loading
Home/ All /Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino/Prologue

Prologue

Author: Yesha Lee
"publish date: " 2020-07-30 17:13:48

NAIINIS ako! Paano ba namang hindi gayong umaga pa lang ay wala nang habas sa katatalak ang aking madrasta...

"Angge, nasaan ka bang tinamaan ka ng lintik na bata ka at napakabingi mo?"

"Sorry Tiyang, naglalaba pa kasi ako..." sagot ko habang tumatakbo palapit kay Tiya Rosa.

"Aba'y bakit mo pinagsabay ang pagsasaing at paglalaba eh hindi mo naman pala kayang pangasiwaang pareho? Tingnan mo ang kanin...tutong! Kung itapal ko kaya iyan sa mukha mo?!"

"Tiyang naman..."

Tiyang naman...dalawang salitang lagi ko na lang sinasabi bilang tanda ng pakikiusap sa aking tiyahin, pero sa huli, mali pa rin ako. Igigiit pa rin niya na siya ang tama at ako'y isang hamak na mangmang sa mundong ginagalawan niya at ng kanyang mga anak sa una niyang asawa.

Ako si Orange...Orange del Mar pero alias ko lang iyan. Ang totoo kong pangalan? Anastacia del Mar. Tinawag lang naman akong Orange dahil palagi akong pinagtitinda ni Nanay ng dalandan, suha, ponkan at kahel noon pa mang bata ako. Nahinto lang iyon nang mamatay si Nanay dahil sa sakit na anemia. Siguro, iyon ang sakit na nakuha niya kakakain ng maaasim naming paninda. Ewan. Sabi kasi ni Tiya Rosa, ang totoo raw ikinamatay ni Nanay ay kunsilitis - pinagsamang kunsomisyon at diabetes. Siyempre, naniniwala naman ako dahil mabuti naman silang magkaibigan mula pa sa pagkabata nila. Sa sobra ngang ganda ng kanilang friendship, inarbor pa ni Tiya Rosa si Tatay nang igupo ng sakit at tuluyang namatay si Nanay.

Malapit na sana akong maka-graduate noon. Ilang araw na lang at maiaakyat ko na si Nanay sa stage ng school namin na noon ay bagong gawa pa lang. Proud ako, siyempre dahil sa wakas ay mahahawakan ko na rin ang aking diploma. Pahirapan man ang pag-uusap tungkol sa usaping pagkokolehiyo, ang importante ay tapos na ako ng high school. Ano't-ano man, puwede akong dumiskarte sa sarili kong paraan para makatapos. Thank God, hindi ako inabutan ng Kto12! Kung hindi, uugud-ugod na siguro si Tatay ay nag-aaral pa rin ako.

Hay...sayang talaga. Hayun na e. Ramdam ko na ang diploma. Doble pa ang saya ko dahil sa award na ipagkakaloob ng paaralan. Sayang na sayang. Graduation Day mismo nang mamatay si Nanay. Gumagayak siya habang ako naman ay inaayusan ni Bubbles, ang bading na kapatid ng best friend kong si Chikki. Kaya pala ang tagal niya sa banyo...wala na pala siya. Sayang na sayang talaga. Hindi na niya nakita nang naluluha kong inabot ang aking diploma gayundin ang aking loyalty award.

Iyon ang simula. Tatlong buwan matapos ilibing si Nanay ay sumulpot sa bahay namin si Tiya Rosa. Ang bait niya noon; ang dami niyang dalang prutas at kung anu-anong pagkain. Nagtaka ako pero dahil itinuro ni Nanay na huwag daw masyadong maging mabait dahil madalas daw sa hindi ay mas kailangan nating maging paranoid sa lahat ng bagay kaya diniretsa ko si Tiyang.

"Para saan po ang lahat ng ito?" tanong ko.

Umismid si Tiya Rosa pero saglit lang iyon nang makita niyang sagad hanggang buto ang uri ng pagkakatingin ko sa kanya. "Ayaw mo ba, Orange?"

Inabot ko ang isang black chocolate at saka pinangos. "Gusto po pero bakit? Hindi naman kayo ganito dati nang buhay pa si Nanay."

Iwinasiwas ni Tiyang ang mga kamay nito habang nagsasalita. "Ikaw naman! Natural ay hindi puwede noon dahil buhay pa si Bessy. Ngayong wala na siya, puwede ko nang gawin ito."

"Bakit naman po? Mahilig din naman si Nanay sa chocolate at puwedeng-puwede kayong magdala kahit noon."

"Gaga ka talaga! Gusto mo bang isipin ng nanay mo na excited na akong mamatay siya?" Bumulong pa si Tiyang pero narinig ko din ang sinabi niya "Ka-shunga talaga..."

"Po? May sinasabi kayo?" lakas-loob kong tanong.

"Ang sabi ko, cashew...humanap ka ng may cashew nuts at iyon ang pinakamasarap sa lahat."

Nagniningning pa ang mga mata ni Tiyang habang ako naman ay napapakunot na ang noo. Ano ba ang akala niya sa akin, shunga nga? Tanga? Baka akala niya ay hindi ko nararamdaman na may interes siya kay Tatay. Kahit naman noong buhay pa ang Nanay ay obvious ang kislap ng mga mata niya kapag si Tatay ang kausap. Mabait lang talaga si Nanay dahil sa kabila noon ay patuloy niyang pinakitunguhan nang maayos si Tiya Rosa.

Magsasalita pa sana ako upang hanapin ang chocolate na may cashew nuts na ipinagmamalaki niya nang biglang dumating si Tatay. Ang akala ko ay magugulat siya sa pagdalaw ng aming bisita pero sa halip ay heto ang dialogue niya.

"Bakit ngayon ka lang, Ross?"

Huh? Ross? Kailan pa tinawag ni Tatay ng Ross si Tiyang?

Nang mag-beautiful eyes ang matanda ay nahulaan ko na ang mga susunod na mangyayari. Ang sakit. Bakit naman ganoon si Tatay? Tatlong buwan pa lang buhat nang mawala si Nanay pero heto at nakikipagngitian na siya kay Tiya Rosa. Ang mas masakit pa, mag-bestfriend nga ang dalawa.

"Tay," sabad ko. "Hindi ba tayo dadalaw sa puntod ni Nanay ngayon?"

Bahagya lang pinansin ni Tatay ang aking sinabi. Busy kasi siya sa pakikipagtitigan kay Tiyang kaya sumiksik ako sa gitna nilang dalawa at saka ko kinuha ang atensiyon ni Tatay.

"Tay, hindi ba tayo--"

"Kayo na lang ng dalawa mong kapatid. May aasikasuhin ako," tugon nito habang walang kakurap-kurap ang mga mata.

"Aasikasuhin? Si Tiyang ba ang aasikasuhin mo, 'Tay?" tanong ko. Hindi ko kasi mapigilan ang hinanakit ko noon.

Doon ko nakuha ang atensiyon ni Tatay. 'Yung baling niya sa akin na iyon ay daig ko pa ang masamang tao na inuusig ng hukom.

"Itikom mo ang bibig mo, Anastacia! Hindi mo ako dapat pinagsasalitaan nang ganyan dahil wala kang alam!"

Hayun. Ini-stress na naman ni Tatay. Doon siguro nagkaroon ng idea si Tiyang na wala akong alam. Sa maikling salita - shunga...mangmang... eng-eng. Iyon nga siguro ang simula kung bakit mula noon hanggang magsama ang dalawa sa aming bahay-na ang Nanay ang naghirap na magpagawa-ay walang respeto si Tiyang sa akin.

Nagbalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang may maramdaman akong mainit sa aking palad. Nang yukuin ko ang aking kamay ay may nakatapal nang kanin doon - bagong luto at umuusok pa. Napahiyaw ako sa sobrang sakit habang nakaismid si Tiya Rosa.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 15

“HEY, ‘Ma, what are you laughing at?” tanong ni Carlo nang mabungaran ang ina na humahagikgik. Nasa likod ito ng pinto ng dirty kitchen at nakatingkayad pa habang may kung anong sinisilip. Tila gulat na gulat naman ito nang makita siya, inayos ang sarili at saka tumikhim.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 14

NAKALILIYONG sensasyon ang ngayon ay nararamdaman ni Anastacia. Carlo was staring at her as if she was the prettiest woman living on Earth. Hindi magkasya ang tuwa sa puso niya. Ang makasama lang si Carlo ay masaya na siya, ang matitigan pa kaya nito!

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 13

“ANONG oras ba darating ang parents mo?” Pabalik-balik sa paglalakad sa kabuuan ng sala ni Carlo si Orange, animo hinahabol ng kung ano.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 12

“KAWAWA naman pala ang Tiya Rosa mo, Beshie. Hindi ko naman akalaing ganoon pala ang lovestory nila ni Tito Romy,” malungkot na sabi ni Chikki kay Orange habang magkasama silang nagme-merienda sa cafeteria ng university campus.Napailing s

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11c

NAPAILING siya nang makailang ulit habang lumuluha. “Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kayo dumating sa buhay namin! Masaya kami ng tatay ko! Masaya kami kahit wala na si Nanay dahil magkakasama kami pero ano ang ginawa ninyo? Nang dumating kayo, nasira na ang lahat! Mas pinili kayo ng Tatay kaysa sa amin! Simula pa lang, Tiyang, alam ko nang ganito ang mangyayari. Galit kayo sa akin, ‘di ba? Hindi ninyo ikinatuwa ni minsan nang iwan ako ng mga kapatid ko kay Tatay! Galit kayo dahil nakakahati niyo ako sa pagmamahal ng tatay ko!”

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11b

MARAHAN siyang napailing. Mabuti pa ang panyolito at sa lahat ng oras na kailangan ng dalaga ay naroon, samantalang siya…Nagtagis ang kanyang mga ngipin dahil sa guilt na agad niyang nadama.Anastacia trusted him. Ipinagtiwala nito ang sarili sa kanya. She was totally naïve…very innocent at sinamantala naman niya iyon para paikutin ito. Naisip niya, ano naman kung malaman nitong kasama niya si Portia nang gabing iyon? Alam naman nito ang relasyon niya sa dalaga. Ang mahalaga ay naging tapat siya pero hindi nga gayon ang nangyari. Ngayon ay wala siyang maidahilan sa sarili kung bakit siya nagsinungaling rito.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11a

“HOY, Bff, ha

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 10c

MABUTI na lan

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 10b

MATAPOS niyang ihatid si Portia kanina ay agad na siyang nagpaalam sa dalaga na uuwi. Natural na hindi agad pumayag ang nobya.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 10a

SA HALIP

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy