loading
Home/ All /Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino/Chapter 2

Chapter 2

Author: Yesha Lee
"publish date: " 2020-07-30 17:14:47

NANG magmulat ng mga mata ay natagpuan ni Orange ang sarili na nakikipagtitigan sa magagandang mga mata ng lalaking kaharap. Kung hindi pa niya narinig ang komosyon sa kanyang likuran ay hindi siya matatauhan. Agad niyang nilingon ang pinanggalingan. Natanaw niya ang humahangos na sina Darlene, Divina at Racy. Galit na galit ang mga ito at tila mga asong lobo na handang lumapa ng tao. Gayunman ay malayo pa ang mga ito kaya nagawa pa niyang humingi ng saklolo sa lalaking kaharap.

"Itago mo 'ko!" aniya sabay hablot sa kuwelyo ng suot nitong polo.

"Huh? Sino ang mga iyan?" tanong nitong tila biglang nalito. Ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya ay agad na sumunod sa direksiyong kanyang tinitingnan.

"Huwag ka nang magtanong! Basta itago mo 'ko!"

"Bakit ka ba nila hinahabol?

"Basta itago mo 'ko!"

"Wait!"

Hindi na niya nagawang makipagtalo sa lalaki dahil narinig na niya ang papalapit na yabag ng mga paa ng mga humahabol sa kanya. Wala siyang aasahan sa lalaking ito. Kailangan niyang makalayo, kung hindi ay manghihiram siya ng mukha sa askal maya-maya lang. May report pa naman siya sa Math bukas. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya kung magpapahuli siya sa kulto ni Divina? Dahil doon ay mabilis siyang nagpasyang tumalilis pero hindi pa man siya nakalalayo ay may humaklit na sa kanyang braso. Nang lumingon siya ay napasubsob siya sa dibdib ng estrangherong lalaki. Ang mga sumunod na pangyayari ay gumulat sa kanya.

"WHAT do you want?" malakas na tanong ng lalaki sa mga humahangos na bagong dating.

"Huwag kang makialam dito. Ibigay mo sa amin ang babaeng iyan!" ani Divina pero ni hindi natinag ang lalaki. Sa halip ay kinabig pa siya nito palapit. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito.

"Bakit ko iyon gagawin? Alam kong sasaktan niyo siya."

"Wala ka nang pakialam kung saktan man namin siya, Carlo! Huwag mo na siyang ipagtanggol dahil hindi mo alam ang pinaggagagawa ng babaeng iyan!" That was Darlene. Nakapagtatakang nagtu-twinkle ang mga mata nito sa kabila ng paghahabol ng hininga.

"I told you, I'm not gonna let her deal with you. Look at yourselves, mukhang handa kayong pumatay ng tao. What do you want?"

Napamaang siya sa pag-alsa ng boses ng lalaking ang pangalan pala ay Carlo. Hindi niya maintindihan kung ano ang kakaibang uri ng damdaming bumabangon sa dibdib niya sa mga sandaling iyon.

"Siya ang kailangan namin dahil may atraso pa siya sa amin so please, huwag ka nang makialam dito!"

"Hindi ko siya ibibigay sa inyo kahit ano pa ang sabihin ninyo so leave us now, please."

Nagkatinginan ang tatlong babae. Bakas sa anyo ng mga ito ang pagtataka.

"Kilala mo ba siya at ganyan na lang ang pagtatanggol mo sa kanya?"

Carlo glanced at her but the moment he did, she felt something squeezed her heart. 'Huh? Ano iyon?'

"Of course."

Napatanga siya sa naging tugon nito. Siya, kilala ni Carlo? Ngayon nga lang niya nakita ang lalaking ito. Paano siya nitong nakilala?

"She's Anastacia del Mar," he said and looked at her again then continued, "ang babaeng nililigawan ko.

Tila iisang tinig na nag-echo sa kabuuan ng pasilyo ang bulalas ng tatlong dalagang hindi makapaniwala sa narinig.

"Nililigawan? Paanong nangyari iyon? Hindi ba at transferee ka dito sa St. Anne?"

Sinikap niyang pigilan ang pagtawa sa nakitang pagkagimbal sa anyo ni Darlene. Daig pa nito ang binagsakan ng langit at lupa sa pagkatigagal. Ang ningning ng mga mata nito kanina lang ay agad na naglaho at napalitan ng matinding gulat at iritasyon.

"Yap but I've met her the very first day I stepped my foot here. I told her I like her and I want her to be my girl."

Napasinghap si Darlene gayundin si Divina.

"You like this girl, Carlo? Hindi mo ba alam na gusto ka rin ni Marsha?"

Lumipad ang tingin niya sa nagtanong na si Racy. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Marsha? Your friend?"

"Yes!" halos magkakapanabay na sagot ng tatlo.

"I see."

"You see? Step sister lang naman ni Marsha ang babaeng iyan, Carlo!"

'Holy cow! Ano na naman ang nasuong mong gulo, Anastacia!'

"BAKIT ka nagsinungaling sa kanila? Hindi mo iyon dapat ginawa!" agad na sumbat ni Orange kay Carlo nang sa wakas ay iwan sila ng tatlong bruha. Pakiramdam niya ay tapos na ang kanyang maliligayang araw sa mundong ibabaw.

"Well, I just wanted to help." Kunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ka nakatulong kung ganoon; ipinahamak mo ako!" Nalukot na ang mukha niya sa puntong iyon. Na-imagine niya kasi ang kanyang ulo na halinhinang ipinagwawagwagan ng magkapatid na Marsha at Hanna. May umeksena pang isang bruha sa likod niya, ang dakilang ina ng mga ito na walang iba kundi si Tiya Rosa. Siguro ay halos matungkab na ang anit niya pero sige pa rin ang mga ito sa kasasabunot.

"What's with you and Marsha? May problema ba kayo?"

Napapiksi siya nang maramdaman ang kamay ni Carlo sa kanyang siko.

"Easy! Inaalalayan lang kita, okay. Easy!" anito. Napatango naman siya at pinabayaan na ito sa ginagawa. Iginiya siya nito palapit sa isang bench na nasa tagong bahagi ng building at doon siya pinaupo.

"Hindi kami close dalawa. Hindi naman kasi talaga kami magkapatid. Anak na siya ng madrasta kong si Tiya Rosa bago pa sila magsama ng tatay ko."

"May kinalaman ba iyon sa nangyari kanina?"

She heaved a sigh then looked away. "Oo. Kaibigan ng tatlong bruhang iyon si Marsha. Hayun, inaway ako kanina. Inaagaw ko raw kasi lahat ng lalaking gusto ng babaeng iyon."

Ilang saglit niyang hinintay ang isasagot ni Carlo pero walang tugon buhat rito. Nang lingunin niya ito ay mataman itong nakatingin sa kanya. Bahagya siyang nailang dahil tila sinusuyod nito ng tingin ang kabuuan niya.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Isang ngiti ang alam niyang pilit nitong sinupil bago sumagot. "Iniisip ng kapatid mo na threat ka sa kanya, ganoon?

"Siguro. Ano'ng nakakatawa?"

"I didn't say it's funny!"

"Pero nagpipigil ka ng tawa! At kung makatingin ka, parang hindi ka makapaniwala sa sinabi ko. Bakit? Hindi ba obvious ang dahilan kung bakit pinipili ako ng mga lalaking iyon kaysa kay Marsha?"

Noon humagalpak ng tawa si Carlo. Agad na namula ang mga pisngi niya. Ano ang ibig ipakahulugan ng tawang iyon? Aminado siyang maganda si Marsha. Tisay nga ito kung tutuusin samantalang siya ay isang simpleng negrita lamang. Ano ngayon kung negrita? Hindi hamak namang mas expressive ang mga mata niya kaysa sa mga mata ni Marsha. At ang mga labi niya, walang panama ang mga labi ni Angelina Jolie. Higit kasing kissable ang mga iyon kaysa sa mga labi ng mga artistang obvious namang nagpa-collagen!

"Ano'ng nakakatawa?" iritado niyang tanong. Kung close lang sila ni Carlo ay kanina pa nag-landing ang palad niya sa pisngi nito.

"Wala naman. I like your confidence. Very solid." Yumugyog na naman ang mga balikat nito.

"Sabihin mo, nakikita lang ng mga mata mo ang sagot sa tanong mo!

"Wow!"

"Wow talaga! Diyan ka na nga!" Tumayo siya at humakbang palayo rito pero agad itong humabol at umagapay sa kanya.

"Teka lang! Ang init naman ng ulo mo!"

"Layuan mo na ako mula ngayon, okay! Huwag na huwag kang mag-e-exist sa lugar na naroon ako dahil kung hindi, mapapahamak na naman ako sa kulto ni Divina! Naiintindihan mo?"

"Ganyan ka ba mag-thank you sa tumutulong sa'yo?"

"Hindi mo ako tinulungan, FYI! Itinulak mo 'ko sa peligro!"

"Kung peligro man ang tawag mo doon eh kasama mo naman ako! I told them I like you. Hindi ka nag-iisa dahil isinali ko ang sarili ko sa issues mo, Anastacia."

Napahinto siya sa paglalakad. "Saglit nga. Paano mo nga pala nalaman ang totoo kong pangalan?"

Muli ay isang ngiti mula kay Carlo bago nito inginuso ang ID niyang nakasabit sa kanyang leeg.

"Ah, oo nga pala. O sige, mauna na ako."

"Sandali lang, Anastacia!"

"Orange sinabi! Orange na lang ang itawag mo sa akin at isang paalala lang, never call me Angge, okay? Ipababaril kita sa Luneta oras na itawag mo iyan sa akin!"

"Okay!" Hinaklit nito ang isa niyang braso kaya awtomatiko siyang napalingon dito.

"What?"

"My name is Carlo. Carlo Eruel dela Peña."

"Ah..." Napatango-tango siya. "Okay."

Fine Arts ang kinukuha ko. Ikaw?" He smiled. Iyong tipo ng ngiti na mahirap hindi titigan. Ang kaso, kailangan niyang kalabanin ang sarili kung gusto pa niyang mabuhay. Marsha liked Carlo. Sa kanya na lang ang lalaking ito kung ang kapalit niyon ay ang kaligtasan ng kanyang anit.

"BS Math," aniya.

"Magaling ka pala sa Math."

"Hindi! Magaling ako sa English!" Mabilis na siyang humakbang matapos alisin ang kamay nito sa kanyang siko.

Narinig niya ang sigaw nito, itinatanong ang oras ng bakante niya pero hindi na niya ito nilingon. Definitely, Carlo will never be one of those boys na iibigin niyang pangarapin. Kahit guwapo pa ito. At kahit tila namumutok ang uniform nito dahil sa nagyayabang nitong abs.

"ALAM ko na kung sino ang tinutukoy mo, girl. Si Carlo nga iyon, ang transferee na kinahuhumalingan ng step sister mong bruha."

She rolled her eyes. Kunwa'y walang halaga ang sinabi nito.

"O, bakit ganyan ang reaksiyon mo? Hindi ba dapat ay kinikilig ka dahil guwapo ang tagapagtanggol mo?"

"Paano naman akong kikiligin e naaalala ko ang ginawa niyang panghahamak sa akin. Imagine, tinitigan niya ako nang tulad nito." Pinukol niya ng tingin si Chikki tulad ng paraan ng pagkakatingin ni Carlo sa kanya habang sinasabi niya rito ang dahilan ng galit sa kanya ni Marsha. Napatigil siya sa ginagawa nang tumawa nang malakas ang kaibigan. "What's funny?" tanong niya.

"Tiningnan ka niya nang ganoon? Ibig sabihin, hindi siya naniniwala sa'yo?"

Umingos siya at lalong nainis sa narinig. "Wala akong pakialam kung hindi siya naniniwala sa akin. Ano kung mas maganda sa akin ang Marsha na iyan? Sa Fairy Tales, bruha pa rin siya at ako ang bida. Ako kaya ang naaapi dito!"

"Sino ang nagsabing ikaw ang naaapi? Ako? Ikaw? May maniniwala ba sa'yo kung mismong tatay mo ay hindi ka kinakampihan?"

Natigilan siya sa narinig at mabilis na naglakbay ang isip sa isang tagpong hindi niya ibig balikan.

"Iyang magaling ninyong anak ang gumawa nito sa mukha ko! Tingnan mo Papu, tingnan mo!"

Tumalim ang tingin niya kay Hanna. Ang totoo ay inaasahan na niyang uunahan siya nitong magsumbong pero napakalaki niyang tanga dahil hindi niya iyon nagawan man lamang ng paraan.

"Totoo ba ang sinabi niya, Anastacia? Kinalmot mo sa mukha ang kapatid mo?"

Kapatid mo...Kung sana ay totoo niyang mga kapatid sina Hanna at Marsha, marahil ay magagawa niyang pagpasensiyahan ang mga ito. Siguro ay magagawa niyang palampasin kahit saktan siya at pagtulungan ng mga ito sa araw-araw. Pero hindi nga niya kaanu-ano ang dalawa. Ni hindi mga kaibigan. Paano siya magpapasensiya nang paulit-ulit?

Pagdating niya sa bahay kanina ay agad niyang pinasok ang sariling silid at laking gulat niya nang makitang nasa harap ng tokador niya si Hanna. Lalo na siyang nabigla nang makitang hawak nito ang kanyang pinakatatagong wallet. Ang wallet na ilang buwan niyang pinag-iipunan ng perang ipambibili niya ng regalo sa ama para sa nalalapit nitong kaarawan.

"Akin 'yan!" sigaw niya hustong nakalapit dito. Pilit niyang inaabot ang wallet niyang hawak nito.

"Ano ba?!" galit naman nitong tugon sabay layo sa kanya.

Napabuga siya ng hangin sa matinding inis. At ito pa ang may karapatang umakto nang ganoon? At tila balewala lang dito na nahuli niya itong pinakikialaman ang mga gamit niya.

"Hindi mo dapat pinakialaman ang gamit ko, Hanna! Hindi ko naman pinapasok ang silid ninyo ah!"

"Eh ano ngayon?" mapakla nitong sabi sabay ngisi. "Pinapakuha ni Mama 'yung dress mong puti at hihiramin daw ni Marsha kaya ako narito. Malay ko ba namang may wallet ka pala rito!"

"Bakit ninyo basta gagalawin na lang ang gamit ko nang hindi ko alam? Hindi ba puwedeng hintayin niyo muna ako at saka hiramin ang kung ano mang gamit na kailangan ninyo sa akin?"

"Ang dami mong arte ha! Pasalamat ka nga at pagtitiyagaan ni Ate ang dress mo. If I know, mukhang pangmahirap iyon!"

"Ganoon naman pala, bakit kailangan ninyong magtiyagang manghiram sa akin? Ibigay mo na nga sa akin ang wallet ko at lumabas ka na dito!"

Sa halip na sumunod ay nameywang si Hanna sa kanyang harapan. "Ibibigay ko ito sa iyo sa isang kondisyon." Ngumisi pa ito na lalong nagpainit sa kanyang tuktok.

"Anong kondisyon?"

"Igagawa mo ako ng loveletter for Antonio."

"Antonio? Sino iyon?"

"Huwag ka na ngang magtanong! Basta igawa mo ako!"

Napilitan siyang umoo para lang tumigil na ito. Mabilis itong napangiti at saka tumalikod. Pagbalik nito ay may dala ng isang stationery pad at saka ballpen.

"Ayusin mo ha. Sabihin mong willing akong maghintay kung hindi pa siya handang manligaw. Basta ako lang ang liligawan niya."

Napatingala siya rito pero agad ding napayuko nang mabilis nitong kutusan sa ulo.

"Huwag mo na akong tinitingnan nang ganyan! Sulat na!"

"Bakit ba? Masamang tumingin?" tanong niya rito. Gayunman ay kapos iyon sa tapang kaya ni hindi man lang nasindak si Hanna.

"Oo, masama! Tandaan mong nasa akin pa rin ang wallet mo. Ikaw din, baka magsisi ka kapag ipinambili ko ito ng -"

"Heto na nga kaya tumahimik ka na!"

Napangiti si Hanna nang magsimula siyang magsulat. Ang siste, habang nagsusulat siya ay apura ang salita nito. Ang dami nitong sinabi at pinabago nang matapos niya ang sulat. Sa huli, halos ay maubos na niya ang buong stationery pad dahil sa dami ng nagamit niyang papel.

"O, hayan na." Iniabot niya rito ang papel.

"Itiklop mo muna."

"Pati ba naman tiklop ay hindi mo alam? Boblaks talaga?"

"May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko, ang ganda ng papel mo, pink na pink. Pero dahil lalaki siya ay mas maganda kung black, hindi ba."

"Niloloko mo ba ako?" Siniko siya nito.

"Bakit na naman?"

"May black bang stationery?"

"Bakit? Hindi ka pa nakakakita? Meron kaya!"

"Ang ibig kong sabihin, stationery na pang love letter! Paanong pupuwede ang black e 'di hindi na nakita ang sulat hindi ba?"

'Ay sadyang boblaks nga...'

"May sinasabi ka na naman, Angge ka!"

"Meron nga."

"Tingnan mo na!" Hinablot nito ang buhok niya pero agad niya itong pinigilan.

"Ano ba? Ang sabi ko, meron. Merong black na stationery paper. Meron naman talaga pero siyempre, hindi itim ang pangsulat doon kundi 'yung something na magiging visible ang tinta sa itim na papel."

Binitiwan siya nito. "Linawin mo ang sinasabi mo! Mamaya, sisikaran na kitang talaga!" Tumalikod na ito.

"Teka, teka! Nasaan ang usapan natin?" maagap niyang tanong bago ito tuluyang tumalikod.

"Anong usapan?"

"Yung wallet ko?"

"Anong wallet?" Niyuko nito ang sarili at ang hawak nitong wallet. "Ah, ito ba?"

Tumango siya at inilahad ang palad para sa pagsasauli nito ng kanyang wallet pero agad din siyang natigilan nang mahawakan iyon. Nanibago siyang bigla at madaling kinabahan. "Nasaan ang pera ko?" bulalas niya nang mabuksan ang wallet at matagpuang wala iyong laman liban sa beinte pesos.

"Anong pera? Huwag kang namimintang diyan ha. Iyan lang ang laman ng wallet mo."

Mabilis siyang napailing. "Mahigit isang libong piso ang laman nito, Hanna! Huwag mo akong gawing tanga!"

"Aba't pinagbibintangan mo nga akong talaga!" Bigla nitong hinablot ang buhok niya at saka iyon hinatak. Agad na nanakit ang kanyang anit. Nakiusap siya dito pero balewala rito ang mga sinasabi niya. Sige pa rin ito sa kasasabunot.

"Tama na!" sigaw niya. "Tama na, ano ba! Nasasakta ako, Hanna!"

"Talagang masasaktan ka dahil ang lakas ng loob mong mambintang! Pinalilitaw mo bang magnanakaw ako?"

"Mahigit isang buwan kong iniipon iyon, tapos ay kukunin mo lang! Tumupad naman ako sa usapan natin tungkol sa sulat ah! Madaya ka!"

Muli nitong hinablot ang kanyang buhok. Noon umingit ang pinto ng silid. Napalingon si Hanna doon kaya sinamantala niya iyon para makaganti rito. Hinablot din niya ang buhok nito pero dahil lumalaban ito ay hindi na niya namalayang nakalmot niya ito sa pisngi. Daig pa nito ang tigre kung makaangil sa ginawa niya.

"Anastacia!"

Halos maiyak siya sa panlulumo nang malingunan sa gawi ng pinto ang nagtatanong na anyo ng ama. Nang balikan niya ng tingin si Hanna ay umiiyak na ito na animo inapi nang husto. Bahagyang dumudugo ang pisngi nito kaya naman ganoon na lang ang pagdalo ng kanyang ama sa dalaga.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 15

“HEY, ‘Ma, what are you laughing at?” tanong ni Carlo nang mabungaran ang ina na humahagikgik. Nasa likod ito ng pinto ng dirty kitchen at nakatingkayad pa habang may kung anong sinisilip. Tila gulat na gulat naman ito nang makita siya, inayos ang sarili at saka tumikhim.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 14

NAKALILIYONG sensasyon ang ngayon ay nararamdaman ni Anastacia. Carlo was staring at her as if she was the prettiest woman living on Earth. Hindi magkasya ang tuwa sa puso niya. Ang makasama lang si Carlo ay masaya na siya, ang matitigan pa kaya nito!

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 13

“ANONG oras ba darating ang parents mo?” Pabalik-balik sa paglalakad sa kabuuan ng sala ni Carlo si Orange, animo hinahabol ng kung ano.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 12

“KAWAWA naman pala ang Tiya Rosa mo, Beshie. Hindi ko naman akalaing ganoon pala ang lovestory nila ni Tito Romy,” malungkot na sabi ni Chikki kay Orange habang magkasama silang nagme-merienda sa cafeteria ng university campus.Napailing s

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11c

NAPAILING siya nang makailang ulit habang lumuluha. “Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kayo dumating sa buhay namin! Masaya kami ng tatay ko! Masaya kami kahit wala na si Nanay dahil magkakasama kami pero ano ang ginawa ninyo? Nang dumating kayo, nasira na ang lahat! Mas pinili kayo ng Tatay kaysa sa amin! Simula pa lang, Tiyang, alam ko nang ganito ang mangyayari. Galit kayo sa akin, ‘di ba? Hindi ninyo ikinatuwa ni minsan nang iwan ako ng mga kapatid ko kay Tatay! Galit kayo dahil nakakahati niyo ako sa pagmamahal ng tatay ko!”

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11b

MARAHAN siyang napailing. Mabuti pa ang panyolito at sa lahat ng oras na kailangan ng dalaga ay naroon, samantalang siya…Nagtagis ang kanyang mga ngipin dahil sa guilt na agad niyang nadama.Anastacia trusted him. Ipinagtiwala nito ang sarili sa kanya. She was totally naïve…very innocent at sinamantala naman niya iyon para paikutin ito. Naisip niya, ano naman kung malaman nitong kasama niya si Portia nang gabing iyon? Alam naman nito ang relasyon niya sa dalaga. Ang mahalaga ay naging tapat siya pero hindi nga gayon ang nangyari. Ngayon ay wala siyang maidahilan sa sarili kung bakit siya nagsinungaling rito.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11a

“HOY, Bff, ha

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 10c

MABUTI na lan

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 10b

MATAPOS niyang ihatid si Portia kanina ay agad na siyang nagpaalam sa dalaga na uuwi. Natural na hindi agad pumayag ang nobya.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 10a

SA HALIP

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy