loading
Home/ All /Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino/Chapter 1

Chapter 1

Author: Yesha Lee
"publish date: " 2020-07-30 17:14:15

"SIRA ka naman pala eh! Bakit ka pumapayag nang ginaganoon ka ng tiyang mo? Bakit hindi mo isumbong sa tatay mo?"

Napatingin si Orange sa kaibigang si Chikki. Kasabay niyon ay ang kanyang malalim na paghugot ng hininga. "Sa tingin mo ba ay maniniwala si Tatay sa akin? Sa aming dalawa ng Tiyang, nasisiguro kong siya ang papanigan niyon."

Napailing ang kaibigan. "Hay naku, hindi ko alam kung maaawa ako sa'yo o maiinis eh. Matagal ko naman na kasing sinabing iwan mo na ang pamilyang iyan at gumawa ka na ng sarili mong buhay! Wala kang puwang sa kanila kaya kung ako sa'yo, bumukod ka na hanggang may natitira ka pang respeto sa katawan mo! Baka lumaon niyan, hindi lang sinaing ang itapal ng Tiya Rosa mo sa'yo!"

"Pag-iisipan ko ang sinabi mo, bespren, pero sa ngayon..."

"Ano? Sa ngayon ay ano?" tanong ng kaibigan nang mainip sa kanyang ibig tukuyin.

"Sa ngayon...errrrr..."

Nasundan ni Chikki ng tingin ang direksiyong tinitingnan niya at nahampas nito ang noo sa nakita. "Kaya pala nawala ka sa sarili mo, nariyan pala ang mestisong bangus ng buhay mo!"

"Shhh! Huwag ka ngang maingay!" saway niya rito.

Si Clifford ang tinutukoy ni Chikki. Isa kasi ito sa marami niyang crush na kapag nakita niya ay nagpapawala sa kanyang katinuan.

"Hindi na ako magtataka kapag nahimatay at nagkikisay ka diyan mamaya, bespren," tudyo ni Chikki. Iningusan pa siya nito at saka muling ibinalik ang tingin kay Clifford.

Guwapo si Clifford. Isang katangiang gusto ko sa mga lalaki. Maraming babae ang nagsasabi na hindi raw dapat tinitingnan ang panlabas na anyo ng isang taong mamahalin. Hindi ako naniniwala roon. Well, opinyon nila iyon pero ako bilang isang taong tapat at walang halong kahit kaunting ka-plastikan sa katawan ay nagsasabing hindi iyon totoo. Alam ko dahil iyon ang unang pamantayan ko sa pagkakaroon ng crush. Kapag guwapo, crush ko agad. Saka ko pa lang isusunod ang iba pa niyang katangian. Kapag may natuklasan akong pangit sa kanya ay saka ako na-turn off, 'di atras. Basta pagiging guwapo ang una kong basehan ng lalaking ibibilang ko sa aking mahabang listahan ng crushes. At isa sa mga iyon ay si Clifford Aragones. O 'di ba, pangalan pa lang ay kasado na. Parang ang sarap ikabit sa pangalan ko...Orange este Anastacia Aragones...Ang ganda talaga, ang ganda ng blending...

"Anastacia! Hoy, gising!"

Inis niyang hinarap ang kaibigan. "Ano ba? Bakit kailangan mo akong sigawan sa tainga?" sikmat niya rito.

"Nangangarap ka na naman kasi nang gising! Nakita mo lang si Cliff, nagkaganyan ka na!"

"Pabayaan mo nga ako! Ano naman ang masama kung makipagtitigan ako sa kanya? May problema ba doon?"

"Ang problema doon, nag-iilusyon ka, girl! Ikaw, nakikipagtitigan sa kanya pero siya, hindi! Tingnan mo ngang mabuti kung saan nakatutok ang mga mata niya!"

Nilinga niya sa likuran ang direksiyong tinitingnan ni Cliff at umahon ang inis niya sa dibdib sa nakita.

"Kay Bettina siya nakatingin at hindi sa'yo, bespren. Tingnan mo naman. Legs pa lang ng babaeng iyan ay talagang gaganahan nang matulala ang kahit sino."

"Naman! Legs na legs talaga e! Ikaw na ang magkaroon ng ga-pata ng baboy na mga binti at hita kung hindi ka matitigan nang mga tao sa paligid mo, ewan ko na lang!" Inirapan niya si Chikki.

"Grabe ka naman! Look at her body, ang ganda-ganda! Tiyak na beinte-singko kundi man beinte-kuwatro ang waist niyan!"

"Puwede ring twenty-six, twenty-eight or twenty-nine."

"Hindi naman! Twenty-six and a half, maybe!"

Napaismid na naman siya at pilit nang inilayo ang tingin kay Bettina at Clifford. Malapit nang magkasalubong ang dalawa at tiyak niyang magpapalitan ng pagbati ang mga ito.

"Look at her eyes, ang gaganda...hindi na need magpa-perm!"

"Gaga! Hindi pinapa-perm ang mata! Pilik ang pinapa-perm!"

"Iyon nga ang ibig kong sabihin! And look at her skin-"

"Kaibigan ba talaga kita, Chikita? Naiinis na kasi ako sa'yo!"

Malakas na tumawa ang kaibigan. Nagti-trip na naman ito. "Ito naman, masyadong magagalitin! Boring mo!"

"Boring-boring ka diyan! Pumaparis ka sa mga bagets mong pinsan na kung anu-ano ang mga sinasabi kahit hindi naman related!"

Muli itong tumawa. "Sumunod ka na lang dahil selfie generation na ngayon. Boom panes!" Humalakhak ito nang malakas bago siya muling hinarap at saka tinapik sa braso. "Ayusin mo na ang mukha mo. Nakakahiya naman kay Cliff, sa'yo na pala siya nakatingin ngayon."

Mabilis na lumipad ang mga mata niya pabalik sa lalaki. Tama si Chikki. Nakatingin nga sa kanya si Cliff. But a certain distaste was clearly seen in his handsome face. Daig pa nito ang nakakita ng matandang kineketong ang ilong at malapit nang maubos. Nakakunot ang noo nito at nakasimangot ang mga labi. Hindi madaling hulaang hindi ito nasisiyahan na nakita siya.

"HELLO, Cliff!" tawag ni Chikki sa lalaki. Isang alanganing ngiti ang isinukli nito kasunod ng isang marahang pagtango. "Kumusta?"

"Ayos lang. Ikaw?" This time ay sa kanya na ito nakatingin pero katulad nang inaasahan, mabilis nitong inalis ang mata sa kanya.

"Ayos din. Ayos din pati itong si Orange." Bumaling ito sa kanya. "Di ba, bespren?"

Napilitan siyang tumango. Ang hindi niya nagawang pigilan ay ang kanyang pagsinok. Ganoon kasi siya sa tuwing kinakabahan.

"Talaga? Bakit mukhang hindi?"

"Huh?"

He grinned. 'Yung tipo ng pagkakangisi na talagang may ibig ipakahulugan. "Ang ibig kong sabihin, bakit mukhang hindi ka naman okay? Kulay labanos ang mga labi mo eh." Malakas itong tumawa pagkatapos.

Agad na namula ang mga pisngi niya. Awtomatikong nahaplos niya ang mukha saka napatingin kay Chikki. "Mukha nga bang labanos, friend?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Errr..."

"What?"

Nang tumango si Chikki ay daig pa niya ang binuhusan ng malamig na coke sa bumbunan. Mabilis siyang nag-excuse kay Clifford at malalaki ang hakbang na tumalilis.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kapag nakikita ko ang crush ko ay nagkakaganoon ako? Akala ko ay biro lang iyon sa akin ng mga kaibigan ko kapag naglolokohan kami pero totoo pala. Naniniwala na ako dahil kay Cliff mismo iyon nanggaling. Meaning, hindi iyon chika. Nakakahiyang hindi iyon chika for Pedro's sake huhuhu...

"NAKITA mo ba 'yung nail polish ko, Hanna?" tanong ni Marsha sa kapatid. Ang dalawang bruha ang mga anak ni Tiya Rosa sa una nitong asawa.

"Hindi. Baka nakita ni Mama."

"Nakita ko nga," tugon ni Tiya Rosa. "Kinuha ni Angge."

Nanlaki ang mga mata ni Orange sa tinatakbo ng usapan ng mag-iina. Nang lingunin niya ang panganay na anak ng madrasta na si Marsha ay bigla siyang sinagilahan ng takot. Nanlilisik ang mga mata nito at tila agilang handang manila ano mang oras. "Wala akong kinukuha, Tiyang-"

Iyon pa lang ang nasasabi niya ay madali nang nakahakbang palapit si Marsha at nahablot na nito ang kanyang buhok. "Impakta ka talagang Angge ka! Ano ang karapatan mong galawin ang mga gamit ko?!"

"Wala akong ginaga-"

"Wala pala ha!" Mariin nitong hinawakan ang kanyang buhok at ipinagwagwagan iyon nang paulit-ulit. Bilang depensa ay tinangka niyang itulak ang dalaga pero maagap siyang nahawakan ni Hanna sa mga kamay. Inilagay nito sa kanyang likuran ang mga iyon at mariing pinagsalikop habang patuloy sa pag-atake sa kanya si Marsha. Wala na siyang ibang paraan kundi ang manipa pero maging iyon ay imposible na rin dahil nakita niyang umuusok ang ilong sa galit ng papalapit na si Tiya Rosa.

Wala siyang nagawa kundi ang mapapikit na lang nang mapagtulung-tulungan siya ng mag-iina. Isinumpa niya sa sarili nang mismong oras na iyon na hindi siya iiyak. Hinding-hindi. Kalmot, sabunot at hampas ang inabot niya sa tatlo-dahil lang sa isang nail polish na mismong tatay niya ang bumili.

"Anak, may tindang mga gamit-pambabae si Aling Tonyang kanina. Nakita kong may panlinis ng kuko kaya binilhan na kita. Kunin mo na lang sa ibabaw ng ref." Iyon ang linyang natatandaan kong binitiwan ni Tatay. Pagtalikod niya ay dali-dali akong pumunta ng kusina para kunin ang sinasabi niya pero nagulat ako nang makitang hawak iyon ni Marsha.

"Nariyan ka pala Marsha," sabi ko. "Iyan yata 'yung binili ni Tatay kay Aling Tonyang, kunin ko raw," dugtong ko pa sabay abot sa supot niyang hawak pero sa halip na ibigay ay inilayo pa iyon ni Marsha sa akin.

"Type ko ang shade, arbor na lang ito." Mabilis nitong ibinulsa ang supot. Natural ay hinabol ko siya. Hinagip ko ang isa niyang braso na agad niyang iwinaksi bago ako hinarap.

"Ano? May angal ka? Baka gusto mong isumbong kita kay Mama? Ano?"

"Pero akin kasi iyan, Marsha-"

"Ano ngayon? Tinatanong ko ba? Ang sabi ko, type ko kaya akin na lang!"

"Pero bigay nga 'yan sa akin ng Tatay!"

"Puwes, tatay ko na rin ngayon ang ipinagmamalaki mong tatay, gaga!"

Mabilis niya akong itinulak kaya nagawa niyang makalayo. Wala akong nagawa kundi ang mainis. Bakit ganoon? Sila pa itong malalakas ang loob samantalang ako naman ang legal na anak. Sila pa ang may ganang manakit habang ako itong agrabyado sa lahat ng aspeto.

Umiyak ako nang gabing iyon. Labis-labis ang sakit ng dibdib ko sa mga nangyari. Hindi dahil sa nail polish. Hindi rin dahil sa masasakit na kalmot, namamanhid na anit at mukha kong binugbog ng mag-iina kundi dahil alam kong higit pa roon ang totoong naagaw sa akin-sa aming magkakapatid. Hindi na sa amin iikot ang mundo ni Tatay ngayon. Nariyan na si Tiya Rosa at ang mga anak nito. Kaya wala na siguro akong ibang pagpipilian kundi ang lakasan ang aking loob para sa araw-araw kong pakikipagtunggali sa kanila para sa atensiyon ng aking ama.

NAKAKATATLONG buntong-hininga na si Orange pero hindi pa rin niya magawang i-relax ang sarili. Clifford was just a few meters away from him. Matapos ang huling klase ay nakita niya itong naglalakad sa hallway ng building na kinaroroonan niya kaya naman hindi siya nag-aksaya ng oras upang sundan ito.

Simpleng uniporme lang naman ng eskuwelahan ang suot nito. Maging ang sapatos nito ay ordinaryo pero hindi niya magawang alisin ang tingin niya rito. Sa halip na sa kabilang building ang destinasyon ay doon siya dinala ng mga paa. Simple. Dahil naroon si Cliff. Si Cliff na laman ng isip niya. Si Cliff na wala nang ibang ginawa kundi ang um-extra sa panaginip niya sa gabi-gabi. Si Cliff na siyang dahilan ng kabi-kabila niyang pimples ngayon.

"Alam mo, kung ako sa'yo, liligawan ko si Clifford."

Malakas na tawanan ang nalingunan niya. Naroon si Divina, ang muse ng team na kinabibilangan ni Clifford - kasama ng mga kaibigan nitong marahil ay kauri nito ng dugo.

"Ikaw man ang makakita ng ganyang kaguwapong lalaki, ewan na lang kung hindi humalo sa hangin ang kahinhinan mo!" Si Darlene naman iyon, ang pinakamalapit kay Divina sa grupo.

"Guwapo na kung guwapo, dear, pero sa totoo lang, cheap pa ring matatawag kung ganyang susunod-sunod ka sa boylet, hindi ba? Ako, never ko 'yang gagawin!"

Humakbang siya para lampasan ang grupo ni Divina kahit pa nga nangangahulugan iyon na hindi na niya magagawang pagmasdan si Clifford. Ano naman ang magagawa niya? Kaysa naman nasisilayan nga niya ang lalaki pero samu't saring mga parinig naman ang inaabot niya sa mga ito.

"O, saan ka pupunta?" maarteng tanong ni Racy, isa pa ring kampon ng kulto.

"Paraanin niyo ko, please," aniya sabay hakbang pero muli siyang hinarang ng mga ito. "Ayoko ng gulo, Divina. Hindi ako papatol sa inyo."

Isang nakakainsultong tawanan ang pumailanlang sa ere.

"Hindi ka papatol sa akin? Did I hear you right, Angge? Ikaw pa ang hindi papatol sa amin?"

Isa pa ang bagay na iyon sa ikinaiinis niya. Palibhasa at kaibigan rin ng mga ito si Marsha ay nakiki-Angge rin ang mga ito, bagay na ikinakukulo ng dugo niya. Ang tiyahin lang naman niyang sira-ulo ang nagsimula ng ganoong klaseng panunukso sa kanya at nang lumaon ay pinarisan na ng mga bruha niyang pekeng kapatid.

"Call me Anastacia but never that name. Hindi iyan ang pangalan ko," malamig niyang tugon.

"Choosy ka pa! Tatawagin ka namin sa kung anong pangalan ang gusto namin! 'Di ba, girls?" Koro na naman ang mga ito.

"Ano ba ang atraso ko sa inyo?" Itinaas niya ang mukha saka nakipagtitigan kay Divina.

"Sa akin, wala pero sa kaibigan naming si Marsha, meron."

"Wala akong atraso sa kahit sino lalo na sa kaibigan ninyo. Baka nga siya pa ang maraming atraso sa akin."

"Wala? Hindi ba atrasong maituturing ang pang-aagaw mo kay Armando? At si Luke, hindi ba pang-aakit ang ginawa mo sa kanya? Hindi ba at nababalitang tulad ni Armando ay may interes din siya kay Marsha? Paanong sa'yo siya nanligaw at hindi sa kaibigan namin?"

Sinikap niyang mapahalakhak sa narinig. Kung gayon ay iyon pala ang ipinagpuputok ng butse ng mga ito. Si Armando? Si Luke?

"Kung gusto ninyo, kausapin niyo pa ang mga lalaking iyan para malaman ninyo ang dahilan kung bakit ako at hindi si Marsha ang niligawan nila."

"Ang yabang!" Napapailing pa ang mga ito na tila iritang-irita sa mga sinasabi niya.

"Sa inyo na rin nanggaling na sa akin at hindi kay Marsha nanligaw ang mga lalaking iyan. Ano ang problema ninyo?"

"Gaga ka palang talaga eh 'no! Nanligaw si Armando sa'yo dahil nagbait-baitan ka sa kanya! Nagkunwari kang inaapi nina Hanna at Marsha kaya sa'yo napunta ang simpatya niya! Itong si Luke naman ay nagpaakit sa inosente mong hitsura kuno kaya nagawa niyang umatras sa sinimulan niyang panliligaw sa kaibigan namin at sa'yo niya itinuloy ang panunuyo niya! Ngayon, sabihin mo nga kung paanong nangyari iyon na ang dalawang lalaking may gusto sa kaibigan namin ay halos magkapanabay pang napunta sa'yo!"

"Kung may IQ kayo na hindi expired, dapat ay naunawaan ninyong hindi talaga si Marsha ang gusto ng dalawang iyon. Hindi nila kahit minsan tinangkang ligawan ang kaibigan niyo. In short, pantasya lang ni Marsha ang lahat. Bagay na bagay, hindi ba? Marsha pantasya! Dahil wala naman siyang ginawa kundi mangarap nang gising at gumawa ng kuwento para mapasama ang ibang tao!"

Hindi niya inaasahan ang ginawang paghablot ni Darlene sa buhok niya kaya nawalan siya ng panimbang. Nang maalis niya ang ulo sa pagkakasabunot nito ay maliksi niyang inilayo ang sarili. Alam niyang dudumugin siya ng tatlo kaya mabilis siyang nagtatakbo palayo sa mga ito. Walang lingon niyang tinungo ang hagdan upang makalayo sa lugar na iyon pero dala ng pagmamadali ay nawalan siya ng balanse kung kailan nasa bandang itaas pa siya ng mataas na hagdan ng building. Marahil ay tuluy-tuloy siyang lumanding pababa ng hagdan kung hindi siya bumangga sa isang malaking katawan ng isang kapwa estudyante.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 15

“HEY, ‘Ma, what are you laughing at?” tanong ni Carlo nang mabungaran ang ina na humahagikgik. Nasa likod ito ng pinto ng dirty kitchen at nakatingkayad pa habang may kung anong sinisilip. Tila gulat na gulat naman ito nang makita siya, inayos ang sarili at saka tumikhim.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 14

NAKALILIYONG sensasyon ang ngayon ay nararamdaman ni Anastacia. Carlo was staring at her as if she was the prettiest woman living on Earth. Hindi magkasya ang tuwa sa puso niya. Ang makasama lang si Carlo ay masaya na siya, ang matitigan pa kaya nito!

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 13

“ANONG oras ba darating ang parents mo?” Pabalik-balik sa paglalakad sa kabuuan ng sala ni Carlo si Orange, animo hinahabol ng kung ano.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 12

“KAWAWA naman pala ang Tiya Rosa mo, Beshie. Hindi ko naman akalaing ganoon pala ang lovestory nila ni Tito Romy,” malungkot na sabi ni Chikki kay Orange habang magkasama silang nagme-merienda sa cafeteria ng university campus.Napailing s

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11c

NAPAILING siya nang makailang ulit habang lumuluha. “Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kayo dumating sa buhay namin! Masaya kami ng tatay ko! Masaya kami kahit wala na si Nanay dahil magkakasama kami pero ano ang ginawa ninyo? Nang dumating kayo, nasira na ang lahat! Mas pinili kayo ng Tatay kaysa sa amin! Simula pa lang, Tiyang, alam ko nang ganito ang mangyayari. Galit kayo sa akin, ‘di ba? Hindi ninyo ikinatuwa ni minsan nang iwan ako ng mga kapatid ko kay Tatay! Galit kayo dahil nakakahati niyo ako sa pagmamahal ng tatay ko!”

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11b

MARAHAN siyang napailing. Mabuti pa ang panyolito at sa lahat ng oras na kailangan ng dalaga ay naroon, samantalang siya…Nagtagis ang kanyang mga ngipin dahil sa guilt na agad niyang nadama.Anastacia trusted him. Ipinagtiwala nito ang sarili sa kanya. She was totally naïve…very innocent at sinamantala naman niya iyon para paikutin ito. Naisip niya, ano naman kung malaman nitong kasama niya si Portia nang gabing iyon? Alam naman nito ang relasyon niya sa dalaga. Ang mahalaga ay naging tapat siya pero hindi nga gayon ang nangyari. Ngayon ay wala siyang maidahilan sa sarili kung bakit siya nagsinungaling rito.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 9b

“BAKIT?” taka niyang tanong dito habang nagpipilit na hindi makabangga ng mga taong nadadaanan.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 9a

Normal 0 14

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 8b

“NILUTO

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 8a

Normal 0 14

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy