loading
Home/ All /Tell Me Where It Hurts/Chapter Two

Chapter Two

Author: Amaryllis
"publish date: " 2020-10-19 04:12:43

Malapit na kaming makababa ng mapalingon ang kasama niyang matanda saakin. He have a greek features just like Klein. This must be his Dad, medyo magkamukha pala sila hindi ko napansin kanina kasi na kay Klein lang 'yong atensyon ko. May nakita akong kislap sa mga mata niya't paghanga habang nakatingin saakin.

"Oh! What a lovely lady we have here. Is this your daughter already kumpadre?" Napatayo pa siya habang sinasabi 'yon kaya napalingon tuloy si Daddy sa kinaroroonan ko.

"Yes kumpadre." Iminwestra ni Daddy 'yong kamay niya na pumunta ako sa tabi niya kaya binilisan ko iyong lakad ko.Nagbigay galang naman si Nay Rosie sa kanila bago umalis.

"This is my daughter Chanel Amery." Pagpapakilala ni Daddy saakin.

"Hello po. Good Evening Tito-- ahm.."

"Call me Tito Zach hija. And this is my son Klein." Nakangiti niyang sabi habang isang tapik sa balikat naman ang ibinigay niya sa anak niya.Hindi nila alam na matagal na kaming magkakilala kaya hindi nalang ako nagreact.

Isang tango lang ang ibinigay niya saakin bago ulit ibinalik ang tingin sa cellphone niya. Hindi man lang ngumiti, kahit pa kunwari lang. Napilitan lang yatang sumama ngayon dito.

Nagyaya na si Daddy sa komedor. We have a long glass table with twelve chairs. We have an antic chandeliar on the ceiling that serves as our light. Daddy and I sat on the left side and they both sat on the right side facing us. Maraming pagkain ang nakahanda sa hapag.

Patuloy lang na nagkwe kwentuhan si Daddy at si Tito Zach habang kami naman ay walang imik.

Marami silang pinag usapan, tungkol lang naman sa mga business nila. I heard that Daddy and Tito Zach owned the largest oil company in Asia and that they want to expand the business. They are aiming in European country now. 

Klein and I will only marry because of business. And I heard that after we get married, Klein will take over the company. He will be appointed as the new Ceo because Daddy wants to retire already.

Tinignan ko si Klein, bale kami ang magkaharap sa hapag. Seryoso lang siyang kumakain, sumasagot lang siya kapag tinatanong. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya, ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo tignan. Bigla siyang tumingin saakin, I smiled sweetly at him and he smiled back.

Shit! Did he just smiled at me? Yumuko ako at kumurap kurap baka kasi namamalikmata lang ako pero nong tignan ko ulit siya, balik na naman sa pagiging pormal ang mukha niya. Medyo nalungkot ako, siguro nga namalikmata lang ako. Asa namang ngingitian niya ako.

Tumayo na sila senyales na tapos na silang kumain, ni hindi pa nga ako nangangalahati sa kinakain ko. Uminom na lang ako ng tubig tsaka nagpunas ng bibig. 

Sumunod ako sa kanila, pumunta si Tito Zach at Daddy sa taas at may pag uusapan pa raw sila kaya naiwan kami ni Klein sa sala. Umupo siya sa mahabang sofa, tumabi ako sa sa kanya pero doon ako sa pinaka gilid umupo.

Ang akward kaya naman binuksan ko yong tv, inilagay ko sa channel na may larong soccer. Alam kong mahilig siya sa larong 'yan. Halos lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko na, papasa na nga akong stalker dahil sa dami ng alam ko. Tumingin siya sa akin, nagtatanong ang mata niya.

"'Diba paborito mo yan?" Alanganin akong ngumiti.

"How did you know?" Kunot noong sabi niya.

"Well I--- ahm..I did a little research about you." Kinakabahang sagot ko. 

Hindi ko sinabing halos lahat ay alam ko na tungkol sa kanya baka kasi macreepyhan siya saakin.

"Really huh?" I saw him smirk pero nakatutok 'yong mata niya sa pinapanood, ako naman ay tinititigan ko lang siya.

Hindi naman ako mahilig sa larong 'yan kaya bubusugin ko nalang ang mata ko sa pagtitig sa kanya.

"Will you stop staring at me?" Biglang sabi niya habang naka kunot ang noong nakatingin saakin.

Napalunok tuloy ako ng laway ng wala sa oras. He just caught me in the act while dreamily staring at him. My god Chanel! This is so embarassing. Baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya. 

I cleared my throat.

"Ah, so kumusta kana?" Balewala kong sabi. Ngumiti ako at nakipagtitigan sa kanya pero umiwas siya ng tingin.

"Never been fine." Masungit niyang sagot.

"Why?" Tanong ko ulit.

"Your'e seriously asking me that?" This time seryoso siyang lumingon saakin kaya nakita ko nanaman ang mga malalalim niyang mata. Parang malulunod ako sa klase ng pagkakatingin niya.

Ako naman 'yong umiwas ng tingin kasi hindi ko matagalan yong tingin niya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masunggaban ko siya ng yakap. Tinanggal na niya yong coat niya kanina kaya naman yong puting long sleeves nalang niya ang natira. Hapit sa kanya yong damit kaya naman bakat yong mga muscles niya.

Sa gilid ng mga mata ko nakita kong tinanggal niya yong necktie niya at binuksan ang tatlong butones ng long sleeves niya, hindi ko napigilang humarap ulit sa kanya at tumambad sa mata ko ang matigas niyang dibdib. Hindi ko nanaman mapigilang mapalunok dahil sa nakita ko. Ano kaya ang feeling ng mayakap ng isang Klein Dometry?

Tumaas 'yong tingin ko papunta sa mga labi niya, bakit ganun? Ang nipis ng bibig niya at mamula mula pa. Ang sarap sigurong humalik ng mga labing 'yan. Tumaas pa yong tingin ko papunta sa mga mata niya at-----

"Are you done checking me out?" Nakataas ang kilay na sabi niya. "Ano tititigan mo nalang ba ako?" Maaskad na pagkakasabi niya. 

Ang sungit talaga nito kahit kailan. Napairap nalang ako sa kanya kaya naman mas lalo nanamang sumama 'yong pagkakatingin niya.

"And you seriously dared rolled your eyes on me?" Nakita na nga niya tatanungin pa?

"And will you please talk? Naging pipi ka na ba?"

"Bakit ba ang sungit sungit mo saakin? May nagawa ba akong masama sayo? Parang tinititigan ka lang, masama na bang titigan ka?" Tuloy tuloy kong salita, tinapatan ko ang sama ng pagkakatingin niya. 

'Sige labanan nalang tayo ng samaan ng tingin'.

"You do know that it's rude to stare right?"

"Ay! sorry naman, hindi ko kasi alam." Napatakip pa ako ng bibig, kunwari talaga ay hindi ko alam.

"Tss..Whatever!" Bigla siyang tumayo at akmang aalis ng hawakan ko ang kamay niya. Pero bigla ko ring inalis kasi parang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko.

"Wait! Where are you going?" Pigil ko sa kanya. Alisto rin akong napatayo.

"As you can see, uuwi na. What am I even doing here? Para sabihin ko sayo napilitan lang akong pumunta dito, pinagbigyan ko lang si Dad." Nasaktan ako dahil sa sinabi niya.

"Pero hindi pa tayo nakakapag usap." Ngayon na nga lang ako binigyan ng pagkakataong mapalapit sa kanya tapos agad agad naman siyang aalis.

"Meron ba tayong dapat pag usapan?" Pabalang niyang tanong.

"Ofcourse madami, hindi mo ba gustong kilalanin ang babaeng mapapangasawa mo?" Lakas loob kong sagot.

"And who the hell says that I am going to marry you?" Galit na sigaw niya habang masamang nakatingin saakin.

"Hindi mo ba narinig ang pinag uusapan ng mga magulang natin kanina habang kumakain tayo?" Pagpapa alala ko sa kanya. Hindi ko pinansin ang masama niyang tingin, sanay naman na ako.

"No! And I am not even interested to hear whatever that you are talking about." Walang awang sagot niya. Mapanakit talaga 'tong lalaking ito.

"Sinasabi mo bang ayaw mo akong pakasalan? Itong ganda ko na ito tatanggihan mo? Didn't you know that I am Chanel Amery Martini and no one dared to resist me?" Nanggagalaiti kong sigaw. 

"Really?" Nang uuyam niyang sagot. 

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya kaya napapikit ako. Hindi ko matagalan ang nagbabaga niyang tingin. Nangatog ang tuhod ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa sobrang lapit na ng mukha niya. Pati hangin ay mahihiyang dumaan sa ayos namin. 

Akala ko tuloy hahalikan niya ako pero bumulong lang pala siya malapit sa may tainga ko.

"Then maybe I am the first. If you think that you can get everything you want including me, then think again brat. Alam kong plinano mo ang lahat ng ito. Ganyan ka na pala kadesperadang makuha ako? Sorry to dissapoint you but I will never ever agree to this stupid plan of yours. You should have known better." Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi niya. Tinapatan ko ang talim ng pagkakatingin niya.

Hindi ko ipapakitang nasaktan ako sa sinabi niya. Gustong gusto ko nang umiyak pero tinatagan ko ang loob ko. Sabi ko na nga ba at iisipin niyang plinano ko lang ang lahat ng ito.

"I'm sorry to dissapoint you too, but wether you like it or not you are going to stuck with me and you can't do anything about it." Nakangisi kong sagot.

Mas lalong sumama 'yong tingin niya, parang gusto na niya akong sakalin pero nagpipigil lang. 

Sige lang magalit ka. Sa ginagawa mo mas lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para ituloy ang kasal.

"Let's see." Nakangisi niyang saad at tumalikod na. Wala na akong nagawa kundi titigan na lang ang likod niya papalayo.

Naiinis akong umakyat at pumasok sa kwarto ko. Basta ko nalang iniwan ang nakabukas na tv. Bahala na ang mga katulong na patayin 'yon. Sa ngayon magpa plano pa ako ng mga susunod kong hakbang para mapasaakin ang isang Klein Dometry.

I will make his world upside down. Lahat nakukuha ko at hindi siya exempted doon. Ngayon pa lang maghanda ka na Klein Dometry dahil magiging akin ka, sa ayaw at sa gusto mo. 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Tell Me Where It Hurts   Chapter Nine

"Bes pansinin mo naman ako, baka hindi mo napapansin kanina pa ako nagpapa pansin," nagmamakaawang sabi ng baklita, nakanguso pa siya na akala mo naman ikinaganda niya. Kung titingin lang siya sa salamin, baka magsisigaw pa siya dahil sa nakaririmarim na itsura niya."Sinabing huwag mo akong kinakausap at nanggigigil pa ako sa'yong bakla ka," nakairap na sabi ko. Hinawi ko ang buhok kong tumakip sa mata ko at binilisan ang paglalakad ko.Hapon na at pauwi na kami, katatapos lang ng huling subject namin. Kaninang umaga pa siya nagpapa pansin at malapit na akong mainis, konting konti na lang at tototohanin ko na ang banta kong sasabunutan ko siya hanggang malagas ang lahat ng buhok niya."E kasi naman besy, sorry na kasi, nakakatakot kasi ang itsura ni papa Klein kahapon, parang gusto niya akong patayin sa klase ng pagkakatingin niya." Pangangatwiran pa niya. Umagapay siya sa paglalakad saakin, pero hindi ko siy

Tell Me Where It Hurts   Chapter Eight

Nag iwas ako ng tingin ng bumusina ang bodyguard ko, narito na pala kami sa harap ng gate namin. Bumukas ang gate at marahang pumasok ang sasakyan ni Klein kasunod ang isa pang sasakyan sa likod.Nang huminto ang sasakyan sa may garahe namin, ako na ang kusang nagbukas ng pintuan at dali daling lumabas. Hindi ko na hinintay na ipagbukas ako ng pintuan ng bodyguard ko na siyang palagi nilang ginagawa.Hindi ko na rin tinignan kong nakasunod ba si Klein sa likod ko. Nahihiya akong humarap sa kanya. Ngayon pa lang nagsisink sa utak ko ang ginawa namin kanina, wala na 'ata akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Ano kayang iniisip niya tungkol saakin? Baka nadisappoint siya dahil hindi ako marunong humalik, pero gusto niya daw akong halikan. Kikiligin na ba ako?Papasok na ako sa bahay ng makita ko si daddy na nakaupo sa sofa, talagang hinihintay niya nga ako. Napakunot ang noo niya ng makita niya akong naglalakad patungo sa kanya.

Tell Me Where It Hurts   Chapter Seven

"And where do you think you are going Chanel? Tatakasan mo na naman ba ako?" He dangerously said. He's famous smirk is plastered all over his face.Nawala ang takot ko dahil nabwisit ako sa inasta niya."Ofcourse not! Umalis ka diyan at may pupuntahan pa kami." Hinawi ko siya para sana makadaan kami pero ni hindi man lang siya natinag mula sa kinatatayuan niya."Ano ba? Padaanin mo kami!" Naiinis kong bulyaw pero ang siste, wala talagang kagalaw galaw mula sa pag kakatayo."Let's go home." Walang emosiyong saad niya, kababakasan ng kaseryosohan ang mukha niya. Nawala na ang pagkakangisi niya, the way he looked at me makes my knees turn into jellies. Medyo kinabahan ako kasi kapag ganyan ang boses niya nagtitimpi na lang siya na bigwasan ako, pero hindi ako nagpatinag. Sino ba siya sa akala niya?"Oo, uuwi na kami pero hindi ako makikisabay sa'yo. We can go home without you." masungit kong saad. "Rig

Tell Me Where It Hurts   Chapter Six

"Ano ba Chanel, tumalon ka na, makikita na tayo sa sobrang bagal mo e,"pagrereklamo ni Trexie.Nauna siyang bumaba saakin, nandito kami sa likod ng eskwelahan namin, uwian na namin pero hindi kami sa harap dumaan dahil nga may usapan kaming lalabas ngayon. Hindi kami pwedeng dumaan sa harap dahil makikita kami ng mga bodyguards ko."Teka lang naman kasi at medyo nalulula ako, hindi ba ako mababalian ng buto kapag tumalon ako diyan?" Nag aalalang sabi ko. Nakatungtong ako sa ladder board na hiniram namin sa janitor na nakita naming naglilinis kanina. Idinahilan na lang namin na gusto naming kumuha ng bunga ng mangga, eksakto namang may mga hinog na itong bunga. Mabilis naman niya kaming pinahiram at pina alalahanan na mag ingat kami at baka mahulog kami. Hinintay muna namin itong maka alis bago namin isinagawa ang plano namin."Hindi ka mababalian ng buto riyan, hindi naman sobrang taas a, tignan mo nga ako at wala namang nangyari sa

Tell Me Where It Hurts   Chapter Five

It's been two months since the last time I saw Klein, nasa magkaibang department kasi kami kaya hindi kami nagpapang abot. He is taking his masterals degree here.After niya ako ihatid noon, ni anino niya hindi ko na nakita. And about Trinity, I always saw her here in our school but I am just ignoring her. She always have that warm smile whenever our gaze met but I will just rolled my eyes in return."Excuse me Miss Domingcil but why do we need to give meanings every poems that Robert Frost write? Do we need that when we apply in a bank?"I gaze at Trexie Santos, my gay friend when I heard what he said to our English Professor. Napatawa nalang ako ng mahina, like why the hell would he ask that? May pagka terror pa naman ang matandang prof. namin. But on the other side, may tama naman siya. Our course is Bachelor of Science in Accountancy so I don't get it why we need to study that thing.Napasulyap ang m

Tell Me Where It Hurts   Chapter Four

Tapos na akong mag enroll at hindi ko alam kong saan kami ngayon papunta. Ayaw ko namang magtanong dahil naiinis parin ako sa kanya. Basta ang alam ko lang tumawag sa kanya si Trinity at magkita daw sila kaya heto pati ako isinama hindi man lang tinanong kung gusto kong sumama, napaka walang modo talaga.A few minutes later we stopped in front of an Italian Restaurant. The design is very elegant and the colors is very fresh from the eyes. The glass wall is not tinted. From here, I can see few couples happily eating. I frown because of the thought that I will eat here. Tss...Ano namang kakainin ko dito? Pasta? Really? Mabubusog ba ako niyan? And how about my dress? Naka jeans lang kaya ako, pwede bang pumasok diyan ng naka jeans lang? Puro naka formal ang mga nakita kong kumakain dito. Napairap ako ng wala sa oras at ng ibaling ko ang tingin sa kanya nakatitig pala siya saakin, napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy