Download the book for free
CHAPTER EIGHT – IKAW
Author: Gret San DiegoInanunsyo ni Mark Dale na dapat daw kaming maghanda ng isang entertainment number sa programa para sa mayor ng Muromachi. Kaarawan daw nito sa susunod na linggo at lahat halos na guro sa siyudad ay may partisipasyon. Nagdesisyon ang buong IET members na ibigay sa aming mga baguhan ang responsibilidad na iyon kagaya ng nakagawian. Hindi naman kami nakatanggi siyempre. Gano’n talaga kapag bago.
"Why don't we just ask Alex to represent us, newcomers?" mungkahi ni Andrew, ang kasabayan ko sa interview. Well-known daw kasi ang mga Filipinos na magaling kumanta o sumayaw kaya dapat ako na lang daw ang lumahok.
"No way," tanggi ko. "We must do it together.”
Nagprotesta ang lahat sa suhestiyon ko. Ang sabi ni Macky at David, wala raw silang ka-talent-talent pagdating sa sayawan. Parehong kaliwa ang mga paa. Wala rin daw sila sa tono kumanta. Ganoon din halos ang rason ng iba pa. Pinagkaisahan nila ako. Ano mang protesta ko, wala rin akong nagawa. Pinagtulakan ako ng mga bwisit kong kasama. Sinuportahan naman iyon ni Mark.
“Why don`t you show us a traditional Philippine dance? I think everybody will be interested to see that,” suhestyon pa nito.
Nang umuwi ako kinahapunan, pumunta agad ako kina Ate Beth. Tinanong ko kung okay lang na kunin ko ang dalawa niyang anak para sa presentation ko. Sasayaw na lang ako ng tinikling at magpapatulong na lang ako sa dalawang bata. Hindi naman siya tumanggi. Tuwang-tuwa pa nga. Buti naman at napapayag din namin ang dalawang bagets.
Noong araw ng kaarawan ng mayor, hindi ako mapakali. Dinaos ang program sa cultural center ng siyudad at halos napuno iyon ng mga tao. At nandoon lahat ang mga foreign teachers na kinabibilangan ko. Medyo na-conscious ako nang makita ko sa unang hanay ng audience si Brian. Matikas at guwapo ito sa suot niyang Amerikana. Parang mas mukhang Hollywood actor ito kaysa sa English teacher. Iba ang dating niya sa lahat.
Nang kami na ng mga bata ang sasayaw, masigabong palakpakan ang narinig ko sa mga kasamahan ko pati na rin sa mga gurong Hapon. Napabuntong-hininga ako nang tatlong beses. Inisip ko na lang na nagsasayaw ako sa harap ng aking ama at ng mga bisita niya. Palagi ko naman iyong ginagawa noong bata pa ako.
Para hindi masyadong kabahan, iniwasan kong tingnan si Brian. Ang laking tulong no’n.
Masigabong palakpakan uli ang narinig ko pagkatapos naming sumayaw. May sumisipol pa. Nakita ko ang mga kaibigan na nag-thumbs up sign sa akin. Natuwa ako sa reaksyon nila. Nang pumunta na ako sa back stage, narinig ko ang emcee na pinapabalik ako sa entablado. May request daw sa akin ang mayor. Kinabahan tuloy ako. Baka pagsayawin ako ulit. Naku, huwag na. Baka magkamali na ako kapag inulit namin ng mga bata.
"The mayor is asking if you know how to sing "Ikaw"," tanong ng emcee sa akin. Naka-mikropono ito kaya narinig ng lahat ang sinabi niya. Ang mayor ay nasa unang hanay ng mga manonood. Nasa pinakagitna ito kasama ang kanyang kabiyak.
Ikaw? Papanong alam ng mayor ang Ikaw? Siguro dahil nakakunot-noo ako na parang nagtataka, nagpaliwanag ang emcee.
"The mayor's wife is half-Filipina. Ikaw is their theme song," nakangiting paliwanag nito.
"Ah, okay."
Binigyan ako ng mikropono. Pumailanlang ang pamilyar na tunog ng piano. Nilingon ko ang tumutugtog. Isang binatilyong Hapon. Pinakilala siya ng emcee bilang anak ng butihing alkalde.
Sinimulan ko ang pagkanta. Noong una, nakatingin lang ako sa mayor at sa asawa nito na magkahawak-kamay. Pero habang kinakanta ko na at isinasapuso, napasulyap ako kay Brian na matamang nakamasid sa akin. Nakaramdam ako nang bahagyang kalungkutan. This guy will NEVER be mine.
Walang kakurap-kurap si Brian habang nakatingin sa akin. Lalo tuloy akong ginanahan sa pagkanta.
Nakita kong nagpahid ng luha ang kabiyak ng mayor. Hinagkan ito ng huli sa sentido. Ang sweet naman nila. Naiinggit ako.
Naghiyawan na ang mga kasamahan ko pagkatapos. Umakyat ang mag-asawa sa entablado para magpasalamat sa akin sa pagpapaunlak sa kanilang on-the-spot na request. Hinalikan ako sa pisngi ng babae at kinamayan naman ako ng mayor.
"Hey, sweetie. I didn't know you sound like a professional singer. Though I didn't understand a single word in the song, it was really so beautiful. I felt like crying," salubong sa akin ni Liam nang bumaba na ako at mag-join sa kanila sa audience. Niyakap pa ako nito. Ang arte ng kumag na ito, makayakap lang sa akin.
"Yeah, you're a pro there, Alex," sang-ayon naman ni Andrew. Niyakap din ako. Ganoon halos lahat ang ginawa ng mga kasamahan ko. Lalo na ang tatlo kong kaibigang sina Macky, David, at Ricardo.
"On my next birthday, I would ask you to dance and sing for me," biro ni Rhea sa akin.
"Sure," sabi ko naman. Nakangiti. Tuwang-tuwa rin ako at na-appreciate nila ang aking talent.
"Hey, Brian. Maybe, you could ask Alex to be your wedding singer.”
Nahampas ko nang bahagya sa braso si Rhea. "Hey!"
"Why not, honey?" nakangiti nitong tanong. "You're really good. You could sing in any couple's wedding. You'll be a hit."
Yeah, but not in his wedding.
"If she wants," malamig na sagot ni Brian.
Antipatiko! If-she-wants mong mukha mo!
Tinalikuran ko na lang siya. Ni hindi man lang nakipagplastikan at makibati rin sa akin. Ano pa ba ang mai-expect ko sa lalaking iyon? Siyempre, wala.
Nagkaroon ng munting salu-salo pagkatapos ng programa. Doon pa rin sa cultural center ginanap. Maraming lumapit sa aking mga Hapon. Nakipagkuwentuhan. Tanung-tanong sila tungkol sa Pilipinas. Masaya naman akong nagbida tungkol sa bayan ko.
Pero all throughout the ocassion, hindi ako nilubayan ni Liam. Nakabuntot ito sa akin palagi. Kaya napagkamalan siyang boyfriend ko.
"Yeah, we look good together ne (right)," sakay nito sa sapantaha ng isang Hapon na lumapit sa amin. Sinulyapan pa ako at nginitian nang ubod-tamis. Sapakin ko kaya ang kumag na ito?
"Oh no. He's not my boyfriend," tanggi ko naman.
"Not yet," pagtama nito. Aba, may balak. Sorry ka na lang at bistado ka nang bolero.
Mayamaya pa may lumapit na babae kay Liam. Sinulyapan ako ng babae bago tumingin uli sa kasama ko. Naintindihan ko naman siya. Kaya ako ang kusang lumayo. Siguro isa siya sa mga babae ng mokong.
Kumuha ako ng inumin at lumayo nang kaunti sa mga bisita. Nakakapagod ding makipagsosyalan. Gusto ko nang umuwi sa apartment ko.
"Are you okay with your boyfriend flirting with another girl?" narinig kong tanong buhat sa aking likuran. Hindi ko inaasahang lalapitan niya ako dahil kanina pa siya tahimik at parang dinidedma lang ako.
Tinapunan ko ng tingin ang sinasabi niyang boyfriend ko, si Liam. Mukha ngang may pinag-uusapan silang seryoso ng babaeng lumapit kanina sa amin.
"Liam is not my boyfriend," pagtatama ko sa assumption niya.
"Oh? He's not?" parang di ito makapaniwala. "But I saw him hugged and kissed you like a boyfriend after you performed."
"That's what they did. I mean what everybody did," pagtatama ko na naman sa mali niyang akala. Kung tutuusin hindi lang naman si Liam ang yumakap at humalik sa akin. Halos lahat ng IET pwera sa kanya.
"Yeah, except me," mahina nitong sagot. "Well, if you want me to... I would be more than willing to oblige," medyo sarkastiko nitong sagot.
Napataas ang kilay ko. Oblige? I-oblige mong mukha mo! Pero sa halip ay nginitian ko na lamang siya at nag-sip sa wineglass ko. Hindi ko na siya sinagot. Akala ko aalis na siya pero tumabi lang sa akin.
"I didn't know you could sing well," sabi pa nito.
"Well, now you know..," pamimilosopa ko.
"I like that song. Although I don`t understand a word of it, it sounds really good."
Tumango ako. Hindi pa rin nagsalita.
"You really have a powerful voice like a pro. I would want you to sing in my wedding," sabi nito nang hindi pa rin ako umimik. Napamulagat ako. Napatingin sa kanya. Ano? No way! Hinding-hindi ako kakanta sa kasal mo. Hindi nga ako dadalo, e. Kakanta pa kaya?
"Why don't you ask Ate Beth?" Gosh, hindi ko ma-imagine ang lalaking ito na ikinakasal sa iba. Hindi ko kaya. How much more ang kantahan pa sila ng magiging misis nito?
"Why not you?" hamon nito sa akin.
"I only sing to friends. Excuse me," at tinalikuran ko na siya.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
The Jilted Bride (Completed) EPILOGUE
Normal 0 false false false EN-US JA X-NONE
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-THREE – A MOTHER`S PRAYER
Himala. Hindi umiyak ang kambal habang binabasbasan sila ng pari. Kahit mainit sa simbahan mukhang okay lang sa dalawang bulinggit. Panay lang ang palinga-linga nilang dalawa dahil maraming tao. Inimbita kasi namin ang halos lahat na kamag-anakan nila Papa at Mama pati na rin ang mga Pilipinong kamag-anak ni Brian. Kaya may ibang bisita na galing pa talagang Ilocus at Pampanga. Pagkatapos ng binyag, dinala namin ang mga bisita sa pinakamalapit na Max's Restaurant. Hindi na kami naghanda sa bahay para iwas-pagod. Yon din kasi ang suhesty
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-TWO – LOCKET
Napansin kong titig na titig si Brian kina Tito Mando at Mom habang sila'y nagkukumustahan. Naantig ang damdamin ko lalung-lalo pa nang mapansin kong pasulyap-sulyap rin sa kanila si Dad. Iniwan ko sandali ang kambal kina Kelly at Helen at nilapitan ko si Brian. I hugged him tightly. Parang nabigla ito pero gumanti rin naman ng mahigpit na yakap sa akin. "What are you thinking?" tanong ko.
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY-ONE – NOCHE BUENA
Lumaki rin akong walang ina pero hindi naman naging big deal yon sa akin. Nabusog din kasi ako sa mga kuwento ni Papa tungkol kay Mama. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Ni hindi nga siya nag-asawa uli dahil wala siyang nakita na katulad ng ina ko. Kaya lumaki akong kampante sa buhay. Walang masyadong inaalala dahil alam kong bunga ako ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Pero si Brian ay iba daw. He grew up thinking that he was the cause of his parents' misery. Sinisi rin niya ang sarili sa pagkakaiwan sa kanila ng kanyang mommy. Kahit binusog rin siya ng ama sa pagmamahal, hindi daw yon naging sapat. May mga pagkakataon na kinamumuhian niya ang sarili dahil inisip daw niya na his presence made everything worse for his dad. Living reminder kasi siya ng babaeng pi
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SIXTY - CHAMPAGNE
Wala kaming nagawa ni Brian sa plano ni Dad na umalis ng bahay kinabukasan. Magho-hotel na lang daw siya for three days at babalik na ng York pagkatapos. Nagpaalam naman ito nang maayos kay Mommy. Mukhang civil na sila. Pero alam kong deep down, may hinanakit pa rin sila sa isa't isa. Pero at least, hindi na nagsisigawan. Tahimik lang si Mommy habang naghahanda ang mag-ama niya sa pag-alis. Binabantayan niya ang dalawang bata na himbing na himbing sa pagtulog. Ako nama'y hindi magkandaugaga sa
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER FIFTY-NINE – THE BEGINNING
Hindi ko alam kung tulog na si Mommy nang pumasok kaming tatlo. Pasado alas dos na nang umaga at galing pa siya sa mahabang byahe kaya maaaring tulog na nga siya. Naawa din ako sa kanya kasi hindi rin siya nakapaghanda sa nadatnan niyang sitwasyon. Pero hindi ko naman sinisisi ang asawa ko na hindi niya inabisuhan ang mga magulang. Kung sinabi niya ang totoo sa kanila, palagay ko'y bumalik nang wala sa oras sa York si Dad o di kaya'y di na tumuloy si Mom. Mabuti nang magkomprontahan sila para matuldukan na rin ang kahapon nila. Humupa na rin ang damdamin
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER TWENTY – BABE
Two weeks nang di nagpaparamdam si Brian simula nung hinatid niya ako sa bahay pagkatapos ng English Camp. Ganun na lang ba yon? Sising-sisi tuloy ako kung bakit nagpadala ako sa halik niya. Gusto kong ku
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER NINETEEN – SONG
Medyo nagkahiyaan kami ni Brian nang sumunod na mga araw. Hindi nga ako makatingin sa kanya ng deretso. Ganun din siya. Pero alam ko na pag di ako natingin ay nakatitig siya sa akin. Andami kayang nagmama
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER EIGHTEEN - MESSAGE
Hindi na ako bumaba nang gabing yon para magdinner. Medyo mahirap kasing maglakad. Pero nag-subside ang swelling ng paa ko dahil sa ice pack na nilagay ni Brian doon. Laking pasasalamat ko sa tulong niya.
The Jilted Bride (Completed) CHAPTER SEVENTEEN - IN HIS ARMS
Hilung-hilo ako. Grabe. Hindi ako sanay gumising nang ganito ka aga. Alas kuwatro pa lang naligo na ako dahil alas sais impunto daw ang call time sa city hall. Ngayon ang unang araw ng English Camp. Instant miso soup,
