Download the book for free
Chapter Three
Author: AmaryllisMaaga akong gumising ngayon, gusto kong maabutan si Daddy bago siya pumuntang opisina dahil may ipapakiusap ako sa kanya. Sana pumayag siya.
Mabilis akong pumunta sa banyo,naghilamos at nagtoothbrush. Wala nang suklay suklay dahil andito lang naman ako sa bahay. Bahala nang magmukhang mangkukulam wala namang ibang makaka kita. Mga katulong at mga tauhan lang naman ni Dad ang nandito so wapakels ako sa itsura ko atleast naghilamos at nagtoothbrush ako makuntento na sila dun. Kung may problema pa sila sa ayos ko pakamatay na sila wala akong paki alam.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa harapan ko ang tatlong bodyguards ko. They bow down their head when they saw me and said 'Good morning Senyorita' in unison. But because I am Chanel Amery Martini I just ignore them. Why would I greet them back anyway? It's not really good seeing them in this very early hour. Nilagpasan ko lang sila at nagtuloy tuloy pababa ng hagdanan. Dali dali naman silang sumunod saakin.
Nagtuloy tuloy ako sa komedor but I stop right on my track ng makita ko kong sino ang kaharap ni Dad sa hapag. Nagsisi tuloy ako na hindi ako nakapag suklay man lang, mukha pa naman akong bruhilda sa ayos ko. Buti nalang at nakapaghilamos pa ako at nakapag toothbrush.
I greeted 'Good morning" in no particular para makuha ko ang atensiyon nila. Nagtagumpay naman ako dahil sabay silang lumingon saakin. Si Dad, habang seryosong nakatingin saakin pero biglang napakunot noo at si Klein na may naglalarong ngiti sa mga labi habang nakatingin saakin. What is he even doing here? Akala ko ba galit siya saakin?
"You go out in your room without even fixing yourself? Ganyan ba ang tamang gawi ng isang dalagang babae? You didn't even brush your hair. That is so unlady like Chanel!" galit na sita ni Daddy saakin. Napahilot pa siya sa sentido niya.
Napangiwi nalang ako sabay upo sa tabi ni Dad.
"At bakit ang aga mong nagising? This is so unusual, akala ko aabutin kapa ng tanghalian sa higaan mo. What made you wake up this early?"
Hindi ko pinansin si Dad instead kumuha ako ng hotdog gamit lang ang kamay ko at kinagatan hanggang sa maubos ko. Napanganga si Daddy at Klein dahil sa ginawa ko. Oh! Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nagkakamay na kumain? Ninenerbiyos ako kaya nakalimutan kong gumamit ng kubyertos. Hindi naman krimen ang kumain ng nakakamay diba?
"CHANEL!!!" sigaw ni Daddy nang mahimas masan. Capslock na yan kasi nga galit na talaga siya. Tinignan ko si Klein at parang nandidiri pang nakatingin saakin. Wow ha, parang ngayon lang nakakita ng babaeng nagkakamay kumain. I'm sure nagkakamay rin kumain si Trinity 'his bestfriend' kasi nga mahirap lang yon. Kung makatingin naman to, tusukin ko mata niya gamit ang mahahaba kong kuko e. Inirapan ko nga, bahala siya sa buhay niya.
"Inagahan ko talaga ang gising Dad kasi nga may hihilingin sana akong favor sayo, " sabi ko nalang. Kukuha nanaman sana ako ng hotdog ng tampalin ni Daddy ang kamay ko.
"Where is your manners lady? Hindi ka man lang nahiya kay Klein? He will be your future husband for Goodness sake. Ano nalang ang iisipin niya? Na hindi ko tinuruan ng 'Good Etiquette' ang mapapangasawa niya?" Nandidilat matang sabi niya.
Napaismid nalang ako sabay tingin kay Klein na nakangiwi. Tinaasan ko siya ng kilay. Kung sabihin ko kaya na wala naman siyang planong pakasalan ako?
Pero 'wag muna ngayon at baka mas lalong mabadtrip si Dad. Kailangan ko munang maisagawa ang plano ko.
"Dad naman, I have manners pero mas mabuti ng ipakita ko ang totoong ako habang maaga pa. If Klein really wants to marry me, then he should accept all my flaws, be it good or bad. Right Klein?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.
"Yes Sir! It's ok with me. I don't mind anyway. After all sabi niyo nga magiging asawa ko na siya so I don't mind seeing her eating that way. Sa katunayan nga po e nakaka aliw siyang tignan." Gatong niya sa sinabi ko.
Tinignan ko siya ng masama. Ang plastik ng lalaking 'to, nakaka aliw daw e diring diri nga siya kanina habang kumakain ako.
Napahilamos ng mukha si Daddy at tumango tango sa sinabi niya.
"Sige hijo kung 'yan ang sabi mo." Nagpunas si Daddy ng bibig tsaka tumayo.
"By the way hijo, ikaw na ang bahala kay Chanel, pakisamahan mo nalang siyang mag enrol sa University na napili ko." Napa 'Opo Sir' naman si Klein habang ako ay naguguluhan lang na tumingin kay Daddy.
"Dad?"tanong ko.
Tumingin siya saakin." I want you to study here. Mas mabuti na yong nasa iisang lugar lang kayo ni Klein para mas madali lang na magkita kayo kung sakaling gusto niyong kilalanin pa ang isa't isa. And don't say no because I already arranged everything for you. All you have to do is to go to that school and enroll. And Klein is here, because he will accompany you." Tuloy tuloy na sabi ni Dad kaya hindi na tuloy ako naka angal pa.
Well mabuti na rin yon kasi wala na rin naman akong planong mag aral pa sa New York. 'Yon nga rin sana ang sasabihin ko sa kanya pero naunahan na ako.
"No problem Dad, 'yon nga rin sana ang sasabihin ko."
"OK! It's settled then, go to your room and change now. Don't make Klein wait too long for you." Tumingin si dad sa relo niya.
"I better get going, I still have a board meeting to attend to. You don't need your bodyguard to come with you. I trust Klein that he can take care of you." Tinapik niya sa balikat si Klein at tuloy tuloy nang umalis sa hapag kainan.
Buti naman at hindi sasama ang mga asungot kong bodyguard.
"Bilisan mo at magbihis ka na, narinig mo naman ang sinabi ng Daddy mo. Huwag mo akong paghintayin ng matagal. May mas importante pa akong gagawin pagkatapos nito." Magaspang na sabi ng plastik na lalake dito sa tabi ko.
"Wala nang mas iimportante pa sa akin. Tutal pinakiusapan ka naman ni dad na samahan ako puwes lulubos lubusin ko na. Karapatan mong maghintay dahil pumayag ka naman." Inirapan ko muna siya bago ako mabilis na tumalikod.
Inunahan ko na siyang lumabas sa hapag kainan. Tuloy tuloy ako sa kwarto ko, hindi ko nakita ang mga bodyguard kong nakasunod saakin. Sinabihan na siguro sila ni dad na hindi ko muna sila kailangan ngayon.
Halos inabot ako ng kalahating oras sa paliligo. Mabilis akong nagbihis. I wear a Gucci white fitted t-shirt and chanel skinny pants. Then I put on my limited edition black and white adidas shoes. I put heavy make up on my face, nagmukha akong matured sa itsura ko pero keri lang maganda parin naman ako.Tinignan ko ang orasan at halos isa't kalahating na pala ang itinagal ko. I get my Gucci sling bag and decided to go down.
Dali dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Klein na hindi na maipinta ang pagmumukha, panay tingin sa relo niya.
Tinawag ako ni Nay Rosie kaya napalingon tuloy si Klein sa akin.
"Saan ka pupunta anak? Nasaan ang mga bodyguards mo? Hindi ka pwedeng lumabas ng mag isa at siguradong hindi ka papayagan ng daddy mo." Natatarantang sabi niya.
"It's ok nay, alam ni Daddy na lalabas ako. Sa katunayan siya pa mismo ang nagsabing pwede na akong mag enroll sa skwelahang napili niya." Pagpapa lubag loob ko.
"Eh sinong sasama sayo? Nasaan ang mga bodyguards mo? Hindi ka pwedeng lumabas ng wala sila anak."
Napatingin ako kay Klein na biglang pumormal ang mukha. Napatingin rin si nay Rosie sa kanya. Tipid siyang napangiti.
"Siya po ang kasama ko nay." Itinuro ko siya at napatango naman ito.
"Huwag po kayong mag alala Nay Rosie ako po muna ang bahala sa kanya." marahang sabi niya sabay ngiti. Napairap nalang ako, ang plastic talaga. Kapag nagtuloy tuloy pa ang pagka plastic niya pwede na siyang irecycle.
Tumango naman si Nay Rosie." Sige hijo alagaan mo yang dalaga namin ha? Huwag mong hayaang makawala, marami pa namang nag aabang diyan kapag naiwala mo, "makahulugang sabi niya.
Medyo naguluhan naman ako sa sinabi ni Nay Rosie. Ang lalim kasi ng pagkakahugot niya.
"Huwag po kayong mag alala Nay hindi po siya makakawala hanggat nandito ako, " seryoso namang tugon niya. Tinignan pa niya ako at bigla akong kinilabutan sa klase ng pagkakatingin niya saakin. Meron akong nakitang isang emosyon na hindi ko mapangalanan dahil ngayon ko lang naman ito nakita sa kanya.
"Sige umalis na kayo at baka tanghaliin na kayo sa pupuntahan niyo. Mag ingat kayo, ibalik mo ng buo ang dalaga namin." pagtataboy niya saamin.
"Makaka asa po kayo Nay." OMG! hindi ko kinakaya ang kaplastikan ng lalaking 'to.
Nang umalis na si Nay Rosie, sabay narin kaming naglakad palabas ng bahay. Nagkalat ang mga bodyguards namin. Namataan ko ang tatlong bodyguards ko na nasa harap ng gate, nagbabantay.
Sinundan ko si Klein at tumapat siya sa sasakyan na kulay itim. I think I know this car. Dahil ito lang naman ang limited edition Laferrari Aperta na nakita kong tinitignan ni Dad sa isang brochure. This car cost a billion, alam kong kayang kaya niya talagang bumili ng ganito kamahal na sasakyan.
Walang imik niyang binuksan ang pintuan sa driver side at pumasok. What the hell! Wala man lang ba siyang balak na pagbuksan ako ng pintuan?
Inis kong kinatok ang bintana ng kotse sa may tapat niya. Dali dali naman niya itong binuksan, takot yatang magas gasan ang sasakyan niya.
"What the hell is your problem? Bakit hindi ka pa pumasok? Ano pang hinihintay mo, late na tayo sa pupuntahan natin!" gigil niyang sita saakin.
"Bakit hindi mo ko pinagbuksan ng pintuan?" Inis kong sagot. Napaka walang hiya talaga ng lalaking ito.
"At bakit kita pagbubuksan? May kamay ka naman, bakit hindi mo gamitin para mabuksan mo? Pinaghintay mo na nga ako ng isa't kalahating oras tapos gusto mo pang pagbuksan kita? Aba naman senyorita, masyado ka naman yatang sinuswerte." Nang uuyam na sabi niya. Aba't, napakawalang hiya talaga. Ni hindi nga ako nagbubukas ng pintuan ng sasakyan namin tapos ako uutusan lang?
"Ikaw narin mismo ang nagsabing isa akong senyorita. Pinagsisilbihan ang mga katulad ko hindi inuutusan lang."
"In the first place hindi mo ako tauhan kaya wala kang karapatang utusan ako at pangalawa, buksan mo mag isa yang pintuan, huwag mong hintaying pagbuksan kita dahil hinding hindi ko gagawin yon!" sigaw niya habang nakatingin ng masama saakin. Saglit akong napatulala sa sinabi niya pero nang makahuma ako pabalibag kong binuksan ang pintuan sa may passenger seat at pabalibag ring isinara.
Inis niyang tinampal ang manibela at masamang tumingin saakin. Inirapan ko lang at inilagay ang seatbelt ko. Tuwid akong tumingin sa harap, manigas siya pero hinding hindi ko siya lilingunin.
Narinig kong humugot siya ng malalim na buntong hininga at may ibinulong pero hindi ko naman narinig. Sa peripheral vision ko nakita kong mariin niya akong tinitigan pero hindi ako lumingon. Maya maya pa'y pinaandar na niya ang sasakyan. Kusang bumukas ang gate nang malapit na kami dito. Tuloy tuloy siyang nagmaneho habang wala na mang nagsasalita sa aming dalawa.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Tell Me Where It Hurts Chapter Nine
"Bes pansinin mo naman ako, baka hindi mo napapansin kanina pa ako nagpapa pansin," nagmamakaawang sabi ng baklita, nakanguso pa siya na akala mo naman ikinaganda niya. Kung titingin lang siya sa salamin, baka magsisigaw pa siya dahil sa nakaririmarim na itsura niya."Sinabing huwag mo akong kinakausap at nanggigigil pa ako sa'yong bakla ka," nakairap na sabi ko. Hinawi ko ang buhok kong tumakip sa mata ko at binilisan ang paglalakad ko.Hapon na at pauwi na kami, katatapos lang ng huling subject namin. Kaninang umaga pa siya nagpapa pansin at malapit na akong mainis, konting konti na lang at tototohanin ko na ang banta kong sasabunutan ko siya hanggang malagas ang lahat ng buhok niya."E kasi naman besy, sorry na kasi, nakakatakot kasi ang itsura ni papa Klein kahapon, parang gusto niya akong patayin sa klase ng pagkakatingin niya." Pangangatwiran pa niya. Umagapay siya sa paglalakad saakin, pero hindi ko siy
Tell Me Where It Hurts Chapter Eight
Nag iwas ako ng tingin ng bumusina ang bodyguard ko, narito na pala kami sa harap ng gate namin. Bumukas ang gate at marahang pumasok ang sasakyan ni Klein kasunod ang isa pang sasakyan sa likod.Nang huminto ang sasakyan sa may garahe namin, ako na ang kusang nagbukas ng pintuan at dali daling lumabas. Hindi ko na hinintay na ipagbukas ako ng pintuan ng bodyguard ko na siyang palagi nilang ginagawa.Hindi ko na rin tinignan kong nakasunod ba si Klein sa likod ko. Nahihiya akong humarap sa kanya. Ngayon pa lang nagsisink sa utak ko ang ginawa namin kanina, wala na 'ata akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Ano kayang iniisip niya tungkol saakin? Baka nadisappoint siya dahil hindi ako marunong humalik, pero gusto niya daw akong halikan. Kikiligin na ba ako?Papasok na ako sa bahay ng makita ko si daddy na nakaupo sa sofa, talagang hinihintay niya nga ako. Napakunot ang noo niya ng makita niya akong naglalakad patungo sa kanya.
Tell Me Where It Hurts Chapter Seven
"And where do you think you are going Chanel? Tatakasan mo na naman ba ako?" He dangerously said. He's famous smirk is plastered all over his face.Nawala ang takot ko dahil nabwisit ako sa inasta niya."Ofcourse not! Umalis ka diyan at may pupuntahan pa kami." Hinawi ko siya para sana makadaan kami pero ni hindi man lang siya natinag mula sa kinatatayuan niya."Ano ba? Padaanin mo kami!" Naiinis kong bulyaw pero ang siste, wala talagang kagalaw galaw mula sa pag kakatayo."Let's go home." Walang emosiyong saad niya, kababakasan ng kaseryosohan ang mukha niya. Nawala na ang pagkakangisi niya, the way he looked at me makes my knees turn into jellies. Medyo kinabahan ako kasi kapag ganyan ang boses niya nagtitimpi na lang siya na bigwasan ako, pero hindi ako nagpatinag. Sino ba siya sa akala niya?"Oo, uuwi na kami pero hindi ako makikisabay sa'yo. We can go home without you." masungit kong saad. "Rig
Tell Me Where It Hurts Chapter Six
"Ano ba Chanel, tumalon ka na, makikita na tayo sa sobrang bagal mo e,"pagrereklamo ni Trexie.Nauna siyang bumaba saakin, nandito kami sa likod ng eskwelahan namin, uwian na namin pero hindi kami sa harap dumaan dahil nga may usapan kaming lalabas ngayon. Hindi kami pwedeng dumaan sa harap dahil makikita kami ng mga bodyguards ko."Teka lang naman kasi at medyo nalulula ako, hindi ba ako mababalian ng buto kapag tumalon ako diyan?" Nag aalalang sabi ko. Nakatungtong ako sa ladder board na hiniram namin sa janitor na nakita naming naglilinis kanina. Idinahilan na lang namin na gusto naming kumuha ng bunga ng mangga, eksakto namang may mga hinog na itong bunga. Mabilis naman niya kaming pinahiram at pina alalahanan na mag ingat kami at baka mahulog kami. Hinintay muna namin itong maka alis bago namin isinagawa ang plano namin."Hindi ka mababalian ng buto riyan, hindi naman sobrang taas a, tignan mo nga ako at wala namang nangyari sa
Tell Me Where It Hurts Chapter Five
It's been two months since the last time I saw Klein, nasa magkaibang department kasi kami kaya hindi kami nagpapang abot. He is taking his masterals degree here.After niya ako ihatid noon, ni anino niya hindi ko na nakita. And about Trinity, I always saw her here in our school but I am just ignoring her. She always have that warm smile whenever our gaze met but I will just rolled my eyes in return."Excuse me Miss Domingcil but why do we need to give meanings every poems that Robert Frost write? Do we need that when we apply in a bank?"I gaze at Trexie Santos, my gay friend when I heard what he said to our English Professor. Napatawa nalang ako ng mahina, like why the hell would he ask that? May pagka terror pa naman ang matandang prof. namin. But on the other side, may tama naman siya. Our course is Bachelor of Science in Accountancy so I don't get it why we need to study that thing.Napasulyap ang m
Tell Me Where It Hurts Chapter Four
Tapos na akong mag enroll at hindi ko alam kong saan kami ngayon papunta. Ayaw ko namang magtanong dahil naiinis parin ako sa kanya. Basta ang alam ko lang tumawag sa kanya si Trinity at magkita daw sila kaya heto pati ako isinama hindi man lang tinanong kung gusto kong sumama, napaka walang modo talaga.A few minutes later we stopped in front of an Italian Restaurant. The design is very elegant and the colors is very fresh from the eyes. The glass wall is not tinted. From here, I can see few couples happily eating. I frown because of the thought that I will eat here. Tss...Ano namang kakainin ko dito? Pasta? Really? Mabubusog ba ako niyan? And how about my dress? Naka jeans lang kaya ako, pwede bang pumasok diyan ng naka jeans lang? Puro naka formal ang mga nakita kong kumakain dito. Napairap ako ng wala sa oras at ng ibaling ko ang tingin sa kanya nakatitig pala siya saakin, napalunok tuloy ako ng wala sa oras.
