로딩 중
홈/ 전체 /String of Marriage /Kabanata 4

Kabanata 4

작가: C.K
"게시일: " 2020-08-19 16:30:52

The CEO 

Nandito ako sa isang island kung saan sumabog ang eroplanong sinakyan ni Dad. Maraming search and rescue team at pulis na nag-iimbistiga sa paligid. Tumutulong ako sa paghahanap ngunit mahirap na makilala ang mga bangkay dahil tustado na 'to at lumobo pa ang katawan dahil sa tubig. 

One hundred eight ang naging sakay ng eroplano at twenty-five pa lang ang nahahanap na bangkay. Sa ilalim ng dagat kasi 'to bumagsak kaya naman delikado kung lulusubin pa dahil hindi pa maganda ang panahon. Malakas pa ang alon at may bagyong paparating na naman. Kaya naman ay umaasa na lang kami sa mga lulutang na katawan. 24 hours na may bantay dito. 

"You should take rest now." Mainit ang kamay ni Sandro ang pumaibabaw sa likuran ko. "Pinapalit ko 'yong room mo sa mas malaking suite." 

Bigla akong napatayo nang may makitang katawan sa dagat. "May bangkay sa malaking bato!" sabay turo ko sa gawing 'yon.  Dahil sa sigaw ko ay may maliit na groupo na rescue team ang pumunta roon gamit ang maliit na bangka. Marami rin ang pumunta sa gilid ng dagat para salabungin sila. 

"Ona, it's been one week. You should rest, please."  

Huminga ako nang malalim. "Malaki na ako. Hayaan mo ako sa buhay ko." Hindi ko ba alam bakit pa niya ako bine-baby, hindi naman siya magulang ko para mangielam ng ganito. At di ko rin alam kung anong ginagawa niya rito. Si Tita Susane nga at si Maximo ay unang araw nakatagal sa lugar na 'to. 

Hindi rin naman kasi kanais-nais ang mga makikita mo rin. Mas nakakatakot pa 'to sa mga horror na napapanood. 

"Hindi gusto ni CEO na magkasakit ka." 

Tumalim ang tingin ko sa kanya. Halong galit at kirot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang maglaho sa paningin ko ngayon. "Hindi mo alam ang gusto niya para sa akin." 

"I know what he wants for you...he wants you safe." 

Tumingin na lamang ako sa dagat. Wala akong ibang masisi sa pagkamatay ni Daddy kundi ang pilot na nagpabagsak ng eroplano at ang lalaking kaharap ko ngayon. Kung hindi lang sila magka-partner ni Daddy sa isang business ay 'di mangyayari 'to. 

This is Sandro's fault. Siya ang nag-suggest na mag out-of-country sila. Gusto kong ipagsigawan sa kanya 'to. Gusto kong ma-realize niya at parusahan ang sarili. 

Bakit ba kasi si Daddy pa ang sakay ng eroplano na 'yon? Bakit hindi na lang 'tong si Sandro! Tutal siya naman ang desperado na maging successful sa larangan ng business. Tinulungan lang naman siya ni Dad dahil nga boyfriend ko 'tong hinayupak  na 'to. At dahil sa simpleng tulong na 'yan ay sinacrifice niya ang buhay niya. Damn! 

"Onalisa..." hinawakan niya ang kamay ko. Bigla akong nangilabot sa hindi maipaliwanag na dahilan. Galit lamang ang nabubuo sa dugo ko. 

He was one of my teachers no'ng nag home schooled ako ng 3rd year hanggang  4th year college. I used him, para hindi niya ako isumbong kay Daddy sa mga secret agenda ko. Little did I know na magugustuhan siya ni Dad para sa 'kin. Kaya ikinommit ko ang sarili ko sa taong 'di ko naman gusto! 

For the sake of my father's happiness, I let him enter in my life. 

Ngayon wala na siya...hindi ko alam kung may patungo pa ang relasyon na 'to. 

I think it's about time to free myself.

"Let's break up, Sandro." Inalis ko ang kamay niya sa 'kin at sinuklian ko ang kanyang mga mata na parang hinagisan ng bato. Ngumisi ako, "wala na si Daddy. Wala nang rason para ipilit pa ang sarili sayo." 

Umiling lamang siya. "I won't let you decide in this situation. Just take sleep." Tinalikuran na niya ako at lumakad na palayo. 

"Kung si Daddy nagawa mong gamitin para sa ikakayaman mo, pwes ako, hindi!"

Tumigil siya sa paglalakad. Dalawang meters lang ang layo namin. Humakbang na ako palapit sa kanya. "I used you for my grades. And you used my father for the growth of you business. At ngayon graduate na ako, hindi na kita kailangan. Wala na rin si Daddy kaya wala ka rin mapapala sa ginagawa mo ngayon. Hindi na natin kailangan ang isa't isa." 

"Didn't you...love me?" Hindi pa rin siya humaharap sa 'kin. Mahina ang boses niya at mabagal na parang nahihirapan magsalita. Siguro nga umiiyak na siya...o papaiyak pa lang. 

Huminga ako nang malalim. I need to be honest. "I didn't love you." 

"Why?" 

Napangiti ako. Matagal ko ng gusto 'tong sabihin sa kanya, masaya ako dahil mayroon na rin akong lakas ng loob. "Dahil mas tinrato mo akong kapatid mo, kaysa girlfriend." 

There's a long pause. 

I continue, "we never celebrate monthsary and anniversary. You never bought me jewelries or heels. And you never invite me to watch in cinemas or any romantic places. Hindi mo ginagawa sa 'kin 'yong mga madalas na gawin ng mga couple."

"It's your father wants...to respect you...and to treat you like a princess."

I rolled my eyes. Lame excuses. "Alam kong may pagka-traditional ka. Nilalapit mo 'yong sarili mo sa family ko at nagpapa-good-shot ka sa kanila. But you forgot to make me fall in love with you. Ang boring mo," straight forward kong sabi. "Now we're done. Nasabi ko na 'yong reason ko... kaya kalimutan mo na ako." Tumalikod na rin ako at lumakad na. 

"Sorry." Iyon lang sinabi niya. 

Napapikit ako. Kung dati pa lang ay nakipaghiwalay na ako, hindi na dapat hahantong ang lahat sa ganito. Hindi masasama si Daddy sa aksidenteng 'to. Hindi siya mawawala

Dumating na ang bangka na kumuha sa bangkay na tinuro ko kanina. Naki-singit ako kung saan kumpulan ang mga tao. Lahat kasi kami curious kung sino ang nakuha nila...

Isang batang lalaki ang nahanap na bangkay. Halos masuka ako dahil pipi ang ulo nito at bukas ang bituka. Umiyak naman ang isang babae na matiyak na anak niya 'to. 

"Anak ko! Hindi maaari! Hindi!" Niyakap niya 'yong anak niya kahit lasog-lasug na. Mabilis naman siyang inalayo ng mga staff dito dahil bawal hawakan ang mga bangkay na makukuha. Baka kasi anong klaseng bacteria ang dala. Napaluhod na lamang siya at walang tigil na sinusuntok ang buhangin habang humahagulhol. Maging kaming mga nanonood ay nadadala sa pag-iyak. Tila ba ay nanonood ng tragic story, pero naka live version kami kaya mas ramdam 'yong sakit. Tangina, talaga. 

Paano kung si Daddy na 'yong nahanap? Anong magagawa ko para sa kanya? Anong maibibigay ka para mapasaya siya?  For sure nasa langit siya at pinapanood ako. 

Daddy, sana mabihisan kita ng pinaka maganda at pinaka mamahaling damit sa buong mundo. Hahanap ako ng gano'n kahit saang  bansa pa 'yon gawa. Handa akong gamitin ang natitira kong three million para lang sa sout mo. Dahil 'to na lang naman ang makakaya kong gawin para sayo...

binigay mo lahat ng gusto ko pero 'yong regalo ko  maibibigay ko lamang kung kailan wala kana. 

This is bullshit. 

I wish I can turn back the time, so I can give you my time. 

Binuhat na ang bangkay ng bata at nanlaki ang mga mata ko ng mahati ang kalahating katawan nito. Malalapot na dugo na may mga lumulutang na kung anu-ano. Parang 'tong chinop-chop, o 'yong mga nakikita sa palengke. At 'yong amoy ay mas tumapang kumpara kanina. 

This is gross. 

Tumakbo ako papunta roon sa may puno, at dumuwal. Langhap ko pa rin ang amoy ng bangkay. Nakakapangilabot ang itsura. Ito na 'ata ang pinaka kadiring nakita kong bangkay. Napaluhod ako at tinungkod ang aking dalawang kamay sa buhangin at walang tigil sa pagsuka. 

I can't... paaano kung ganoon din ang nanyari kay Daddy? Magagawa ko pa ba siyang tignan? Oh no, daddy, I can't be. 

Naagaw pansin ko ang isang binata na patagong kinukuhaan ako ng camera niya. Tumayo ako na medyo nahihilo pa. 

"Are you pregnant, ma'am?" he asked. 

Kumunot ang noo ko at biglang natawa. Baliw na 'ata ako, dahil ang mabilis mag-swipe ng emosyon ko. Paano ba naman kasi never pa akong nahahalikan...tapos sasabihan na buntis? Ito na 'ata ang pinaka nakakatawang joke na narinig ko. 

"Gago ka," ngisi ko. 

Lumapit ako at agad naman niyang tinago sa bulsa ang cell phone. 

"I-delete mo 'yong pictures ko," utos ko. "Or else ipapakulong kita." 

"Pero underage pa lang ako ma'am. Saka 'di ba artista ka? Kaya okay lang kumuha na stolen shot." 

"What? Hindi ako artista!?" 

"Pero sikat ka po. Nagpo-post ka nga po sa Instagram ng mga sexy pictures tapos labas pa 'yong nipple mo dahil 'di ka nagba-bra--" 

Sinapak ko ang pisngi niya kasabay nun ang pagbuhos ng luha ko. "Wala kang karapan sa gusto kong i-post!" 

Mabilis namang rumespande ang dalawang police. "Anong nangyayari?" 

Pinunasan ko ang gilid ng mga mata ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago harapin ang mga police. "Patago niya akong kinukuhanan ng pictures. Gusto kong ipa-delete lahat."

"Ma'am doon na lang po muna sa tent para maka pag-pahinga po. Kami na po bahala kay Leo kumausap. Ilang araw kana po kinukuhaan nun. I-re-reformat na lang  po namin ang memory card niya." 

Nanghihinang tumango ako. "Fine." 

In-eskortan na ako ng isang police papunta roon sa tent.  Pero bago 'yon naagaw ang atensyon ko nang makarinig ng tilian. Lumingon ako at nahuli kong pinagsusuntok ni Sandro 'yong binata.

"Sir, tama na!" Hinila siya ng isang police ngunit tinulak lamang niya 'to at binalik ang tuon doon sa binatang nakahiga sa buhangin. Dinaganan niya 'to at walang tigil na pinagsusuntok. Agad namang pumigil 'yong police na katabi ko lang kanina. Gano'n din ang ginawa ni Sandro, isang tulak lamang niya rito ay napabagsak na. What the hell?

Hindi ko alam na marunong pala sa labanan si Sandro. Hindi ko alam na nagagawa pala niyang magalit. Ito yung side na hindi ko nakita sa kanya noon. Dahil mukha siyang kalmado sa lahat ng oras, kaya hindi ko talaga inaakala na nakakatakot din pala siya minsan. 

"Ate Onalisa," lumingon ako sa nagsalita. Si Maximo. Anong ginawa niya rito?

"Kailangan tayo sa company ngayon," aniya sabay tingin sa nangyayaring gulo. 

"Hindi ako aalis," determinado ko. "Kailangan ko mahanap si Daddy." 

"Pero ate maraming hinire si Mama sa paghahanap!" 

"I don't care." 

Pinanood ko muli si Sandro—may dugo na ang kamao niya. Marami ng police ay nakapaikot sa kanya. Ilang beses na akong nadawit sa gulo pero ngayon lang niya ako pinagtanggol ng ganito. Sa dalawang taon na pagkakakilala ko sa kanya, ngayon ko lang siya na-appreciate.

Kung dati pa lang ay pinagtanggol niya na ako sa mga basher ko o paparazzi ay baka nahulog na ang loob ko sa kanya...

kaso hindi.

"Babalik din tayo, pangako." Nagmamakaawa ang mga mata ni Maximo. Magulo ang buhok niya at gusot ang long sleeve. Hindi man siya nagbantay dito buong maghapon alam kong parehas kaming walang tulog. Busy siya sa iniwang trabaho ni Daddy. 

"Ate please..."

Malungkot kong dinaluhan ng tingin si Sandro na ngayon ay nakaposas na. Sumisigaw siya na parang si Andres Bonifacio na nais lang makamtan ang kalayaan. Tumango lamang ako kay Maximo at umalis na sa gulong sinimulan ko. 

Pumasok na ako sa rear compartment ng Rolls-Royce Phantom limousine. 

"Aantayin kita, magbihis ka muna d'yan." Sinarado na niya ang pintuan. 

May limang damit na naka hanger sa harapan ko at ilang accessories, heels and make-up set. Hinanda raw ito ng personal maid ko para may pang-palit ako sa meeting mamaya. Sana nagdala na rin sila ng timba rito para makaligo ako. 

Pinili kong soutin ang black long sleeve and floral maxi skirt. Naglagay din ako ng light make-up. Pagkatapos ko mag-ayos ay agaran namang pumasok sa loob si Maximo. 

"One hour for pete's sake!" aniya. Nag-rolled eyes lamang ako. Bakit ba kasi kailangan pa akong isama sa company? Ano naman gagawin ko roon? Rarampa? 

"Max, kung 'wag na lang kaya ako sumama? Marami akong bashers. Baka uminit lang ang ulo nila kapag nakita ako." 

"Ikaw ang may pinaka malakas na impluwensya sa social media," out of nowhere niyang sabi. I don't get him, why he is saying this? "You have the voice to reach young people." 

"Will you just get in the point? Please?" sabay nguso ko. 

Tumawa siya mukhang na-cutetan 'ata sa pag-pout ko. "Ate, kasama ka sa pagpipilian na maging CEO maraming nakakakita ng potensyal mo!" 

Literal na bumuka ang bibig ko at pawang wala na itong planong bumalik sa normal.

"Ano? Paano nangyari 'yon? Sayo pinangalan yung shares ni Daddy 'di ba?" nawiwindang na ako. 

"Oo, pero kahit naman sa akin niya binigay 'yon. Ay may election pa rin na magaganap kung sino ang karapat-dapat. At may bigating board of director na nag nominate sayo." 

Bumuntong hininga ako at napahawak banda sa puso ko. Sino naman ang bigating director na 'yon? Sa sobrang bigat niya may plano 'ata siyang palubugin ako sa problema. 

"Pero, ayoko kitang kalabanin Maximo."

Ngumiti siya at hinawakan ang isa kong kamay. "Walang labanan sa pagitan natin. Magkapatid tayo, kaya magtutulungan tayo. At isa pa, business 'to ni Daddy—sa 'ting dalawa lang dapat mapasa ang title."

"Ibig mong sabihin may iba pang nominees?"

Tumango siya. Ang hirap naman pala kung gano'n. Bakit ang unfair? Si Daddy ang nagtayo ng kompanya pero ibang tao ang magdi-decide kung kanino ipapamana. Hays. Kalokohan. Kaya mas okay pa na simpleng buhay lang...kaysa mag-trabaho buong buhay mo tapos hindi mo naman madadala sa langit. 

"Let's go?" naka-ngiting sabi ni Maximo. Halatang excited na siya sa magaganap na meeting. Ewan ko ba, pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Paano kapag nanalo ako sa election? Ipapa-bankrupt ko lamang ang kompanya namin.

Kahit business graduate ako, ay hindi ko naman 'to na apply.  Kahit honor student ako since grade school, ay puno lang naman na kadayaan 'yon.  

At never din ako nag-work. As in, zero experience. 

Sino ba naman kasi 'yang bigating director na 'yan...ang magtitiwala sa 'kin. Tsk. 

Dibae, makikilala ko rin siya. 

"Fine. Let's go na."

***

NANDITO pa lang kami sa lobby nang mag-mistulang zombie apocalypse ang paligid dahil nagkaguluhan ang mga tao rito. Mabuti na lang ay walang nag tangka na manulak o dumikit sa amin, may distansya kasi na one meter away. Mukhang marami pa rin hindi nakaka-move-on sa pandemic na 'yan.

Pagkapasok namin sa loob ng conference room ay siya namang pagtayo at pagyuko ng board of directors. Isa-isang nilapitan ni Maximo ang mga 'to, at nakipag-kamayanan. First time ko maka-attend sa ganitong meeting. At hindi ko sila kilala sa pangalan—pero base sa sout nila ay alam kong mayayaman at nirerespesto sila. 

"I'm sure your father is watching you right now. Accept my deepest condolence, Maximo."

"It saddens us to hear your loss. I know you're too strong like our late CEO. And definitely you would be like him, a great and smart leader."

Masyado silang abala kay Maximo. At para lang akong secretary dito dahil nakatayo lamang. Wala 'atang nakakakilala sa 'kin? 'Dibale hindi ko naman sila masisisi dahil matagal na nag-wo-work dito ang kapatid ko at ako naman ay first time lang magpakita sa kanila. Sino ba kasi nag-nominate sa 'kin? Masasapak ko lang.

"Onalisa." May isang dalagang unang nag-approach sa 'kin. Pero dumikit lamang ang atensyon ko sa diamond necklace niya. Nag-ala heart shape naman ang mga mata ko dahil nagniningning ang diyamente nito. 

"Saan mo binili 'yan?" nguso ko roon sa sout niya.

Tumawa siya at hinawakan ang necklace. "From my grandfather," malambing ang boses niya. Halatang nasa 20's lang siya base sa mukha at pananalita. "This is made from Italy. Do you like it?" 

Sa kada titig ko sa necklace ay lalo itong kumikinang na parang kumakaway sa 'kin. Napalunok ako. Omyghadd! Daddy, ikaw lang may kakayahan bumili sa 'kin niyan! Kaya hindi ko talaga afford na mawala ka. I can't live without this—

Wait, may three million pa naman ako. Kung isang million lang 'to sige ibibili ko na!

"Ipapa-kontact kita sa secretary namin at paki-send na lang yung brand and model," tipid kong sabi. 

Tumawa siya ng mahinhin. Napaka inosente ng mukha niya at mukhang sincere sa lahat ng bagay. Pero mag-iingat, madalas peke ang mga ganitong tao. 

"I'm not a clown," sabay rolled eyes ko.

Tumango siya at mabilis na umattras ang tawa. "Sa totoo lang, gusto kong ibigay 'tong necklace. Isa ako sa followers mo sa Instagram. Isa ka sa mga ina-idolize ko. I hope we can be friend." 

Ayoko sana tanggapin yung libre niya. Pero dahil sa sitwasyon kong may kapiranggot na lang na pera edi lulunukin ko na ang pride ko. Ngayon lang naman!

"Sure!"

Hinubad niya ito at magalak kong tinanggap. Mabigat at halatang mamahalin. Nakakaiyak sa sobrang ganda! Sinout ko kaagad ito. Shit! Nakakalula ang ganda.

"Eloisa pala."

Ngumiti lang ako bilang tugon. Hindi ko na siya tatanungin ng mandatory questions dahil sa lalaki lang naman applicable 'yon. So, kahit pulubi siya puwede kong kaibiganin as long na magugustuhan ko 'yong ugali. 

"Ehem..." si Maximo. 

Nagtaka ako sa katahimikan. Parang kanina lang ang ingay nila. Ngayon naman ay para silang nanonood ng isang teleserye na may kasabik-sabik na eksena, dahil lahat ng mga mata ay nakatutok sa 'kin. 

Yumuko ako. "I'm Onalisa Gwen eighteen years old. Elder daughter of Christopher Gwen," formal kong sabi. 

Nagpalakpakan sila at sumilay ang mga plastik na ngiti. Paano ko nasabing plastik? Well, kapag ngumiti sila na wala namang magandang balita ay ka-plastikan na 'yon. 

Umupo na kami ni Maximo sa pinaka nguso ng long table. Isa-isa silang nagpakilala. Lahat sila rito ay board of directors sa iba't-ibang sector. Merong independent directors, representing the public sector, representing employees shareholders, representing the employees—at kung tatanungin anong pinagkaiba-iba nito? 'Di ko alam. Basta alam ko lang lahat sila ay directors ng kompanya namin.

My Daddy had biggest shares here 25% and next to him is Mr. Reoul na wala naman dito sa meeting—meron itong 15% shares na pumapangalawa sa pinaka mataas.

Tatlo lang kaming na nominate as CEO: Ako, si Maximo at si Mr. Reoul.

"Who nominated me?" I asked them. Kasi gulong-gulo pa rin ako paano ako nasama sa meeting na 'to. Sila-sila lang kasi ang puwedeng mamili kung sino ang nominees. Ibig sabihin isa rito ay naisipan akong paglaruan.

"Mr. Reoul," sagot no'ng isang matandang nakasalamin. His name is Mr. Oliver. "Never siyang pumunta rito sa ganitong meeting. I'm his representative."

Tumaas ang isa kong kilay. So, isang shareholder ghost pala si Mr. Reoul dahil hindi siya dumadalo sa mga ganito? Tsk. Sinong magtitiwala sa duwag na tao na 'yon? For sure si Maximo na ang mananalo na CEO. Wala naman kasing laban 'yang si Mr. Reoul!

"And who voted him?" tanong ko.

Sampu ang nagtaas ng kamay. Ibig sabihin ay lima lang ang hindi bumoto sa kanya. Yung apat ay bumoto kay Maximo at yung isa naman ay bumoto sa 'kin. This is so freaking funny. Kainis! 

Sa numbers pa lang ay tiyak na kung sino ang mananalo sa election. 

Si Mr. Reoul siyempre!

Ang unfair nun! Hindi puwedeng ipagkatiwala ang isang kompanya sa taong walang lakas na loob na magpakita sa 'min. Paano siya mamamahala? Gagamitin na lang ba niya lagi si Mr. Oliver bilang spokesperson niya? Coward! Walang leadership ang isang taong hindi sanay magsalita sa marami! Maximo should take the CEO title.

"We will have two weeks of evaluation before the election comes," sabi ni Fecio. Isa sa pinaka matanda—I mean mukhang pinaka matanda.

"All nominees will be assigned in product planning together with marketing and research team. Whomever brings out the best ideas will have big impact on this coming election."

My mouth is half open, I close it immediately dahil nakatingin na silang lahat sa 'kin.

"Kung 'yon po ang gusto ninyo, masusunod," puno ng galang ang boses ni Maximo. Lagi ko siyang nakikitang parang robot kay Tita Susane pero hindi ko aakalain na pati rito ay sunod-sunuran pa rin siya.

"Tomorrow will be your first day," sabi ni Eloisa. 

Wait—ano ba 'to school? Bakit may first day pang nalalaman? 

Oh, no. Hindi puwede! Tamad akong pumasok ng maaga—waaaah!

***

"IT'S all over the news! Paanong 'di ko malalaman si Onalisa ang magiging CEO!"

"Mommy, fake news 'yon. Wala pa namang election na nagaganap. OA lang mga tao," paliwanag ni Max. 

Nakakaawa naman si Maximo dahil pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay sinalubong na siya ni Tita Susane gamit ang sirang plaka na boses. Myghadd, mabuti na lang at 'di siya ang mommy ko!

"Iyang Reoul na 'yan siguradong gusto niyang ma-bankrupt ang company kaya ni-nominate si Ona!" 

Exactly! Iyon din naman ang naiisip ko. Sino ba kasi 'yang Mr. Reoul na 'yan? Pangalan pa lang pang matanda na. 

"Mommy, magtutulungan kami ni Ate. Isa sa 'min kailangan ang manalo, 'yon ang mahalaga."

May point din si Maximo. Nawala na nga si Daddy, hindi naman puwedeng pati ang kompanya na iningatan niya ay mawala rin. Kahit hindi ko deserve ang maging CEO, sigurado akong tutulungan naman ako ni Max...kung sakaling manalo ako. 

Wait, aasa pa ba ako? 

"Max! Puwede bang itigil mo kaka-ate mo dahil mas mature ka mag-isip! Wala namang ibang ginawa 'yan kundi paglaruan ang mga lalaki at magwaldas ng pera! Kahiya-hiya na nga siya sa pamilya natin...what more sa company?" sarcasm ang pagtawa niya. Wala siyang pinagkaiba kay Allesandra pati kay Mrs. Fresa. 

Kung makapag-salita siya ay parang sila lang ni Maximo ang tao. Hindi ba siya nahihiya dahil ang daming katulong na nanonood? At nandito ako? 

"Kapag nakilala nila ang tunay na ugali ni Ona, ay unti-unti masisira ang image ng kompanya!" 

"Mama, stop!" 

"Kailangan ko 'to malaman ni Chairman! Siguradong gagawa siya ng paraan para manalo ka sa election!"

"Mama!" napapiyok na si Max. "Please, huwag kana mangielam." 

Kaysa lumalim pa ang sama ng loob sa 'kin ni Tita Susane, ay pinili ko na lang mag walk-out. Baka sakaling tumigil na siya kakasalita. Kawawa naman kasi si Maximo...kitang pagod 'yong tao tapos magsisigawan lang. 

Pumunta ako sa office room ni Daddy at niyakap ang favorite niyang unan. Dito madalas mag-stay si Dad kapag work from home, at ilang beses ko rin siya naabutan na natutulog dito sa sofa. Mas gusto kasi niya rito kaysa roon sa kwarto nila ni Tita Susane. He wants to be alone most of the time. 

Pinikit ko ang dalawang mata ko at in-imagine lahat ng bonding namin sa office room na 'to. 

Daddy, hindi ako papayag na ibang tao ang mamahala ng company mo. 

Isa sa 'min ni Maximo ang dapat manalo...

pagkakatiwalaan mo ba ako? 

다음 내용을 궁금하신가요?
이어 보기
이전 챕터
다음 챕터

에 작품 공유하기

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

최신 챕터

String of Marriage    Kabanata 18

Mysterious DITO kami nagkita ni Liam sa bahay para less gastos at walang media na makasunod sa akin.

String of Marriage    Kabanata 17

Industrial Espionage Nandito kami ngayon sa isang chapel home na may 20ft na taas at 75square meter. Gold ang naka-engrave sa pader at may mataas na kulay pulang kurtina ang nakasabit sa bawat silid. Mayroon din fountai

String of Marriage    Kabanata 16

Kissed Pagkalabas ni Sandro sa pintuan ay agad ko 'tong ni-lock. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan tumingin sa likod kung sa'n umaakyat si Seth sa railings ng balcony. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa niya, paano kung bi

String of Marriage    Kabanata 15

Unconditional love "MA'AM, pinapatanong po ni Seth kung nasa'n ka?" sabi ni Ugi habang nagda-drive.

String of Marriage    Kabanata 14

Last Will and Testament KA-VIDEO call ko si Vanilyn. Na sa airport siya at mamaya na 'yong flight nila pauwi ng Pilipinas.

String of Marriage    Kabanata 13

The Battle of Presentation NAKASUOT ako ng long sleeve see through polka dots at puting bra. Kitang-kita ang katawan ko at para lang naka bra dahil nga transparent ang long sleeve

String of Marriage    Kabanata 12

Vanilyn Oca

String of Marriage    Kabanata 11

Truth

String of Marriage    Kabanata 10

String of Marriage    Kabanata 9

Review

더보기
작품 다운로드
GoodNovel

앱에서 작품을 무료로 다운로드하세요

다운로드
원하는 항목을 검색하세요.
보관함
검색하기
로맨스가상역사도시마피아시스템판타지LGBTQ+아놀드MM Romancegenre22- 韩语genre26-한국어 번역genre27-.请勿使用한국어 번역genre28-한국어 번역
단편 소설
하늘미스터리 추리현대 도시세계 종말 생존액션 영화SF 영화로맨스 영화피비린내 나는 폭력로맨스학원물서스펜스/스릴러상상력물환생현실 감정물늑대인간희망꿈행평화우정똑똑한행복한폭력적인부드러운강력한红安피비린내 나는 대학살살인역사적 전쟁판타지 모험과학 소설기차역
만들기작가 혜택공모전
핫 장르
로맨스가상역사도시마피아시스템판타지
연락처
회사 소개도움말 및 문의비즈니스
자료
앱 다운로드작가 혜택콘텐츠 정작품키워드인기 검색어작품 이뷰팬픽션FAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
커뮤니티
Facebook Group
팔로우하기
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
이용약관|개인정보