loading
Home/ All /Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*/CHAPTER 2

CHAPTER 2

Author: Foreveryoung1206
"publish date: " 2020-08-31 18:08:14

"A-ah." 

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang bigla akong na-blangko ng tumitig ako sa madilim niyang mga mata. Itim na itim ito't hindi mo makikitaan ng kahit anong kulay. Kahit na natatamaan na ito ng sinag ng araw ay nanatili pa rin itong itim.

"It seems that you're done because you're doing something on your notebook. It's not related to this subject, right? So... I'm guessing that you're already done to your work." Inilahad niya naman ang kaniyang kamay. Shit! Kabado ako kahit tapos naman na ako. Why is that?

"Y-yes." Nauutal kong sagot at saka iniabot ang libro ko.

"Okay. You may take your break." Umalis na siya sa harapan ko, "Who else are already done?" Tanong niya't naupo na ulit sa harapan at saka seryosong in-check-an ang gawa ko. Tulala lang ako ng mga sampung segundo at nagpasya na 'kong maglipit ng gamit at lumabas na. Tutal tapos naman na ako.

"Hindi mo ako hihintayin?" Napalingon naman ako kay Aisie.

"I'm going to wait for you at the canteen. Kaya kung pwede bilisan mo na." Napairap na lang siya't sineryoso na ang ginagawa.

Bitbit ang panyo't wallet ko'y tumayo na ako at dire-diretsong lumabas. Hindi ko naman na ata kailangan magpaalam dahil sinabi niya naman na sa'kin na puwede na akong mag-break. Kaso nakakainis lang dahil... Dahil... Arghhh! Ewan ko ba! 

Diretso ang tingin ko sa daan. May iilan na ring mga estudyante ang naglalakad dahil nga recess naman na. Pero pambihira! 'Yong sa amin kasi kailangan tapos ka na bago ka makalabas. He's so damn strict. Kinarir niya na ang pagteteacher. The heck!

May nakakasalubong pa akong naghahalikan sa gilid at sobrang na-bad trip talaga ako. Like... Mga ate at kuya, motel ang hanapin niyo at huwag dito sa school. Not in this fucking school, in this fucking hallway! Tsk. Tas halata namang mas bata pa sila sa'kin, siguro mga grade 7 'yon. Nakakaloka!

"Hi Lush!" Napairap naman ako ng tawagin ako ni Halieyah ang pinakakinaiinisan ko sa lahat.

She isn't my classmate. She's from the other section at madalas kong makalaban sa iilang mga patimpalak dito sa school. Halata namang ayaw niya sa'kin pero heto siya't nilalapitan at kinakausap ako. Parang may masamang balak, humahanap ng butas, humahanap ng baho ko. But... Sorry siya dahil kung ayaw ko sa tao, ayaw ko. 

Nilagpasan ko lang siya at kita sa mukha niya ang pagkainis. Hinawakan pa siya sa braso ng dalawa niyang alipores. Tsk! Bakit pinipigilan nila? Wala akong paki kung sugurin niya ako. Nakapag-aral Kaya ako ng karate. Baka ma-karate ko siya ng wala sa oras. Kawawa naman. Inggratang 'yon kasi feeling close. Sus! Mag-close up na lang siya ng bumango naman ang hininga niyang amoy imburnal. Iniinis niya ako, kung anu-anong panlalait tuloy naiisip ko. Tsk!

"Lushhh!" Napapikit na lang ako't napahinto sa paglalakad.

Nandito nanaman ang makulit na si Drailen from grade 10 at mangungulit nanaman 'to na manligaw. Duh! Study first kaya ako at saka wala akong time sa mga ganiyan, so cheesy.

"Ano nanaman? Huwag mo na nga akong kulitin. Hayst!" Napakamot naman siya sa kaniyang batok at nginitian ako.

Well, gwapo naman siya pero I didn't feel any kind of attraction towards him. Pero 'yong echoserang kaibigan ko na si Aisie crush na crush 'to. Edi sana siya na lang 'yong niligawan para matahimik na ang buhay ko. Kaloka!

"Ihhh." Pinanliitan ko siya ng mata. 

"Ang bakla mo," sabi ko't binilisan ko na maglakad hanggang sa makarating sa canteen. 

Naupo na lang ako sa lugar kung saan madalas kaming kumain ni Aisie. Marami-rami na rin naman ang estudyante pero 'yong kaibigan ko napakatagal pa rin. Nagugutom na ako.

Alam ko namang madali na lang sagutan 'yon para kay Aisie. Pero bakit ang tagal niya? Sinasadya niya ata 'yon, eh. Siguro crush niya 'yong substitute teacher namin at saka siya rin ang nagpumilit na bumalik na lang kami ng classroom kanina. Hmmm... Kainis.

Ilang minuto na akong naghihintay dito kaya bumili na lang ako ng makakain ko. Gutom na talaga ako. Kaloka naman kasi 'yong babaeng 'yon, ang tagal. Baka naman hindi na 'yon pupunta dito. Aba! Paasa rin 'yon, talkshit ang babaitang 'yon, ah. Patapos na ang oras ng recess pero ang walang'ya kong kaibigan ay wala pa rin dito. Nakadalawa na ako nitong cookies and cream na ice cream, hindi pa rin dumadating. Tsk! Baka nilamon na siya no'ng sinasagutan niya. Kaloka!

Tumayo na lang ako't padabog na naglakad pabalik ng classroom. Bwesit! Nakakapagod maghintay, sana kasi sinabi niyang hindi siya tutuloy o kaya naman ay in-text man lang ako ng bruhang 'yon. Baka humaharot nanaman kaya nalimutan na ako. 

Pagdating ko sa classroom ay agad hinanap ng mga paningin ko ang echosera kong kaibigan. Pero wala akong makita kaya medyo nagtataka na lang akong naupo sa aking upuan. 

Nasaan nanaman kaya ang isang 'yon?

Nilabas ko na lang ang cellphone at ikinabit ang earphones ko sa aking tainga. Wala pa naman ang teacher namin ngayong time na 'to. Masyadong mabilis ang oras, ang panahon. Biruin niyo next next week ay semestral break na namin at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa bakasyon na 'yon. It's either I'm going to Manila and waste my whole vacation sa bahay ni tita Aldleyie, nandoon naman ang pinsan kong si Deylia kaso magkaiba kasi kami. She is a party goer while me... Mas gusto ko na lang magkulong sa kuwarto at magbasa ng novels. 

Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang may humatak ng earphones sa aking tainga. What the heck? Inis naman akong napaangat ng tingin at napataas ang kilay ng bumungad si Aisie na kilig na kilig. Confirmed. Humarot nga.

"O, bakit?" Nagulat naman ako ng bigla niya akong kinurot sa braso at naupo sa tabi ko.

"Ohhhh myyyyy goodness!" Napairap na lang ako sa lakas ng boses niya. Pati mga kaklase namin ay napatingin sa gawi namin.

"Si---" naputol ang sasabihin niya nang pumasok na ang teacher namin sa araling panlipunan.

Nagdidiscuss na ang teacher namin pero itong katabi ko todo sipa sa aking paa kaya napairap na lang ako. Ano bang problema nito?

"Si Xalent." 

Huh? Sino naman 'yon?

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   EPILOGUE

What is the happiest moment of my life?It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry. I never thought that crying will be so happy for me. Until that day came.Sa buhay ko madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya."Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bunganga.I never expected na dadating sa puntong 'to. Dahil hindi pa naman namin napag-uusapan 'to."Yes!" Masayang sagot ko na nababakasan pa rin ng luha.That day gave me hope..."Lushiane! Goodnesss! Ikakasal ka ng bruha ka!" Sigaw ni Aisie na ngayon ay buntis na."Hindi nga ako makapaniwala, eh."

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 45

Xalent PlanzeNang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yun ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother."H-hindi..." I heard my love and I hugged him so tight.Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito.Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane. Pero sino ba ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.Nasaktan ko na siya at sobra ko 'yung pinagsisihan. 'Yung pakiramdam na malapit na akong mabaliw dahil wala na siya. Wala na akong nakikitang nagmamaldita o naiinis sa'kin. Pakiramdam ko ay kulang ako.Noong nasa college ako ay wala akong ibang inisip kundi siya. Sinubukan kong ituon ang buong atensiyon sa p

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 44

Nakaupo kaming tatlo at nasa gitna namin si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako pero hindi pa rin ako mapakali."Rendein." Napaangat naman kami ng tingin ng may magsalita.Lalaki siya na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at naupo sa tabi ko."You are ate Lushiane?" Nagulat naman ako ng tanungin niya ako kaya napalingon ako sa kaniya.Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa 5 or 7 years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko."Ate? You look like ate Lushiane."

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 43

My lips trembled and looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit."W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin."Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." Napatayo naman ako sa sinabi ni Xalent."Puntahan natin siya... Puntahan natin Xalent!" Nanginginig kong sabi sa kaniya at niyugyog ang braso niya."Yes, babe. Don't be so nervous. Let's go to her," sabi niya at patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan.Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na ring nag-iinit ang mga mata ko. Hindi ko alam ang gagawin. Parang bumalik nanaman sa utak ko ang mga kataga niya noong nagkita kami."I will be leaving this world... Soon. And I'll meet your dad there..."Napapikit

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 42

Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?" "Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 41

Dalawang linggo na ang nakalipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Fuck! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami noong pagkatapos ng lunch dahil ang hinayupak na 'yon ay nilagyan nanaman ako ng hickey dahil naka-spaghetti strap daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Bigla namang nag-ring ang cellphone ko at agad ko namang sinagot dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo." Napakunot naman ang noo ko."Wh

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 11

Kasalukuyan kong hinihintay ang dalawa kong kasama sa pagpunta sa meeting place. Ngayong Martes kasi napagpasyahan ni Aisie na aalis kami para doon sa camping for two days. At talagang naiinip na ako ng dahil sa dalawa. Sabi kasing mag-ayos na kahapon, eh hindi pa ginawa. Alas tres kasi ang kitaa

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 10

I heard him chuckled a bit. "Tinulugan mo ako," he accused me. Napaangat naman ako ng tingin "S-sorry." "Hmmm..."

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 9

Tahimik lang sa kabilang linya. Pero rinig ko ang bawat paghinga niya. Siguro ay nag-iisip siya. "Can you sing for me? Because... I'm sad right now, really. And I want to hear you sing." Pinukpok ko ang sarili kong ulo ng sabihin ko 'yan.

Tasteless Price [Fil/Eng]*completed*   CHAPTER 40

Pagdating ko sa café ay agad kong sinuot ang apron ko't dumiretso ng kusina. Nasa counter naman si Xannie habang nag-seserve naman si Madie.Inumpisahan ko nang magmasa para sa gagawin kong tinapay. Nang matapos ay inilagay ko na sa oven. Kumuha naman ako ng baso at gumawa ng kap

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy