman makagulo pa ako sa party ng bata. Baka kasi di ako makapagpigil sa kaartehan ng Maiko na iyon at kung ano pa ang masabi ko.

"Ang aga naman yata. Mamaya na lang," pigil ni Ate Beth.

"Baka kasi tumawag sina Papa, e. Saturday kasi ngayon. They know na nasa bahay lang ako at walang pasok," pagsisinungaling ko.

"O sige. Magdala ka ng food para hindi ka na magluto. Hetong cake. Dalhin mo ang iba. Ang sarap niyan talaga. Sobra," at naghiwa pa siya ng malaking slice para sa akin. Alam kong iyon ang cake na binili nila Brian at Maiko kung kaya tinanggihan ko.

"Huwag na, Ate. Hindi naman kasi ako mahilig sa matatamis. Itong kare-kare na lang." Timing pala sa paglabas ni Brian buhat kusina. Medyo umasim ang mukha nito nang makitang sobra kong tinanggihan ang cake.

"If she doesn't want it, then let her be, Ate Beth."

Nilingon ko siya. Hindi ako kumibo. Sanay na akong masungit sa akin ang bruho. Nagdagdagan pa nga siguro dahil nahuli akong nakatitig nang masama sa fiancee niya.

"Naku, hwag ka nang mag-diet, Alex. Ang ganda-ganda na ng katawan mo, e. Diet ka pa," nakatawang biro ni Ate Beth. Inakala sigurong nagda-diet nga ako.

Hindi na ako nagpapilit pa dito. Dali-dali na akong lumabas pagkakuha ko sa kare-kare. Nakahinga ako nang maluwag nang nasa labas na. Hindi kami puwedeng nasa iisang bubong ni Maiko. Nasu-suffocate ako sa kaartehan niya. Lalo pa kapag nakikipag-usap ito kay Brian sa sobrang maarteng boses. Nakakainis!

Hindi pa ako nakarating sa bahay nang mag-beep ang cell phone ko. May text message ako kay Brian.

"Maiko told me you seemed upset because she refused to use your dip. She's not being mean to you. She just doesn't like salty food."

Ah, nagkwento nga ang girl. Nagmukha tuloy akong makitid ang utak. Sinagot ko ang text niya.

"I'm not upset at all," sabi ko.

No explanations na. Kahit ano naman ang sabihin ko for sure hindi naman ako papaniwalaan nito. Para sa akin, sinadya iyon ni Maiko. To make me feel and look bad. Sa isang banda, hindi ko rin masisisi ang bruhang iyon. Baka nahalata na may pagtingin ako sa nobyo niya. Pero dapat maging kampante na siya. Kita naman niyang mabigat ang dugo sa akin ng fiance niya, e. Dapat hindi na siya ma-threaten, kung nate-threaten nga siya sa akin.

Hindi na nagtext muli si Brian. Nagsisi naman ako. Sana nag-explain pa ako. Para humaba ang palitan namin ng text messages. Para ano? Wala rin namang mangyayari. Kita mo namang parang sobra niyang mahal ang girlfriend.

Hindi ko nakaya ang mag-stay sa bahay. Nalulungkot ako. Kaya pagkatapos kong mailagay sa ref ang dala kong kare-kare, nagpasya akong maglakad-lakad. Naisipan kong pumuntang Baskin and Robbins. Medyo malayu-layo ito sa bahay. Pero okay lang. Feel kong maglakad.

Nag-order ako ng nuts to you at dinala ko sa labas. Doon ko siya kinain habang pinagmamasdan ang mga nagdaraang tao sa harap ng ice cream parlor. Hindi ko pa halos nakakalahati ang isang medium-sized cup na ice cream nang biglang bumulaga sa harapan ko ang isang pamilyar na kotse. At umibis ang isang taong kanina ko pa iniisip. Naka-sunglasses ito. Nagtanggal lang nang makita ako doon. Nakita kong parang nabigla ito.

"I thought you were on a diet?" kaagad nitong tanong nang makalapit sa kinaroroonan ko.

"I didn't say I was," mabilis kong sagot habang dinidilaan ang nagkalat na ice cream sa gilid ng bibig ko. Nakita kong umiwas ng tingin ang kumag. Naku, baka isipin nitong sini-seduce ko siya! Huwag naman siyang asyumero. Although I would love to give it a try if given a chance, hindi ko naman gagawin iyon in public.

"Really?" tanging naisagot nito at pumasok na sa loob. Paglabas nito may dala-dala nang dalawang malalaking supot.

"If you want more, you can come back with me to the party," paanyaya nito. Pero alam ko, out of politeness lang iyon dahil naabutan ako doon kaya umiling ako.

"Okay, at least I've invited you," malamig nitong sagot at pinasibad na ang kotse.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Jilted Bride (Completed)   EPILOGUE

Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER

Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET

Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA

Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE

Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis ng bahay kinabukasan. Magho-hotel na lang daw siya for three days at babalik na ng York pagkatapos. Nagpaalam naman ito nang maayos kay Mommy. Mukhang civil na sila. Pero alam kong deep down, may hinanakit pa rin sila sa isa't isa. Pero at least, hindi na nagsisigawan. Tahimik lang si Mommy habang naghahanda ang mag-ama niya sa pag-alis. Binabantayan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagtulog. Ako nama'y hindi magkandaugaga sa

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING

Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at galing pa siya sa mahabang byahe kaya maaaring tulog na nga siya. Naawa din ako sa kanya kasi hindi rin siya nakapaghanda sa nadatnan niyang sitwasyon. Pero hindi ko naman sinisisi ang asawa ko na hindi niya inabisuhan ang mga magulang. Kung sinabi niya ang totoo sa kanila, palagay ko'y bumalik nang wala sa oras sa York si Dad o di kaya'y di na tumuloy si Mom. Mabuti nang magkomprontahan sila para matuldukan na rin ang kahapon nila. Humupa na rin ang damdamin

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FORTY-TWO – RENDEZVOUS

Parang gusto ko nang maniwala kay Brian na mainam ang pagkakaroon ng peridot. Kasi naging tahimik at blissful ang sumunod na tatlong linggo. Katunayan, sobrang saya namin no'ng New Year's Eve. Sabay naming sinalubong yon kasama ang mga malalapit kong k

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FORTY ONE – RED BOX

Halos di na maalis ang mga mata ko sa screen ng cell phone pero wala talaga. Ilang beses ko na ngan

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER FORTY - KARAOKE

Hindi na kami nakauwi ng bahay dahil natagalan kami sa Saizeriya. Kung kaya dumeretso na kaming apat kung saan ang meeting place ng grupo para mag-karaoke. Nandoon na ang lahat ng coach

The Jilted Bride (Completed)   CHAPTER THIRTY NINE - FRIENDLY MATCH

Pagising ko kinaumagahan, may nakapa akong matigas. Nang idilat ko ang aking mga mata ganun na lamang ang pagkabigla ko nang mapagtanto kong hindi ako nag-iisa sa kama. Nakaunan ako sa

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy